Filipino 7 Lesson Notes 2024-2025 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2024
Renso B. Salazar
Tags
Summary
This document contains Filipino 7 lesson notes for the 2024-2025 school year, prepared by G. Renso B. Salazar. It includes outlines for lessons on epics, cultural significance, and analysis of historical heroes.
Full Transcript
Inihanda ni G. Renso B. Salazar TAONG PANURUAN 2024-2025 Aralin 3 Epiko, Midyum sa Paglalahad ng Kasaysayan Paksa/Iba pang Paksa 1.1 Labaw Dongon (Epiko ng Sulod) ni Dr. Felipe Landa Jocano (Isang Pagbubuod) 1.2 Kahulugan ng Epiko 1.3 Ang Anda ng Epiko LPO3: Mapagkakatiwalaan, Maagap...
Inihanda ni G. Renso B. Salazar TAONG PANURUAN 2024-2025 Aralin 3 Epiko, Midyum sa Paglalahad ng Kasaysayan Paksa/Iba pang Paksa 1.1 Labaw Dongon (Epiko ng Sulod) ni Dr. Felipe Landa Jocano (Isang Pagbubuod) 1.2 Kahulugan ng Epiko 1.3 Ang Anda ng Epiko LPO3: Mapagkakatiwalaan, Maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at Aktibong kasapi ng pamayanan Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan at bumubuo ng pamayanang may pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong pakikilahok. EPO3: Pinag-iisipang mabuti ang pahayag pasalita man o pasulat upang matasa ang kawastuan, pagkamakatotohanan at kalinawan sa mga bagay na ibabahagi maging ang tono nito at kung paano ito dapat tanggapin at bigyang kahulugan ng iba. (LPO3) EPO5: Nakapagbibigay halaga at tumutugon ng tapat at maayos sa puna/pidbak ng iba tungkol sa kanilang pakikipagkomunikasyon at pagkilos. (LPO3) Ang bawat Paulinian ay inaasahang: ILO1: Natutukoy ang mahahalagang detalye ng pangyayari sa epikong binasa; ILO2: Naihahambing ang binasang epiko sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan; Ang bawat Paulinian ay inaasahang: ILO3: Nakapagsasaliksik ng dokumentaryo sa parting Bisaya na naglalarawan ng buhay ng mga tao sa liblib na lugar; Ang bawat Paulinian ay inaasahang: ILO4: Naisusulat ang sanaysay na naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya sa kinagisnan nilang kultura; at ILO5: Naisasagawa ang ulat-sanaysay sa nilalaman ng buod ng sanaysay sa isinulat. Panuto: Tukuyin ang ngalan ng mga superhero na makikita sa ibaba sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga gulo- gulong salita upang makuha ang tumpak na sagot. 1. RANDA 2. DERPONDUEPKO SAGOT: DARNA SAGOT: PEDRO PENDUKO Panuto: Tukuyin ang ngalan ng mga superhero na makikita sa ibaba sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga gulo- gulong salita upang makuha ang tumpak na sagot. 3. LLERABBAAIPTCN 4. KITMANLAS SAGOT: CAPTAIN BARBELL SAGOT: LASTIKMAN MAHALAGANG TANONG: 1. “Kung ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan ano ito at bakit?” 2. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay may kalakip na responsibilidad.”? 1. Bakit itinuturing na bayani si Lapulapu ng mga taga-Visayas? 2. Ano ang naiambag ni Andres Bonifacio sa ating bayan dahilan para ituring din siyang bayani? 