Filipino 10 Ikalawang Markahan Modyul 3 Tula mula sa England PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Tags
Related
- 21st Century LPW: National Artists of the Philippines for Literature PDF
- Q1 Lesson Exemplar for English Grade 7 PDF
- Q1 Lesson Exemplar for English Grade 7 English (PDF)
- 21st Century Philippine Literature During the American Period PDF
- ME EngLT 11 Q1 0801_SG_Postwar Philippine Literature PDF
- Filipino Reviewer G10 Q2 24-25 PDF
Summary
This Filipino 10 module discusses poetry from England, United Kingdom, focusing on Western Literature. It includes various activities, exercises, and assessments. The learning material is intended for secondary school students.
Full Transcript
10 Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 3: Tula mula sa England, United Kingdom (Panitikang Kanluranin) CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Tula mula sa England, UK (Panitikang Kanluran...
10 Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 3: Tula mula sa England, United Kingdom (Panitikang Kanluranin) CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Tula mula sa England, UK (Panitikang Kanluranin) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may- akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Josephine D. Halog, Alvin D. Mangaoang Editor: Luisito V. Libatique, Belen C. Aquino, Alvin D. Mangaoang Tagasuri: Arabella May Z. Soniega, Virgilio C. Boado Gina A. Amoyen, Editha T. Giron Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr. Tagalapat: Alvin D. Mangaoag, Jera Mae B. Cruzado Tagapamahala: Tolentino G. Aquino Donato D. Balderas Jr. Arlene A. Niro German E. Flora Gina A. Amoyen Virgilio C. Boado Editha T. Giron Alejo R. De Sesto Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: [email protected] 10 Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 3: Tula mula sa England, United Kingdom (Panitikang Kanluranin) Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Mapagpalang araw mahal kong mag-aaral! Ipagpapatuloy muli natin ang ating pag-aaral. Nawa’y maging matiyaga ka sa mga kasunod na aralin dahil ito ay tiyak na kasiya-siya para sa iyo. Ang Modyul 3 ay tumalakay sa panitikan tungkol sa tula mula sa England, United Kingdom. Ang England ay isa sa mga kahariang bumubuo sa bansang United Kingdom kabilang ang Scotland, Northern Ireland at Wales. Ilan sa mga naging kontribusyon ng bansang ito sa buong daigdig ay ang wikang Ingles (English), Anglican Church at English Law – ang basehan para sa common law legal systems ng maraming bansa sa buong mundo. Sa larangan ng panitikan, hitik din sila sa mga kilalang manunulat sa iba’t ibang genre ng panitikang lumaganap sa Europe, America at maging sa buong mundo. Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa tulang pinamagatang “Ang Aking Pag-ibig” na hango mula sa “How Do I Love Thee” – Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning na isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago. Matutunghayan dito ang wagas at walang kamatayang pag-ibig ng isang babae sa kaniyang sinisinta. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay at paggamit sa mga uri ng tayutay upang pukawin ang damdamin mo bilang mambabasa at kung gaano kabisa ang paggamit nito sa pagpapalutang ng kariktan ng tula. Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod: Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) 1. Naibibigay ang puna sa estilo ng nabasa o napakinggang tula. (F10PN-IIc- d-70) 2. Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula. (F10PB-IIc-d-72) 3. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. (F10PT-IIc-d-70) 4. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay. (F10PU-IIc-d-72) 5. