Mga Isyu sa Pamamahala at Pagharap sa Disaster - Araling Panlipunan 10
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalahad ng mga isyu sa pamamahala at pagharap sa mga kalamidad, na kinabibilangan ng mga natural at anthropogenic hazard, vulnerability, at capacity. Nilalayon nitong ipakita ang kahalagahan ng paghahanda sa mga kalamidad at ang papel ng pamahalaan at mga indibidwal sa pangangasiwa at pagtugon sa mga pangyayaring ito.
Full Transcript
**Paksa: Mga Isyu sa Pamamahala at Pagharap sa DisasterAsignatura: Araling Panlipunan 10** **[Disaster:]** - Malubhang sakuna o kapahamakang nangyari sa isang pook sanhi ng kalamidad (UP Diksiyonaryong Filipino). - Ayon sa United Nation International Strategy for Disaster Reduction (U...
**Paksa: Mga Isyu sa Pamamahala at Pagharap sa DisasterAsignatura: Araling Panlipunan 10** **[Disaster:]** - Malubhang sakuna o kapahamakang nangyari sa isang pook sanhi ng kalamidad (UP Diksiyonaryong Filipino). - Ayon sa United Nation International Strategy for Disaster Reduction (UNISDR) at RA: 10121 ay "Ang malubhang pagkasira ng kaayusan ng isang komunidad o lipunan na sanhi ng malawakang pagkawala ng buhay, ari-arian, at kapaligiran na lagpas sa kakayahan ng komunidad o lipunan na tumugon at makaangkop gamit ang sarili nitong pinagkukunang-yaman. ***[Tatlong Elemento ng Disaster:]*** - **Elemento ng Hazard** - Ang hazard ay ang anumang mapanganib na pangyayaring pisikal (physical event), penomena, substance, aktibidad, o sitwasyon ng tao na may potensiyal na magbunga ng pagkawasak at pagkawala ng buhay at ari-arian, pagkasugat o iba pang impact na pangkalusugan, pagkagambalang sosyal at ekonomiko, o pagkasira ng kapaligiran. - ***[Dalawang Uri ng Hazard:]*** - **Natural Hazard** - nagmula sa likas na puwersa o proseso ng kalikasan gaya ng lindol, bagyo, baha, pagputok ng bulkan, tagtuyot, tsunami, peste (pestilence), storm surge, at iba pa. - **Anthropogenic Hazard** - nagmumula naman sa mga pagkilos, kapabayaan, at pagkakamali ng tao. - **Elemento ng Bulnerabilidad -** Maituturing na \"long term underlying causes\" ng disaster ang bulnerabilidad. - Nauuna pa ang bulnerabilidad sa pagtama ng isang hazard. - Ito ay \"kalipunan ng mga katangian, kondisyon, at sirkunstansiya sa isang komunidad, sistema, proseso, o ari-arian (asset) na nagbibigay rito ng atraksiyon sa pagtama o pagdating ng mapaminsalang epekto ng isang hazard.\" - **Elemento ng Kapasidad -** Itinuturing na panghuling elemento o dimensiyon bilang sanhi sa pagkabuo ng disaster ang di sapat na kapasidad (insufficient capacity). - Ayon sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR, ang kapasidad ay ang \"kombinasyon ng kalakasan (strengths) at pinagkukunang-yaman (resources) na mayroon sa loob ng komunidad, lipunan, o organisasyon na maaaring magamit sa pakikiangkop sa banta o paglaban sa mapanirang epekto ng Hazard o Disaster. **Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, ito ang mga sakunang dapat nating malaman:** **[Bagyo:]** - Malakas na hanging kumikilos nang paikot at madalas ay may kasamang malakas at matagal na pag-ulan. Ito ay isang higanteng buhawi. Sa mata ng bagyo ay walang hangin subalit malakas naman ang hangin sa eyewall nito. - **Public Storm Warning Signal (PSWS) -** Mga babalang inilalabas ng PAGASA upang malaman kung gaano kalakas ang paparating na bagyo, saan ang lokasyon nito sa oras na inilabas ang PSWS, saan ang tinatayang daraanan nito, at ano-ano ang paghahandang dapat o maaari pang maisagawa ng mga komunidad na maaapektuhan ng pagdaan ng bagyo. - **PSWS Number 1 -** Hanging may lakas mula 30-60kph- Inaasahan ang bagyo sa loob ng 36 na oras. - **PSWS Number 2 -** Hanging may lakas mula 61-120 kph.