KOMFIL Reviewer PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2013
Tags
Summary
This document discusses the promotion of the Filipino language in higher education and beyond. It covers historical orders and legal proceedings relating to its use and status in schools. It is focused on the topic of language education in the Philippines.
Full Transcript
KOMFIL Tsapter 1: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa Ayon kay Rubin (1989) “Ang wika ang saligan ng lipunan at nagiging kasangkapan up...
KOMFIL Tsapter 1: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa Ayon kay Rubin (1989) “Ang wika ang saligan ng lipunan at nagiging kasangkapan upang magkaisa ang mga tao” Hunyo 28, 2013 inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) ang Memorandum Order No. 20 o ang “General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies.” Batay sa Memorandum na ito, hindi na ituturo ang Filipino sa kolehiyo. Tanggol Wika alyansang nangunguna nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino. Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo. KATANGIAN NG WIKA: 1. May sistematik na balangkas 2. Binibigkas na tunog 3. Pinipili at isinasaayos 4. Arbitrari 5. Kapantay ng kultura 6. 6.Patuloy na ginagamit 7. Daynamik o nagbabago Ponemik - ang pinag-aaralan ng husto sapagkat ito ang makabuluhan. Magkaiba ang mga tunog na ponetik at ponemik. Retorika - layunin nito ang makapagpahayag nang mabisa sa pamamagitan ng wastong pagpili at pagsasaayos ng wika. Sa ating Konstitusyon, iisa lamang ang pambansang wika. Gayuman, sa wikang ofisyal, 2 ang wikang isinasaad: Filipino (lokal) at Ingles (Global). BAYBAYIN, ang Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino na malagang nang ginamit sa buong kapuluan ng Pilipinas – isang patunay na mataas na uri ng sibilasyon ang mga tao noon. Tatlo ang patinig ng Baybayin (a,e-i,o-u) at labing apat ang katinig (ba, ka, da, ga, ha, la, ma, na, nga, pa, sa, ta, wa, ya). Ang dating ABAKADA ay tinawag na Abakadang Tagalog ay binubuo ng dalawampung (20) letra. Ang Alfabetong Filipino ay binubo ng 28 letra. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA (FILIPINO) 1935 Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas “ gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang Pambansa ” (Seksyon 3, Artikulo XIV) 1936 itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa. Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg 184 (Wikang Pambansa). 1937 Hinirang ng Pangulong Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184. Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod: Tagapangulo : Jaime C. Veyra (Visayang Samar) Kalihim at Punong Tagapagpaganap : Cecilio Lopez (Tagalog) Kagawad : Santiago A. Fonacier (Ilokano) Filemon Sotto (Visayang Cebu) Felix S. Salas Rodriguez (Visayang Hiligaynon) Casimiro F. Perfecto (Bikol) Hadji Butu (Muslim) (Di nakaganap ng kanilang tungkulin: Hadji Butu at Filemon Sotto) (Nang si Lope K. Santos ay nagbitaw sa kaniyang tungkulin, si Iñigo Ed. Regalado ang ipinalit) 1940 Kautusang Tagapagpaganap Blg.263, binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa. Ang pagtuturo ng wikang Pambansa (Sirkular Blg 26, serye 1940). 1954 Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang Proklama Blg.12 na pagdiriwang ng lInggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon. (Araw ni Francisco Balagtas. (Abril 2)) 1955 Proklama Blg. 186, inililipat nito ang panahon ng Wikang Pambansa simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. (kaarawan ni Quezon.) 1959 Ang salitang PILIPINO ay siyang gagamiting pantukoy sa Wikang Pambansa. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na inilabas ng kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E. Romero. 1967 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na ngatatadhanang ang lahat ng gusali, edifisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino. 1968 Memorandum Sirkular Blg 172, kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, iniatas na ang mga “letterhead” panunumpa satungkulin ng mga pinuno 1969 Memorandum Blg. 277, nananawagan sa mga pinuno at empleyado na dumalo sa mga seminar 1970 Memorandum Sirkular Blg.384 na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamahala 1971 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304, na nilagddan ng Pangulong Ferdinand E. Marcos na nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa. 1974 Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong- aralan 1974-1975. 