2Q - Arpan PDF
Document Details
Uploaded by MagicalLimit
Tags
Summary
This document discusses globalization and migration, including its causes, effects, and related aspects. It explores different types of migration, factors influencing migration, and its impact on various communities. It touches upon the concept of teritoryal issues, and highlights areas such as rural and urban areas.
Full Transcript
I. Globalisasyon at Migrasyon A. Globalisasyon - Tumutukoy sa pagpapalawig, pagpaparami, at pagpapatatag ng mga koneksyon at interaksyon o ugnayan ng mga bansa at internasyonal na organisasyon sa aspektong pang-ekonomiya, pampolitika, at pangkultura. Ilan sa mga...
I. Globalisasyon at Migrasyon A. Globalisasyon - Tumutukoy sa pagpapalawig, pagpaparami, at pagpapatatag ng mga koneksyon at interaksyon o ugnayan ng mga bansa at internasyonal na organisasyon sa aspektong pang-ekonomiya, pampolitika, at pangkultura. Ilan sa mga sanhi ng mga globalisasyon ay ang sumusunod: Pag - aasam ng kaunlaran - Sa kagustuhan ng mga bansa na umunlad, sinusubukan ng mga ito namakipag-ugnayan sa ibang bansa. Masiglang pakikipagkalakalan at pamumuhunan - Dahil sa patuloy na paglago ng kalakalan at negosyo, lumalawak din ang kakayahan at operasyon ng mga kompanya o instutusyon sa paghahatid ng mga produckto at serbisyo. Industriyalisasyon at modernisasyon - Ang paglaganap ng makabagong teknolohiya at mas maunlad na Sistema ng transportasyon, komunikasyon, etc. ay nagpapalawak at nagpapabilis sa interaksyon at integrasyon ng mga tao, produkto, serbisyo, impormasyon at marami pang iba. Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay isang rehiyonal pangkat na ang layunin ay nag-promote ng ekonomiya at seguridad pagtutulungan sa sampung miyembro Mga miyembro sa ASEAN: - Philippines - Brunei Darussalam - Malaysia - Vietnam - Myanmar - Cambodia - Singapore - Indonesia - Laos - Thailand Silk Road -isang sinaunang ruta ng kalakalan sa pagitan ng China at Medditerranian Region, nakuha ang pangalan ng Chinese Silk Craft Guilds - samahan ng artisano o manggagawa na may pare-parehas na gawain o kasanayan Merchant Guilds - samahan ng mangangalakal B. Migrasyon Migrasyon - ay tumutukoy sa proseso ng paglisan o paglipat ng mga nilalalang mula sa isang lugar patungo sa ibang pook para matugunan ang natatanging layunin. Human Migrasyon - pag-alis o paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang pook sa loob o labas man ng bansa sanhi ng pulitika panlipunan at pangkabuhayan Migrante - ang karaniwang tawag sa mga taong nandarayuhan. Taong umalis sa sariling lugar, pansamantala o permanente, dahil sa iba’t ibang dahilan. Refugee - taong lumikas o puwersang pinaalis sa pinananahanang bansa dahil sa digmaan, politiko, terrorismo etc. Asylum - proteksyon ipinagkaloob ng isang bansa sa mga migrant refugee o sa mga inuusig sa sariling bansa Diskriminasyon - pagtatangi o hindi pantay na pantigin dahil sa kulay na balat, lahi, paniniwalang panrelihiyon, etc Sanhi ng Migrasyon 1. Pampolitika - Ang sumusunod ay maaaring sanhi ng pandarayuhan. a. Pagmamalupit o Pang-aapi ng Pamahalaan b. Kawalan ng Kalayaan at Katatagang Politikal c. Kawalan ng Kalayaan at Katatagang Politikal d. Digmaan at Hidwaan 2. Pangkabuhayan -Nandarayuhan upang kumita at matugunan ang pangangailangan. 3. Panlipunan - Diskriminasyon 4. Push and Pull Factor - Push factor ay mga negatibong dahilan kung bakit paglilipat ang isang tao sa ibang bansa - Pull factor ay mga positibong dahilan kung bakit paglilipat ang isang tao sa ibang bansa Sa loob ng Bansa Rural Areas - mga pook pangheograpiya na nasa labas ng mga siyudad o lungsod. Urban Areas - mga lugar na matao at imprastraktura. 