Araling Panlipunan 8 Unang Markahan – Modyul 1 Katangiang Pisikal ng Daigdig PDF

Document Details

SilentEpitaph

Uploaded by SilentEpitaph

2020

Emely B. Pactorayan, Elgemary S. Abata, and others

Tags

geography physical characteristics earth science philippines education

Summary

This is a study material for Grade 8 Filipino students focusing on the physical characteristics of the Earth. It provides information and activities related to geography, including topics on continents, oceans, and physical features.

Full Transcript

8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1 Katangiang Pisikal ng Daigdig Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magk...

8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1 Katangiang Pisikal ng Daigdig Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Emely B. Pactorayan, Elgemary S. Abata Mga Editor: Filipina F. Meehlieb, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito, Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Lalaine S. Gomera, Dan Ralph M. Subla Mga Tagasuri: Marino L. Pamogas , Joel P. Plaza, Leowenmar Corvera, Edwin C. Salazar, Honorato Mendoza, Edwin Capon Tagaguhit: Neil W. Maca Tagapaglapat: Paul Andrew A. Tremedal Mga Nangasiwa: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr. Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares Karen L. Galanida, Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy Noemi D. Lim Sammy D. Altres Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969 E-mail Address: [email protected] 8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1 Katangiang Pisikal ng Daigdig Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Katangiang Pisikal ng Daigdig! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang 21st century skills habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag- aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga Alamin dapat mong matutuhan sa modyul. Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano Subukin na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang iyong mga sagot sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto na makikita sa huling bahagi ng modyul. iii Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyo na panibagong gawain upang pagyamanin ang kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng mga pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ang pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaaring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino mang kasamahan mo sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, mararanasan mo ang makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! iv Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon. v Alamin Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan at masusuri ang kahulugan ng heograpiya, ang limang tema na napapaloob dito at kung paano nakikiayon ang tao sa kaniyang pisikal na kapaligiran upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot. Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig na nahahati sa sumusunod na paksa:  Paksa 1 - Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya  Paksa 2 - Estruktura ng Daigdig Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:  Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (MELC1) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:  nasusuri ang mga mahalagang konsepto sa katangiang pisikal ng daigdig;  nailalarawan ang daigdig base sa nakakapaloob sa teksto;  napapahalagahan ang mga biyayang bigay ng kalikasan para sa mga tao; at  nakakagawa ng slogan at nakakasulat ng tula tungkol sa pangangalaga ng daigdig 1 Subukin Unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig? A. antropolohiya C. heograpiya B. ekonomiks D. kasaysayan 2. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar? A. lokasyon C. paggalaw B. lugar D. rehiyon 3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya? A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan. B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia. C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan. D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. 4. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? A. Ang Germany ay miyembro ng European Union. B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga kristiyano. C. Matatagpuan ang Pilipinas sa Kanlurang ng Karagatang Pasipiko. D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan. 5. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman, at hayop. Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito? A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig 6. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya? A. interaksiyon C. lokasyon B. paggalaw D. rehiyon 2 7. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon? A. anyong lupa B. anyong tubig C. imahinasyong guhit D. estrukturang gawa ng tao 8. Ilang metro ang taas ng bundok Annapurna? A. 8 091 C. 8 093 B. 8 092 D. 8 094 9. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati sa northern at southern hemisphere? A. equator C. longitude B. latitude D. prime meridian 10. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong dagidig? A. Annapurna C. Lhotse B. Everest D. Makalu 11. Anong tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saan may patong na mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito? A. core C. cover B. crust D. mantle 12. Ayon sa datos ng mahahalagang kaalaman tungkol sa daigdig, ilang porsiyento mayroon ang tabang na tubig? A. 1% C. 3% B. 2% D. 4% 13. Anong pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito? A. latitude line C. longitude line B. lokasyong absolute D. relatibong lokasyon 14. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may pinakamaliit na sukat kilometro kuwadrado? A. Asia C. Europe B. Australia at Oceania D. South America 15. Ano ang average sa lalim ng talampakan mayroon ang Arctic Ocean? A. 3 405 C. 3 407 B. 3 406 D. 3 408 3 Aralin Katangiang Pisikal ng Daigdig 1 Balikan Gawain: Maala-ala Mo Kaya? Sariwain ang mga mahahalagang natutuhan sa nakaraang aralin. Isulat ang mga hinihinging impormasyon sa talahanayan sa sagutang papel. Mga Kontinente ng Mga Karagatan ng Mga Planeta ng Solar Daigdig Daigdig System 4 Tuklasin Gawain: Talaan ng Bituing Nagniningning Tuklasin ang mga salita na makikita sa loob ng Talaan ng Bituing Nagniningning. Pagkatapos, bumuo ng tanong na ang sagot ay ang salitang makikita sa loob ng bituin. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Talaan ng Bituing Nagniningning Globo Ekwador Daigdig Antartica Pacific Bundok Ocean Tropikal Latitud Pilipinas Halimbawa: Anong kontinente ang nababalutan ng yelo? (Antarctica) 5 Suriin Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya Nanggaling ang terminong heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Sa madaling salita, ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng mundo. Anyong Lupa at Anyong Tubig Klima at Likas na Panahon Heograpiya Yaman Distribusyon at interaksiyon Flora (Plant Life) ng tao at iba pang Fauna (Animal Life) organismo sa kapaligiran nito Noong 1984 binanghay ang limang magkakapareha na temang heograpikal na pinangunahan ng National Council for Geographic Education (NCGE) at ng Association of American Geographers (AAG). Intensiyon ng mga temang ito na gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang pagkontrol ng agham panlipunan. Dahil sa mga temang ito, mas madaling maintindihan ng tao ang mundo na kaniyang tinitirhan. Suriin ang kasunod na dayagram. 6 Limang Tema ng Heograpiya Nagsasaad sa mga lugar sa mundo. Lokasyon May dalawang paraan upang malaman ang tamang kinalagyan ng isang lugar sa mundo. Relatibong Lokasyon na ang basehan ay ang nasa paligid nito. Katulad halimbawa ng mga anyong lupa, anyong tubig at mga estrukturang gawa ng tao. Lokasyong Absolute na ginagamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng longitude at latitude line na sumasaklaw sa grid. Nagsasaad ito ng mga katangiang naaayon sa isang pook. Lugar Katangian ng mga Katangian ng taong nananahan kinalalagyan tulad tulad ng wika, ng klima, anyong relihiyon, densidad lupa, anyong tubig, o dami ng tao, at likas na yaman. kultura, at mga sistemang politikal. Nagsasaad ito sa bahagi ng daigdig na pinag-iisa na magkapareho na katangiang Rehiyon pisikal at kultural. 7 Ito ay nagsasaad sa kaugnayan ng tao sa Interaksiyon ng Tao at pisikal at katangian na may angkin ng Kapaligiran kaniyang kinaroroonan. Ang kapaligiran ang siyang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao gayon din ang pakikibagay ng tao sa mga pagbabagong nangyayari sa kaniyang ginagalawan. Nagsasaad ito ng pag alis ng tao mula sa kinalakihang lugar papunta sa ibang lugar; Paggalaw kasama din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan. May tatlong uri ng distansiya ang isang lugar. Linear Time Psycholo- -gaano -gaano gical kalayo katagal -paano ang isang ang tinatanaw lugar paglalakb ang layo ay ng lugar 8 Estruktura ng Daigdig Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiikot sa isang malaking bituin, ang araw. Sumasaklaw sa katawagan na solar system ang mga ito. Ang lahat ng may buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing sanhi ng eksaktong posisyon nito sa solar system, na siyang basehan ng pag-ikot nito sa sariling aksis at ng paglalakbay paikot sa araw bawat taon. Ang mundo ay binubuo ng crust, mantle at core. Crust - ang matigas at mabatong parte ng daigdig na ang kapal ay umaabot mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km. Mantle - isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Core - ang kailalimang parte ng daigdig na sumasaklaw ng mga metal tulad ng iron at nickel. Ang daigidig ay may apat na hating-globo (Hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng Equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian. 9 Northern Hemisphere Prime Meridian Eastern Hemisphere Western Hemisphere Equator Southern Hemisphere Napakahina ng paggalaw