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula. (F10WG-IIc-d-65) Nasasabik ka na ba? Tara na’t maglakbay na tayo sa Kultura ng England sa tulong ng kanilang tula. 1 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Subukin Bago tunghayan ang kariktan ng tula mula sa England, United Kingdom, magkakaroon muna tayo ng paunang pagtataya. Sikapin mong sagutin ang mga kasunod na mga aralin para mataya kung ano ang mga dapat mo pang malaman sa mga susunod na pag-aaral. PAUNANG PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawain mo ang bahagi ng tula, pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. Ang laki ng naging kapalit Sa binalewala kong pakikisama Mo Nasugapa lalo ang buhay ko, nasira pati ang ulo ko sa kamalasan, sa problema; naging demonyo ako, kaaway ng lahat - ng bahay, ng gobyerno, ng simbahan. Ayoko na! Hindi na kaya ng aking konsiyensiya. Ang hirap palang wala Ka! - Sandalangin _____ 1. Ano ang paksa ng buong saknong? A. pagkakaisa C. pagsisisi B. pagpapakumbaba D. pagmamalasakit _____ 2. Ano ang tono o damdaming nakapaloob sa tula? A. pagkalungkot C. pagkainis B. pagkatuwa D. pagkagalit _____ 3. Sino/ano ang persona ang kinakausap o pinatutungkulan ng tula? A. magulang C. bayan B. asawa D. Diyos 2 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 _____ 4. Anong uri ng tayutay ang “nasira pati ang ulo ko sa kamalasan, sa problema; naging demonyo ako.”? A. simile C. hyperbole B. metapora D.pagtatao _____ 5. Sa pagsulat ng tula, kailangang sundin ang katangian at paraan maliban sa _______. A. magmasid sa paligid B. siksik at umaapaw sa mensahe ang tula C. pagiging orihinal ng akdang isusulat D. iwasan ang paggamit ng mga tayutay B. Panuto: Basahing mabuti ang mga bahagi ng tula pagkatapos tukuyin kung anong elemento ang nangibabaw rito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kaniyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.” - Ang Pamana _____ 1. Ano ang persona ng nagsasalita sa tula? A. isang anak na masipag C. isang anak na taksil B. isang anak na mabait D. isang anak na may pakialam _____ 2. “Na/ki/ta ko ang i/na ko’y ti/la ba/ga na/lu/lum/bay ”Anong elemento ang nangibabaw sa taludtod na ito? A. persona C. musikalidad B. imahen D. wika _____ 3. “Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kaniyang buhok na hibla na katandaan” Anong elemento ang kapansin-pansin sa bahaging ito ng tula? A. persona C. musikalidad B. imahen D. wika 3 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 _____ 4. Anong kaisipan o damdamin ang ipinahihiwatig ng tula? A. pagdurusa C. panghihinayang B. pag-ibig D. pag-asa _____ 5. Batay sa mga pahiwatig, anong uri ito ng tula? A. soneto C. elehiya B. pastoral D. Dalit C. Panuto: Suriin ang mga pahayag kung Simile, Metapora, Personipikasyon, Hyperbole o Apostrophe ang tayutay na ginamit. Isulat ang sagot sa sagutang papel. _____ 1. “Si George ay Adonis sa kakisigan.” _____ 2. “Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.” _____ 3. “Bumaha ng dugo sa lansangan matapos ang demonstrasyon ng mga aktibista.” _____ 4. “Kasinlaya ito ng mga lalaking dahil sa katwira’y hindi paaapi, kasingwagas ito ng mga bayaning marunong umingos sa mga papuri.” _____ 5. “Binabati ako ng haring araw sa paggising ko sa umaga.” Mahusay! Naisakatuparan mo ang paunang pagtataya. Kung mababa man ang iyong iskor, huwag mabahala sapagkat paunang pagtataya lamang ito. Ipagpatuloy lamang ang aralin at tiyak ang marka mo’y tataas din. 4 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Tula mula sa England, UK Aralin Panitikan: Ang Aking Pag-ibig 1 Wika at Gramatika: Matatalinghagang Pananalita Balikan Sa nakaraang modyul, nalaman mo ang katuturan ng dula maging ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin o emosyon. Nabatid mo na ang dula ay may layuning magtanghal sa entablado. Ngayon, bilang pagbabalik- tanaw sa kasanayan sa nakaraang modyul, inaasahang isasagawa mo ang gawain gamit ang konsepto ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng damdamin. Handa ka na ba? Kung handa na, hali ka na’t magsimula na. Gawain 1: Awitin Natin! Panuto: Pakinggang mabuti ang awiting “Ang Awit ni Lira” ni Jennylyn Mercado / Mikee Quintos sa https://www.youtube.com/watch?v=JNkaLW9M6Rw o kaya’y basahin ang liriko nito sa kahon. Ang Awit ni Lira ni Jennylyn Mercado / Mikee Quintos Nais kong liparin ang himpapawid Sa pangarap lang makakamtam At maabot ang ulap sa langit ang inaasam Nais kong marating ang asul na Sa pangarap lang malalasap dagat ang saya nitong aking buhay At langoyin ang kanyang rikit Sa pangarap lang naghihintay Nais kong mahiga sa kanlungan ni Sa pangarap aking mahal ina Doon akoy maghihintay At lasapin ang kaniyang mga aking mahal haplos Nais kong marating ang paraiso Upang doon ay mamahinga Itong pagod kong puso 5 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Matapos mong mapakinggan o mabasa ang awitin, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1. Tungkol saan ang awit na iyong nabasa o napakinggan? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________ 2. Batay sa iyong napakinggan/nabasa, ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________ 3. Ilahad ang mga damdaming nangibabaw sa nasabing awitin gamit ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel. Damdamin 6 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 4. Anong kongklusiyon ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong napakinggan ang nasabing awit? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________ Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Tiyak na naantig ka sa mensaheng dala ng awit sapagkat punong-puno ito ng damdamin. Napatingkad pa nito ang kariktan ng awitin nang ito’y lapatan ng himig at instrumento. Alam mo bang may mga tulang sadyang nilalapatan din ng himig upang ito’y awitin? Ito’y mga tulang punong-puno ng damdaming matutunghayan mo sa kasunod na pahina. Magpatuloy ka lang para madagdagan ang iyong kaalaman. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Tuklasin Narito ang isang tula mula sa England, United Kingdom. Basahin at unawain mong mabuti upang matuklasan ang mensaheng nais nitong ipahatid. Matutunghayan mo ang wagas na pag-ibig na gustong palabasin ng tula. Ang tulang ito ay halaw sa tula ni Elizabeth Barret Browning na “How Do I Love Thee – Sonnet 43 na isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago. 7 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Ang Aking Pag-ibig (How Do I Love Thee – Sonnet XLIII) ni Elizabeth Baret Browning (Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago) Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisa-isahin, ikaw ang bumilang. Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utos-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri. Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin, Tulad ng lumbay kong di makayang bathin Noong ako’y isang musmos pa sa turing na ang pananalig ay di masusupil. Yaring pag-ibig ko, ang nakababagay Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, na nang mangawala ay parang nanamlay Sa pagkabigo ko at panghihinayang. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin kita Ang binasa mong tula ay isang halimbawa ng Tulang Soneto. Ito ay isang uri ng tulang nagmula sa Italya na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat. Sa madaling sabi, ito ay tula hinggil sa damdamin. Mahusay, binabati kita! Upang lubos mo pang maintindihan ang akdang binasa, makatutulong sa iyo ang pagsagot sa mga mahahalagang katanungan. Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga ito dahil may malalim pang- unawa sa binasa. 8 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Piliin sa Kolum B ang kahulugan ng matatalinghagang pananalitang ginamit ng tula sa kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. KOLUM A KOLUM B _____ 1. Lipad ng kaluluwang ibig na A. handang mahalin marating Ang dulo ng hindi anoman ang mangyari maubos-isipin B. masidhing pagmamahal _____ 2. Kasinlaya ito ng mga lalaking C. tunay na pag-ibig Dahil sa katwira’y hindi paaapi D. pag-ibig hanggang _____ 3. Kasingwagas ito ng mga bayaning wakas Marunong umingos sa mga papuri E. ang pag-ibig ay buhay _____ 4. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na Ngiti, luha buhay at aking hininga! _____ 5. At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin kita Gawain 3: Pag-unawa sa Akda Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. 1. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________ 2. Batay sa tula, ano ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________ 3. Aling bahagi ng tula ang nagpalutang ng ganda at kariktan nito? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________ 9 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 4. Paano naipamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________ 5. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matatalinghagang salita upang mapalutang ng may-akda sa mga mambabasa ang mensahe? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________ Gawain 4: Sagutin Mo! Panuto: Batay sa binasa mong tula na pinamagatang “Ang Aking Pag-ibig”, isulat sa nakalaang talahanayan ang mapili mong limang matatalingahagang pananalita na ginamit dito. Pagkatapos, tukuyin ang pakahulugan nito. Matalinghagang pananalita Pagpapakahulugan 1. 