- Inaasahan ang bagyo sa loob ng 24 na oras - **PSWS Number 3 -** Hanging may lakas mula 121-170 kph.- Inaasahan ang pagdating ng bagyo sa 18 oras - **PSWS Number 4 -** Hanging may lakas mula 171-220 kph.- Inaasahan ang pagdating sa loob ng 12 oras - **PSWS Number 5-** Hanging may lakas na higit pa sa 220 kph.- Inaasahan ang pagdating sa loob ng 12 oras. **[Baha:]** - Pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan ng tubig na ang resulta ay ang pag-apaw nito sa lupa. - Ang ilan sa mga sanhi nito ay ang:- Labis na pag-ulanbiglaang pagbuhos ng malakas na ulan o thunderstorm- Tuloy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw. **[Flashflood:]** - Ito ay ang rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik, bato, kahoy, at iba pa.Bagama\'t mabilis ang pagdating ng flashflood, mabilis din ang paghupa nito. - Ang pangkaraniwang sanhi nito ay ang malakas na pag-ulan. **[Storm Surge at Storm Tide]** - **Storm Surge** - Ang hindi pangkaraniwan o abnormal na pagtaas ng tubig-dagat na kaugnay ng low pressure weather system gaya ng mga tropical cyclone at malalakas na extratropical cyclone. - **Storm Tide -** Ang water level ng dagat ay tumataas dahil sa kumbinasyon ng storm surge at astronomical tide. - Sa storm surge at storm tide ay parehong maaaring makaranas ng matinding pagbaha sa mga coastal area, at maging sa karatig na pook, lalo na kung ang dalawa ay masasabay pa sa normal high tide. **[El Niño at La Niña:]** - **El Niño** -- Isang natural na kaganapan sa Karagatang Pansipiko na nagiging sanhi ng pansamantalang pagbabago ng klima ng mundo. - **La Niña** -- Nagdudulot ng madalas na pagbaha. **[Tsunami:]** - Serye ng malalaking alon dala ng mga pagyanig o paglindol, pagguho ng kalupaan sa ilalim ng karagatan, pagsabog ng bulkan, o pagbagsak ng isang kometa mula sa kalawakan. - Ang tsunami ay maaaring kumilos nang daan-daang milya kada oras sa malawak na karagatan at humampas sa lupa dala ang mga alon na umaabot ng 100 talampakan o higit pa, - Mula sa pinagmulan ng tsunami, ang mga alon ay bumibiyahe sa lahat ng direksiyon. Sa sandaling paparating na ito ng dalampasigan, ito ay tumataas. Magkakaroon ng higit sa iisang alon at ang susunod ay maaaring mas malaki sa nauna. - Ito ang dahilan kung bakit ang isang maliit na tsunami sa isang dalampasigan ay maaaring higanteng alon naman sa may ilang milya lang ang layo. **[Landslide:]** - Pagdausdos ng mga tipak ng bato o debris at putik mula sa matataas ng lugar dala ng malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan, pagputok ng bulkan, at lindol. **[Buhawi/ Alimpuyo/Tornado/Ipo-ipo:]** - Ito ay isang bayolente, mapanganib, at umiikot na kolumna ng hangin na dumarapo o sumasayad sa kalatagan ng lupa. Ito ay karaniwang nabubuo kasama ng isang thunderstorm. - Ang buhawi ay nabubuo sa ibabaw ng lupa samantalang ang ipo-ipo naman ay nabubuo sa ibabaw ng tubig. - Ang mga buhawi ang sinasabing pinakamapaminsalang bagyo ng kalikasan. Maaaring lumitaw ang mga ito nang walang babala at maaaring hindi nakikita hanggang sa ang mga alikabok at debris ay liparin o hanggang sa ang isang hugis-imbudong ulap ang lumitaw. **[Pagputok ng Bulkan]** - Ang