Araling Panlipunan 2nd Quarter Reviewer - Globalisasyon PDF

Summary

This document provides a review of the concept of globalization, outlining different perspectives and theories. It discusses various historical periods and key figures associated with globalization.

Full Transcript

Ang unang pananaw o perspektibo ng konsepto ng globalisasyon ay ang paniniwalang ang globalisasyon ay nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda, ang kagustuhan ng tao na magkaroon ng maayos na pamumuhay ang nagtulak sa tao upang makipagkalakalan, manakop, maging manlalakbay. Ang pangalawang pana...

Ang unang pananaw o perspektibo ng konsepto ng globalisasyon ay ang paniniwalang ang globalisasyon ay nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda, ang kagustuhan ng tao na magkaroon ng maayos na pamumuhay ang nagtulak sa tao upang makipagkalakalan, manakop, maging manlalakbay. Ang pangalawang pananaw o perspektibo ng globalisasyon ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon sa pananaw na ito, mahirap tukuyin ang pinakasimula ng globalisasyon ngunit mahalagang malaman na ito ay dumaan na sa iba't ibang siklo, kung saan ang globalisasyon ngayon ay may mas mataas na anyo na, kumpara noon.   Ang pangatlong pananaw o perspektibo ay naniniwalang may anim na "wave" o panahon ang globalisasyon. Ito ang binigyang-diin ni Therborn (2005). Ang anim na "wave" o panahon na ito ay may iba't ibang katangian. Ika-4 hanggang ika-5 siglo (katangian: globalisasyon ng relihiyon - Islam at Kristiyanismo) Huling bahagi ng ika-15 siglo (katangian: pananakop ng mga Europeo) Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19 na siglo (katangian: digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-daan sa globalisasyon) Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 (katangian: rurok ng imperyalismo na mula sa kanluran) Post-World War II (katangian: pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal - komunismo at kapitalismo) Post-Cold War (katangian: pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya; nagbigay-daan sa mabilis na pagdaloy ng pangangalakal, teknolohiya at mga ideya, sa pangunguna ng Estados Unidos) Ang ikaapat na pananaw o perspektibo ay hawig sa ikatlong pananaw. Naniniwala ito na ang simula ng globalisasyon ay galing sa partikular na pangyayari mula sa kasaysayan at maaaring marami ang pinag-ugatan o ang naging sanhi ng globalisasyon. Halimbawa ng mga pangyayaring ito ay ang kalakalan sa Mediterranean noon gitnang panahon, ang pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 na siglo, at ang paglalakbay ng mga vikings mula Europa patungong Iceland, Greenland at Hilagang Amerika.   Ang pang-limang pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay nagsimula sa kalagitaan ng ika-20 na siglo, kung saan ang tatlong pangyayaring ito ay may direktang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon:   Pag-usbong ng kapangyarihan ng Estados Unidos pagkatapos ng World War II Paglipana ng mga multinational corporations (MNCs) at transnational corporations (TNCs) Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War Globalisasyon -proseso ng internasyonal na integrasyon bunga ng pagpapalitan ng mga pananaw produkto, ideya at iba pang mga aspeto ng kultura ng mga kultura European Age of Discovery at mga paglalakbay sa New world -Ipinagpalagay ng iba na ang globalisasyon ay nagsimula na bagopaman interaksiyon ng apat na magkakaugnay na propesyon:\* mga tagapagturo\* mamamahayag\* publisher o edifor\* librarian 4 na pangunahing mga aspeto ng globalisasyon 1. kalakalan at mga transaksiyon 2. Kapital at paggalaw ng pamumuhunan 3. Migrasyon at paggalaw ng mga tao 4. Ang diseminasyon ng kaalaman Prosesong Globalisasyon -kaugnay ng iba pang mga isyu gaya ng global warming, cross- boundary water and air pollution, plabis