3. Kailan masasabing bayani ang isang tao? Magbigay ng iyong saloobin o pananaw tungkol dito. Labaw Dongon (Epiko ng Sulod) ni Dr. Felipe Landa Jocano (Isang Pagbubuod) Mababasa sa Kalinangan pahina 34-39 1. Labaw Donggon – Pangunahing tauhan 2. Anggoy Alunsina at Datu Paubari – Mga magulang ni Labaw Donggon 3. Anggoy Matan-ayon – Ina ni Abyang Ginbitian 4. Abyang Ginbitian – Unang asawa ni Labaw Donggon 5. Anggoy Doronoon – Ikalawang asawa ni Labaw Donggon 6. Asu Mangga – Anak ni Anggoy Ginbitian at Labaw Donggon 7. Buyung Baranugan – Anak ni Anggoy Doronoon at Labaw Donggon 8. Nagmalitung Yawa Sinagmaling Diwata 9. Saragnayan Pangyayari sa Epiko Pangyayari na Puna/Reaksiyon maihahalintulad sa kasalukuyan 1. Pagkakaroon ng Marami ang ganitong Hindi ito mahigit pa sa isang pangyayari sa pinahihintulutan ng asawa kasalukuyan. ating batas kaya Nangangaliwa sa maaaring makulong asawa ang isang lalaki ang kung sinuman ang o babae. nangaliwa sa kaniyang asawa. Isa pa, utos ng Diyos na huwag makiapid sa ibang may asawa. Pangyayari sa Epiko Pangyayari na Puna/Reaksiyon maihahalintulad sa kasalukuyan 2. Pamamanhikan Ginagawa pa rin Isa itong magandang hanggang ngayon ang kaugalian ng mga pamamanhikan subalit Pilipino na hindi na nagbibigay ng namamanhikan muna dote o dowry kundi ang magulang ng lalaki pormal na hinihingi ng sa mga magulang ng mga magulang ang babae bago kamay ng babaeng magpakasal. pakakasalan. Pangyayari sa Epiko Pangyayari na Puna/Reaksiyon maihahalintulad sa kasalukuyan 3. Pagtutulungan ng Nangyayari pa rin ito Gumagaan ang pamilya na kung sino sa problema ng pamilya pamilya ang may kapag nagtutulungan problema ay at umiiral pa rin ang tinutulungan ng iba tinatawag nating close pang miyembro ng family ties. pamilya. Pangyayari sa Epiko Pangyayari na Puna/Reaksiyon maihahalintulad sa kasalukuyan 4. Paggalang at Nangyayari pa rin Marami pa ring mga pagmamahal ng anak bagama’t may anak ang marunong sa kaniyang magulang mangilan-ngilan na gumalang sa magulang anak na hindi at tinutulungan ng marunong gumalang anak ang magulang sa sa magulang. abot ng kaniyang makakaya. Panuto: Piliin at bilugan ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. 1. May mga taong mapag-imbot sa kapuwa kaya marami ang hindi natutuwa o nasisiyahan sa mga taong may ganitong pag-uugali. (mapagmataas sa kapuwa, mapaghangad ng hindi kaniya, maramot sa kapuwa) 2. Handang makipagsagupaan ang mga anak ni Labaw Donggo para mailigtas ang kanilang ama. (makipagdebate, makipagsagutan, makipaglaban) 3. Noong araw, gumagamit ng gayuma ang isang tao kung nais niyang paamuin ito. (kapangyarihang umakit o magpaibig sa isang tao, kapangyarihang magbalatkayo, kapangyarihang magmadyik) 4. Layunin ng magkapatid na magapi ang mga kalaban nila. (mapatumba, mapasuko, matalo) 5. Marami ang humanga sa matipunong pangangatawan ni Labaw Donggon. (mataba, mahina, malusog) Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao o supernatural na katangian. Karaniwang ang paksa ay tumatalakay sa kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay o pakikidigma. Ang salitang “epiko” ay galing sa salitang Griyego na epos na nangangahulugang “awit,” ngunit sa ngayon ay bibihira na lamang ang nakaaalam ng tamang pag-awit sa epiko kaya inilalahad na lamang sa paraang pasalaysay. Inilalarawan nito ang pamumuhay ng mga tao noon na ang iba ay makikita pa rin sa kasalukuyan. Kung susuriin nang mabuti, matutuklasan na may estruktura ng anda (function) ang epiko ng mga Pilipino. Batay sa pagpapaliwanag ni Vlademir Yakovlevich Propp, isang Russian at iskolar na nakapagsuri ng batayang banghay o nilalaman ng mga karunungang- bayan sa Russia, ang anda ng isang epiko ay isang gawa ng tauhan na binibigyang-katuturan ayon sa pagdaloy ng aksiyon. Sa ating mga katutubong epiko, ang mga anda ay ang sumusunod: 1. Aalis ang bayani sa kaniyang bayan. 