buhawi ay nabubuo sa ibabaw ng lupa samantalang ang ipo-ipo naman ay nabubuo sa ibabaw ng tubig. **[Lindol:]** - Sanhi ng mabilis na paglabas ng enerhiya sa ilalim ng lupa. - Ito ay sanhi ng paggalaw ng fault sa ibabaw ng bahagi ng mundo. - Sa lindol ay may tinatawag na katindihan (intensity) at kalakasan (magnitude). Ang katindihan ay tumutukoy sa antas ng pinsala sa isang lugar na dulot ng isang lindol. - Sa pagkakaroon ng mgaseismograpo, naging malinaw ang pagkakaroon ng siyentipikong paraan ng pagsusukat batay sa seismikong talaan sa halip na paggamit ng mga walang katiyakang pansariling taya at opinyon na nakabatay lamang sa pinsala. - Ang paraan ng pagsukat na ito ay tinatawag na kalakasan. Ito ay nakabatay sa masusing pagsusuri ng mga datos ng mga seismikong tala (at iba pang mga pamamaraan) para matantiya ang kabuuang halaga ng enerhiyang inilabas sa pinagmulan ng lindol. - Ang malakas na uri nito at ang mga teribleng epekto nito ang isa sa pinakanakatatakot at mapanirang pangyayari sa kalikasan. **[Heat Wave:]** - Isang mahabang panahon na nagtataglay ng matinding init o mataas na temperature. **[Epidemya:]** - Ito ay ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso nakahahawang sakit nang mas mabilis kaysa sa normal nitong pagkalat sa isang partikular na lugar. Ang halimbawa ng mga nakahahawang sakit ay ang tigdas, dengue, malaria, diarrhea, at cholera. **[Polusyon:]** - Ito ay tumutukoy sa dumi, ingay, at hindi kaaya-ayang amoy sa kapaligiran. - Ang mga pangkaraniwang sanhi nito ay ang mabilis na paglaki ng populasyon, pagdami ng industrial waste (mga basura na galing sa mga pagawaan), at mga sasakyang panlupa, pandagat, at panghimpapawid. *[Mga Uri ng Polusyon:]* - **Polusyon sa Hangin** - Ito ay dulot ng masasama at nakakalasong gas at iba pang mga fume na humahalo sa malinis na hangin. - **Polusyon sa Lupa -** Ito ay proseso ng pagkasira ng kalidad ng ibabaw ng daigdig na sanhi ng mga kemikal na sangkap at iba pang mga proseso ng interbensyon ng tao. - **Polusyon sa Tubig -** Maruming kalagayan ng tubig o proseso ng pagdumi ng tubig. **[Oil Spill:]** - Ito ang pagkalat ng langis sa ating kapaligiran, lalo na sa yaman-dagat dahil sa mga gawain ng mga tao at ito rin ay isang anyo ng polusyon. - Ang oil spill madalas maganap kapag hinayaang bumiyahe ang tanker ng langis kahit na masama ang panahon. **Deporestasyon/Deforestation:** - Ito ay ang pagkakalbo ng kagubatan sanhi ng malabis o ilegal na pagputol ng mga puno sa kagubatan, pagmimina, o pagkakaingin (pagsusunog sa mga puno at halaman). *[May ilang mga dahilan kung bakit nangyayari ang deporestasyon:]* 1. Ibinebenta bilang isang kalakal ang mga puno (bilang troso) o hinangong uling. 2. Ginagamit naman bilang pastulan, taniman ng ibang pananim, o tirahan ang mga kinalbo o kinainging lupain. 3. Maaaring magdulot ng baha, flashflood, landslide, at pagtaas ng temperatura ang pagkakalbo sa mga bundok at kagubatan. ***[Ilang Kalamidad na Kapwa gawa ng Tao at Kalikasan:]*** \- Baha - Flashflood - Landslide - Epidemya \- Climate Change - Ito ay may kaugnayan sa global warming o pagtaas ng temperatura sa daigdig na resulta din ng maraming gawa o kapabayaan ng mga tao \- Nagdudulot ito ng pagtaas ng temperatura, pagpanot sa kagubatan, pagsasaka at industriyalisasyon na gumagamit ng mga kemikal na chlorofluorocarbon, at hydrofluorocarbon sa mga repridyereytor, airconditioner, aerosol, blower, heater at iba pa. ***[Mga