na pangingisda. Roland Robertson -ayon sa kanya ang isa sa mga nagpasimula sa teorya ng globalisasyon privatization - Pagsasapribado ng mga negosyo, hinihikayat ng konsepto ng globalisasyon na isapribado ang mga negosyo. Deregulasyon - Kailangang maging malaya sa paggalaw ang mga bahay-kalakal sa paggawa at pamamahagi ng mga pangkaraniwang kalakal-batay sa konsepto ng laissez fair o let alone policy ni Adam Smith Liberalisasyon -proseso ng inalayang pagbubukas ng lokal na ekonomiya so dayuhang kapital o pamumuhunan. World Trade Organization - isa sa mga pandaigdigang institusyon na nangunguna sa pagsusulong at pagpapalaganap ng liberalisasyon sa larangan ng kalakalanisa Roland Robertson -Isa sa sosyalollistang unang naglabas ng teorya ukol sa globalisasyon unang Yugto: Ang Pag-usbong o Germinal Phase-Europa (1400-1750) -simula ng mga internasyunal na relasyong pangkalakalan sa europa, Enlightenment, kumalat ang ideya tungkol sa pag-unlad, individualısın, globalisasyon ay nagsimula sa europa Ikatlong Yugto: Ang Takeoff Phase (1875-1925)- Panahon nang ang mga ideya ay katanggaptanggap na pambansang lipurian ay lumitaw. Nagkaroon ng dagliang pagtaas so bilang at bilis ng komunikasyung global. Ikaapat na yugto: Ang Pakikibaka para sa dominasyon (1925-1969) -Ang mga alitan at digmaang may kaugnayan sa mga marupok no tuntinin ng prosesong globalisasyon ay naganap sa may dulo ng take-off phase. Nagkaroon ng mga global o internasyonal na hindi pagkakaunawaan Ikalimang Yugto: Ang kawalan ng katiyakan o Uncertainly Phase (1969-1992) - Nagkaroon ng pandaigdigang kamalayan sa mundu bilang isang komunidad. post materialist values & paglago ng mga pandaigdigang Institusyon Politika -mahalagang aspeto ng globalisasyon Politikal na globalisasyon - tumutukoy sa akumulasyon o pagtitipon ng kapangyarihan sa isang mternasyonal na pamahalaan. Pang ekonomikong globalisasyon -lumilitaw bilang isang resulta ng pagsasama-sama ng ekonomiya sa buong mundo Sosyo-Kultural na pinagmulan -Isa pa sa pinagmulan ng globalisasyon ay ang paghahatid o pagpapalitan ng mga ideya ikultura & tradisyon & mga halaga Pamahalaan -natural na nakatutok sa pagprotekta sa mga interes ng kani-kaniyang nasasakupang mga mamamayan. Paaralan -Pangunahing pormal na ahensiya para sa pagsasalin ng kaalaman Mass Media -Ang media at pamamahayag ang nagbibigay sa mundo ng politikal na Kahulugan Multinasyonal na Korporasyon (MNC) -isang corporate enterprise na namamahala sa pruduksiyon, pambansang kumpanya na may banyagang subsidiary, gumaganap ng pangunahing papel NGO -nongovernmental organization, may impresyung tumulong sa mga gutom na bata etc. -salik sa pandaigdigang pamumuno & global na pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan ng mundo. Mga Internasyonal na organisasyon -pangkaraniwang gumagawa kabalikat ng mga NGO OPEC (organization of Petroleum exporting countries) - intergovernmental organization Assembly of European Regions o European Union\'s committee of the Regions -umiiral mula noong 1970 ay mayroon nang napakalaking impluwensiya sa mga bansang kasapi nito. International Federation of stock Exchange - ang mga desisyon & gawain nito hinggil sa usaping tulad ng cerdit rate at mga presyo ng pagkain. Mga organisasyong produkto ng globalisasyon -gumaganap ng pangunahing papel sa paglutas ng mga global na problema at ooglikha ng isang pandaigdigang mercado Globalisasyong Ekonomiko -mabilisang paraan ng pagpapalitan ng produkto & serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig Multinational companies -kompanyang namumuhunan sa ibang bansa Transnational companies. -kompanyang itinatag sa ibang bansa no ang kanilang ibenebentang produkto & serbisyo ay base sa pangangailangang lokal outsourcing -pagbili ng serbisyo ng isang kumpanya mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad Business Process Outsourcing (BPO) -isang pamamaraan ng pangongontrata sa isang kompanya para sa ibat-ibang operasyon ng pagnenegosyo knowledge process outsourcing (KPO) -sumasaklaw sa pagkuha ng mga serbisyung teknikal na kallungan ng isang kumpanya offshoring -pagkuha ng serbisyo ng isang kumpanya mula sa ibang bansa no naniningil ng mas mababang bayad Nearshoring -tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. Onshoring -domestic outshering, pagkuha ng serbisyo sa isang kumpanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit no mababang gastusin sa operasyon Overseas Filipino Worker (OFW) -manggagawang pilipino na nagtratrabaho & nangingibang bayan upang maghanapbuhay Brain Drain -nababawasan ang bilang ng mga prupesyunal sa bansa Brawn Drain -nababawasan ang bilang ng mga skilled worker sa bansa Globalisasyong Teknolohikal -mabilis na paggamit ng makabagong teknolohiya na nagreresulta ng malahing impluwensiya sa pamumuhay ng tao Netizen -terminong ginagamit sa mga taong gumagamit ng social networking site bilang midyum o entablado ng pagpapahayag Globalisasyong sosyo-Kultural -epekto ito ng pagkakapare-pareho ng tinatangkilik ng bawat bansa hindi lamang sa produkto & serbisyo kundi maging pelikula, artista ete Globalisasyong Politika -mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, sumahang rehiyunal- maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan Paggawa - tumutukoy sa mga trabaho, empleyo, pinagkikitaan o negosyo, at gawain. SEKTOR ng AGRIKULTURA - pangunahing sektor ng ekonomiya ng Pilipinas. Pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap na ginagamit sa sektor ng industriya para makagawa ng bagong produkto o serbisyo. SEKTOR ng INDUSTRIYA - Kinabibilangan ng makina, ito ang taga-proseso ng hilaw na sangkap mula sa agrikultura sa tulong ng makinarya. LIBERALISASYON - Malayang pagpasok ng malalaking kapital ng mga tagalabas na hindi makabubuti sa mga industriyang panloob na kulang sa kapital DEREGULASYON - Nagdudulot ng pagbaha sa mga imported at luxury goods magiging kakompetensiya ng mga dati nang ginagawang produkto sa bansa. PRIBATISASYON - Paglilipat ng mga pampublikong serbisyo sa kamay ng mga negosyante na magtataas ng bayad ng mga nasabing serbisyo gaya ng tubig, kuryente, at transportasyon. SEKTOR ng SERBISYO - May malaking ambag sa ekonomiya ng bansa ang lakas-paggawa ng mga manggagawa. Mahalaga ito dahil ito ang gumagabay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo EMPLOYMENT PILLAR - Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggagawa. WORKER'S RIGHTS PILLAR - Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa. SOCIAL PROTECTION PILLAR - Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng mga manggagawa, katanggap-tanggap na sahod, at oportunidad. SOCIAL DIALOGUE PILLAR - Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit. ISKEMANG SUBCONTRACTING - Tumutukoy sa kaayusan ng paggawa kung saan ang kompanya ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. LABOR-ONLY CONTRACTING - Walang sapat na puhunan ang subcontractor upang gawin ang trabaho ng mga manggagawang walang direktang ugnayan sa gawain ng kompanya. JOB CONTRACTING - May sapat na puhunan ang subcontractor upang maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. REGULAR EMPLOYEE - Manggagawa na gumaganap sa gawaing pangkaraniwang kailangan ng nagmamay-ari at tumagal o umabot na ng isang taon sa trabaho. APPRENTICES / LEARNERS - Manggagawa na bahagi ng TESDA apprenticeship program at On-the-Job Training o OJT na mga mag-aaral na walang regular na sahod. CASUAL WORKERS - Manggagawa na mahalaga ang trabaho sa kompanya ngunit hindi kasinghalaga ng mga regular na empleyado CONTRACTUAL / PROJECT-BASED WORKERS - Manggagawa ng kompanya na nagtatrabaho ayon sa pinirmahang kontrata o kaya naman