2. Makatatanggap ang bayani ng isang mahiwagang bagay. 3. Dadalhin o pupunta ang bayani sa pook kung saan naroroon ang isang hinahanap, na karaniwan ay isang mahal sa buhay. 4. Magsisimula ang bayani ng isang labanan. 5. Makikipaglaban ang bayani nang matagalan. 6. Pipigilan ng isang diwata ang labanan. 7. Ibubunyag ng diwata na kamag-anak pala ng bayani ang kaniyang kaaway. 8. Mamatay ang bayani. 9. Babalik ang bayani sa kaniyang bayan. 10. Magpapakasal ang bayani. GABAY-NILAY: Bilang isang Paulinian na mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan. Ilahad ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagdudugtong sa mga pahayag na makikita sa ibaba. Sa araw na ito: Nalaman kong ____________________________________. Naramdaman kong ________________________________. Para sa akin, mapahahalagahan at maggamit ko ang aking nalaman at natutuhan sa pamamagitan ng _________________________. Bilang Isang Paulinian, Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan. Inihanda ni G. Renso B. Salazar TAONG PANURUAN 2024-2025 Pangkatang Gawain: ILO3: Nakapagsasaliksik ng dokumentaryo sa parting Bisaya na naglalarawan ng buhay ng mga tao sa liblib na lugar; ILO4: Naisusulat ang sanaysay na naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya sa kinagisnan nilang kultura; at ILO5: Naisasagawa ang ulat-sanaysay sa nilalaman ng buod ng sanaysay sa isinulat. Pangkatang Gawain: Fil-Buddy (pagsasama ng tatlong mag-aaral) Panuto: Sa tekstong tinalakay ay binigyang-pansin ang kultura ng mga taga-Bisaya. Kaugnay nito, magsaliksik pa ng mga kultura at kaugalian ng mga taga-Bisaya na hindi naipakita o natalakay sa teksto. Mga Hakbang para sa gawaing pagsulat: 1. Magsaliksik at pag-aralang mabuti ang pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya tungkol sa kanilang mga kinagisnang kultura. 2. Sumulat ng sanaysay na naglalahad ng iyong mga nakalap na impormasyon batay sa iyong isinagawang pananaliksik. 3. Isaalang-alang ang sumusunod sa pagsulat ng sanaysay; a. Bumuo ng sariling pamagat ng sanaysay. b. Iwasang magpaligoy-ligoy at tiyaking may kaisahan ang bawat bahagi ng iyong isinusulat. c. Kailangang taglayin ng iyong sanaysay ang tatlong bahagi nito gaya ng; 1. Panimula – Ipinahihiwatig sa panimula ang paksang tatalakayin sa sanaysay. 2. Katawan – Tinatalakay sa bahaging ito ang pagpapaliwanag at pagbibigay ng sariling pananaw o opinyon sa paksang pinag- uusapan. 3. Wakas – Mababasa sa bahaging ito ang kongklusyon o ang paniniwala at pananaw ng manunulat. GABAY-NILAY: Bilang isang Paulinian na mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan. Ilahad ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagdudugtong sa mga pahayag na makikita sa ibaba. Sa araw na ito: Nalaman kong ____________________________________. Naramdaman kong ________________________________. Para sa akin, mapahahalagahan at maggamit ko ang aking nalaman at natutuhan sa pamamagitan ng _________________________. Bilang Isang Paulinian, Ako ay mapagkakatiwalaan, maagap tumugon sa tawag ng pangangailangan at aktibong kasapi ng pamayanan.