Araling Panlipunan 9 - Unang Markahan - Linggo 7 PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga katanungan at gawain sa Araling Panlipunan 9 – Unang Markahan – Linggo 7. Ang mga katanungan ay tungkol sa pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo, mga karapatan ng mga mamimili, at mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga mamimili.

Full Transcript

ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin PAGKONSUMO Karapatan,Tungkulin at Batas na 7 Magbibigay Prot...

ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin PAGKONSUMO Karapatan,Tungkulin at Batas na 7 Magbibigay Proteksyon sa Mamimili KASANAYAN MELC/ Kasanayan: Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampan ang mga tungkulin bilang isang mamimili. Code: AP9MKE-lh-18 Mga karagdagang konsepto at kaalaman ang iyong matutunan sa araling ito kaugnay ng nasimulan nang mga paksa ukol sa konsepto ng PAGKONSUMO sa nakaraang modyul. Ang mga araling nakapaloob dito ay tiyak na maiuugnay mo rin sa mga karanasan mo at obserbasyon bilang isang mamimili na bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan mo sa araw-araw. Sa pagtugon sa ating tila walang hanggang pangangailangan, tayo ay nakakaranas ng mga suliranin bilang isang mamimili. Kung matatapos mo ang modyul na ito, tutulungan ka nitong maibsan ang mga suliranin sa pamamagitan ng mga matatamong kaalaman ukol sa kung paano ka magiging isang mabuti, matalino, mulat at responsableng Sa pagpapatuloy ng ating talakayan sa pagkonsumo, tutulungan kitang mabuksan ang iyong isipan sa mga sumusunod na kaalaman na matatamo sa modyul na ito. Ang mga kaalamang ito ay itinago ko sa akronim na KTBA.  K – karapatan ng mamimili  T- tungkulin at pananagutan ng mamimili  B- batas na nagbibigay proteksyon sa mamimili  A- ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mamimili Nais kong sagutan mo ang mga sumusunod na katanungan bago mo simulan ang modyul na ito. 1. Naranasan mo na bang utusan ka ng nanay mo sa pamilihan upang bumili ng inyong kakailanganin sa bahay? Kung Oo, magaling at ikaw ay pinagkatiwalaan ng iyong magulang. 2. Ano ang mga tagubilin niya saiyo bago ka niya utusan? Sinunod mo ba ang mga ito? Kung Oo, magaling sapagakat ikaw ay masunurin sa kanyang mga paalala. 1 AP10-Qrt.1-Week 7 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN 3. May mga pagkakataon bang na ikaw ay naloko sa iyong pamimili? Ano ang ginawa? Ang iyong mga sagot ay may kinalaman sa paksang tatalakayin. Bago tayo tumungo sa ating pag-aaral ng modyul mangyaring sagutan mo muna ang mga paunang pagsusulit upang malaman kung ano ang iyong mga nalalaman at mga dapat pang malaman sa paksang iyong aaralin. Sagutan ito ng buong katapatan upang maging lubos ang iyong pagkatututo. Siguraduhing maitala ang mga paksang hindi mo naiintindihan upang mabigyan mo ng higit na pokus sa pag-aaral. Paunang Pagsusulit PANUTO: Pagtapat-tapatin. Isulat sa patlang ang titik mula sa Hanay B na umaayon sa mga nasa Hanay A. HANAY A HANAY B ____1. Namamahala sa katiyakan ng uri at garantiya a. karapatang madinig ng mga produkto tulad ng pagkain at gamot. ____2. Pagtatakda sa paglalagay ng presyo sa paninda. b. karapatang pumili ____3. Pagbibigay ng malayang pagpipilian ang mamimili upang makapaghambing at matiyak ang kalidad c. Batas Republika 4729 ng produkto. ____4. Karapatang malaman ang mga panganib sa sarili d. Batas Republika 3740 at kalusugan