2. 3. 4. 5. Suriin Basahin at unawain mo ang kaalaman ukol sa tula bilang isang akdang pampanitikang nagpapagana sa ating malikhaing guniguni. Inaasahang kong masasagot mo ang pokus na tanong na – mabisa bang paraan ang tula sa paglalarawan ng karanasan at damdamin ng bansang kanluranin gamit ang mga tayutay? Alam mo bang… Tula ang tawag sa isang akdang pampanitikang may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan. 10 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan at naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa. Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa kasalukuyan. May apat na pangkalahatang uri ng tula: Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang Padula at Tulang Patnigan. Sa araling ito, bibigyang-pansin natin ang Tulang Pandamdamin o Liriko Tulang Liriko – Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula. Uri ng Tulang Liriko 1. Soneto – Ang tulang ito ay may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao. Naghahatid ng aral sa mambabasa. Mga Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon Ang Aking Pag-ibig 2. Pastoral – Hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ang tulang ito ay pumapaksa at naglalarawan ito ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa. Mga Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig Ang Tinig ng Ligaw na Gansa 3. Elehiya – Ito ay tula ng pamamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan, kamatayan at iba pa. Mga Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus Elehiya para kay Ram ni Patrocinio V. Villafuerte 4. Oda – Ang tulang ito ay nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang uri ng damdamin. Karaniwang tungkol sa papuri tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o anomang bagay na maaaring papurihan. Mga Halimbawa: Tumangis si Raquel Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus 11 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 5. Awit – Karaniwang pinapaksa ng tulang ito ay pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. Tinatawag din itong kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ito ay awit tungkol sa pag-ibig. Mga Halimbawa: May isang pangarap ni Teodoro Gener Sa Dalampasigan ni Teodoro Agoncillo 6. Dalit – Ito ay katutubong tula na may apat na taludtod sa bawat saknong at may sakut na wawaluhin. Ito’y awiting patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya na may layuning dumakila at magparangal. sa kasalukuyang kahulugan, masasabi na ring dalit ang isang tula kung ito’y may pagdarakila sa bayan. Dalitsamba: patungkol sa Diyos Dalitbayan: pagdakila sa bayan Halimbawa: Dalit kay Maria Mga Elemento ng Tula 1. Persona – Tumutukoy ito sa nagsasalita sa tula na nililikha ng makata. 2. Imahen – Tumutukoy ito sa larawang diwa na nabubuo sa mambabasa. Pinagagalaw nito ang guniguni ng mambabasa. Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan. 3. Musikalidad – Nakapokus ito sa porma at paraan ng pagkakasulat ng tula. Nagtataglay ito ng angking melodiya o tonong nararamdaman sa indayog o ritmo. a. Sukat – Saklaw nito ang sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng tula. Ang pangkaraniwang tula ay may walo hanggang labindalawang pantig sa bawat taludtod. Halimbawa: Lalabindalawahing Pantig Ako’y magsasakang bayani ng bukid Sandata’y araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang lamig b. Tugma – Ito ang pagkakasintunugan ng mga salita o pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng tula. Ito ay isang elemento ng tula na nagbibigay dito ng himig at indayog Halimbawa: Sukat: a-a-a-a (magkakatugma lahat ng linya) Sa aking lupain doon nagmumula Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ang lahat ng tao, mayaman o dukha Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa 12 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 c. Tono o Indayog – Ipinababatid nito paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa. 4. Wika – Tumutukoy ito sa paggamit ng salita – maaaring lantad o di- lantad ang mga salita. 