1st Term Filipino Reviewer PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This is a Filipino reviewer for the first term. It covers topics like myths, verbs, and aspects of verbs. It's meant to include a summary of past concepts covered.
Full Transcript
2. Kahon ni Pandora Mga Karakter Presenta: ○ Epimetheus, Prometheus, Zeus, Hephaestos. Aphrodite, Pandora Buod ng Kwento: ○ PROMETHEUS / EPIMETHEUS Mayroong dalawang magkapatid na Titan, si Epimetheus at Prometheus. Biniyayaan sila n...
2. Kahon ni Pandora Mga Karakter Presenta: ○ Epimetheus, Prometheus, Zeus, Hephaestos. Aphrodite, Pandora Buod ng Kwento: ○ PROMETHEUS / EPIMETHEUS Mayroong dalawang magkapatid na Titan, si Epimetheus at Prometheus. Biniyayaan sila ng kapangyarihan ni Zeus sapagkat sumanib sila sa mga Olimpian. Si Epimetheus ay binigyan ni Zeus ng kapangyarihang lumikha ng mga hayop, at binigyan niya ang mga nilalang na ito ng ng kakayahang maprotektahan ang kani-kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pakpak, balahibo, tuka, at iba pa. Si Prometheus naman ay binigyan ng kapangyarihang lumikha ng mga tao, subalit dahil mas nahuli siya sa paglikha, naubusan na siya ng pamprotekta para sa mga inilikha niya. Dahil dito, naisipan ni Prometheus na bigyan sila ng apoy, ngunit, hindi ito pinayagan ni Zeus dahil ang apoy ay tanging para lamang sa mga Diyos at Diyosa. ○ ANG PAGNAKAW NG APOY NI PROMETHEUS Dahil hindi siya pinayagan ni Zeus, nagnakaw si Prometheus ng apoy sa tirahan ni Hephaestos. Binigay niya ito sa mga tao at tinuruan sila kung papaano ito gamitin. Nagalit dito si Zeus at pinarusahan si Prometheus. Ikinadena si Prometheus sa malayong kabundukan ng Caucasus. Araw-araw tinutuka ng agila ang atay ni Prometheus, bumabalik ito sa dati pagkatapos tukain. Natigil lamang ang paghihirap ni Prometheus nung pinatay ni Herakles ang ibon na ito. ○ PAGLIKHA KAY PANDORA Hindi natapos dito ang galit ni Zeus, at pinarusahan niya rin ang mga tao sa pamamagitan ng paglikha kay Pandora. Inilikha si Pandora sa tulong ng mga Diyos at Diyosa; Si Hephaestos ang lumikha nito mula sa luwad, si Athena ang lumikha ng kaniyang maningning na kasuotan at ipinatong ang koronang iginawa ni Hephaestos, ipinagkaloob nito ni Aphrodite ng kagandahan, at ipinagkaloob nito ni Hermes ng mausisang kaisipan (curiosity). Inihatid nila ang dalagang ito kay Epimetheus at nag-ibigan sila. Kinasal ang dalawa at mayroong inihandog sa kanila na isang kahon. ○ ANG PAGBUKAS SA KAHON Binalaan na si Epimetheus ng kaniyang kapatid na huwag tanggapin ang anumang ihandog sakaniya ni Zeus sapagkat ito ay magdudulot lamang sakaniya ng kapahamakan. Ipinangako ni Pandora sa kaniyang asawa na hindi niya bubuksan ito. Subalit isang araw, habang na sa bukid si Epimetheus, hindi nilabanan ni Pandora ang kaniyang sarili at binuksan niya ang kahon na ito. ○ ANG PARUSA NI ZEUS Noong binuksan ni Pandora ang kahon, lumabas lahat ng kasamaan sa mundo! Galit, inggit, kasakiman, digmaan, panibugho, gutom, kahirapan, kamatayan, at iba pa. Humagulgol si Pandora nung dinatnan siya ng kaniyang asawa. Subalit, sa kabila ng lahat ng kasamaan, may maganda at maningning na insektong lumabas mula sa kahon. Ito ang espiritu ng pag-asa. Sumisimbo ito