na maidudulot ng pagkonsumo. ____5. Pagbabawal sa pagbebenta ng regulated na gamot e. Bureau of Food and nang walang reseta. Drugs ____6. Pagbabawal sa pag aanunsyo ng mga pekeng f. Department of produkto. Education (DepEd) ____7. Ahensyang naatasan sa pagbibigay ng edukasyon g. Artikulo 2187 at impormasyong makakatulong sa mamimili. ____8. Nagkakaloob ng lisensya upang makatiyak h. Department of Trade na garantisado ang pagbebenta ng mga produkto Industry (DTI) at serbisyo. ____9. Batas sa pananugatan ng negosyante ng mga i. karapatan sa tamang pagkain at iba pang produktong makapipinsala impormasyon sa kalusugan ng mamimili. ____10. Paglalagay ng mga petsa kung kailan ginawa j. Batas sa Price Tag at kung kailan magpapaso ang produkto Blg. 71 k. Kautusang Administratibo Blg. 2 AP10-Qrt.1-Week 7 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Panuto: Isulat sa bawat bilog ang mga katangiang dapat taglayin ng mga mamimili bilang tagapagkonsumo ng mga produkto at serbisyo ayon sa nakaraang modyul https://www.pngfuel.com/free- png/rvktp Pagpapakilala ng Aralin sa Aralin Sa isang malayang bansa katulad ng Pilipinas, marubdob na pinangangalagaan ang karapatan ng bawat mamamayan. Maging ang mga karapatan ng mga mamimili ay iniingatan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagganap nito sa kanilang mga tungkulin at obligasyon na maitaguyod ang kapakanan ng bawat mamimili. Ilan sa mga karapatang ipinagkaloob sa kanila ay makikita sa Talahanayan Blg. 1 sa ibaba na nakabatay sa Republict Act 7394 o ang Consumer Act of the Philippines. TALAHANAYAN BILANG 1. ILAN SA MGA KARAPATAN NG MAMIMILI KARAPATAN PALIWANAG Ang bawat mamimili ay may karapatang mabatid ang idudulot sa sarili at kalusugan ng anumang produkto o serbisyo na kanyang Karapatan sa bibilhin o gagamtin. Nararapat lamang na magtamo ng kaligtasan kaligtasan at walang panganib sa kanyang pagkonsumo ng mga nabiling produkto. Karapatan sa tamang Tamang impormasyon at mga detalye ng bawat produkto ang impormasyon nararapat ipaalam sa mga mamimili upang maiwasan ang mga pandaraya at maling kaalaman ukol sa mga ito. Sa pamamagitan ng paghahain ng lehitimong reklamo at Karapatang madinig pagbibigay ng nararapat o sapat na kabayaran o pagtugon sa mamimili para sa mga depektibong produkto o serbisyong hindi napakinabangan. 3 AP10-Qrt.1-Week 7 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Ang kalayaang pumili ng bibilhin at gagamiting mga produkto ay Karapatang pumili lubos na makakapagbigay ng kasiyahan sa mga mamimili. Ang mga mamimili ay nararapat ding magtamo ng kaligtasan ng Karapatan sa malinis kalusugan sa kapaligirang kanyang ginagalawan bilang mamimili. na kapaligiran Karapatan nilang magkaroon ng kaaya-aya at malinis na kapaligiran. Karapatang Magkaroon ng kabatiran sa mahahalagang kaalaman at magkaroon ng kasanayang nararapat taglayin upang maging isang mabuti, edukasyon matalino, mulat at responsableng mamimili. Kaakibat ng mga karapatang taglay ng mamimili na ipinagkaloob ng batas ay ang mga tugkulin at pananagutan na kanyang nararapat isagawa para sa isang matalino at responsableng pagdedesisyon sa pagtugon ng kanyang mga pangagailangan at kagustuhan. Pag aralang mabuti ang Talahanayan Blg. 2 sa ibaba na naglalaman ng ilan sa mga tungkulin at pananagutan ng isang mamimili. TALAHANAYAN BLG. 2 ILAN SA MGA TUNGKULIN AT PANANAGUTAN NG MAMIMILI TUNGKULIN PALIWANAG Ugaliin ang paghingi