Epekto ng Kalamidad:]*** - Pagkawala ng buhay ng tao at hayop. - Pagtataas ng Presyo ng mga Bilihin. - Problema sa Relief Operation at Rehabilitation Efforts. - Abnormal na Daloy ng Ekonomiya. - Pagkalat ng Epidemya. ***[Paghahanda para sa Kalamidad:]*** - Tubig at pagkain - First aid kit - Tools and emergency supplies - Special items for medical conditions ***[Pagtugon sa Banta ng Pandemya:]*** - Salitang ginagamit upang ilarawan ang mabilisang pagkalat o pagkahawa ng mga tao sa isang sakit sa isang limitadong lugar tulad ng Pilipinas. ***[Simpleng Payo Mula sa World Health Organization:]*** - Ugaliing maghugas ng kamay. - Iwasang makihalubilo sa mga taong nakapitan na ng nakahahawang sakit. - Sumunod sa mga patakarang pangkalusugan sa mga lansangan o pampublikong lugar. - Laging panatilihin ang kalinisan sa kapaligiranSumunod sa mga panuntunan lalo na kapag ipinatutupad ang self-isolation, self-quarantine, community quarantine, at emergency lockdown. ***[Epekto ng Pandemya:]*** 1. Pagkakasakit at pagkamatay ng maraming tao. 2. Pangangailangan sa gamot o bakuna para maiwasan at puksain ang nakahahawang sakit. 3. Pagdagsa ng mga pasyente sa mga ospital. 4. Kakulangan ng mga ospital, testing center, quarantine area, at mahahalagang pasilidad-pangkalusugan. 5. Pagdeklara ng state of emergency ng mga bansa. 6. Pagsasara ng mga national border, paliparan, daungan, o mga terminal para maiwasan ang paglabas-pasok ng mga tao. 7. Pagsasara ng mga establisimyento dulot ng community quarantine at emergency lockdown. 8. Pagkalugi ng mga negosyo at malawakang unemployment. 9. Pagsasara ng mga paaralan o pagbabago ng pamamaraan ng pag-aaral at pagtuturo. 10. Pagtigil ng produksyon na maaaring magdulot ng malawakang taggutom. 11. Pagbagsak ng lokal at pandaigdigang ekonomiya. 12. Kaguluhan dulot ng panic o paglabag sa mga panuntunan sa panahon ng pandemya. ***[Disaster Risk Profile ng Pilipinas]*** - **Disaster Risk -** Ang potensyal na pagkapinsala dahil sa isang disaster (disaster losses) batay sa bilang ng buhay, ari-arian, kabuhayan, kalagayang pangkalusugan, at serbisyo na maaaring mangyari sa isang partikular na komunidad o lipunan sa loob ng isang takdang panahon sa hinaharap. - Walang kahit na isang bansa ang ganap na ligtas sa disaster. Nagkakaiba lamang ng digri ng panganip ang bawat bansa sa iba't ibang elemento ng disaster risk. - Mataas ang ranggo ng Pilipinas sa listahan ng "[Most Disaster Prone]" na bansa sa Daigdig dahil narito mismo ang mga element ng disaster risk. - Pangunahing salik sa mataas na disaster risk ng bansa ay ang lokasyon at likas na katangian na nagiging sanhi ng mataas na digri ng exposure nito sa hazard. - **Exposure -** Ay isang digri kung saan ang mga elementong nasa panganib gaya ng Tao, Ari-arian, Kabuhayan, at Sistema ay maaaring makaranas ng hazard sa iba't ibang magnitude. - Ang lokasyon ng Pilipinas ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire, ang bahagi ng daigdig kung saan matatagpuan ang dalawang tectonic plates nito: - Nakararanas ng humigit-kumulang 20 lindol sa bawat araw ang bansa subalit ilan lamang dito ang malakas ang intensidad na maaaring maramdaman at nakapamiminsala. - Ang lindol sa Luzon noong 1976 na pumatay ng 6,000 katao ang itinuturing na isa sa pinakamalalang natural disaster sa bansa. pacific ring of fire - Sa pagtama ng lindol, dahil sa katangian ng kalupaan ng bansa na archipelago, asahan ang mataas na exposure