1970, Pilipinas nag padala ng lakas paggawa(labor force) sa Middles East at Europe at America. OCWs - Overseas Contract Workers - mga pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa na mag aktibong kontrata sa pagtatrabaho. Sila ay OFWa din. Mga kategorya ng Migranteng Pilipino 1. Permanent migrants - manirahan ng permanente sa ibang bansa. - proseso ng naturalization Naturalization - legal na proseso kung saan ang isang noncitizen ay napagkalooban pagkamamamayan (citizenship) bansang pinili niyang manirahan nang permanente. Emigration - tumutukoy sa pag-alis o paglabas sa pinanggalingang bansa. Immigration- tumutukoy sa pagpasok sa lilipatang bansa upang doon ay manirahan nang permanente. 2. Irregular migrants - mga turista na desperadong makahanap ng trabaho kahit sa maling paraan o proseso. - Sila ay tinatawag na TNT (tago nang tago o undocumented migrants. Mga kaugnay sa Batas Saligang Batas 1987- ang karapatan ng mga Pilipino makapagtrabaho o manirahan saanman nila naisin. Mga Epekto ng Migrasyon 1. Sa iniwang Bansa: - Brain Drain - paghina ng lakas-paggawa ng bansa dahil sa paglisan ng mga de-kalidad na manggagawa. 2. Sa iniwang Pamilya: - Juvenile delinquents - kabataang (10-18yrs.old) lumalabag sa batas. 3. Sa Bansang tumatanggap (Host Country): - Multiculturalism - proseso ng pagsasama-sama at interaksiyon ng magkakaibang grupo at kultura sa lisang komunidad. 4. Sa mismong migrante: - Human trafficking - illegal na pangangalakal ng mga tao para sa sapilitang pagtatrabaho, eksplorasyon sekswal, at pang-aalipin. II. ISYUNG TERITORYAL Teritoryo - Tiyak na sukat ng mga anyong lupa at anyong tubig na nasa hurisdiksiyon ng isang estado ayon sa batas. Pagtatalong Panteritoryo o Territorial dispute - ay tumutukoy sa hindi pagkakasundo ng dalawa o higit pang bansa South China Sea - isang marihinal na bahagi ng Kanlurang Karagatang Pasipiko (West Pacific Ocean) na umaabot mula sa mga Kipot Karimata at Malaka hanggang sa Kipot Taiwan. Coastal state - Tinatawag na coastal state ang isang estadong nalulugar sa o sa tabi ng karagatan. Baselines - Pumapatungkol sa mga hangganan ng lupaing teritoryo ng isang estado. (straight and curved) 3. Internal at Archipelagic Waters - lahat ng mga anyong-tubig na nalulugar sa mga kalupaan nag estado (hal. lawa, ilog, atbp.) 4. Archipelagic waters - ang mga anyong tubig na namamagitan sa mga pulo ng isang arkipelago. 5. Territorial Sea - Ito ay ang anyong tubig na naliligid sa 12 nautical miles mula sa baseline ng isang estado at maiuuri bilang teriyoryo nito. 6. Contiguous Zone - Nabibilang sa bahaging ito ang katubigang nasa 24 nautical miles mula sa baseline. -Hindi nasasakop ng hurisdiksyon nito ang airspace sa ibabaw ng mga katubigan ng contiguous zone. 7. Exclusive Economic Zone - UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) - Tumutukoy sa katubigang napapaloob sa 200 nautical miles mula sa baseline ng estado. - Ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ay hindi itinuturing na bahagi ng teritoryo ng bansa, ngunit mayroong soberanyang karapatan ang bansa dito para sa mga tiyak na layunin. Law of the sea - Itinatakda dito ang EEZ na may 200 nautical miles ang layo mula sa baybayin ng bansa. 8. Continental Shelf - tumutukoy sa lupain sa ilalim ng karagatan na maituturing na karugtong ng baselines ng estado. 9. International Treaty Limits - Itinakda nito ang mga hangganang nakasaad sa mga kasunduang ginawa ng dalawa o higit pang mga bansa - Treaty of Paris (December 1898)- itinakda nito ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas na isinusuko ng Espanya sa mga Amerikano. - Treaty of Washington (1900)- pagpapabilang sa mga pulo ng Sibuto at Kagayan de Sulu sa teritoryo ng Pilipinas. - Treaty between the United States and Great Britain (1930)- Pagkakasangkot ng Turtle Islands at Mangesee Islands sa teritoryo ng Pilipinas. Salik sa pagkakaroon ng Suliraning Teritoryal - Kawalan ng malinaw at tiyak na hangganan o malabong kaanyuang