ng resibo sa mga produkto o serbisyo na Paghingi ng resibo binibili para maging batayan sa paghahain ng lehitimong reklamo at batayan ng pamahalaan sa tamang pagbabayad ng buwis ng mga may ari ng negosyo. Bayaran ang biniling Tungkulin ng mamimili na bayaran ng tama o sapat ang mga kalakal produkto o sebisyong nakonsumo o ikukonsumo. Makatutulong ang mamimili sa pagpapalakas ng ekonomiya Pagtangkilik sa gawang kung tatangkilikin ang mga produktong lokal na magsisilbing Pilipino motibasyon na rin sa mga Pilipinong negosyante sa bansa. Ang katotohanan na ang pinagkukunang yaman ay limitado Pangangalaga sa lamang ay sapat na upang pahalagahan ang kapaligiran na kapaligiran siyang nag susuplay sa mga pangangailangan ng tao. Pag uulat sa Pagkakaroon ng lakas ng loob na kumilos at pagkukusa na pamahalaan ng mga labanan ang anumang uri ng kapabayaan ,pandaraya at pandaraya pananamantala sa mga mamimili. Upang maisulong ang kapakanan ng mga mamimili, nararapat Pagiging mulat at na sila ay mulat, mapagmasid at nakikibahagi sa mga usapin mapag- masid at hakbang sa pagtataguyod ng mga karapatang pangmamimili. 4 AP10-Qrt.1-Week 7 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN ILAN SA MGA BATAS NA NANGANGALAGA AT NAGBIBIGAY PROTEKSYON SA MAMIMILI Batas sa Price Tag (Blg. 71) – Paglalagay ng presyo sa mga paninda upang mabatid ng mamimili ang halaga ng produkto at serbisyong bibilhin at malaman kung ang mga nagtitinda ay sumusunod sa itinakdang presyo. Artikulo 2187 (Kodigo Sibil ng Pilipinas) – Ang mga negosyante o prodyuser ng mga pagkain, inumin at iba pang produkto ay may pananagutan kung mapapatunayan na ang mga sangkap sa paglikha ng kalakal ay makapipinsala sa kalusugan at buhay ng mamimili. Batas Republika 4729 – Ipinagbabawal ng batas na ito ang pagbili at pagbebenta ng mga tinatawag na regulated drugs ng walang reseta galing sa rehistradong doktor. Batas Republika 3740- Mahigpit na ipinagbabawal ang pag aanunsyo ng mga hindi orihinal o pekeng produkto. Kautusang Adminitratibo Blg. 16 - Kinakailangang ilagay sa produkto ang petsa kung kailan ito ginawa at kung kailan ito magpapaso. MGA AHENSYANG NANGANGALAGA SA KARAPATAN AT NAGKAKALOOB NG PROTEKSYON SA MAMIMILI  DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY ( DTI ) Pangunahing tungkulin ng ahensyang ito ang pagtiyak sa kalidad at kaligtasan ng mga produkto. Nagbibigay gabay din ito sa mga pag aanunsyo at paraan ng pagtitinda upang di malinlang o madaya ang konsyumer. Nagkakaroon din ng pagsisiyasat ang ahensyang ito sa, warranty, price tag at bigat o timbang ng mga produkto. Ang DTI din ang nagkakaloob ng mga lisensya sa mga negosyo upang matiyak na garantisado ang mga produkto at serbisyo https://www.dti.gov.ph/  BUREAU OF FOOD AND DRUGS ( BFAD ) Ang Bureau of Food and Drugs ay nangangasiwa sa kalidad ng mga gamot at pagkain, kosmetiko at iba pang kinokonsumo ng mga mamimili. infograph.venngage.com/p/77504/newspaper_new  DEPARTMENT OF HEALTH ( DOH ) 5 AP10-Qrt.1-Week 7 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Ang Department of Health ay may tungkuling tiyakin ang kabuuang kaligtasan sa pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo at makapagbigay lunas sa mga suliraning pang kalusugang maidudulot nito. - https://pia.gov.ph/news/articles/1039951  DEPARTMENT OF AGRICULTURE ( DA ) Tungkulin naman ng Department of Agriculture na tiyakin ang kaligtasan at kalidad ng mga produktong