ng maraming komunidad sa mga baybayin sa pagtama ng tsunami anumang oras. - **Tsunami** - Isang salitang Hapon na ang kahulugan ay ***[harbour wave]***, ang pagtama sa baybaying kalupaan ng mataas at rumaragasang alon na may bilis na 500 milya bawat oras na kasimbilis ng isang eroplanong jet. - Nasa *[**typhoon belt**]* ng Western North Pacific Basin din ang Pilipinas. - Sa ***[Western North Pacific Basin]*** nagmumula o pumapasok ang 66% ng mga tropical cyclones taon-taon. - Tinatayang humigit-kumulang 19 hanggang 20 bagyo ang tumatama sa Pilipinas kada taon. - 40% ng taunang pag-ulan sa bansa ay bunga ng mga bagyo. - Ang mga bagyo ang nagiging sanhi ng iba pang hazard at disaster gaya ng pagbaha, landslide, mudslide, at pagdaloy ng lahar. - Kabilang din ang Pilipinas sa Monsoon Region. - Mahalagang tagapag-ambag sa klima ang monsoon sa Asya ang dalawang direksyon ng seasonal winds na humihihip na mula hilagang siangan na kilala sa Pilipinas bilang Hanging Amihan at timog-kanluran na tinatawag namang Hanging Habagat. - Kakambal ng pag-ihip ng Hanging Habagat ang malalakas na ilang araw o linggong pag-unlad na nagiging sanhi ng pagbaha at landslide. ***[Paghahanda sa Harap ng mga Kalamidad Alinsunod sa Disaster Risk Reduction Management Cycle]*** - Karaniwang hinahati sa apat na pangunahing yugto o phase ang siklo ng DRRM (Disaster Risk Reduction and Management) o Disaster Management. - Kadalasan, ang bawat siklo ay nagkakasapawan at ang haba ng bawat yugto ay nakasalalay sa tindi ng disaster. ![](media/image2.png)***[Apat na Yugto ng DRRM]*** **[1. Prevention at Mitigation]** - Binubuo ang Prevention o Mitigation ng mga aktibidad o hakbang na naglalayong magbigay-daan sa permanenteng proteksiyon mula sa mga panganib (risks) ng disasters - Ang mga aktibidad o pagkilos ng mitigation ay naglalayong tuluyang tanggalin o bawasan ang probabilidad ng pagtama ng disaster at kasunod na hazards, o bawasan ang epekto ng hindi maiiwasang disasters. - Ang mga hakbang ng mitigation ay maaari pa ring mauri bilang estruktural (structural) at hindi estruktural (nonstructural). - **[Estruktural]** - Ang anumang pisikal na konstruksiyon para mabawasan o maiwasan ang mapaminsalang epekto ng hazards,o ang anumang aplikasyon ng engineering techniques para makamit ang hazard-resistance at resilience sa mga estruktura o sistema. - **[Hindi Estruktural]** - Lahat ng hakbang na hindi nangangailangan ng pisikal na konstruksiyon na gumagamit ng kaalaman, praktis, o kasunduan para mabawasan ang panganib at impact ng disaster, partikular sa pamamagitan ng mga batas at polisiya, pagtataas ng antas ng kamulatan ng publiko, pagsasanay, at edukasyon. - Kabilang sa mga hakbang at aktibidad na estruktural na mitigasyon ang konstruksiyon: \- Mga dams - Flood levies - Sea walls \- Flood walls - Ocean wave barriers - Floodways/spillways - Itinuturing namang hindi estruktural na mga hakbang ang pagbabalangkas at pagpapatupad ng: \- Building codes - Zoning - Land-use plan \- Environmental laws - Information resources - Public awareness programs \- Structure elevation - Hazard forecasting - Early warning systems at emergency plans \- Risk mapping, acquisition and relocation - Hazard and vulnerability research and assessment \- Natural systems gaya ng pagtatanim ng mga mangrove o bakawan, insurance, at preventive health care - Partikular na halimbawang hakbang ang desisyon ng kaukulang sangay ng pamahalaan: \- Pagbabawal