Ang Pagpatay kay Heneral Antonio Luna PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa pagpatay kay Heneral Antonio Luna, isang mahalagang heneral ng himaksikang Pilipino noong panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. Tinatalakay din nito ang mga pag-aalsa at labanang naganap sa iba't ibang bahagi ng bansa at ang mga pangyayari sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Full Transcript

ANG PAGPATAY KAY HENERAL ANTONIO LUNA Si Heneral Antonio Luna ay isang magaling, matalino, at matapang na Heneral ng himaksikang Pilipino. Siya ang maituturing na pinakamagaling na heneral ng kaniyang panahon. Nakapag-aral at nakapagsanay siya ng Agham Pangmilitar sa Europa. Gayumpaman nagkaroon si...

ANG PAGPATAY KAY HENERAL ANTONIO LUNA Si Heneral Antonio Luna ay isang magaling, matalino, at matapang na Heneral ng himaksikang Pilipino. Siya ang maituturing na pinakamagaling na heneral ng kaniyang panahon. Nakapag-aral at nakapagsanay siya ng Agham Pangmilitar sa Europa. Gayumpaman nagkaroon siya ng maraming kaaway dahil sa labis na paghihigpit at pagdisiplina sa mga sundalong Pilipino. Alam din ng lahat n amabilis uminit ang ulo ni heneral luna, na lalong nagpalayo ng loob ng mga sundalo sa kaniya. Bago pa lamang nagsisimula ang digmaan ay balak n ani heneral luna na bawiin ang maynila mula sa mga amerikani, ngunit hindi siya sinusuportahan ng pangkat ni Aguinaldo. Sa kabila nito, itinuloy ni Antonio luna ang pasalakay sa maynila ngunit nabigo siya at umatras pabalik sa Bulacan. Isa ito sa mga nagging dahilan kung bakit lalo siyang kinainisan ng iba pang opisyal ni Aguinaldo. Habang pinangungunahan ni heneral luna ang pagtatanggol sa mga bayan ng Pampanga, siya ay nakatanggap ng isang telegram amula kay Aguinaldo noong ika-2 ng hunyo, 1899. Diumano'y inutusan ni Aguinaldo si luna na tumungo sa bayan ng Cabanatuan, nueva ecija upang magpulong at bumuo ng isang bagong gabinete. Nang dumating si luna sa Cabanatuan noong ika-5 ng hunyo, doon lamang niya nalaman na hindi matuutloy ang pagpupulong dahil umalis si Aguinaldo patungong tarlac. Nagalit si luna at nakipagtalo sa ilang opisyal at sundalo. Nauwi sa barilan ang pagtatalong ito at natamaan sina luna at kaniyang mga tauhan. Ilang sundalo ang umatake sa heneral at siya ay pinagtataga hangang sa mamatay. Hindi malinaw kung ano ang tunay na dahilan ng pagpatay ng ga sundalong Pilipino kay heneral luna. Ngunit ang kaniyang pagkamatay ay hindi nakatulong sa pakikipaglaban ng mga Pilipino sa hukbong amerikano. Katunayan, maraming sundalong Pilipino ang pinanghinaan ng loob nang makarating sa kanila ang balita ng pagkamatay ni heneral luna. ANG PAGAALSAN NG MGA PILIPINO SA IBA PANG BAHAGI NG BANSA Lalong lumakas ang hukbong amerikano nang dumating sa pilipinas ang mga karagdagang sundalo mula sa estados Unidos. Sunod-sunod ang kanilang pagkapanalo sa mga labanan sa Luzon, Visayas. Dahil dito, maraming sundalong Pilipino ang nagtago sa mga bundok at nagging mga gerilya. Ang mga gerilya ay nakipaglaban sa mga amerikano sa kakaibang mga paraan tulad ng pananambang, pananalakay, at pagsasabotahe. Sa pamamagitan nito, ilang beses natalo ng mga gerilya ang mga sundalong amerikano. Hindi ito nagustuhan ng mga amerikano kaya lalo silang nagging malupit sa mga Pilipino. Sinalakay, sinunog, at ninakawan nila ang maraming bayan. Pinahirapan o pinatay naman nila ang maraming inosente-lalali man o babae, matanda an o bata. Malakas at makapangyarihan ang hukbong amerikano, ngunit patuloy na lumalaban ang mga Pilipino sa iba't-ibang bahagi ng bansa para ipagtanggol ang pilipinas. Ang pakikipaglaban ng mga taga-bicol ay pinangunahan ni Miguel Malvar. Sa Negros naman ay pinamunuan ni Papa Isko ang pangkat ng mga babaylanes sa pakikipaglaban sa mga amerikano. Pinamunuan naman ni heneral vicente lukban ang pag-aalsa ng mga Pilipino sa samar. Maramii ring kababaihan ang sumali sa pakikipaglaban sa mga amerikano. Isa rito si Teresa mabunua ng Iloilo. Namuno siya noon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol sa panay. Ipinagpatuloy niya ang pamumuno sa mga sundalong Pilipino noong digmaang Pilipino-amerikano. Matindi rin ang pagtutul ng mga pamayanang Muslim sa Mindanao sa pananakop ng mga Amerikano. Kinilala ng mga Amerikano na malaking banta ang mga Pilipinong Muslim kaya't sila ay nakipag-ugnayan sa SUltanato ng Sulu upang mapigilan ang pagsiklab ng digamaan sa pagitan ng mga Muslim at mga Amerikano. Nilagdaan noong ika-20 ng Agosto, 1899 ang Kiram-Bates Treaty sa pagitan ng Amerikanong Heneral na si John Bates at ng Sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram. Ipinangako ng Estados Unidos kikilalanin ang kalayan ng mga sultanato at igagalang ng mga Amerikano ang mga Karapatan nito. Ngunit hindi napigilan ng kasunduang ito ang pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng puwersang Amerikano at Muslim sa Mindanao. Ilang malalaking digmaan ang naganap sa iba't-ibang bayan ng Lanao, Cotabato, Maguindanao noong 1903 at isa ring pag-aalsa ang pinangunahan ni Pangliman Hassan sa Isla ng Sulu. Naging marahas ang pagsupil ng mga Amerikano sa mga Pilipinong Muslim, at ang mg alabanan ay nagdulot ng pagkamatay ng libo-libong Muslim. Noong 1906, halos 600 na Muslim, kabilang na ang mga kababaihan at Kabataan, ang napatay sa Labanan sa Bud Dajo sa Sulu. Noong 1913, ilang libong Muslim sa Sulu ang muling nag-alsa laban sa mga Amerikano. Sa Labanan sa Bud Bagsak, 500 mandirigmang Muslim ang napatay, kasama ang kababaihan at Kabataan. Dahil sa patuloy na \[aglaban ng mga Pilipino sa mga Amerikano, nagdala ang Estados Unidos ng mas marami pang sundalo sa Pilipinas. Katunayan, higit sa 100,000 sundalo ang ipinadala sa bansa upang sugpuin ang pag-aalsa ng mga Pilipino.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser