Ang Malikhain at Teknikal na Sulatin PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalahad ng mga kasanayan at uri ng malikhain at teknikal na pagsulat. Tinalakay ang kahalagahan ng estetika, iba't ibang uri ng sulatin tulad ng nobela, memorandum, at ulat-teknikal. Naglalaman din ng mga kahulugan at halimbawa ng bawat uri.

Full Transcript

Mga Kasanayang Pampagkatuto  Natutukoy ang pagkakaiba ng malikhaing pagsulat sa teknikal na pagsulat  Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng sentido panlabas(external senses) sa sentido panloob(internal senses)  Nakabubuo ng malikhaing gamit ang mayamang imahinasyon  Naisasagawa ang pananaliksik a...

Mga Kasanayang Pampagkatuto  Natutukoy ang pagkakaiba ng malikhaing pagsulat sa teknikal na pagsulat  Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng sentido panlabas(external senses) sa sentido panloob(internal senses)  Nakabubuo ng malikhaing gamit ang mayamang imahinasyon  Naisasagawa ang pananaliksik ayon sa itinatakdang paksa Ang Malikhaing Pagsulat  ginagamitan ito ng estetika - nangangahulugan ito ng pakiramdam na gumagamit ng sentido(panlabas: paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, at panlahat ; at panloob: imahinasyon o guniguni, memorya, pang-unawa at huwisyo pagpapasya)  may kaayusan ng mga salita o ang pagkakasunod-sunod ng mga elemento ng pangungusap  binibigyang-halaga ang pangkalahatang kaayusan ng pagkakahanay ng mga bahagi ng isang akda  nagtataglay ito ng mga bahaging eksposisyon, kumplikasyon at resolusyon gumagamit din ng mga kasangkapang pansukat lalo na sa tula  ang paggamit ng mga tayutay ay nagpapayaman sa kabuluhan at kahulugan ng akda  isinusulat upang magbigay-aliw sa mambabasa at bigyan sila ng pag-unawa sa kanilang buhay at sa lipunang kanilang ginagalawan  memoir  awtobiyograpiya  nobela  nobeleta(mahabang maikling kuwento o maikling nobela)  maikling kuwento  Dagli o flash fiction(napakaikling kuwento na binubuo lamang ng ilang daang salita)  tula  personal na sanaysay  epiko  komiks o graphic novel  dula(panteatro, pampelikula, pantelebisyon)  kanta o awit Ang teknikal na sulatin Ang teknikal na sulatin  hindi nababahiran ng alinman sa mga elemento sa pagsulat ng fiction o kathang-isip * Sa pagsulat ng isang salaysay tungkol sa kasaysayan, tuwiran o tukuyang binabanggit ang mga tiyak na tao, panahon, pook at mga naganap na pangyayari  uri ng sulating sa teknikal na komunikasyong ginagamit sa iba’t ibang larangan ng okupasyon.  ito ay proseso ng pagsulat at pagbabahaginan ng impormasyon sa propesyonal na kalagyan. Ang teknikal na sulatin ito ay may layuning maghatid ng isang natatanging mensahe para sa isa o mga tiyak na kinauukulan o mambabasa  ang paglalahad nito ay maanyo at ginagamitan ng mga teknikal na bokabularyo  gumagamit ito ng pagpapakahulugan, paglalarawan tulad sa pagpoproseso, klasipikasyon at interpretasyon  may sarili rin itong kakanyahan tulad ng kalinawan, kaugnayan, kaganapan, katiyakan, pagpigil at iba pa Mga teknikal na sulatin  memorandum pelikula, atbp)  brosyur(brochure)  tesis o disertasyon  Ulat-Teknikal  pamanahong papel  kasunduan  report  akademikong sanaysay  korespondensiya opisyal  manwal  konseptong papel  liham  posisyong papel  flyers/leaflets  mungkahing saliksik  deskripsyon ng produkto  liham-pangangalakal/pang-  artikulo sa dyornal negosyo  akademikong rebyu(ng aklat, Manwal  naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Memorandum Ayon kay Webster:  isang anyong pasulat na maikling note na sinulat para ipaalam o ipaalala ang isang bagay  isang rekord gaya ng pangyayari upang magamit sa hinaharap  isang impormal na komunikasyon gaya ng pang-opisina  isang maikling pasulat na pahayag ng pagkakasunduan ng isang kontrata o transaksyon Ayon kay L. English:  isang impormal na komunikasyon gaya ng pang-opisina  Ang memorandum ay isang inpormal na liham o ulat o isang palibot-sulat Memorandum  Uri ng komunikasyon na sinusulat at ginagamit upang maghatid ng mga mensahe o kalatas sa mga taong kasama ng sumusulat ng tanggapan. Brosyur Isang maliit na aklat o maliit na magasin na naglalaman ng mga larawan at impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo Ulat-Teknikal  Ang teknikal na ulat(tinatawag ding ulat-siyentipiko) ay isang dokumento na naglalarawan ng proseso, pagsulong, o resulta ng teknikal at siyentipikong pananaliksik o ang kalagayan ng teknikal o suliraning pansiyentipiko. Maaari rin itong maglalaman ng rekomendasyon at kongklusyon ng isang pananaliksik Kasunduan o Kontrata  isang pasulat o pasalitang kasunduan lalo na kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa trabaho, pagbebenta, o di kaya ay pamumusesyon(tenancy) at nilalayong maipatutupad ng batas. Liham Pangnegosyo Karaniwang ito ay liham mula sa isang kompanya para sa isa pang kompanya, o sa pagitan ng mga organisasyon at kanilang kostumer, kliyente at iba pang panlabas na partido. Flyers/Leaflets Uri ng nakasulat na adbertismo o patalastas na ang layuning ay para sa malawak na distribyusyon at karaniwang ibinabahagi sa pampublikong lugar sa mga indibidwal o sa pamamagitan ng selyo. Deskripsyon ng Produkto pagpapakilala at pagbibigay katangian sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilin ng isang mamimili. Posisyong Papel Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan. Ang iba pang mga teknikal na sulatin Feasibility Study Pag-aaral na isinasagawa bago lumikha ng isang negosyo o proyekto. Naratibong Ulat Ito ay isang ulat sa parang naratibo o pasalaysay. Karaniwang nakikita ang narrative report mula sa iba’t ibang ahensya o kompanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang organisayon o institusyon. Paunawa/ Babala at Anunsyo Nagbibigay impormasyon sa mga nakakabasa nito. Nakatutulong ang mga babala upang maiwasan ang mga sakuna, aksidente o iba pang hindi kanais-nais na pangyayari para sa isang indibidwal. Menu ng Pagkain Talaan ng mga pagkain mabibili sa isang karinderya, fast food o restaurant. Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat pagkain upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o kaya’y abot kaya para sa kanila. Ipinaliliwanag nina Gordon H. Mills at John A. Walter ang depinisyon ng pagsulat na teknikal  Iniugnay sa agham at teknolohiya  Nagtataglay ng mga sangkap na makaagham at teknikal na talasalitaan na inalalayan ng mga graph, at iba pa  Naghahatid ng wasto at malinaw na impormasyon sa halip na humikayat ng damdamin

Use Quizgecko on...
Browser
Browser