ng mga plate na ito at umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag- uumpugan ng mga ito ay napakalakas at naging sanhi ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang makapagsasabi kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nag-iiba-iba sa paglipas ng panahon. Talahanayan 1.1: Pinakamataas na Bundok sa Daigdig Bundok Taas (sa metro) Lokasyon Annapurna 8 091 Nepal Nanga Parbat 8 125 Pakistan Manashu 8 163 Nepal Dhaulagiri 8 167 Nepal Cho Oyu 8 201 Nepal/Tibet Makalu 8 461 Nepal/ Tibet Lhotse 8 511 Nepal Kangchenjunga 8 586 Nepal/India K-2 8 611 Pakistan Everest 8 848 Nepal/Tibet 10 Talahanayan 1.2: Mga Karagatan sa Daigdig Lawak (sa Average na Pinakamalalim na Karagatan kilometro lalim (sa bahagi kwadrado) talampakan) Arctic Ocean 14 056 000 3 407 Eurasia Basin Atlantic Ocean 76 762 000 11 730 Puerto Rico Trench Indian Ocean 68 556 000 12 596 Java Trench Pacific Ocean 155 557 000 12 926 Marianas Trench Southern Ocean 20 327 000 13 100 South Sandwich Trench Talahanayan 1.3: Ang Pitong Kontinente ng Daigdig Kontinente Lawak (kilometro Kwadrado) Australia at Oceania 8 503 000 Europe 10 505 000 South America 12 814 000 Antarctica 14 245 000 North America 24 230 000 Africa 30 218 000 Asya 44 614 000 11 Pagyamanin Gawain: Anong Tema Mo? Suriin ang bawat sitwasyon kung ito ba ay may kaugnayan sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw. Punan ang patlang ng tamang tema at isulat sa sagutang papel. 1. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. 2. Malamig na klima ang mararanasan sa Baguio. 3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa. 4. Ang malaking sahod sa bansang Germany ang nag-eenganyo sa maraming nars na Pilipino na doon magtrabaho. 5. Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng bansang India. 6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region (NCR) sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ngpansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa lungsod. 7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan. 8. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea. 9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud. 10. Portuges ang wikang ginagamit ng mga mamamayan ng Brazil. 12 Gawain: Iguhit Mo! Lagyan ng kung ito ay anyong lupa, kung ito ay anyong tubig, kung ito ay kontinente. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. _________1. Everest _________2. South Sandwich Trench _________3. Europe _________4. Australia _________5. Lhotse _________6. Pacific _________7. Marianas Trench _________8. K-2 _________9. Kangchenjunga _________10. Asia 13 Isaisip Dugtungan ang mga kataga ayon sa iyong pagkaintindi. Isulat ang mga dugtong sa sagutang papel. 1. Natutuhan ko sa aralin na ang heograpiya ay. 2. Mailalarawan ko ang mundo bilang. 3. Ang pagkakaroon ng sapat na anyong lupa at tubig ay patunay na ang daigdig ay. Isagawa Gumawa ng isang slogan tungkol sa mga maaari mong magawa upang mapangalagaan ang daigdig. Isulat ang iyong slogan sa sagutang papel. Rubric Para sa Paggawa ng Slogan Nangangailanga Mahusay Katamtaman n ng Pamantayan Puntos 5 puntos 3 puntos Pagsasanay 2 puntos Nilalaman Napakabisang Mas mabisang Mabisang naipakita ang naipakita ang naipakita ang mensahe mensahe mensahe Pagka Napakaganda at Mas maganda Maganda at malikhain napakalinaw ng at malinaw ang malinaw ang pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng mga titik mga titik mga titik Kaugnayan Napakalaki ng Mas malaking Malaking kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa paksa paksa paksa Kalinisan Napakalinis ng Mas malinis ang Malinis ang pagkakabuo pagkakabuo pagkakabuo Kabuuang Puntos 14 Tayahin Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. Anong tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saan may patong na mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito? A. core C. cover B. crust D. mantle 2. Ayon sa datos ng mahahalagang kaalaman tungkol sa daigdig, ilang porsiyento mayroon ang tabang na tubig? A. 1% C. 3% B. 2% D. 4% 3. Anong pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito? A. latitude line C. longitude line B. lokasyong absolute D. relatibong lokasyon 4. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may pinakamaliit na sukat kilometro kuwadrado? A. Asia C. Europe B. Australia at Oceania D. South America 5. Ano ang average sa lalim ng talampakan mayroon ang Arctic Ocean? A. 3 405 C. 3 407 B. 3 406 D. 3 408 6. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig? A. antropolohiya C. heograpiya B. ekonomiks D. kasaysayan 7. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar? A. lokasyon C. paggalaw B. lugar D. rehiyon 8. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya? A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan. B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia. C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan. D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. 15 9. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? A. Ang Germany ay miyembro ng European Union. B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano. C. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng karagatang Pasipiko. D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan. 10. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman at hayop. Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito? A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig. B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan. C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran. D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig. 11. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya? A. interaksiyon C. lokasyon B. paggalaw D. rehiyon 12. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon? A. anyong lupa B. anyong tubig C. imahinasyong guhit D. estrukturang gawa ng tao 13. Ilang metro ang taas ng bundok Annapurna? A. 8 091 C. 8 093 B. 8 092 D. 8 094 14. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati sa northern at southern hemisphere? A. equator C. longitude B. latitude D. prime meridian 15. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong dagidig? A. Annapurna C. Lhotse B. Everest D. Makalu 16 Karagdagang Gawain Sumulat ng isang tula na may dalawang saknong tungkol sa wastong pangangalaga sa ating daigdig. Isulat ang iyong tula sa sagutang papel. Rubric Para sa Paggawa ng Tula Katamtaman Nangangailangan Mahusay Pamantayan ang Husay ng pagsasanay Puntos 5 puntos 4 puntos 3 puntos Napakaangkop Angkop at Kakaunti ang Pagkabuo at wasto ang wasto ang angkop ang mga salitang salitang ginamit salitang ginamit sa ginamit sa sa pagkabuo pagkabuo pagkabuo. Buong husay Mahusay ang Di gaanong Nilalaman ang pagpapahayag mahusay ang pagpapahayag ng mensahe pagpapahayag ng ng mensahe mensahe Kabuuang Puntos 17 18 Isaisip Pagyamanin 1. Natutuhan ko sa aralin na ang heograpiya ay pag-aaral ng 1. Rehiyon pisikal na katangian ng daigdig gaya ng klima, lokasyon 2. Lugar hugis, topograpiya, anyong tubig, anyong lupa, mineral at 3. Interaksiyon ng Tao at iba pa. Kapaligiran 4. Paggalaw 2. Mailalarawan ko ang mundo bilang isang magandang 5. Lugar planeta sa solar system na kung saan mabubuhay ang 6. Interaksiyon ng Tao at lahat ng may buhay sa mundo. Kapaligiran 7. Paggalaw 3. Ang pagkakaroon ng sapat na anyong lupa at tubig ay 8. Lokasyon patunay na ang daigdig ay puwedeng mabuhay ang lahat 9. Lokasyon ng may buhay sa daigdig kagaya ng tao at hayop. 10. Lugar Tuklasin 1. Anong planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay? Daigdig. 2. Ano ang tawag sa isang modelo ng daigdig na kung saan makikita ang mga bansa, kontinente at karagatan? Globo. 3. Ano ang tawag sa linya na humahati sag lobo sa hilaga at timog hemisphere? Ekwador. 4. Anong karagatan ang may lalim na 12 926 sa talampakan? Pacific Ocean. 5. Saan makikita ang mga mababangis na hayop? Bundok 6. Ano ang tawag sa distansiyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog equator? Latitud 7. Anong bansa ang my tropical na klima? Pilipinas 8. Ano ang tumutukoy sa katamtamang kima at nagtataglay ng maraming puno? Tropical Balikan Subukin 1. C Mga Planeta ng Solar Mga Karagatan ng Mga Kontinente ng 2. C System Daigdig Daigdig 3. D 4. C Mercury Pacific Ocean Asia 5. D Venus Atlantic Ocean Africa 6. B Earth Indian Ocean Europe 7. C Mars Southern Ocean North America 8. A Jupiter Arctic Ocean South America 9. D Saturn Antarctica 10. B Uranus Australia at Oceania Neptune 11. D 12. C 13. D 14. B 15. C Susi sa Pagwawasto 19 Iguhit Mo! 1. Tayahin 2. 1. D 3. 2. C 3. D 4. 4. B 5. C 5. 6. C 7. C 6. 8. D 9. C 7. 10. D 11. B 8. 12. C 9. 13. A 14. D 10. 15. B Karagdagang Gawain Tula “Mundo’y Ingatan” Napakalawak ng mundo Kung iyong titingnan, ito’y napaka-amo Magandang tanawin, maraming bukirin Kaya’y mundo na tinitirhan ating ingatan Kalikasan ating protektahan Kapaligiran ating pangalagaan Sa mga panahong dumadaan Unti unting gaganda ang kinabukasan Isagawa  Bakuran mo, linisin mo.  Panatilihin ang kalinisan para sa ikakabuti ng sambayan.  Mundo ay mahalin, bakuran ay linisin Sanggunian Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS). Philippines. Department of Education. (1995). Ang Simbahang Katoliko : isang makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon – Modyul 8. Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE. Philippines. Department of Education. (1995). Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak ng Teritoryo - Modyul 14. Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE. Philippines. Department of Education. (1995). Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa Europa – Modyul 9. Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE. Philippines. Department of Education. (1995). Labanan ng mga Bansa sa Daigdig (Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig) – Modyul 17. Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE. 20 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser