Ap Reviewer Semi Third Quarter PDF
Document Details
Uploaded by PerfectAlder
Tags
Related
- Philippine Politics and Governance PDF
- Local Government and Regional Administration PDF
- American Colonial Government in the Philippines PDF
- Unit V: Socio-Economic and Political Issues in the Philippines
- Unit V: Socio-economic and Political Issues in the Philippines PDF
- Module 5: Evolution of Philippine Politics and Governance PDF
Summary
This document appears to be a summary of Philippine history and government, focusing on the Commonwealth government. It includes information on key figures, programs implemented, and economic conditions of the Philippines during a specific time period. It references significant historical events and figures from Philippine history.
Full Transcript
ANG PAMAHALAANG KOMONWELT Manuel L. Quezon- Nahalal na pangulo sa panahon ng pamahalaang Komonwelth. Sergio Osmeña- nahalal na pangalawang pangulo. Nahalal din ang 98 miyembro ng unicameral na National Assembly, ang sangay ng lehislatura ng Komonwelt. Noon...
ANG PAMAHALAANG KOMONWELT Manuel L. Quezon- Nahalal na pangulo sa panahon ng pamahalaang Komonwelth. Sergio Osmeña- nahalal na pangalawang pangulo. Nahalal din ang 98 miyembro ng unicameral na National Assembly, ang sangay ng lehislatura ng Komonwelt. Noon Ngayon Ang sangay ng lehislatura sa panahon ng Itinakda ang Saligang Batas ng 1987 na ang Komonwelt ay itinakda bilang unicameral sangay ng lehislatura ng bansa ay bicameral o o binubuo ng dalawang kapulungan: ang House binubuo lamang ng isang kapulungan of Representatives at Senado. Mga Programang Ipinatupad ng Pamahalaang Komonwelt 1. TANGGULANG PAMBANSA -naunang programang ipinatupad ng pamahalaang Komonwelt ay ang pagpapalakas ng pambansang tanggulan -Ipinasa ng National Assembly ang Commonwelt Act No. 1 o ang National Defense Act. National Defense Act.- Nilayon ng batas na ito na makabuo ng sandatahan na binubuo ng 10 000 at 400 000 reserve force sa pagtatapos ng 10 ng komonwelt. - Ang mga lalaking may edad 21 pataas ang sasailalaim sa 5 ½ pagsasanay. - Itinakda din ng batas na ito ang pagtatayo ng hukbong dagat at hukbong panghimpapawid 2.Ekonomiya-Malaki ang suliraning kinaharap ng pamahalaan nang nagsimula itong itatag. - 1937 binuo ni Pangulong Franklin Roosevelt ng Estados Unidos ang Joint Preparatory Committee for the Philippine Affairs (JPCPA) para pag-aralan ang sitwasyon ng ekonomiya ng Pilipinas. - Pagkatapos ng isang taong pag-aaral ay inirekomenda ng komite na magkaroon ng 15 taon palugit sa pagtaas ng buwis sa mga produktong iniluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos. Magsisimula ito sa 25% sa 2946 at madaragdagan ng 5% kada taon hanggang sumapit ng 1961. Inirekomenda rin ng komite na patawan ng buwis ang mga produktong ipinapasok naman ng Estados Unidos sa Pilipinas. Philippine Economic Adjustment Act o ang TydingsKocialkowski Act noong 1939-ipinasa ng Kongreso ng nEstados Unidos. Dito, sa halip na sundin ang buong rekomendasyon ng JPCPA ay inalis ang mga probisyong may kinalaman sa ugnayan ng dalwang bansa pagkatapos ng 10 taong transisyon. National Economic Protectionism Association nanag lalayong hikayatin ang mga Pilipino na tangkilikin ang mga lokal na produkto. National Economic Protectionism Association na naglalayong hikayatin ang mga Pilipino na tangkilikin ang mga lokal na produkto. National Development Company na naglalayong maghanap ng mga pamilihan para sa mga local na produkto at magkaroon ng koordinasyon sa mga programa ng pamahalaan para sa kanluran. ANG DAAN TUNGO SA PAGSASARILI Patakarang Pilipinasyon-Ang Pagkahalal nina Sergio Osmena- ispeker at Manuel Quezon -pangulo ng senado ay bahagi ng patakarang Pilipinasyon ng mga