Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino (FPL)
Document Details
Uploaded by ExultantSweetPea7959
University of St. La Salle
Tags
Related
- Mga Detalye ng Kurso sa Komunikasyon at Pananaliksik (PDF)
- Ang Akademikong Pagsulat (Filipino) PDF
- Kahalagahan ng Pagsulat at Akademikong Pagsulat PDF
- Pagsusulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik - SAINT ANTHONY SCHOOL PDF
- LINGGUHANG GAWAIN SA FILIPINO (Kuwarter 4, Linggo 6) PDF
- Q2 Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan-Akademiko PDF
Summary
Ang dokumento ay isang reviewer para sa Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino (FPL). Binabalangkas nito ang mga pangunahing konsepto at kasanayan sa pagsulat, kabilang ang mga halimbawa ng mga uri at layunin ng akademikong pagsulat.
Full Transcript
**Ang Kahalagahan ng Pagsulat at Ang Akademikong Pagsulat** Ang PAGSULAT ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. - Cecilia Austera, et. al. Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinaka-epektibong midyum ng paghahatid ng...
**Ang Kahalagahan ng Pagsulat at Ang Akademikong Pagsulat** Ang PAGSULAT ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. - Cecilia Austera, et. al. Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinaka-epektibong midyum ng paghahatid ng mensahe. (2009) **Mga Dahilan ng Tao sa Pagsusulat** **Nagsisilbing libangan** - sa pamamagitan nito ay maibabahagi nila ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa kawili-wili o kasiya-siyang paraan para sa kanila. **Mag-aaral** - matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan **Propesyunal** - ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabaho na kanilang ginagampanan sa Lipunan **Ano ang Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat?** **Personal o Eksprisibo** - ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip magdulot sa bumabasang kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. **Panlipunan o Sosyal** - ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan **Kahalagahan o ang mga Benepisyo na Maaaring makuha sa Pagsusulat** 1\. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 2\. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. 3\. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. 4\. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. 5\. Magdudulot ito ng kakayahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. 6\. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilalasa mga gawa at akdang kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. 7\. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba't ibang batas ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat. **Mga Uri ng Pagsulat** **Malikhaing Pagsulat** - Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at nakaaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.\ hal.: Maikling Kuwento, Dula, Tula, Maikling Sanaysay, Komiks, Iskrip ng Teleserye, Kalyeserye, Musika, at Pelikula. **Teknikal na Pagsulat** - Ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman sa bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.\ hal.: Feasibility study on the Construction of Platinum Towers in Makati. **Propesyunal na Pagsulat** - Ito ay may kinalaman sa mga sulatin sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.\ hal.: Lesson Plan, at Medical Report **Dyornalistik na Pagsulat** - Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.\ hal.: Balita, Editoryal, Lathalain, Artikulo **Reperensiyal na Pagsulat** - Ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.\ hal.: Aklat, at Tesis **Akademikong Pagsulat** - ay isang intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan.\ hal.: Pananaliksik, at Aklat **Ano ang mga kakailanganin sa Pagsulat?** **Wika**- ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. **Paksa**- Ito ay magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. **Layunin**- ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. **Pamamaraan ng Pagsulat** - upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat. Limang Pangunahing Pamamaraan sa Pagsulat: 1. Impormatibo 2. Ekspresibo 3. Naratibo 4. Deskriptibo 5. Argumentatibo **AKADEMYA** - Ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. **Bumubuo sa Akademya** a. Mag-aaral b. Guro c. Administrador d. Gusali e. Kurikulum **Akademikong Filipino** - Malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito ay may paraang pasalita o pasulat, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino upang ito ay maging istandard at magamit bilang wika ng Intelektuwalisasyon. **Katangiang dapat taglayin ng akademikong Pagsulat:** **Obhetibo** - Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginagawang pag-aaral at pananaliksik. **Pormal** - Iwasan ang paggamit ng mga balbal at kolokyal **Maliwanag at Organisado** - Ang talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. **May paninindigan** - Ang kanyang layunin na naisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kaniyang isusulat. **May Panangutan** - Ang mga ginamit sa mga sanggunian ng mga sangkap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpukan ng iyong ginawa. **Iba't ibang Uri ng Akademikong Sulatin** - Abstrak\ sintesis/buod\ bionote\ panukalang proyekto\ talumpati\ agenda\ katitikan ng pulong\ posisyong papel\ replektibong sanaysay\ pictorial essay\ lakbay sanaysay **Iba't ibang uri ng Paglalagom** **Lagom** - Ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto. **Kasanayang Nahuhubog sa Pagsusulat ng Paglalagom** 1. Natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. 2. Natutuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kaniyang binabasa. 3. Nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat partikular ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata. 4. Nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo. 1. **Abstrak** - Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng "title page" o pahina ng pamagat. Layunin nito na ipaalam sa mambabasa ang paksa at magbigay ng malinaw na larawan ng mga nilalaman ng isinagawang pananaliksik. Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng; 1. Pamagat2. Introduksyon o Panimula 3. Kaugnay na literatura 4. Metodolohiya5. Resulta 6. Kongklusyon **Kahalagahan ng Abstrak** 1\. Mahalaga ang abstrak dahil natutulungan nito ang sinumang mananaliksik o manunulat na higit pang mapaunlad ang isang paksa. 2\. Matutulungan din nito ang mananaliksik na makita kung ang isang akda ay makatutulong sa pagpapaunlad ng kaniyang isinusulat. **Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak** 1. Lahat ng detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel. 2. Iwasan din ang paglalagay ng mga *statistical figures* o table sa abstrak. 3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. 4. Maging obhetibo sa pagsulat 5. Gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo. **Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak** 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin o gagawan ng abstrak. 2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta, at kongklusyon. 3. Buuin, gamit ang mga talata ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuuan ng mga papel. 4. Iwasang maglagay ng graph, table, at iba pa maliban lamang kung sadyang kinakailangan. 5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito. 6. Isulat ang pinal na sipi nito. Mga Katangian ng Mahusay na ABSTRAK\ 1. Binubuo ng 200-250 na salita 2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap 3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel 4. Nauunawaan ng target na mambabasa 2. **Sinopsiso Buod -** Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan. Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata, o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang.Sa pagsulat ng sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Sa madaling salita, ito ay hitik at pinaikling bersiyon ng mga nabasa upang makabuo pa ng panibagong ideya. s **Layunin ng Pagsulat ng Sinopsis o Buod** Makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksiyon o akda.Maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. SINO? ANO? KAILAN? SAAN? BAKIT? PAANO? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging Madali ang pagsulat ng buod. **Bakit mahalaga ang Sinopsis o Buod?** 1\. Upang higit maunawaan ang kahulugan ng binasa o pinakinggang panayam o sulatin. 2\. Higit na nagiging organisado ang pagkakaunawa ng isang sulatin. **Mga dapat tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis** 1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito. 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na isip nito. 3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap. 4. Gumamit ng mga angkop na pag-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata. 5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas sa ginamit sa pagsulat. 6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha sa sipi ng akda. **Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis** 1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito. 2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di-pangunahing kaisipan. 3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas. 4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang isinulat. 5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal. 6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod. 3. **Bionote**- Maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Ito ay pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon, at mga pagsasanay na taglay ng isang may-akda. Ayon kay Duenas at Sanz: Tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kaniyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa. Ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyunal na layunin. Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging "Tungkol sa iyong sarili" na makikita sa mga social network o digital communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. **Kailan kalimitang hinihiling ang Bionote?** - Tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita o panauhing pandangal. - Pagpapakilala ng may-akda, editor, o iskolar na ilalathala sa huling bahagi ng kaniyang akda o anumang publikasyon. - Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay sa mga mananaliksik. **Tandaan sa pagsulat ng Bionote:** 1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. 2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. 3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat. 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. 5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng Bionote. **Mga Katangian ng Mahusay na Bionote\ **1. Maikli ang nilalaman\ 2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw\ 3. Kinikilala ang mambabasa\ 4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok\ 5. NAkatuon lamanag sa mga angkop na kasanayan o katangian.