ay nagtatrabaho base sa tagal ng isang proyekto. PROBATIONARY WORKERS - Ang manggagawang inoobserbahan ng employer sa loob ng anim na buwan upang malaman kung ang manggagawa ay kwalipikado nang maging regular. SEASONAL WORKERS - Manggagawa na tinatanggap o kinukuha sa isang partikular na panahon. UNEMPLOYMENT - Isang sitwasyon kung saan ang isang indibidwal ay walang mapasukang trabaho sa kabila ng pagkakaroon ng kasanayan at kakayahan. UNEMPLOYMENT RATE - Sukatan ng pagiging malaganap ng kawalan ng trabaho at ito ay sinusukat sa pamamagitan ng percentage o pagbabahagi o dividing ng bilang ng mga walang trabaho sa bilang ng mga indibidwal na kasalukuyang nasa lakaspaggawa o labor force. Ekonomikong resesyon (economic recession) - Ito ay naging isa sa mga pangunahing dahilan ng kawalan ng trabaho sa United States noong 2007. Naging isang pandaigdigang krisis kung saan ang antas ng kawalan ng trabaho ay naging tila baga walang hangganan. Welfare payment - Ang mga tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa mga walang trabaho Pagpapalit ng teknolohiya - Dahil hindi mapigil ang pagsulong ng teknolohiya, karamihan sa mga kompanya ay naghahangad ng pagbabago sa workforce. Ang mga empleyado ay napapalitan ng mas dalubhasa o marunong sa mga bago o advanced na mga teknik. Ekonomikong implasyon (economic inflation) - Sa Ekonomiks, ang implasyon ay ang paglobo o pagtaas ng pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal o produkto at mga serbisyo sa isang takdang panahon. implasyon - isa sa mga pinakalumang dahilan ng kawalan ng trabaho na humahantong sa pagkabigo sa pag-export, dahil hindi magawa ng mga kompanya ang makipagkompitensiya sa iba dahil sa pagtaas ng presyo. Kawalan ng kasiyahan sa trabaho - Ang kasiyahan sa trabaho o job satisfaction ay lubhang napakahalaga para sa sariling pag-unlad at pagkakaroon ng katatagan sa trabaho. Pagpapahalaga ng empleyado - Salik din ng kawalan ng trabaho ang employee value. Kadalasan, ang mga empleyado ay hindi nabibigyan ng angkop na pagkilala para sa kanilang mahusay na pagganap at dedikasyon Diskriminasyon sa lahi - Isa sa mga pinakaseryosong dahilan ng kawalan ng trabaho Mismatch ng nag-aaplay sa makukuha - Sa bansa, may mismatch sa mga kursong madalas kunin ng mga kabataan at sa tunay na demand ng merkado. May mga fresh graduate rin na wala o kulang sa kasanayan kaya hindi matanggap-tanggap ng employer. proteksyonismo - maaaring humantong sa mapanirang paghihigantihan ng mga bansa, at ang pagbaba ng kalakalan ay pumipinsala sa pang-ekonomiyang kalagayan ng lahat ng mga kasosyo sa kalakalan Kredito ng buwis (tax credit) - Ang tax credit ay kilalang bahagi ng ano mang programa ukol sa pagtugon sa unemployment dahil ang mga negosyo ay nangangailangan ng konkretong dahilan upang umupa o kumuha ng mga manggagawa sa panahon ng krisis sa ekonomiya Pagpopondo sa bawas na pasahod (funding reduced pay) -Ang Germany, halimbawa, ay may patakarang pampamahalaan na nagbibigay ng mg kredito sa buwis sa mga kompanya na pinaiikli ang oras ng trabaho ng mga empleyado sa halip na tanggalin sila Pagsagip sa maliliit na negosyo - Paulit-ulit na sinasabi ng mga ekspertong ekonomista at ng mga organisasyon tulas ng Small Business Administration na ang maliliit na negosyo ang noon pa man ay siyang pangunahing makina sa paglikha ng trabaho sa mga bansa. Pagtatrabaho para sa pamahalaan - Ang pagbibigay ng trabaho sa gobyerno, kahit pansamantala lamang ay makatutulong sa ekonomiya ng isang bansa sa panahon ng depresyon. Pag-a-underwrite sa mga eksport - Para muling mapasigla ang ekonomiya upang magkaroon muli ng demand sa mga manggagawa, ang isang ekonomiya ay hindi dapat consumer-based, dapat nakasalalay sa ibang aspeto gaya ng sa pageeksport. Mga trabaho sa konstruksiyon - Kapag nagkaroon ng depresyon, kabilang sa