5. Kaisipan o Bagong Pagtingin sa/ng Tula – tumutukoy ito sa kung paano nagkaroon ng bagong pagtingin sa isang bagay na palasak. a. Talinghaga – tumutukoy ito sa matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangang gumamit ng tayutay at matalinghagang mga pahayag o salita upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Halimbawa: Nahuli sa pain, umiyak Ako’y hawak ng iyong pag-ibig Hindi ako makaalpas b. Kariktan – Tumutukoy ito sa malinaw at di-malilimutang impresyong nakikintal sa isipan ng mambabasa. Ito ang pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa. Mga Paraan sa Pagsulat ng Tula 1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng mga halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula. 2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid o bunga lamang ng kanyang makulay na imahinasyon. 3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang paglayo sa karaniwang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita. 4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tula kung ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kanyang akda hindi lamang niya ito sinasabi. 13 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Matatalinghagang Pananalita ang tawag sa mga salita o pahayag na hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan ng isang salita. Sa madaling sabi, ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng malalim na kahulugan. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa. Nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan. Nagsisilbing larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag na patayutay o tayutay. Tayutay – Ito ay tumutukoy sa mga salita o pahayag na ginagamit upang maging maganda at kaakit-akit ang isang pahayag. Tumutukoy din ito sa sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula. Mga Uri ng Tayutay 1. Pagtutulad (Simile) – Isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo’y, tila, kasing-, magkasing- at iba pa. Halimbawa: Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha. Ang iyong labi ay tila rosas sa pula. 2. Pagwawangis (Metapora) – Tiyakang naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing. Hindi na ito ginagamitan ng mga salitang tulad ng ginagamit sa Simile. Halimbawa: Leon sa bagsik ang ama ni David Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan. 3. Pagmamalabis (Hyperbole) – Pilit na pinalalabis sa normal na katangian, kalagayan o katayuan ng isang tao, bagay, pook o pangyayari upang bigyang kaigtingan ang nais ipahayag. Tinatawag din itong eksaherasyon. Halimbawa: Nalulunod na siya sa kanyang luha. Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala. 14 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 4. Pagtatao (Personipikasyon) – Ito’y mga pahayag ng paglilipat ng katangian, gawi at talino ng isang tao sa mga karaniwang bagay na walang buhay. Ginagamitan ito ng pandiwa. Tinatawag din itong Pagbibigay-katauhan. Halimbawa: Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat. Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit. 5. Pagtawag (Apostrophe) – Ito ay isang panawagan o pakiusap nang may masidhing damdamin sa isang bagay na tila ito ay isang tao o kaya’t tao na na animo’y kaharap ang kausap. Halimbawa O tukso, layuan mo ako! Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay. Batid kong marami kang nalaman tungkol sa tula at matatalinghagang pananalita / tayutay. Pagyamanin Magaling! Binabati kita sa matagumpay mong pagsusuri sa tulang “Ang Aking Pag-ibig”. Ngayon, sa bahaging ito ay babasahin at susuriin mo pa ang isang tulang may pamagat na “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa” ayon sa pagkabuo nito. Aasahan mo ring ihahambing mo ito sa tulang “Ang Aking Pag- ibig”. Ang tulang iyong babasahin ay isang halimbawa naman ng Tulang Pastoral. Tuklasin mo kung bakit mahalagang maunawaan ang pagnanais ng sumulat nito ng simpleng pamumuhay sa gitna ng komplikadong sitwasyon. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa Ang tinig ng ligaw na gansa Nahuli sa pain, umiyak Ako’y hawak ng ‘yong pag-ibig, Hindi ako makaaalpas. Lambat ko aking itatabi, Subalit kay ina’y anong masasabi? Sa araw-araw ako’y umuuwi, karga ang aking mga huli ‘Di ko inilagay ang bitag Sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag. 15 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Gawain 5: Kaisipan Mo’y Mahalaga Panuto: Mula sa mga elemento ng tula, suriin ang tulang binasa “Ang Tinig na ligaw na Gansa.” SUKAT IMAHEN MUSIKALIDAD TULA WIKA PERSONA Gawain 6: Tukuyin Mo! Panuto: Tukuyin kung anong tayutay ang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa inyong sagutang papel ang Simile, Metapora, Hyperbole, Personipikasyon o Apostrophe. ___________________ 1. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nangniningning sa tuwa. ___________________ 2. Rosas sa kagandahan si Marian Rivera. ___________________ 3. Napanganga hanggang paa ang mga manonood sa pagpasok ng mga artista sa tanghalan. ___________________ 4. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw. ___________________ 5. Tila mga anghel sa kabaitan ang mga bata. ___________________ 6. Halika panaginip at tulungan mo akong malimot ang mga pighati sa buhay. ___________________ 7. Salaysay niya, saksakan ng guwapo ang binatang nasa kaniyang panaginip. ___________________ 8. O buhay! Kay hirap mong unawain. ___________________ 9. Inanyayahan kami ng dagat na maligo. ___________________ 10. Nahiya ang buwan sa kanyang kahambugan. 16 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Binabati kitang muli mahal kong mag-aaral. Lalong lumalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa sa ating aralin! Magpatuloy ka lang dahil mas marami pang impormasyon ang iyong malalaman. Isaisip Gawain 7: Dugtungan Mo! Panuto: Dugtungan ang sugnay batay sa iyong natutuhan sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Natutuhan kong ang tula ay… Ang mga elemento ng tula ay… _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ ___ ___ Ang mga uri ng Tulang TULA Ang mga uri ng tayutay Liriko ay… ay… ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ______ ______ 17 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Isagawa Gawain 8: Isulat Mo! Panuto: Batay sa kasalukuyang kinakaharap natin kaugnay ng pandemya, sumulat ng tula na nagpapakita ng pag-ibig sa iyong kapwa. Gamitin mo lahat ang mga natutuhan mo upang makabuo ka ng magandang tula. Isulat sa sagutang papel. Ikaw ay susulat ng sariling-likhang tulang liriko gamit ang mga Goal matatalinghagang pananalita. Role Ikaw ay magiging manunulat at makata Audience Guro, mga kapwa mag-aaral. Batay sa kasalukuyang kinakaharap natin kaugnay ng pandemya, gagawa ka ng sariling likhang tula na may 2 – 3 Situation saknong na may apat na taludtod sa bawat saknong. Gawin itong malikhain. Product Sariling-likhang Tulang Liriko A. Malinaw na mensahe………………..….………………….… 10 puntos B. Estruktura ng pagkakasulat……..……………………..….. 10 puntos C. Malinaw na nagpapakita ng kariktan………….....…..….. 10 Standards puntos D. Mabisang paggamit ng mga tayutay…………..…………...10 puntos E. Dating……………….....……………………………………………10 puntos Kabuoan.……….………………………………….…………........50 puntos 18 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Tayahin Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa mga araling natalakay. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. Panuto: Isulat ang Tsek (√) sa sagutang papel kung ang ipinahahayag tungkol sa tula ay Tama at Ekis (X) naman kung ito’y Mali. _____ 1. naglalaman ng masisidhing damdamin _____ 2. maikli lamang at nababasa ng isang upuan _____ 3. karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayari _____ 4. nagpapahayag ng katotohanan lamang _____ 5. ginagamitan ng tayutay o matatalinghagang pahayag _____ 6. salamin ng buhay _____ 7. maaaring may sukat at tugma _____ 8. nahahati sa iba’t ibang kabanata _____ 9. binubuo ng mga taludtod at talata _____ 10. piling-pili ang mga salitang ginagamit B. Panuto: Basahin at unawain mo ang bahagi ng tula pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan. - Ang Aking Pag-ibig _____ 1. Alin sa sumusunod ang HINDI katangiang taglay ng persona sa tula? A. mapagtiis C. masayahin B. mapagpakumbaba D. mapagmalasakit 19 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 _____ 2. Ipinahahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang iniibig sa pamamagitan ng _________. A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig B. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila C. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay D. pagpapahiwatig ng nararamdaman _____ 3. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?” A. pag-ibig sa ama/ina C. pag-ibig sa kapatid B. pag-ibig sa kaibigan D. pag-ibig sa kasintahan/asawa _____ 4. Ang uri o tawag sa tulang nagmula sa Italya na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. A. soneto B. tanaga C. oda D. haiku _____ 5. Anong uri ng tayutay ang bahagi ito ng tula? “Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay” A. personipikasyon B. simile C. metapora D. hyperbole C. Panuto: Basahing mabuti ang mga bahagi ng tula pagkatapos tukuyin kung anong elemento ang nangibabaw rito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang tinig ng ligaw na gansa Nahuli sa pain, umiyak Ako’y hawak ng iyong pag-ibig, Hindi ako makaalpas. Lambat ko ay aking itatabi, Subalit kay ina’y anong masasabi? Sa araw-araw ako’y umuuwi, karga ang aking mga huli ‘Di ko inilagay ang bitag Sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag. - Ang Tinig ng Ligaw na Gansa _____ 1. Ano ang persona ng nagsasalita sa tula? A. isang babaeng mangingibig C. isang gansang naligaw B. isang gansang nabihag D. isang lalaking mangingibig 20 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 _____ 2. “Ang / Ti/nig / ng / Li/gaw / na / gan/sa” Anong elemento ang nangibabaw sa taludtod na ito? A. persona C. musikalidad B. imahen D. wika _____ 3. “Nahuli sa pain, umiyak Ako’y hawak ng iyong pag-ibig, Hindi ako makaalpas.” Anong elemento ang kapansin-pansin sa bahaging ito ng tula? A. persona C. musikalidad B. imahen D. wika _____ 4. Anong kaisipan o damdamin ang ipinahihiwatig ng tula? A. pag-ibig C. panghihinayang B. pagdurusa D. pag-asa _____ 5. Batay sa mga pahiwatig, anong uri ito ng tula? A. soneto B. pastoral C. elehiya D. dalit D. Panuto: Piliin sa Kolum B ang tinitukoy sa kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. KOLUM A KOLUM B _____ 1. Ito ay isang panawagan o pakiusap nang A. Simile may masidhing damdamin sa isang bagay. B. Metapora _____ 2. Ito’y mga pahayag ng paglilipat ng C. Personipikasyon katangian, gawi at talino ng isang tao sa mga karaniwang bagay na walang D. Hyperbole buhay. E. Apostrope _____ 3. Tinatawag din itong eksaherasyon. _____ 4. Tiyakang naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing. _____ 5. Paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. 21 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Binabati kita! Natapos mo na ang aralin. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag- aralan natin na Tula mula sa England, United Kingdom at sa mga tayutay bilang matalinghagang salita. Nawa’y magamit mo pa ito sa pagsusulat mo ng tula. Bagaman tapos na tayo sa araling ito. Ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na namang aralin – Modyul 4 (Maikling Kuwento mula sa United States of America). 22 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 23 PANGWAKAS NA PAGTATAYA ISAGAWA A. Gawain 8: Isulat Mo! 1. √ 6. √ Iba-iba ang sagot 2. √ 7. X 3. X 8. X 4. X 9. X 5. √ 10. √ ISAISIP B. Gawain 7: Dugtungan Mo! 1. C Iba-iba ang sagot 2. A 3. D 4. A PAGYAMANIN 5. D Gawain 5: Kaisipan Mo’y Mahalaga C. Iba-iba ang sagot 1. D 2. C Gawain 6: Tukuyin Mo 3. B 1. Simile 4. A 2. Metapora 5. B 3. Hyperbole 4. Personipikasyon D. 5. Simile 1. E 6. Apostrophe 2. C 7. Hyperbole 3. D 8. Apostrophe 4. B 9. Personipikasyon 5. A 10. Personipikasyon BALIKAN TUKLASIN Gawain 1: Awitin Natin! Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Iba-iba ang sagot 1. B 2. A 3. C 4. E PAUNANG PAGTATAYA 5. D A. B. C. Gawain 3: Pag-unawa sa Akda 1. C 1. B 1. Metapora Iba-iba ang sagot 2. A 2. C 2. Apostrophe 3. D 3. B 3. Hyperbole Gawain 4: Sagutin Mo 4. B 4. B 4. Simile Iba-iba ang sagot 5. D 5. C 5. Personipikasyon Susi sa Pagwawasto Sanggunian Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc. pa. 87-89, 185-196. Locano, D.G., Ipong M.L. at Royo, J.L (2015). Parola 10. Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc. pa. 455-459. England History. Nahango noong Hunyo 10, 2020 mula sa https://www.britannica.com/place/England Tulang Liriko. Nahango noong Hunyo 10, 2020 mula sa https://brainly.ph/questions/193051 Tayutay. Nahango noong Hunyo 10, 2020 mula sa https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Tayutay Ang Awit ni Lira. Nahango noong Hunyo 10, 2020 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=JNkaLW9M6Rw 24 CO_Q2_FILIPINO10_MODULE3 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]