Akademik.modyul2.abstrak.noQ (1).pptx
Document Details
Uploaded by GracefulLosAngeles
Panabo City National High School
Tags
Full Transcript
AKADEMIKONG SULATIN: PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag ,Isulat ang TAMA kung ito ay nagtataglay ng katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan. 1.Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. Mahalaga...
AKADEMIKONG SULATIN: PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag ,Isulat ang TAMA kung ito ay nagtataglay ng katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan. 1.Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman sng sulatin o akda. 2.Isang kakayahang mahuhubog sa mga mag-aaral ang natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan. 3.Ito lamang ang tinataglay ng Abstrak na mahahalagang elemento tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon. 4.Kailangan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat ito ay nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito. 5.Kailangang unahin mong isulat ang Abstrak bago ka magsimula sa pananaliksik. Panuto: PAGKILALA SA PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN. Tukuyin ang pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa teksto. Sa puntong ito, isulat ang buong pangungusap sa bawat kaisipan. (Ang pangunahing kaisipan ay ang punong ideya na makikita sa unahan, gitna at hulihan ng talata. Ang pantulong naman na kaisipan ay ang sumusuporta sa Punong ideya) Angmga coronavirus ay iniisip na kumakalat sa hangin sa pag- ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong o mata. Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Pagsulat ng Abstrak Isa sa mga dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang nagbabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang mga kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang Una, natututuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan. Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto. Pangalawa, natututunan niyang sumuri ng nilalaman ng kanyang binabasa. Natutukoy niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin ng pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi gaanong importante. Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng partikular na ideya at ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay mailahad nang malinaw, hindi maligoy o paulit-ulit. Pang-apat, ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki- pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil sa mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan,at ang marami ay parang nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa ng maiikling sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang babasahin, teksto o pag-aaral. Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutuhan mo ang paggawa ng iba’t ibang uri ng lagom na madalas gamitin sa Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat. Ayon kay Philip Koopman sa kaniyang aklat na How to Write an Abstract(1997), bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon, Metodolohiya, Saklaw at Delimitasyon, Resulta, at Kongklusyon. Naiiba nito ang Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak 1.Bilangbahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel ; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin. 2.Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito. 3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito. 4.Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak Ang Abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.Kaya naman, nakapahalagang maging Narito ang mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsulat ng Abstrak. 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak. 2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literatura, metodolohiya resulta at kongklusyon. 3. Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin.Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel. 4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa. Maliban na lamang kung sagyang kinakailangan. 5. Basahing muli ang ginawang Abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang dapat isama rito mabuti ang abstrak. Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa, sagutin ang mga katanungan ukol dito. 1. Ano ang kahulugan ng lagom? 2. Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom? 3.Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom? _ 4.Sa paggawa ng isang pananaliksik , bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang Abstrak ? 5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan sa pagsulat nito? Panuto : ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang halimbawa ng abstrak at suriin natin ang elemento nito. KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology Abstrak Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpu‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna.Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pagpasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital. Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015 Narito ang mga elemento ng abstrak batay sa nakatalagang kulay Luntian: Rasyunal Asul : Metodolohiya Itim : Saklaw at Delimitasyon Pula : Resulta ng Pananaliksik Panuto :PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang elemento nito gamit ang matrix. Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon Abstrak Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag- rebyu sa ikaapat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral. http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html Tayahin Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG ABSTRAK: Suriin ang kahulugan, kalikasan , mga katangian , layunin , gamit , anyo (porma) ng Abstrak. Isulat ito sa tasrt. ABSTRAK Kahulugan Kalikasan Katangian Layunin Gamit Anyo Porma