heograpikal - Mga likas na yaman at kahalagahan ng teritoryo - Magkakaibang kultura at kaisipan Epekto ng Suliraning Teritoryal - 1. Pampolitika 2. Pang-ekonomiya 3. Panlipunan III. DINASTIYANG POLITIKAL DINASTIYANG POLITIKAL - bilang isang sistema kung saan ang magkakamag-anak o pareho ang pinaggalingang angkan ay sabay sabay na nahalal sa mga yunin pampulitika lokal man o nasyonal -sistema kung saan ang kapangyarihang politikal at pampublikong yaman ay kontrolado ng iisa o iilang pamilya DAHILAN: 1.Kawala ng sistemang politikal 2.Mahirap ng kalagayan panlipunan at pangkabuhayan 3. Kawalan ng batas dapat pumigil sa tinatawag na “Clan-inclusive government” o “Clan-political enterprise” *Clan inclusive government - ginagamit din para mailalarawan ang umiiral ng dinastiyang politikal -sitwasyon kung saan kontrolado o okupado ng iisang angkan o pamilya ang mga posisyon sa isang yunit-politikal sa magkaparehong pagkakataon 4.Kakapusan o kawalan ng sapat na kaalaman ng taumbayan o botante 5.Kayamanang kaakibat ng pagiging makapangyarihan 6.Karangalan at kapangyarihan kadikit ng pagiging isang lider o politiko 7. Paniniwalang bahagi ng pamilya o angkan ang buhay politika EPEKTO: 1. Ugat ng Graft at Korapsyon - Kapag ang isang opisyal ay tumatanggap ng suhol para sa pagbibigay ng kontrata sa isang kumpanya 2. Ang Paglaganap ng Nepotismo - inilalagay nila sa pwesto trabaho ang isang kaanak sa halip na pumili ng mas kwalipikadong tao upang mas mapalawak ang kapangyarihan 3. Pagbaba ng Kalidad ng Pamumuno - ang kawalan ng kaalaman at kasanayang pang-akademiko na angkop sa pwesto ay hadlang sa pagkakaroon ng isang maayos at epektibong pamamahala 4. Paghina ng demokratikong proseso - nawawala ang integridad ng halalan dahil sa paglaganap ng mga election offense tulad ng vote buying, vote selling, at unlawful electioneering. 5. Pagtaas ng antas ng kahirapan - ang hindi wastong paggamit ng salapi ng pampamahalaan at kawalan ng taos-puso o tapat ng paglilingkod ang nagbibigay-daan sa mababang kalidad ng serbisyo sa taumbayan Artikulo II, Seksiyon 26 ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas - The state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law Anti-political Dynasty Act o Senate Bill 2649 ni Miriam Defensor Santiago -Sang-ayon sa panukalang batas kailangang bukas at pantay ang tsansa para sa lahat ng may kakayahan at kasanayang maglingkod sa pamahalaan at hindi lamang sa mayayaman at mga makapangyarihang angkan nakasalaylay ang pamumuno Mga instrumento sa pagbuo o pagpapatuloy ng Dinastiyang Politikal 1. Salapi 2. Makinarya o Organisadong Sistema 3. Media 4. Pagbubuklod ng Magkaalyado 5. Panliligalig at Sadyang pagpatay IV. KORAPSYON -tumutukoy sa sistemang pagnanakaw ng mga indibidwal sa posisyon para sa sariling interes -Nagyayari ito sa politika, pribadong, opisina , paaralan at simbahan. Mga Porma: 1. Panunuhol o Bribery - pagbibigay ng opisyal ng salapi o pera ng bayan. Maari ito ay bagay na may kaugnayan sa kahalagahan kapalit ng pagsasagawa ng pabor 2. Pandarambong(Plunder) - ay tumutukoy sa marahas at malakihang pagnanakaw ng yaman o salapi ng bayan 3. Katiwalan o Graft - Tumutukoy sa hindi tamang paggamit ng kapangyarihan. Ito ay para sa pansarili o makamundong interes lamang. 4. Paboritismo - tumutukoy sa pagpapairal ng pagkiling ng isang opisyal sa kanyang mga kamag-anak, kaibigan o kilala 5. Pangigikil at Paglalagay - Tumutukoy sa illegal na panahingi ng isang taong nasa tungkulin sa partidong nangangailangan ng kanyang serbisyo 6. Panloloko - ito ay hindi tapat na pagtupad ng isang organisasyon ang kabilang dito ang pangyayari, pagsisinungaling sa taumbayan at maging katamanan 7. Cronysim at Nepotismo Cronysim - tumutukoy o pagpabor sa mga kaibigan ng politiko Nepotismo - tumutukoy sa pagpabor sa mga kamag anak para sa posisyon sa awtoridad