Amerikano. - Tumutukoy ito sa unti-unting pagbibigay ng kapanyarihan sa mga Pilipino para pamahalaan ang sarili bilang paghahanda sa Kalayaan. Patakarang Pilipinasyon-Ayon sa mga Amerikano, ang patakarang Pilipinason ay ang kanilang paraan para maihanda ang mga Pilipino na pamahalaan ang sarili. - Ayon sa pagsusuri ni Renato Constantino, isang paraan ng pasipikasyon ng mga Amerikano ang patakarang Pilipinasyon katulad ng ginawa nila sa sistema ng edukasyon. Patakarang Pilipinasyon- Ang pagtataguyod ang halalan sa mga munisipalidad at lalawigan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga Amerikano sa pagpapatupad ng Pilipinasyon ng pamahalaan. - Halimbawa, noong halalan ng 1905 ay mga lalaking may edad 23 pataas lamang ang maaaring makaboto. - Pebrero 3, 1902- naganap ang unang halalan sa pagkagobernador ng iba’t ibang lalawigan sa bansa. Patakarang Pilipinasyon-Ang gobernador ay inihalal lamang ng tinatawag na councillor ng bawat munisipalidad. -Act No. 1582 o ang Election Law of 1907- isinasagawa ang kauna-unahang halalan para sa mga magiging miyembro ng Pilippine Assembly. -Nagpatuloy ang Pilipinasyon ng Pamahalaan sa paglipas ng panahon. Mga Misyong Pangkasarinlan Pagpasok ng tatlong dekada ng pananakop ng mga Amerikano, malaking bahagi na ng pamahalaan na ang nasa kamay ng mga Pilipino. -Sa katunayan, ang panawagang ito ang ginagamit ngmga Pilipino para mahikayat ng boto ng mga Pilipino. Ayon kay Gobernador Heneral William Cameron Forbes, mas mahalaga sa mga naunang Pilipinong lider ang benepisyong kanilang makukuha sa kanilang mga posisyon kaysa sa Kalayaan ng bansa. - Ibinunyag din ni Forbes na tinututulan ni Quezon angprobinsiya sa naunang draft ng Jones Law na nagtatakdang kasarinlan ng Pilipinas. Sinasabing nais talaga ng mga Pilipinong lider ay 1) ang isang pormal na deklarasyon na kikilalanin ng Estados Unidos ang kasarinlan ng bansa. 2) ang pagbibigay sa kanila ng mas malawak na awtonomiya. Ayon sa historador na si Renato Constantino, mahalagapara kina Osmena at Quezon ang deklarasyong ito para mapahupa ang mga nananawagan ng kagyat na kasarinlan mula sa mga Amerikano -Mula 1916, ang Jones Law ang naging batayan ngpamamahala sa bansa sa loob ng maraming taon. Pagsapit ng 1919, nagpadala ang Pilipinas ng mga misyong pangkasarinlan sa Estados Unidos. Mga Misyong Pangkasarinlan Ang unang misyon ay pinamumunuan ni Manuel Quezon noong 1919 kasama ang halos 40 Pilipino. - Ayon sa pagsusuri ng historyador na si MilagrosGuerero, hindi naman talaga nais ng mga misyon ang magkaroon ng kasarinlan sa bansa. Ang Misyong OSROX-Pagsapit ng dekada 1930, nagkaroon ng matinding pagbabago sa Estados Unidos na bumago rin sa pananaw ng ilang mga Amerikano tungkol sa kasarinlan ng Pilipinas. - Noong magkatensiyon sa Asya nang sakupin noong 1931 ng Japan ang Manchuria na bahagi ng Tsina, nagkakaroon ng magkakaibang pananaw ang mga Amerikanong lider hinggil sa kanilang pananatili sa Pilipinas. Deterrent- maaaring bigyang-kahulugan na humahadlang o pumipigil. Great Depression- tumutukoy ito sa pandaigdigang pagbagsak ng ekonomiya noong 1929 hanggang 1939. Nagdulot ito ng paghihirap sa kabuhayan ng tao particular sa agrikultura at komersiyo. Sa dekada ring ito y patuloy na naramdaman ng mga Amerikano ang epekto ng Great Depression na nagsimula noong 1929. misyong OSROX -Noong Disyembre 1931 ay ipinadala sa Estados Unidos ang bagong misyon na pinamumunuan nina Senate President Pro-Tempore Sergio Osmena at House Speaker Manuel Roxas. Sa opisyal na pahayag na lumabas sa mga pahayagan, hindi nakasama sa delegasyong ito sa Manuel Quezon dahil sa kaniyang karamdaman noong panahong iyon. Bago pa man nabuo ang misyong OSROX ay nagkaroon na ang panukalang batas para sa kasarinlan ng bansa.