na sa kabila ng lahat ng kasamaan, hamon, at pagsubok na dala ng buhay, palaging may pag-asa sa dulo. 3. Uri at Aspekto ng Pandiwa Pandiwa ○ Bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita. ○ Binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi. ○ Panlaping Makadiwa - Mga panlaping ginagamit sa pandiwa. Uri ng Pandiwa ○ Palipat - May tuwirang layong (direct object) tumatanggap sa kilos. Ang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng nga katagang ng, ng mga, sa, sa mga, kay, o kina. Hal. Si Hephaestos ay lumilok ng babae. ○ Katawanin - Hindi nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap ng kilos. Mga Hal. Nabuhay si Pandora. aSina Epimetheus at Galatea ay ikinasal. Umuulan! Lumilindol! Aspekto ng Pandiwa ○ Perpektibo - Nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos. Hal. Natapos ng binata ang kanyang obra maestra. Aspektong Katatapos - Ang kilos ay katatapos pa lang gawin o mangyari. 1. Katatapos lang gawin ng binata ang kanyang obra. ○ Imperpektibo - Nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nangyayari o kaya’y patuloy na nangyayari. Hal. Araw-araw na dinadalaw ni Pygmalion ang minamahal niyang estatwa. ○ Kontemplatibo - Nagsasaad na ang kilos ay hindi oa isinasagawa o gagawin pa lamang. Hal. Magpapasalamat ang magkasintahan sa butihing diyosa ng pag-ibig Synthesis ○ PERPEKTIBO = PAST ○ IMPERPEKTIBO = PRESENT/ROUTINELY ○ KONTEMPLATIBO = FUTURE 4. Pokus ng Pandiwa Pokus ng Pandiwa - Relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap. Limang Uri: ○ Tagaganap o Aktor ○ Layon o Gol ○ Ganapan o Lokatib ○ Tagatanggap o Benepaktib ○ Gamit o Instrumental ○ Sanhi o Kosatib Pokus ng Pandiwa ○ TAGAGANAP O AKTOR - Paksa o Simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa. ○ Sumasagot sa tanong na Sino? Hal. Si Aphrodite ay tumugon sa panalangin ni Pygmalion. Paksa - Aphrodite (tagaganap) Ang tagaganap (Aphrodite) ang gumawa ng kilos (tumugon) ○ LAYON O GOL - Ang layon ay siyang paksa o binibigyang diin sa pangungusap. ○ The subject is the direct object of the sentence. ○ Sumasagot sa tanong na Ano? Hal. Pinag-uusapan ng mga tao ang estatwang nilikha ni Pygmalion. Paksa - ang estatwa (layon/object) Ang layon (estatwa) ang tumanggap ng kilos (pinag-uusapan) ○ GANAPAN O LOKATIB - Ang lugar o pinagganapan ng kilos ang paksa ng pangungusap. ○ Sumasagot sa tanong na Saan? Hal. Pinagmulan ng mga mitolohiya ang bansang Griyego. Paksa - ang bansang Griyego Ang lugar (bansang Griyego) ay ang tumanggap ng kilos (pinagmulan) ○ TAGATANGGAP O BENEPAKTIB - Ang tao o bagay na nakinabang sa resulta ng kilos ang paksa ng pangungusap. ○ Focuses on who or what benefits from the action, not necessarily directly receiving the action, unlike layon o gol. ○ Sumasagot sa tanong na Para kanino? Hal. Ipinagdala nina Pygmalion ng mga alay si Aphrodite Paksa - Aphrodite (benepaktib/beneficiary) Ang benepaktib (Aphrodite) ang nakinabang sa kilos (ipinagdala) ○ GAMIT O INSTRUMENTAL - Ang bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap. ○ Sumasagot sa tanong Sa pamamagitan ng ano? Hal. Ipinang-ukit ni Pygmalion ang paet at martilyo sa pagbuo ng estatwa. Paksa - paet at martilyo (instrumento/gamit) Ang instrumento (paet at martilyo) ang iginamit para sa kilos (ipinang-ukit) ○ SANHI O KOSATIB - Ang paksa ng pangungusap ay ang dahilan o sanhi ng kilos. ○ Sumasagot sa tanong na Bakit? Hal. Ikinatuwa ni Aphrodite ang patuloy na pag-aalay ng pamilya ni Pygmalion. Paksa - patuloy na pag-aalay (dahilan) Ang paksa (patuloy na pag-aalay) ang dahilan ng kilos (tumugon) 5. Parabula Parabula ○ Kuwento na madalas ay hango sa banal na aklat o Bibliya. ○ Ginamit ng ating Panginoon sa kanyang pangangaral. ○ Nagmula sa salitang Griyego na “parabole” na ang ibigsabihin ay pagkukumpara. ○ Kalimitang may aral na nakapaloob. ○ Naglalarawan sa tunay na nangyayari sa buhay ng isang tao. Hal. Parabula ng Alibughang Anak (Lukas 15:11-32) Parabula ng Mabuting Samaritano (Lukas 10:25-37) Parabula ng Mayaman at si Lazaro (Lukas 16:19-31) Bakit Parabula? ○ Nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ng talinghaga. ○ Ang mga tao ay kadalasang tumitingin ngunit hindi nakakakita at nakikinig ngunit hindi nakaririnig o nauunawan. ○ A powerful tool that Jesus used to reveal the truth for those who wish to see it and conceal it for those who do not. Mga Elemento ng Parabula ○ Tauhan - Ang tagapagsagawa ng mga kilos sa akda. ○ Sa pamamagitan nito napapakita kung gaano kamakapangyarihan ang aktor. Tuwirang Pahayag - Kapag binabanggit na ng awtor o ng ibang tauhan sa kuwento ang katangian ng tauhan. (Direct Characterization) Madulang Pagpapahayag - Kapag matimpi ang paglalarawan sa tauhan. Ipinakikilala ang tauhan sa pahiwatig na paraan. (Indirect Characterization) ○ Tagpuan - lugar o pook na bunga ng malikhaing pag-iisip ng awtor. Sa paglikha, sinisikap ng awtor, mananalaysay, na ito ay makatotohanan at akma sa kaisipan o mensaheng ibig niyang bigyan ng tuon. Malaki ang ginagampanan nito upang higit na kapani-paniwala ang mga kaganapan sa parabula. ○ Aral - Ginintuang kaisipan o mensahe na nakuha mula sa binasa. 6. Parabula ng Sampung Dalaga TAUHAN: Ang limang matatalinong dalaga Ang limang hangal na dalaga Kasintahang lalaki na ikakasal BUOD: Mahalagang magkaroon ng kahandaan upang sa huli ay hindi ito sisihan. May sampung dalagang dumalo sa kasal, hinihintay nilang dumating ang kasintahang lalaki na ikakasal, ngunit hindi nila alam kung anong oras ito dadating. May dala silang mga ilawan de-langis. Dahil sa tagal ng lalaki ay nakatulog ang mga dalaga, pagkagising ay naubos na ang langis ng kanilang nga ilawan. Matalino ang limang dalaga sapagkat may dala silang sobrang langis, sapagkat yung natirang lima ay itinuturing hangal, sapagkat ang langis na dala nila ay yun lamang na nasa kanilang mga ilawan. Noong humingi ang mga hangal ba dalaga sa mga matatalino ng sobrang langis, tumanggi ang mga ito at sinabihan sila na bumili sa labas. Habang wala sila, dumating na ang lalaking ikakasal at pinapasok niya na ang mga matatalinong dalaga. Isinadado niya ang pintuan upang walang makapasok na hindi niya kilala. Pagbalik ng limang hangal na dalaga ay sinaraduhan na sila. Hindi na sila makadalo sa kasalan. ARAL: Parang si Jesus ang kasintahang lalaki sa kuwentong ito. Parang ang mga miyembro ng Simbahan ang sampung dalaga. Kapag muling pumarito si Jesus, magiging handa ang ilang miyembro. Kasi sinunod nila ang mga utos ng Diyos. Ang iba ay hindi magiging handa. Hindi nila makakapiling ang Tagapagligtas kapag muli Siyang pumarito. 