Podcast Beta
Questions and Answers
Ang domeyn na pangwika ay tumutukoy sa larangang pangwika ng tao na regular na ginagamitan ng particular na varayti ng wika o kombinasyon ng mga varayti.
MGA DOMEYN O LARANGANG PANGWIKA 1.Mga domeyn ng wika na nagkokontrol (controlling domains of language [CDL]) 2.Mga domeyn ng wika na bahagyang nagkokontrol (semi-controlling domains of language [SCDL]) 3.Mga Domeyn ng wika na di- nagkokontrol (non-controlling domains of language [NCDL])
1.Mga domeyn ng wika na nagkokontrol (controlling domains of language [CDL]) – Ang wika at barayti ng wikang ginagamit dito ay dinidikta kapwa sa paraang pasulat at pasalita.Nangangahulugan ito ng katiyakan at wastong gamit nang mga salita
Mga Halimbawa nang Domeyn Pang wika na Nag kokontrol : Administration ng gobyerno (esksekutiv, lejislativ at judisyal) Edukasyon ng mga antas ng elementarya, sekondarya at mga kursong teknikal,tersarya at gradweyt
Profesyon ( medisina,batas, enjiniring at iba pa)
iba pang mga halimbawa nang domeyn na nag kokontrol:
isang abogado at isang kliyente nagpapaliwanag tungkol sa kaso ang kaniya wikang ginagamit ay wika na maintindihan ng kaniyang kliyente ngunit pag parehas silang abogado ang naguusap ay may partikular na wika ginagamit na hindi maintindihan ng ordinaryong mamayanan
2.Mga domeyn ng wika na bahagyang nagkokontrol (semi-controlling domains of language [SCDL])
- Ang mga domeyn ng wika na bahagyang nagkokontrol ay nga larangan o siwatsyon kung saan ang paggamit ng wika ay may tiyak na eskruktura o patakaran.
Halimabawa: mass media merong ba kayong napapansin sa mga balita sa lalawigan?, Gumagamit sila ng wika na nakabatay lamang sa rehiyon sinisiguro na maintindihan ito sa mga tagapakinig batay sa kanilang rehiyon
3.Mga Domeyn ng wika na di- nagkokontrol (non-controlling domains of language [NCDL]) Ang wikang gamit dito ay pasalita lamang na kadalasang makikita sa tahanan at lingua franca ng isang bansa. Kaiba sa dalawang nauna, dito, puno ng kalayaan ang isang ispiker kaugnay sa gamit ng wika. Ang wikang gamit dito ay pasalita lamang na kadalasang makikita sa tahanan at lingua franca ng isangbansa. Ang kinaibahan nito sa dalawang nauna. Dito, puno ng kalayaan ang isang ispiker kaugnay sa gamit ng wika. HALIMBAWA: Ang wikang ginagamit ni Anna ay Bisaya na naayon sa kanyang kinabibilangan,Sa pag labas nya sa kanilang tahanan para makipag laro sa kanyang mga kaibigan ay Bisaya rin ang kanyang ginagamit na lengwahe dahil pareho silang Bisaya ang ginagamit na lengwahe at pareho rin sila nang kinabibilangang rehiyon.