sa anumang konstruksiyon o development na maaaring magdulot ng panganib sa pagtama ng disaster at ang paglulunsad ng kampanya, edukasyon \- Pagsasanay na magpapataas sa kamulatan ng komunidad sa pagharap sa mga sitwasyon ng disasters sa pamamagitan ng mga seminar at school-based education projects. **[2. Kahandaan (Preparedness)]** - Binubuo ito ng mga pagpaplano sa pagtugon (planning to respond) sa pagtama at epekto ng disaster - Layon ng anumang emergency preparedness program na makamit ang mataas na antas ng kahandaan ng pagtugon sa lahat ng sitwasyon sa pamamagitan ng mga programang nagpapalakas sa kapasidad na teknikal at administratibo ng pamahalaan, organisasyon, at komunidad - Binubuo ang Kahandaan ng mga kahbang sumeseguro upang maging organisado, nasa tamang oras, at epektibo ang unang hanay o first line ng pagtugon sa pamamagitan ng mobilisasyon ng mga tauhan, equipment at supplies sa loob ng ligtas na kapaligiran para sa epektibong pagtulog sa mga biktima ng disaster - Dapat alalahanin ang katotohanan na ang disasters ay hindi dapat ituring na exeptional events *[Batayang pagkilos na pamproteksiyon (basic protective actions) sa paghahanda na angkop para sa lahat ng hazard at disaster:]* a\. Ang pisikal na kaligtasan ay dapat alalahanin at sadyang mahalaga hazard at ito ay maaaring mangailangan sa lahat ng ligtas na tirahan/kanlungan (sheltering) o paglikas o evacuation b\. Magbalangkas ng planong pangkomunikasyon para sa bawat pamilya (family communication plan) c\. Tiyaking palaging may nakahandang emergency supply kit sa lahat ng uri ng disaster d\. Pag-aralan ang sistema ng pagtanggap ng emergency alerts at local emergency plans para sa kanlungan (shelter) at paglikas, local emergency contacts, at lokal na alerto at babala (local advance alerts and warnings) e\. Kapag nasa estado ng pagbangon mula sa disaster, hindi lamang ang kaligtasan kundi maging ang pisikal at pangkaisipang kagalingan (well-being) ay dapat bigyang-konsiderasyon. **[3. Pagtugon (Response)]** - Binubuo ang yugto ng Pagtugon (Response) ng mga set ng aktibidad na ipinatutupad bilang bahagi ng pagharap matapos ang pagtama ng disaster. - Layon ng bawat response operation ang makapagligtas at makapagpanatili ng buhay sa pamamagitan ng search and rescue operations, mabawasan ang paghihirap sa pamamagitan ng pagkakaloob ng emergency relief, pagpapabuti ng kalusugan, at pagpapataas ng sigla o morale ng mga apektadong mamamayan; mapangalagaan ang mga ari-arian; at gawing ligtas ang naapektuhang lugar. - Dapat tandaang pangunahing pokus ng mga aktibidad ng yugtong ito ang pagtugon sa batayang pangangailangan ng mga tao hanggang sa sila\'y magkaroon ng higit na permanente at sustainable na solusyon sa kanilang kondisyon - Kapuna-puna sa yugtong ito ang malakas na presensiya ng iba\'t ibang humanitarian organizations sa lugar na nagkakaloob ng samu\'t saring tulong pangkagipitan (emergency/ relief assistance) mga tao. - Maliban sa search and rescue at emergency relief, ang iba pang aktibidad na isinasagawa sa yugto ng Pagtugon ang pagtulong sa pagtatayo ng mga pansamantalang tirahan at semi-permanent settlement sa mga kampo at iba pang lokasyon; pagkakaloob ng tubig, pagkain, at emergency health care; panimulang pagkumpuni ng mga nasirang impraestruktura at vital services gaya ng kalsada, tulay, daungan, paliparan, at telekomunikasyon; at, pagkakaloob ng transportasyon sa mga refugee. **[4. Pagbangon (Recovery)]** - Ang yugto ng Pagbangon ay ang proseso kung saan ang mga apektadong tao sa mga komunidad ay tinutulungang maibalik ang normal na pamumuhay at ang mga impraestruktura na sumusuporta sa kanila - Ang mga pagpapasiya at aktibidad sa yugtong ito ay naglalayong hindi lamang maibalik kundi higit pang mapabuti ang kondisyon ng pamumuhay bago ang pagtama ng disaster, habang binibigyang-daan ang kinakailangang adjustment sa pagbawas ng disaster risks upang maiwasan ang pag-ulit ng katulad na disaster sa hinaharap. - Iniuugnay o inihahalo (blend) ang karamihan sa mga aktibidad sa yugtong ito sa mga aktibidad na pangkaunlaran tungo sa pagtatatag ng isang ligtas, \"disaster resilient,\" at maunlad na komunidad at lipunan. - Karaniwang nahahati sa iba\'t ibang yugto ang mga aktibidad sa yugto ng Pagbangon: - Ang unang yugto ay binubuo ng mga aktibidad na may kaugnayan sa inisyal o panimulang pagbangon na naglalayong matugunan ang pangangailangang pang-indibidwal at pangkomunidad at maibalik ang mga serbisyo sa lebel na kung saan ang pamahalaang lokal at mga takdang tanggapan ay makakayang maipagpatuloy ang pangangasiwa sa mga nasimulang proseso - Kasunod nito ay ang yugto ng pangmatagalang pagbangon na binubuo ng rehabilitasyon (rehabilitation) at rekonstruksiyon (reconstruction) - Layon ng mga aktibidad sa rehabilitasyon ang pagbabalik ng \"basic social functions\" ng komunidad samantalang layon naman sa reconstruction ang buong pagpapanumbalik ng aktibidad na sosyo-ekonomiko kasama ang mga hakbang na pangmitigasyon at prebensiyon upang mabawasan ang bulnerabilidad at iba pang disaster risk at maiwasan ang muling pagtama ng disaster sa komunidad sa hinaharap. **Mga Ahensya ng Pamahalaan na Tumutugon sa Panahon ng Kalamidad**: **[National Disaster Risk Reduction and Management Council]** - Ito ang sangay ng pamahalaan sa ilalim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas na responsable sa pagtitiyak ng proteksiyon at kapakanan ng mamamayan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at krisis. ***[Mga Gawain ng NDRRMC]*** - Pagpapabuti ng pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng Disaster Risk Management (DRM) sa lokal na pamahalaan, mga samahan ng mga mamamayan, at mga samahan mula sa ibang bansa - Pagpapalakas sa sistema ng mas maagang babala at paghahanda at pagsasamapa ng mga peligrosong lugar - Pagsasaalang-alang sa DRM sa mga planong lokal at sektoral na pagpapaunlad - Paghahanda ng mga planong pambansa sa DRM at pagbubuo ng mga batas para mapalakas ang pagpapatupad ng DRM - Pagkakaroon ng kapasidad ng mga lokal na pamahalaan sa DRM lalo na sa pagpigil ng dami ng masasalanta - Pagpapaunlad ng database at pagpapalaganap ng impormasyon - Pagpapakilala sa DRM sa kurikulum ng sekondarya at kolehiyo - ![](media/image4.png)Pagtatayo ng mga paaralang kakayanin ang mga sakuna **Department of Science and Technology** - Ang DOST ay may tungkulin sa koordinasyon ng mga proyektong may kaugnayan sa agham at teknolohiya sa Pilipinas, at may tungkulin ding magsagawa ng mga patakaran at mga proyekto sa mga larangan ng agham at teknolohiya bilang pagtataguyod ng kaunlaranang pambansa. - Napapasailalim nito ang PAGASA at PHIVOLCS **[Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)]** - Ang PAGASA ay isang ahensiya sa ilalim ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya. - Nagbibigay ito ng real-time sabay sa kasalukuyang update ng mga babala