6. Epiko Nagmula sa sinaunang salitang Griyego na “epikos” at “epos” na nangangahulugang “salita”, “kuwento”, o “tula” Mga tulang pasalaysay na naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng isang tao Oral Poetry ○ Mga sunaunang epiko na nabuo lamang sa pamamagitan ng pagkukuwento sa iba’t ibang tao ○ Hal: Oral Epic o World Fold Epic Mahahabang tula na iniuuri-uri (classifying) batay sa haba ng palabas, konsepto, interes, at kahalagahan Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsasaulo at pagtanghal nito sa entablado o sa harap ng maraming manonood Mga Uri ng Epiko ○ Epikong Sinauna Mga uring lumitaw noong sinaunang panahon Kilala rin sa taguring epikong pambayani na naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang layunin o mithiin Karaniwan na ang pangunahing tauhan ay nag-aangkin ng kahima-himala at kumakatawan sa isang adhikain ng isang lahi o bansa, Nagpasalin-salin sa bibig ng mga salinhali at unti-unting nabuo sa mga anyo nito ngayon Halimbawa: Beowulf ○ Epikong Masining Tinatawag ding epikong makabago o epikong pampanitikan Nahahawig sa epikong pambayani Nasusulat sa isang marangal na kabuuan at nahihinggil sa lunggati at tahakin ng isang lipi, lahi, o bansa Hal: Iliad at Odyssey, Paradise Lost, Mutya ng Silangan ○ Epikong Pakutya Kabalangkas ng epikong bayani ngunit ang paksa ay naglalahad at naglalayong kutyain ang gawing walang kabuluhan at pag-aaksaya lamang ng panahon ng tao Halimbawa: Ang Pangginggera (Lope K. Santos) Mga Katangian ng Epiko ○ Nagsisimula sa imbokasyon para kay Muse ○ Sinusundan ng In Medias Res Estilo ng pagsusulat na isinasalaysay muna ang gitnang bahagi ng kuwento bago ang nakaraan ○ Ang tagpuan ay napakalawak sumasakop sa maraming bansa, buong mundo man o kalawakan ○ Naglalaman ng mahabang listahan na tinatawag na epic catalog Listahan ng mga bagay, lugar, o mga tao sa kuwento na nagpapakilala sa lugar kung saan ito nagmula o isinulat ○ Nagsisimula rin sa paglalahad ng tema ng epiko ○ Ang mga pangalan ay sinasamahan ng paggamit ng mga epithet Mga pang-uri o salitang naglalarawan na ikinakabit sa pangalan ng tauhan o sa isang bagay. Halimbawa: “rosy-fingered dawn”, “Wine-dark sea” at “Mighty Achilles” mula sa akda ni Homer ○ Naglalaman ng mahahaba at pormal na talumpati o kawikaan mula sa mga tauhan ○ Nagpapakita ng pangingibabaw ng mga diyos/diyosa sa mga tao ○ Nagpapakilala ng mga bayaning tunay na nagpapahalaga o modelo sa sibilisasyon ○ Kadalasan ding nagpapakita ng pagbaba ng pagkatao ng isang bayani mula sa matayog na katayuan nito ○ Iba pang mga katangian Pag-alis ng pangunahing tauhan sa tahanan Pagtataglay ng agimat o anting=anting Paghahanap sa isang minamahal Pakikipaglaban o pakikidigma Bathalang pipigil sa digmaan Pagbubunyag na ang kalaban ay kadugo Pagkamatay ng bayani Pagkabuhay na muli Pagbabalik sa sariling bayani Pag-asawa ng bayani 6. Pagbibinyag sa Savica FRANCE PREŠEREN: Ipinanganak: Disyembre 3, 1800 (Vrba, Holy Roman Empire) Namatay: Pebrero 8, 1849 (Kranj, Austrian Empire) Nagmula sa bansang Slovenia Pambansang makata ng Slovenia Kinikilala sa kaniyang akda bilang