Pag-aaral ng Wika: Kahulugan, Kahalagahan at Katangian PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
FAITH Colleges
Tags
Summary
Ang presentasyong ito ay isang pag-aaral ng wika na nagbibigay ng mga detalye sa kahulugan, kahalagahan, at mga katangian ng Filipino language, kasama ang mga detalye ng kurso, mga kasanayan, at mga halimbawa.
Full Transcript
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Wika: Kahulugan, Kahalagahan at Katangian Mga Detalye ng Kurso ✔ NILALAMAN: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal atbp. ✔ PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultu...
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Wika: Kahulugan, Kahalagahan at Katangian Mga Detalye ng Kurso ✔ NILALAMAN: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal atbp. ✔ PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino ✔ PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa aspektong kultural o linggwistiko ng napiling komunidad. Mga Kasanayang Dapat Taglayin Pagkatapos ng Kurso ✔ KASANAYANG PAMPAGKATUTO: ❑ Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika ❑ Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan. Mga Kasanayang Dapat Taglayin Pagkatapos ng Kurso ✔ DETALYADONG KASANAYAN PAMPAGKATUTO: ❑ Nakapagpapahayag ng sariling opinyon tungkol sa isyung panlipunan na ginagamitan ng mga angkop na konseptong pangwika Bumuo ng mga tanong kaugnay sa wika gamit ang concept map. ANO? SAAN? WIKA PAANO? BAKIT? Ano ang iyong masasabi sa ilustrasyon? KAHALAGAHAN NG WIKA EDUKASYO LIPUNA PROPESYO N PAMILYA N N Kahulugan ng Wika ✔ Ang wika ay ginagamit sa pagkuha ng impormasyon pagtatamo ng edukasyon gayundin sa pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan. ✔ Ang wika ay nakapagpapabilis at nakapagpapagaan ng isang gawain. Kahulugan ng Wika ✔ Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon. ✔ Pinagsama-samang makabuluhang tunog at simbolo. ✔ Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa. Wika ✔ Tinatayang may 6000 hanggang 7000 ang mga wika sa daigdig. ✔ Linggwistika ang tawag sa siyentipikong pag-aaral ng wika. ✔ Ang salitang wika ay nag-ugat sa wikang Malay. ✔ Nagmula naman sa kastila ang isa pang katawagan sa wika na Lenggwahe, katulad ng salitang language sa wikang Ingles. Lengguwahe ✔ Ang salitang lengguwahe ay nagmula sa salitang latin na lingua na nangangahulugang dila, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon. Depinisyon Ng Wika Ayon sa mga Linggwista, Dalubhasa, Awtor at Iba pang Awtoridad sa Wika ✔ Ginagamit ng tao sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili. Sa madaling salita, ang wika ay ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit. (Paz et.al, 2003-Pag-aaral ng Wika). ✔ Ang wika ay pangunahin at pinakamabisang anyo ng gawaing pansagisag ng tao (Archibald Hill-mula sa Tinig:Komunikasyon sa Akademikong Filipino, 2008). Henry Allan Gleason ✔ Ang wika ay may masistemang balangkas ng sinasalitang tunog napinili at isinaayos sa paraang arbitrayo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa iisang Ang wika ay may masistemang balangkas. KATANGIAN NG WIKA B A T A BATA ay tumatakbo bata ang Ang bata ay tumatakbo. BALANGKAS NG WIKA SALITANG UGAT TUNOG + PANLAPI + PANGUNGUSAP DISKURSO MORPENA PONOLOHIYA MORPOLOHIYA SINTAKSIS (PONEMA) (MORPEMA) (SAMBITLA) ✔ Ang wika ay may tiyak na dami ng mga tunog na pinagsasa-sama sa isang sistematikong paraan makabuo ng mga makabuluhang yunit ng ❑ salita ❑ parirala/sugnay ❑ pangungusap. ✔ Ang wika ay may masistemang balangkas sapagkat ito ay may kaayusan o order ang istruktura. ✔ Mayroong dalawang masistemang balangkas ang wika ✔ Balangkas ng Tunog ✔ Balangkas ng Kahulugan ✔ Ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (Ponema). PONEMA- makabuluhang yunit na binibigkas na tunog sa isang wika Hal. /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/, /t/ -mabubuo ang salitang lumipat BALANGKAS NG TUNOG ✔ Ang wika ay binubuo ng mga yunit ng salita. MORPEMA- pinakamaliit na yunit ng salita. ✔ Salitang-ugat ✔ Panlapi ✔ Morpemang ponema BALANGKAS NG TUNOG ✔ Ang wika ay nakabubuo ng pangungusap. SINTAKS- tawag sa pormasyon ng mga pangungusap sa isang wika SINTAKSIS- pag-aaral ng sintaks BALANGKAS NG TUNOG ✔ Ang wika ay nakabubuo ng pangungusap na may kahulugan. SEMANTIKA- tumutukoy sa kahulugan ng mga pangungusap BALANGKAS NG TUNOG Ang mga bata ay umakyat Ang mga puno ay umakyat sa puno sa bata 2. Ang wika ay