pangkaraniwang napipinsala ay ang industriya ng konstruksiyon. UNDEREMPLOYMENT - Ang kalagayan ng mga manggagawa kung saan nangangailangan pa ng karagdagang oras ng pagtatrabaho o dagdag hanapbuhay upang mapalaki ang kita. JOB MISMATCH - Isang kalagayan sa paggawa kung saan hindi tugma ang kwalipikasyon at kakayahan ng isang maggagawa sa pinapasukan nitong trabaho. LABOR FORCE RATE - Ang bahagdan ng kabuuang bilang ng mga taong nasa edad 15 pataas na may kakayahan nang magtrabaho ngunit hindi pa aktwal na lumalahok sa produksiyon at hindi pa naghahanap ng trabaho. MURA at FLEXIBLE LABOR - Isa sa matinding hamon sa mga manggagawa ang patuloy na paglala ng mura at flexible labor. Presidential Decree 442 o Labor Code - Ito ang patakarang pinaghanguan ng flexible labor. Subalit nahirapan ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos na maipatupad ito dahil sinalubong at binigo ito ng mga demonstrasyon at kilusang anti-diktadura Republic Act No. 5490 - Isinunod dito ang pagsasabatas para itayo ang Bataan Export Processing Zone o BEPZ, at iba pang Economic Processing Zone o EPZ bilang show case ng malayang kalakalan. Republic Act 6715 Article 106 - 109 - Batas kung saan nagkakaroon ng pagpapakontrata ng mga trabaho o contractualizatio Department Order 10 ng DOLE - Ipinatupad noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Isinunod na ng gobyerno ang mga patakarang magpapalakas ng flexible labor gaya nito. Migrasyon - Tumutukoy sa pagkilos o paglipat ng tao o mga tao mula so isang lugar patungo sa isang daku sa layunin duon mamalagi Senator Joey Lima - Ayon sa kaniya, ang migrasyon ay ang pagkilos ng pupulasyon sa loob ng bansa Emigrasyon - pansamantalang paninirahan at paghahanapbuhay sa labas ng bansa Imigrasyon -permanenteng panirahan at paghahanapbuhay Migrant o Migrante - tawag sa taong lumilipat ng lugar. Emigrants o Emigrante - taong iniwan o umalis sa isang bansa upang manirahan ng permanente sa ibang bansa Immigrants o Imigrante - taong patungo o darating upang manirahan ng permanente sa dayuhang bansa. Intercontinental - migrasyon sa pagitan ng kontinente Intracontinental - paggawa ng tao sa pagitan ng dalawang bansa sa loob ng 1 kontinente Interregional/International -paggalaw sa pagitan ng mga bansa Rural to urban (Internal / Panloob) - Pinaka-karaniwan sapagkat ito ay nagaganap sa loob lamang ng isang bansa. Hindi buluntaryong Migrasyon o Involuntary Migration -paglipat dahil sa pangangalakal ng mga alipin o slave trade Boluntaryong Migrasyon o Voluntary Mission -tao mismo ang nagbalak na lumipat Permanenteng Migrants - Mga OFWs na ang layunin ay hindi lamang trabahu kundi ang permanenteng tirahan sa ibang bansa kapalit ng kanilang citizenship Irregular Migrants - taong nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado o walang permit Temporary Migrants - pagtungo sa ibang bansa na may permiso o papeles upang magtrabah o manirahan ng may takdang panahon. Peminisasyon ng migrasyon - malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping imigrasyon Push Factor - tumutukoy sa mga salik o dahilan para sa emigrante Pull Factor - tumutukoy sa mga saliko dahilan sa pagmimigrate o pagdating ng mga too sa isang pook Epektong Panlipunan - pagpapahalagang pangkultura o cultural values at birtud o virtues ng mga taong lumilipat ng tirahan ay maaaring mabago Antropolohiya (Anthropology) - tumutukoy sa proseso kung saan ang isang kultural no kaugalian, materyal na bagay, ideya o behavior pattern. Epektong Pampolitika -malaki ang epekto ng migrasyon sa politika sistema ng pamamahala Arabian Caliphate o pagyabong ng imperyong Arabe - maghatid ng pananampalatayang Islam sa buong bitnang siladigan hakaapekto sa uri ng pamahalaan sa mga bansa rito. Revenue -maaaring ilaan sa mga proyektong pang kaunlaran

Use Quizgecko on...
Browser
Browser