pambansang epiko Ipinangalan sa kaniya ang Prešen Square Ljubljana TATLONG BAHAGI: I. Ang Soneto Inialay para kay Matija Čop na namatay dahil sa pagkalunod sa edad na 38. II. Ang Prologo Patula 26 na saknong (stanza) Tigtatlong taludturan (lines) III. Ang Pagbibinyag Patula 56 na saknong (stanza) Tigwalong taludturan (lines) TAUHAN: Valjhun ○ Nagpalaganap ng pananampalatayang Kristiyano ○ Nanguna sa hukbong Kristiyano Crtomir ○ Mandirigmang Pagano (Naniniwala sa maraming diyos at diyosa) ○ Nanguna sa hukbong Pagano ○ Labis na minamahal ang kanyang kasintahan ○ Nagpabinyag sa Talon ng Savica at naging paring Kristiyano Bogomila ○ Dalagang may matatag na paninindigan ○ Nagpabinyag para maging Kristiyano ○ Maganda, mahinhin, inosente BUOD: Ang Paganong Korinto ay naging Kristiyano. Setting: Lambak ng Bohinj taon 772 Tumatalakay sa mga pangyayari na nagbigay-daan upang ang mga Paganong Korinto ay maging binyagang Kristiyano. Sumesentro sa pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhan, si Crtomir at Bogomila. Nagkahiwalay sila noong sumabak si Crtomir sa digmaan sa pagitan ng mga Pagano (pinangunahan ni Crtomir) at Kristiyano (pinangunahan ni Valjhun) sa lambak ng bohinj, taong 772. Natalo ang pangkat nila Crtomir dahil marami at malakas ang kalaban at nakulangan sila sa pagkain. Sa dulo, si Crtomir lamang ang nakaligtas. Habang nasa digmaan si Crtomir, si Bogomila ay nagdasal nang buong taimtim sa Panginoon na kapag makakabalik ng buhay si Crtomir ay iaalay niya ang kaniyang buhay at sarili sa pagsilbi sa Panginoon. Sinuyo ni Crtomir ang dalaga upang i-balik ang pagmamahalan nila at bumago muli ang kanyang desisyon ngunit buo na ang desisyon ni Bogomila. Subalit, kinumbinsi niya si Crtomir na yakapin ang Kristiyanismo katulad niya. Kalaunan, pumayag si Crtomir bilang huling pabor ni Bogomila sa kaniya at nagpabinyag ito sa Talon ng Savica. Hindi nagtagal ay inialay niya rin ang kaniyang buhay sa Panginoon at naging paring Kristiyano. BANGHAY: Pagkatalo ni Crtomir at kanyang hukbo na tanging siya lamang ang nakaligtas. Crtomir loses the battle against Valjhun and the Christians because they were outnumbered and overpowered. Not only that, but his army lacked food which caused them to starve. At the end, all were killed except for Crtomir. Pagkabigo ni Crtomir sa pag-ibig. Tinalikdan ni Bogomila ang kanilang pag-iibigan dahil nabigyang-kasagutang panalangin. Bogomila abandoned their love and broke up with Crtomir because she vowed to dedicate her whole life to the Lord if Crtomir survives the battle. Since he did, she wholeheartedly fulfilled her promise to the Lord. Pagkumbinsi ni Bogomila kay Crtomir na yakapin ang pananampalatayang Kristiyanismo na paniniwala ng hukbong tumalo sa kanila. Bogomila convinces Crtomir to embrace Christianity, the religion of the group that beat them. Crtomir eventually agreed out of his love for the girl as well as the peace this new faith offered. Mula sa pagiging mandirigmang pagano ni Crtomir ay naging isang paring Kristiyano at tulad ni Bogomila ay inialay ang buhay at nagsilbi sa Panginoon From a pagan soldier, Crtomir was baptized and became a Christian, devoting his life to the Lord and becoming a Christian priest.