agrikultural tulad ng mga produkto ng pagsasaka, pangingisda, pagtotroso at paghahayupa http://www.pcaf.da.gov.ph/  DEPARTMENT OF EDUCATION ( DepED ) Ang Department of Education naman ang naatasang magbigay at magpalaganap ng sapat na edukasyon para sa mga impormasyong kakailanganin ng mga mamimili sa pagtugon ng kanilang mga pangangailangan. Kung kaya naman isinama sa kurikulum ang mga paksa o konsepto ukol sa mamimili. https://www.teacherph.com/deped-seal-deped-logo/  MASS MEDIA Maaring makatulong ang mga bumubuo sa mass media tulad ng paggamit ng social media, telebisyon, radyo, dyaryo at iba pa sa pagpapahayag ng mga hinaing, pagbabantay sa mga karapatan at pagpapalaganap ng impormasyon na makakatulong upang maging isang matalino, mapagmasid at responsableng mamimili. https://www.shutterstock.com/image-vector/set-modern-vector-flat-design-mass- 457708150  LOKAL NA PAMAHALAAN Maaring dumulog ang mga mamimili sa kanilang mga reklamo sa lokal na pamahalaan kung saan sila nasasakop upang magabayan at mabigyang impormasyon sa nararapat na hakbang. https://placehuntph.com/business/philipline-post- office-2nd-floor-camarin-city-hall-1417 Mga Gawain 6 AP10-Qrt.1-Week 7 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN GAWAIN 1: PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ilagay ang iyong sagot sa iyong portfolio. 1. Anu-ano ang mga karapatang taglay ng isang mamimili? 2. Bakit nararapat gawin ng mamimili ang kanyang mga tungkulin at pananagutan? 3. Bakit mahalaga ang mga batas na nalikha ng pamahalaan para sa mga mamimili? 4. Paano mabibigyang solusyon ang mga hinaing o reklamo ng isang mamimili? GAWAIN 2: PANUTO: Punan ang bawat kahon ng graphic organizer ng mga karapatan at tungkulin o pananagutan ng mamimili KARAPATAN TUNGKULIN/PANANAGUTAN B. PANUTO: Punan ang bawat kahon ng graphic organizer ng mga batas at mga ahensyang nagbibigay proteksyon sa mamimili. BATAS AHENSYA 7 AP10-Qrt.1-Week 7 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Ang bawat mamimili ay may mga karapatang pinoprotektahan ng batas. Mga karapatang nararapat upang maisagawa ang isang matalino at produktibong pagkonsumo. Kaakibat ng mga karapatang taglay ng mamimili ay mga tungkulin at pananagutan na nararapat isagawa. Ang pagtanggap sa mga tungkulin at pananagutang ito ang magpapalalim ng pang unawa niya sa tama at responsableng pagdedesisyon sa buhay. Dahil sa pagkilala ng ibat ibang batas ukol sa karapatan ng mamimili, ibat ibang ahensya ang itinalaga at nagtutulungan na mapakinggan at mabigyan ng karampatang solusyon ang bawat hinaing o reklamo ng mamimili. Kinakailangan lamang na magkaroon ng mulat na kaisipan at lakas ng loob sa pagkilos upang ipaglaban ang mga karapatan laban sa mga paglabag at pananamantala. Mula sa iyong mga natutunan sa modyul na ito, punan ang mga patlang sa ibaba upang mabuo ang ideya kung paano ka matatawag na matalino, mulat at responsableng mamimili. Ako ay magiging isang matalino, mulat at responsableng mamimili kung lalo na ngayong panahon ng pandemiya na makakatulong para sa aking sarili, pamilya, komunidad at pamahalaan sa pamamgitan ng.. https://www.festivalclaca.cat/festvi/ixixhho_paper-computer-file-png-old-parchment-scroll/ Panghuling Pagsusulit 8 AP10-Qrt.1-Week 7 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN PANUTO: Punan sa bawat bilang ang nararapat na ideya/konsepto ayon sa naging aralin. Isulat sa patlang ang iyong sagot mula sa pagpipilian sa ibaba. Artikulo 2187 * DepED * Batas Republika 3740 * DTI * Batas Republika 4729 * BFAD * Batas sa Price Tag Blg. 71 * karapatan sa impormasyon * Kautusang Administratibo blg. 16 * karapatang pumili * karapatang madinig 1. Ang pagbabawal sa pag aanunsyo ng mga pekeng produkto ang nilalaman ng ________________. 