may sinasalitang tunog Maraming tunog sa paligid ang may kahulugan ngunit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi ito nabuo sa pamamagitan ng sangkap ng pananalita. Ang wika ay sinasalita samantalang ang pagsulat ay representasyon ng wika na gumagamit ng simbolo tulad ng letra. Ano’ng katangian ng wika ang ipinapakita? Pinipili at Isinasaayos Kumakausap at kinakausap Produktibo at likas na mapanlikha Sa paanong paraan pinipili at isinasaayos? Mesa Hapag Tabula Table Meja Arbitraryo Katangi-tangi o unique Kahit kambal ay hindi magkamukha 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo. ❑ Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Wika Lahi Filipino – Pilipino Nihongo – Hapon Mandarin - Intsik Ang wikang napagkasunduan ay may taglay na konseptong kinakatawan ng mga simbolong rumerihistro sa isip ng mga gumagamit nito. May kumakatawan sa mga bagay (papel, pagkain,pera), sa ideya(pag-ibig, katotohanan, katapatan) at function/pangkayariaan (ni, si, ng , dahil). Ano’ng katangian ng wika ang ipinapakita? 4. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Latin-Communis- to work pubIicIy Nagbibigkis sa mga tao para magkaisa/ magkaunawaan. Ano’ng katangian ng wika ang ipinapakita? Ano sa Ingles? Ano sa Filipino? Nakabatay/Nakaugnay sa Kultura Hindi lahat ay may Kakambal ng kultura katumbas Walang wikang superyor 5. Ang wika ay nakaugnay sa kultura. ❑ Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututunan niya itong angkinin at ipagmalaki. Filipino: Kanin- isinaing na bigas Bigas- naaning binhi ng palay Palay- binhi Ano’ng katangian ng wika ang ipinapakita? May tunog na may kahulugan at mayroong Aparato sa hindi. pagsasalita 6. Ang wika ay pantao ❑ May sistema ang mga tunog na nabuo ng wika ng tao at may kahulugan ito. ❑ Ginagamit ng tao ang wika sa pagsasalin at pag-uugnay ng kultura samantalang ang tunog ng insekto at hayop ay ginagamit sa sariling lahi lamang. 7. Lahat ng wika ay natatangi Ang bawat wika ay may sariling set ng mga tunog, mga yunit panggramatika at sistema ng palaugnayan. Wika Tunog- titik Filipino /k/- koc Italyano /k/- ch Wikang Filipino-abogado/ abogada (ang ponemang /a/ at /o/ ay nagbibigay ng magkaibang kahulugan) May kakayahan at nalalaman ang tao sa kanyang wika (liguistic competence)kaya taglay niya ang gramatika ng wika (linggwistika). Ito ang magpapatunay na may universal grammar ang wika ng tao (Chomsky, 1970). Mailalahad dito na tunay nga na walang superyor na wika. Ang wika ay may gramatikang pantay-pantay 8. Lahat ng wika ay nagbabago Ang panahon ay nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay nagbabago rin. Ang tao ay may kultura at kaugnay nito ang wika kung kaya’t ang wika ay nagbabago. HAL. Batalan- paliguan-banyo trangkahan- gate Magpakuha tayo ng litrato/Mag-picturan- grouphie, selfie noon ngayon Nobyo/ kasintahan pasaway makinilya Kung ang wika ay nagbabago nangangahulugang … ang wika ay buhay. 9. Lahat ng wika ay malikhain Taglay ng wika ang mga tuntunin na makabubuo ng salita, parirala, sugnay at pangungusap. Ang malikhaing aspekto ng wika ay makikita sa paggamit nito. Maibibigay na halimbawa upang maipakita ito ay sa pamamagitan ng lexical cohesion (Halliday at Hasan, 1976). Malinaw ring makikita ang pagkamalikhain ng wika sa neolohismo. Neolohismo - paglikha ng mga salita. (Dr. Salazar sa pagpapayaman ng Wika: Ang Panghihiram ng Wikang Kamag-anak at Banyaga at Paglikha ng Neolihismo; Pagtakda ng Hangganan nito, 2010) Neolohismo Mula sa emitolohiya sa wikang Griyego na neo na nangangahulugang bago, ang terminong ito ay tumutukoy sa bagong salita na nilikha upang maglahad ng konsepto, magbigay ngalan sa bagong bagay, magbigay ng kahulugan mula sa kombinasyon ng mga pantig o kaya ay sa salita, akronim, panghihiram, pagpapaikli, paglalapi, paggamit sa pangalan, paggamit sa ngalan ng produkto (Bantag at Petras, 2009). Iba’t Ibang Baryasyon ng Wika Baryasyon ng Wikang Filipino Kombinasyon ng mga pantig o kaya salita Banyuhay (bagong anyo ng buhay) Blog (web log) Dalubwika (Dalubhasa sa Wika) AlDub JaDine Akronim FB (Facebook) OL (On-line) Baryasyon ng Wikang Filipino Pagbabaliktad petmalu Dabarkads Paglalapi Mag –tweet ( gumawa ng mensaheng mababasa ng Followers) Paggamit ng Pangalan (eponyms) Rizalista Paggamit ng ngalan ng Produkto Colgate (ginagamit upang katawanin lahat ng uri ng toothpaste) Paggamit ng ngalan/ pamagat ng programang pang midya i-youtube (hanapin o ilagay ang video.