Pag-aaral ng Morpema sa Filipino (e.docx) PDF
Document Details
![SmilingBoron](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-9.webp)
Uploaded by SmilingBoron
Tags
Summary
This document provides a detailed analysis of morphemes in Filipino. Discusses the role of morphemes in forming words and phrases.
Full Transcript
Kung ang PONOLOHIYA ay ang siyentipikong pag-aaral ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika. Ano naman ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba\'t-ibang morpema? MORPOLOHIYA O PALABUUAN Nagmula sa salitang Griyego na \"morph\" na nangangahulugang porma at hugis; at...
Kung ang PONOLOHIYA ay ang siyentipikong pag-aaral ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika. Ano naman ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba\'t-ibang morpema? MORPOLOHIYA O PALABUUAN Nagmula sa salitang Griyego na \"morph\" na nangangahulugang porma at hugis; at \"logia\" o diskurso, teorya, o siyensiya. Pag-aaral o pagsusuri sa kahalagahan ng morpema sa isang wika at pagsasama- sama nito upang makabuo ng isang salita. ANO NAMAN ANG MORPEMA? Galing sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego Morph (anyo o yunit) \+ eme (kahulugan). Sa payak na kahulugan, ito ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. HALIMBAWA: Ang salitang makahoy ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping \[ma-\] at ang salitang-ugat na \[kahoy\]. Taglay ng unlaping \[ma-\] ang kahulugang \"marami\" na isinasaad ng salitang-ugat. Sa salitang makahoy, maaaring masabi ang ibig sabihin nito\'y \"maraming kahoy\". Talakayin natin ang anyo ng morpema. ANYO NG MORPEMA: 1\. Morpemang binubuo ng isang (1) ponema o morpemang ponema. 2\. Morpemang tinubuo ng panlapi o di-malayang morpema. 3\. Morpemang binubuo ng salitang-ugat o malayang morpema. 4\. Tambalang morpema. 5\. Inuulit na morpema. MORPEMANG BINUBUO NG ISANG (1) PONEMA O MORPEMANG PONEMA Ito ang anyo ng morpema na may kahulugang taglay na nagsasaad ng kasarian kapag naikabit sa salitang-ugat. Halimbawa nito ang /a/ na may kahulugang ukol sa kasariang pambabae at /o/ na panlalaki. Halimbawa: Doktor-Doktora Senyor-Senyora Kargadora- (kargador) at (-a) Senadora- (senador) at (-a) NGUNIT: Hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang (a) na ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra. Ang mga ponemang /o/ at /a/ na ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga salitang (maestr). Halimbawa: Bombero- na hindi (bomber) at /o/,/a/ Kusinero- na hindi (kunsiner) at /o/,/a/ Abugado- na hindi (abugad) at /o/, /a/ Mario- na hindi (mari) at (-o) at (-a) MORPEMANG BINUBUO NG PANLAPI O DI-MALAYANG MORPEMA Morpemang binubuo ng Panlapi o di-malayang Morpema Ito ang anyo ng morpema na hindi nakatatayong mag-isa. Ito ay kailangang maikabit sa salitangugat upang magkaroon ng ganap na kahulugan (panlapi). Ang mga ingklitik gaya ng ba, po, pa, ho, na, nga, din, rin, man, daw at raw ay kabilang din dito. HALIMABAWA: um- gawi o ginagawa (sumayaw, umalis, humiyaw) ma- pagkamayroon (masipag, matalino, mayaman) ka- kapangkat (kasama, kabaranggay, kahati) mala- may hawig na katangian (mala-rosas, mala-pronsesa, mala-agila) Ang mga panlaping idinudugtong sa salitang-ugat ay maaaring makabuo ng salitang makangalan, makauri at makadiwa. Halimbawa: mag- + laro maglaro (makadiwa) ma-+ sipag masipag (makauri) mag- + ama - mag-ama (makangalan) MGA PANLAPING MAKANGALAN: Ang nga panlaping makangalan ay ay mga panlaping ikinakabit sa salitang ugat upang makabuo ng pangngalan. 1\. -an nangangahulugan ito ng pook na kinaroroonan o ginagampanan o panahon. Halimbawa: asinan usapan taguan pasukan 2.-in nangangahulugang tumutugon sa bagay na tumanggap ng kilos o hugis na isinasaad ng salitang- ugat o maaaring relasyon. Halimbawa: inihaw tiyahin 3\. ka- nangangahulugan itong relasyon Halimbawa: kanayon kapatid kalaro kasama 4\. ka-an nangangahulugan ng kaisipang abstrakto, pook Halimbawa: kapatiran karagatan kagandahan 5\. mag-+ pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat= nangangahulugan ng gawain o hanapbuhay. Halimbawa: magtataho magtatanim mag-aaral 6\. mang- + unang salita nangangahulugan ng gawain o hanapbuhay Halimbawa: mang-aawit mangingisda manggagamot 7\. pa-an nangangahulugan ng pook, ngalan o kinalabasan. Halimbawa: patahian paaralan patakaran 8\. pag- nangangahulugan ng abstrakto Halimbawa: pagkalinga pagkauhaw pag-ibig 9\. pang- nangangahulugan ng instrumento o katawagan. Halimbawa: panluto pang-alis panghalip 10\. pala-an-nangangahulugan ng pook, paraan o sining Halimbawa: Palaisipan Palasingsingan Palabuuan 11\. sang-an nangangahulugan ng kasaklawan. Halimbawa: sangkalupaan sangkalangitan sanlibutan 12\. taga- nangngahulugan ng lahing pinagmulan o gawain Halimbawa: taga-Maynila taga-alok tagapanayam 13\. tala-an nangangahulugan ng talaan Halimbawa: talasanggunian talasusian talatinigan MGA PANLAPING MAKADIWA: Ang mga panlaping makadiwa ay ang mga panlaping ginagamit sa pagbuo ng mga pandiwa. Ang isa sa anyo ng panlaping makadiwa ay ang panlaping makangalan na nasa iba\'t ibang morpema dahil sa iba\'t ibang kahulugang isinasaad. 1\. -um Ang panlaping um ay maaaring unlapi o gitlapi ayon sa kung ano ang unang ponema ng salitangugat na nilalapian. Ito\'y ginagamit sa pokus na tagaganap ng kilos. Halimbawa: lumikha lumayas umalis uminom lumiban lumaya 2\. mag- Ito\'y laging inilalagay sa unahan ng salitang-ugat. Ginagamit din sa pokus na tagaganap at nagsasaad ng kilos. Ito\'y likas na pandiwang palipat. Halimbawa: maglaro mag-araro magsulat magsayaw magbasa maghakot Ginagamit sa pag-uulit ng kilos. Maaaring ulitin ang unang pantig ng salitang-ugat o ang bahagi nito ayon sa tuntunin upang maipakita ang kasidhian ng kilos. Nagsasaad ng isang angking propesyon o gawaing isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: magnars magdekana magsundalo 3\. mag-, -an/-han Nagsasaad ng tambingang kilos ng sabayan. Nasa pokus tagaganap. Halimbawa: maghiyawan magtakbuhan magmurahan magsuyuan magkainan magsubuan 4\. magka- Nagsasaad ng pagkakaroon ng isang bagay. Halimbawa: magkaroon magkasalapi magkalupa magkaganito 5\. magsi- Nasa anyong maramihan at nasa pokus tagaganap. Halimbawa: magsilaro magsisulat magsilaba masitulong 6\. ma- Nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos na isinasaad ng salitang-ugat at nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap. Halimbawa: masulat malaro maluto makain maupo mauntog 7\. maipa- Ito\'y mula sa ma- na nasa pokus na tuwirang layon at nagsasaad ng pagpapagawa sa iba ng kilos. Halimbawa: maipahiwa maipasaing maipalaro maipabukas maipalagay maipakain 8\. makapag- Nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos sa salitang- ugat. Halimbawa: Makapagsulat makapagpalit makapagsuklay makapagguhit makapaglaro makapaglaba 9\. makipag- Nagsasaad ng kilos na ginanap nang may kasama. Ito\'y hango sa ma-na nasa pokus na tagaganap. Halimbawa: makipag-ulayaw makipag-inom makipaghiwalay makipagbasa 10\. mai- Nagsasaad ng kilos na ginaganap sa isang bagay o para sa iba. Halimbawa: maigawa maisayaw maitakbo maiganap maigalaw mailagay 11\. maka- Nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos na nasa salitang-ugat. Halimbawa: makabasa makalaro makaguhit makalilok makagamot makabigay Nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap. Nasa pokus na tagaganap. Halimbawa: makabuntal makasira makahulog makabasag makasuklay makagamit 12\. maki- Nagsasaad ng pakiusap upang sumama sa ibang tao sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Halimbawa: makibigay makisuyo makilagay makihulog makisala makibukas 13\. -an-/-han - Nagsasaad na gawin sa isang tao, bagay o hayop o lunan ang kilos o diwang isinasaad sa nilalapian. Halimbawa: lagyan puntahan buksan lapitan tilihan sindihan 14\. i- Nagsasaad ng paggamit sa isang bagay at nasa pokus kagamitan. Halimbawa: isulat iinom ibasa ihiwalay ipalit iguhit Nagsasaad na gawin para sa iba ang isinasaad ng salitang- ugat. Halimbawa: iulat ibahagi iangat ilikha ialis ikanta 15\. ipa- Nagsasaad ng pagpapagawa sa iba ng kilos ng salitang- ugat. Halimbawa: ipabasa ipaguhit ipasuklay ipagawa ipabigay ipasakay 16\. ipakipa- Nagsasaad ng pakiusap na ipagawa sa iba ang kilos ng pandiwa Halimbawa: ipakipasulat ipakipasara ipakipabukas ipakipasundo 17\. isa- May kahulugang ilagay sa kalagayang nasa salitang-ugat ang paksa. Halimbawa: isatabi isakatawan isakwento isapelikula isaulo isabuhay 18\. ka\--an/-han - May kahulugang gawin sa paksa ang kilos ng pandiwa. Halimbawa: kasuyaan kabaliwan kagalitan kabagutan kainisan 19\. pa\--in/-hin - Nagsasaad na ipagawa sa paksa ang kilos na nasa pandiwa. Halimbawa: pakintabin pakinisin paputiin palambutin paluhain palaruin 20\. papag\--in/-hin - Nagsasaad na payagan o utusan ang tumutukoy sa paksa na gawin ang kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: papaglakbayin papagsulatin papaggupitin papagbasahin 21\. paka\--an/-han - Nagsasaad ng kilos na pinagbubuti o may katindihan. Halimbawa: pakahabaan pakagandahan pakasipagan pakamahalan 22\. paki\--an/-han- Nakikiusap na gawin sa paksa ang kilos sa salitang-ugat at nasa pokus direksyunal. Halimbawa: pakisuklayan pakibuhusan pakilagyan pakiguhitan pakibilhan pakitulungan 23\. mang- (mam-, man-) -May kahulugang maramihang pagganap, kasing kahulugan at katulad ng mag- sa pokus. Halimbawa: mambato manghimok mambutas manghabol manghalik manahi MGA PANLAPING MAKAURI Ang mga panlaping makauri ay mga panlaping ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng mga pang-uri 1\. ma- Nagsasaad ng pagkakaroon na isinasaad ng salitang- ugat o pagiging marami. Halimbawa: mabuti makisig mapuno mayaman masipag makitid 2\. maka- Nangangahulugan itong pagkiling o pagkahilig sa tinutukoy tukoy ng salitang-ugat at maaari ring nagpapahiwatig ng kakayahang gawin ang isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: maka-FPJ makatindig-balahibo makatao makabago makabasag-pinggan 3\. mala- Nagpapakita ito ng pagiging katulad ng isinasasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: malasibuyas malapalasyo malarosas 4\. mapag- Nagpapahiwatig ito ng pag-uugali. Halimbawa: mapaglaro mapagtimpi mapagtiis 5\. mapang (at ang alomorp nito) -Nangangahulugan ito ng isang katangiang madalas o malimit gawin. Halimbawa: mapang-api mapanghusga mapang-away 6\. pala- Nagsasaad ito ng katangiang palagi o paulit-ulit ginagawa. Halimbawa: palasulat palabiro palangiti 7\. pang- (at ang alomorp nito) Nangangahulugan ito ng kalaanan ng gamit ayon sa isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: pang-alis pambato pantakip 8\. -an/-han Ito ay nagsasaad ng pagkakaroon ng isinasaad ng salitang-ugat upang maipakita ang katangiang higit pa sa karaniwang dami, laki, tindi at iba pa. Halimbawa: pangahan luhaan balbunan 9.-in-/-in/-hin -Nangangahulugan ito ng katangiang itinulad o ginawang tulad ng isinasaad ng salitang-ugat o kaya\'y katangiang madaling maging mapasakalagayan isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: sinampalok bugnutin ubuhin 10\. ma\--in/-hin Nangangahulugan ito ng pagtataglay sa mataas na antas ng isinasaad ng salitangugat. Halimbawa: madasalin maramdamin matulungin IKATLONG ANYO: MORPEMANG BINUBUO NG SALITANG UGAT O MALAYANG MORPEMA Morpemang binubuo ng Salitang-ugat o Malayang Morpema Ang mga morpemang ito ay nagtataglay ng kahulugan sa ganang sarili. Binubuo ng salitang-ugat na may salitang payak, mga salitang walang panlapi. HALIMBAWA: bata, talon, ganda, saya, tao, tuwa, liit, taas, basa, laro, kain, sulat, aral TAMBALANG MORPEMA Tumutukoy ito sa pagsasama ng dalawang magkaibang salita na bumubuo ng bagong kahulugan. Halimbawa: bahay-kubo, araw-gabi, hanapbuhay INUULIT NA MORPEMA Pag-uulit ng buong salita o bahagi lamang ng salita upang magbigay ng bagong kahulugan o magpahayag ng dami o intensidad. Pag-uulit ng Buong Salita: araw-araw, gabi-gabi Pag-uulit ng Bahagi ng Salita: lilipad, pupunta Ano ang Morpema? Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. PAGTALAKAY Uri ng Morpema ayon sa kahulugan: 1\. Morpemang may kahulugang pangnilalaman o leksikal Ang mga morpemang pangnilalaman ay binubuo ng pangngalan at panghalip bilang nominal, pandiwa at mga panuring na pang-abay at pang-uri. Halimbawa: aso - pangngalan maganda - pang-uri 2\. Morpemang may kahulugang pangkayarian Ang mga morpenang ito ay walang kahulugang taglay hangga\'t di naisasama sa iba pang morpema na magpapalinaw ng kahulugan ng buong pangungusap. Ito ay binubuo ng mga pananda at mga pang-ugnay. Halimbawa: Pananda-si, sina, ng mga, ang, ang mga, ay Pang-angkop-na, -ng Pang-ukol ukol sa/kay, alinsunod sa/kay, sa, ayon sa/kay Pangatnig-at, subalit, datapwa\'t, ngunit 3\. Derivasyunal Ito ang morpemang may pinaghanguan o pinagmulan. Nabubuo ang morpemang derivasyunal sa pamamagitan ng pagkakabit ng alinmang uri ng morpema o salitang kinakabit sa ibang morpema na nagpapabago sa uri ng gramatika. May pagbabago sa kahulugan ng salita dahil sa pagbabagong nabubuong salita. Halimbawa: mang-aawit (singer) manunulat (writer) awit (song) sulat (letter) 4\. Infleksyunal Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga morpemang panlapi sa pandiwa sa iba\'t ibang aspekto. Walang pagbabagong nagaganap sa kategoryang sintaktika ng mga salita kung saan ito nakakabit. Halimbawa: Kumain kumakain kakain Pagbabagong Morpoponemiko Ang mga pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko 1\. Asimilasyon -- ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensiya ng mga katabing tunog nito. Kabilang dito ang mga panlaping nagtatapos sa -ng tulad ng sing-, pang, at mang na nagkakaroon ng alomorp. Dalawang Uri ng Asimilasyon a\) Asimilasyong parsyal o di-ganap -- pagbagbagong nagaganap lamang sa pinal na panlaping -ng na nagiging /m/ o /n/ dahil sa kasunod na tunog. Halimbawa: pang + paaralan = pampaaralan pang + karga = pangkarga pang + sayaw = pansayaw sing + lambot= sinlambot sing + ganda = singganda mang + likha = manlikha b\) Asimilasyong ganap -- nagaganap ang pagbabago sa ponemang /ng/ at kadalasan ay naaalis ang unang titik ng salitang-ugat upang lalong madulas ang pagbigkas ng mga salita. Halimbawa: pang +palo = pampalo = pamalo pang + baril = pambaril = pamaril pang + punas = pampunas = pamunas pang + takot = pantakot = panakot pang +tali = pantali = panali mang + salamin = mansalamin = manalamin 2\. Pagkakaltas o Pagkawala ng Ponema -- sa pagbabagong ito, may nawawalang isang ponema o morpema sa isang salita. Maaaring mangyari ito sa unahan o gitna ng salita. Halimbawa: takip + -an = takipan = takpan bukas + -an = bukasan = buksan kuha + -in = kuhanin = kunin bili + -hin = bilihin = bilhin 3\. Pagpapalit ng Ponema -- tumutukoy sa ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita. a\. /o/ at /u/ -- kapag inuulit ang pantig na may tunog na /o/ na maaaring gamitan ng pang-angkop ang unang bahagi ng inuulit na salita. Kapag nilalapian ang salitang may /o/ sa huling pantig. Halimbawa: upo + an = upuan laro + an = laruan puno + ng + puno = punung-puno sino + sino = sinu-sino bibo + ng + bibo = bibung-bibo dugo + an = duguan b\. /e/ at /i/ -- nangyayari ang pagpapalit ng /e/ at /i/ kapag inuulit ang pantig na may /e/ at kinakabitan ng pang-angkop ang unang bahagi ng salitang inuulit. Halimbawa: babae + ng = babaing-babae lalake + ng = lalaking-lalaki ka + babae + -han = kababaehan = kababaihan ka + lalake + -han = kalalakehan = kalalakihan c\. /d/ at /r/ -- nagiging /r/ ang /d/ kapag ito ay nasa pagitan ng dalawang patinig. Halimbawa: ma + dapat = marapat ma + dumi = madumi = marumi ka + damdam + -an = kadamdaman = karamdaman ma + dunong = madunong = marunong ma + dami = madami = marami ka + dagat + -an = kadagatan = karagatan d\. /h/ at /n/ -- nangyayari ito sa sumusunod na halimbawa ng salita. Halimbawa: tawahan = tawanan taluhan = talunan 4\. Paglilipat o Metatesis -- ito ay ang paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Kadalasan, kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa /l/ o /y/, at ginigitlapian ng -in- , nagpapalit ang posisyon ng /i/ at /n/ kaya nagiging ni. Halimbawa: yakap + -in- = yinakap = niyakap yaya + -in- = yinaya = niyaya lipad + -in- = linipad = nilipad layo + -in- = linayo= nilayo luto + -in- = linuto = niluto Nangyayari rin ang paglilipat sa sumusunod na morpema, ngunit may kinakaltas ding ponema. Halimbawa: tanim + an = taniman = tamnan takip + an = takipan = takpan 5\. Paglilipat ng diin -- may mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Halimbawa: basa + -hin = basahin sulat + -in = sulatin turo + -an = turuan linis + -an = linisan kain + -an = kainan inom + -in = inumin 6\. Pagdaragdag o Reduplikasyon -- ang ibang tawag dito ay pagsusudlong ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat (hulapi) kahit mayroon nang dating hulapi ang salitang-ugat. Nangyayari rin ito sa pag-uulit ng salitang ugat. Halimbawa: totoo + han = totohan + in = totohanin alala + han = alalahan + in = alalahanin 7\. Pag-aangkop o Reduksyon -- nangyayari ang pagbabagong ito kapag pinagsama ang dalawang salita upang makabuo ng isang bagong salita o kaya'y nangyayari ito sa pamamagitan ng pagpapaikli ng salita kaysa sa orihinal. Halimbawa: tingnan + mo = tamo wika + ko = kako hintay + ka = teka MGA PARAAN NG PAGBUO NG MGA SALITA 1\. PAYAK- ito ang paggamit ng mga simpleng salita o mga salitang-ugat lamang. Halimbawa: kain talumpati tanda tawa suklam 2\. PAGLALAPI- ito ang paraan ng pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagkakabit ng panlapi sa salitang-ugat. Ang mabubuong salita ay tinatawag na maylapi. Sa paglalapi, maaaring gamitin ang iba't you anyo ng panlapi. Mga anyo ng Panlapi Maraming paraan ng paglalapi ang ginagawa sa salitang-ugat. May mga anyo panlaping ginagamit: a.) Unlapi- ito ang panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat. Halimbawa: Mag- + asawa = mag-asawa Um- + inom= uminom b.) Gitlapi- ito ang panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang-ugat. Halimbawa: Ka + -in = kinain Sayaw + -um = sumayaw Bata + - in = binata c\. Hulapi- ito ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Ang karaniwang hulapi ay -an, -han, -in, at -hin. Halimbawa: aral + -in = aralin bago + -han = batuhan d\. Kabilaan- ito ang panlaping sa unahan at sa hulihan ng salitang-ugat. Halimbawa: ka- + ganda + -han = kagandahan magka- + sinta + -han= magkasintahan ka- + dunong + -han = karunungan e\. Laguhan- ito ang panlaping ikinakabit sa unahan, sa gitna, at sa hulihan ng salitang-ugat. Halimbawa: pag- + s + -um + ikap + -an= pagsumikapan mag + d + -in- + ugo + -an = magdinuguan ipag- + s + -um- + igaw + -an = ipagsumigawan 3\. PAG-UULIT NG MGA SALITA - paraan ito ng pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pag-uulit ng salitang-ugat. May mga paraan ng pag-uulit ng salita. a\. Parsyal o di- ganap na pag-uulit- inuulit lamang ang isa o higit pang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: minu-minuto tau-tauhan sasakit papalag b\. Buo o ganap- inuulit dito ang mga buong salita nang may pangangkop o wala. Halimbawa: oras-oras anu-ano iyak nang iyak gustong-gusto c\. Magkahalong parsyal at ganap- ito ang Ang pag-uulit na kumbinasyon ng parsyal at ganap na pag-uulit Halimbawa: tatakbo-takbo iiyak-iyak sisinghot-singhot lilima-lima 4\. PAGTATAMBAL NG SALITA- ito ang pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagtatambal o pagsasama ng dalawang magkasamang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita. Maaaring gumamit ng linker sa pagbubuo ng mga salita. May dalawang paraang ginagamit sa pagtatambal, ito ay: a\. buo o ganap na pagtatambal -- pagtatambal ng dalawang salitangugat na nagpapahayago nagreresulta sa pagkakaroon ng ikatlong kahulugan o bagong kahulugan. Halimbawa: hampaslupa dalagambukid balat-sibuyas bahaghari b\. parsyal o di-ganap na pagtatambal -- pagtatambal ng salitangugat na nagpapahayag ng sariling kahulugan, nananatili ang orihinal na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal o hindi nagkakaroon ng pangatlong kahulugan. Halimbawa: bahay-kubo punongguro dalagang bukid kapitbisig