ukol sa panahon at bagyo. - Ang PAGASA ang naglalabas ng Public Storm Warning Signals para bigyan ang publiko ng babala sa pagdating ng masamang panahon, lalo na tungkol sa lakas o signal ng bagyo. - Sa oras na maibigay ang storm signal, posibleng hindi pa maramdaman sa nabanggit na lugar ang masamang lagay ng panahon. - ![](media/image6.jpeg)Ang PAGASA ay naglalabas din ng babala ukol sa pag-ulan [ ] **[Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)]** - Ang PHIVOLCS ay isa ring institusyong panserbisiyo sakunang dulot ng pagputok ng bulkan, lindol, tsunami, at iba pang heotektonikong phenomenon. **[Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)]** - Nagbibigay ito ng sabay sa panahong ulat sa lagay ng mga kalsada sa Metro Manila at tumutulong din sa pagkontrol ng mga baha sa Metro Manila. ![](media/image8.png) **[Department of Environment and Natural Resources (DENR)]** - Pinamamahalaan nito ang pangangalaga o pangasiwaan sa kalikasan **[Department of Education (DepEd)]** - Ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ay nagbibigay rin ng update ukol sa mga anunsiyong mula sa mga lokal na pamahalaan tungkol sa pagsususpinde ng klase sa iba\'t ibang lugar sa bansa lalo na sa panahon ng trahedya o panganib.![](media/image10.png) **[Department of Interior and Local Government (DILG)]** - Nangunguna ito sa agarang tulong sa mga biktima ng kalamidad o apektado ng pamdemya sa mga munisipalidad, lungsod, at lalawigan. **[Department of Social Welfare and Development (DSWD)]** - Ito ay ang ahensiyang responsable sa paghahatid ng serbisiyong panlipunan sa mga mamamayang Pilipino. - Pinamumunuan nito ang mga relief operation tuwing may mga kalamidad. **[Department of Transportation (DOTr)]** - Ang DOTr ang ahensiya ng pambansang pamahalaan na naatasan sa pampublikong transportasyon sa buong bansa. - Nagbibigay ito ng mga update sa lagay ng sistema ng pampublikong himpapawid, transportasyon sa bansa tulad ng mga biyahe sa karagatan, at kalsada, lalo na sa panahon ng kalamidad. ![](media/image13.png)**[Philippine Coast Guard]** - Ang Philippine Coast Guard o Tanod Baybayin ng Pilipinas ay isang ahensiya sa ilalim ng DOTC na nagpapatupad ng kaligtasang pandagat, seguridad, at mga search and rescue operation na lubhang napakahalaga lalo na sa panahon ng mga sakuna at mga kalamidad. - Nagbibigay ito ng mga babala sa biyaheng pandagat at mga ulat sa operasiyon sa mga pantalan. **[National Telecommunication Commission (NTC)]** - ![](media/image15.png)Layunin nitong padaliin ang paghahatid at palitan ng mahahalaga o kritikal na impormasyon sa oras ng kalamidad at pandemya **Department of Public Works and Highways (DPWH)** - Isinasaayos nito ang mga daanang nasira ng kalamidad para mapabilid ang paghahatid ng relief operations, medical services, at rehabilitasyon sa mga lugar na apektado ng kalamidad **[Government Service Insurance System (GSIS)]** - Pinangangasiwaan nito ang paghahatid ng tulong-pinansiyal sa mga manggagawa sa pamahalaan upang madaling makabangon mula sa kalamidad at pandemya ![](media/image17.png) **[Social Security System (SSS)]** - **I**to ang nangangasiwa sa mga tulong pinansyal o pautang sa mga manggagawa sa pribadong sector na nasalanta ng kalamidad at apektado ng pandemya **Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP)** - Nangunguna sila sa pagsasagawa ng agarang oerasyon o relief operations sa mga lugar na apektado ng sakuna o kalamidad.