2. Ang batas na nagtatakda sa paglalagay ng presyo sa paninda ay ___________. 3. Ang ________________ang namamahala sa katiyakan ng uri at garantiya ng mga produkto tulad ng pagkain at gamot. 4. Ang pagbibigay ng malayang pagpipilian ang mamimili upang makapaghambing at matiyak ang kalidad ng produkto ay nakapaloob sa _________________. 5. Ang paglalagay ng mga petsa kung kailan ginawa at kung kailan magpapaso ang produkto ay ipinapaliwanag ng __________________. II.PANUTO: Suriin ang bawat sitwasyon at tukuyin kung anong karapatan ng mamimili ang nalabag sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang iyong sagot. ___________1 Binalewala ng tindera ang hinaing mong reklamo sa nabili mong depektibong cellphone. ___________2. Walang nakatalang mga sangkap sa botelya nang nabili mong inumin. ___________3. Nakasanayan mo nang mamili sa talipapa sa inyong lugar na punong puno ng basura mula sa mga nagtitinda. ___________ 4. Namaga ang iyong mukha sa nabili mong sabon na pampaputi. ___________ 5. Hindi ka binigyan ng pagpipilian ng sales lady sa bibilhin mong bag sapagkat kung ano lang raw ang nasa display ay yun lamang ang nararapat mong bilhin. Gawain 1: “ SARILI KO, SURI KO” 9 AP10-Qrt.1-Week 7 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN PANUTO: Maglagay ng marka sa ibaba ayon sa pagsusuri sa iyong sarili batay sa pagkakaroon mo ng karapatan at pananagutan bilang mamimili. Lagyan ng tsek (√) ang bawat pamilang. 1 -palagiang isinasagawa 2- minsanang isinasagawa 3- Di ginawa 1 2 3 1. Pag tsek sa expiration date ng mga produkto bago bilhin 2. Pagsusuri sa mga sangkap ng produkto 3. Pagtangkilik sa mga lokal na produkto o gawang Pilipino 4. Pagtingin sa presyo bago bayaran ang Produkto 5. Pagsasaalang alang ng kalinisan ng kapaligiran sa pagbili ng produkto o serbisyo. 6. Paghahain ng reklamo sa mga produktong may depekto o nagdudulot na pinsala saiyo. 7. Pagpili ng produkto ayon sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto. 8. Pagtatanong sa tindera sa mga impormasyon ukol saprodukto 9. Paglahok sa mga gawain na nagsusulong ng karapatan, kagalingan at kapakanan ng mga mamimili 10. Pag uulat sa pamahalaan ng mga pandarayang nagaganap sa pamilihan. Pamprosesong tanong: 1. Kung may mga sagot ka na 2 at 3 sa tsart, ano ang iyong reyalisasyon ukol rito? 2. Kung may mga sagot ka na 1 sa tsart, paano mo mapapanatili ang mga ito sa sarili bilang mamimili? Gawain 2 - “PAG NASA KATWIRAN, IPAGLABAN MO! “ PANUTO: Gumawa ng isang pormal na liham sa kinauukulan (batay sa mga ahensyang nabanggit sa aralin) na naglalaman ng iyong mga hinaing/reklamo ayon sa mga sumusunod na sitwasyong nakatala sa ibaba. Ipagpalagay na ikaw ay nakabili, nakasubok o nakagamit ng mga produktong nabanggit. Pumili lamang ng isang sitwasyon. Gumamit ng bukod na papel.  Maling timbang ng karne ng baboy  Expired na delata  Shampoo na nakapagpalagas sa iyong buhok  Depektibong bluetooth speaker na nabili mo sa online shop ILAGAY ANG LAHAT NG IYONG SAGOT SA GAWAIN SA IYONG PORTFOLIO. 10 AP10-Qrt.1-Week 7

Use Quizgecko on...
Browser
Browser