Akademikong Sulatin (filipino).docx
Document Details
Uploaded by PunctualRococo
Tags
Full Transcript
**ANG SULATING AKADEMIK** - Isang intelektwal na pagsulat. - Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman sa iba't ibang larangan. - Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinion base sa manunulat. - Ginagamit din ito upang mak...
**ANG SULATING AKADEMIK** - Isang intelektwal na pagsulat. - Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman sa iba't ibang larangan. - Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinion base sa manunulat. - Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin. **Kalikasan ng Sulating Akademik** Ang pagsulat ay isang sosyo-kognitibong proseso.\ Binigyang pansin ito ng:\ 1. Emosyonal at kalagayang sosyal ng manunulat.\ 2. Kognitibong kakayahan ng manunulat sa paglikha ng isang diskurso. - Sa pagsusulat, ang paligid ng manunulat ay isang mahalagang pinagmulan ng paksa, karanasan o ideya. - Ang mga karanasan o ideya ng manunulat ang kanyang pagyayamanin at ilalahad sa kangyang pagsulat. Dahil ang pinakalayunin ng pagsusulat ay ang makapagpahayag ng mensahe, nararapat lamang na ang presentasyon ng mga ideya ay: 1. Sapat 2. Kumpleto 3. Totoo 4. Makabuluhan 5. Malinaw MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN: 1. **Abstrak** a. Layunin i. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis, papel siyentipiko, at report. ii. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel. b. Katangian i. Hindi gaanong mahaba. ii. Organisado ayon sa pagkakasunod-sunodng nilalaman. 2. **Sentesis/Buod** a. Layunin i. Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maikling kwento. b. Katangian i. Kinapapalooban ng overview ng akda, organisado ayon sa sunud-sunod na pangyayari sa kwento. 3. **Bionote** a. Layunin i. Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang natapos at iba pang impormasyon ukol sa kanya. b. Katangian i. May makatotohanang paglalahad sa isang tao. 4. **Panukalang Proyekto** a. Layunin i. Makapagpalatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad. ii. Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga problema at suliranin. b. Katangian i. Pormal nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya. 5. **Talumpati** a. Layunin i. Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman. b. Katangian i. Pormal ii. Nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya. 6. **Katitikan ng Pulong** a. Layunin i. Ito ay ang tala o record o pagdodokumento ng mga mahahalagang punton nailahad sa isang pagpupulong. b. Katangian i. Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan. 7. **Posisyong Papel** a. Layunin i. Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. ii. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan b. Katangian i. Ito ay nararapat na maging pormal at organisado ang pagkakasunud-sunod ng ideya. 8. **Replektibong Sanaysay** a. Layunin i. Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang manunulat at nagrereplek. ii. Nangangailangani to ng reaksyon at opinion ng manunulat. b. Katangian i. Isang replektib na karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood. 9. **Agenda** a. Layunin i. Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng organisadong pagpupulong. b. Katangian i. Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong. 10. **Pictorial Essay** a. Layunin i. Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita. b. Katangian i. Organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na pangungusap. 11. **Lakbay- Sanaysay** a. Layunin i. Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat. b. Katangian i. Mas madami ang teksto kaysa sa mga larawan.