1978 Kautusang Pangministri Blg.22 na isama ang Pilipino salahat ng Kurikulum na pandalubhasang antas 1986 Proklama, Blg. 19, at ipinahayag ang panahong Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa. 1987 Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Art. XIV, Sek. 6. Sek. 9: Dapat magtatag ng Komisyon ng Wikang Pambansa. Antas ng Wika at Panlahat na Gamit ng Wika MGA ANTAS NG WIKA: FORMAL Ang mga salitang ginagamit ay malawakang kinikilala ng pamayanan, ng bansa o maging ng mundo. Pambansa - Kapag umabot na siya sa pagiging opisyal na wika ng isang bansa. Opisyal kapag naisabatas na o ginagamit na upang mabigyang kahulugan ang mga batas. Pampanitikan - Karaniwan lamang matatagpuan sa mga akdang pampanitikan. INFORMAL Simple, palasak, at ginagamit sa pang araw-araw na komunikasyon. Lalawiganin - Palasak at natural na ginagamit sa isang partikular na lugar, ngunit maaaring hindi maintindihan o iba ang ibig sabihin sa ibang lugar. Kolokyal - Ang mga salita ay may “kagaspangan”. - Pagpapaikli ng mga salita upang mas mapabilis ang daloy ng komunikasyon. Balbal - Katumbas ng slang sa Ingles. - Pinakamababang antas - Maihahanay ditto ang mga gay lingo o alitang bakla. Paraan sa pagbuo ng mga salitang balbal: Panghihiram sa mga salitang Katutubo o Banyaga (bisaya) Pagbibigay ng bagong kahulugan (ahas – bff) Pagpapaikli (di nga) Pagbabaligtad (omsim) Akronim (FR-for real) Paggamit ng Numero (m4H4l k0) Pagpapalit-palit ng wika (Conyo) MGA GAMIT NG WIKA: Personal Naipapahayag ang mga sariling damdamin, pananaw, o opinion. Imajinativ Nagagamit sa mga tula, awit, kwento at iba pang talinghaga. Interaksyonal Pinananatili nito ang relasyong panlipunan. Informativ/Representasyonal Ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailanga ng maipaalam ang napakaraming katotohanan, datos at informasyon. Instrumental Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibidwal ang kanyang nais gawin. Pasalita man o pasulat, magagamit ang wika upang mag utos, makiusap, humingi, magmungkahi at magpahayag ng sariling kagustuhan. Regulatori Ginagamit ng mga taong may nasasakupan o mga taong may taglay na kapangyarihang magpakilos ng kanyang kapwa. (ex. Leader) Heuristik Gamit ito ng mga taong nais matuto at magkamit nga mga kaalamang akademi at profesyonal. VARAYTI NG WIKA: Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na makakatulong sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon o varayti ng wika. Permanente (para sa mga tagapagsalita at tagabasa) Dayalek - Batay sa lugar, panahon, at katayuan sa buhay. - Register o jargon - tawag sa mga salita/wika na nabubuo ng mga grupong propesyonal o soyal bunga ng okupasyon o trabaho o ng kayang gawin sa grupo. Idyolek - Umaayon sa personal o individwal na gamit ng wika. - Pansamantala (dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag) Register – varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Estilo – ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaaring formal, kolokyal at intemêt o personal Mode – varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat. (UP talk video) Ang Filipino ay may mga ugat na kasaysayan sa mga wikang Austronesian at sinaunang mga script. Ang kalakalan at palitan ng kultura sa panahon ng Galleon Trade ay nagmamarka ng maagang globalisasyon sa Pilipinas. Ang Filipino ay lalong kinikilala bilang isang intelektwal na wika. Galleon Trade ay nagpapakita ng maagang globalisasyon, kung saan ang kultura at wika ng Filipino ay nakikipag-ugnayan sa iba pang global Multilingguwalismo at pagkakaiba-iba, binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaiba-iba ng wika. KOMUNIKASYON Hango sa salitang Latin na “communis” Communis - saklaw lahat na binubuo ng lipunan Ito ay proseso ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Rosenfield at Birko, ang komunikasyon ay pakikipagpahayagang pantao, kung saan nagkakaroon ng sama-samang pagpapakahulugan. Apat na makrong kasanayan: 1. Pagsasalita 2. Pakikinig 3. Pagbabasa 4. Pagsusulat DALAWANG URI NG KOMUNIKASYON: Pansarili (Personal) Ang isang tao ay nakikipagpalitan ng kanyang kuro-kuro sa iba. Pangmadla (Mass Comunication) Isang indibidwal o pangkat ng mga tao na nagpapahatid ng mensahe sa maraming taong hindi niya nakikita o nakakahalubilo. DALAWANG PANGKALAHATANG PARAAN NG KOMUNIKASYON: Komunikasyong Berbal Ginagamitan ng wika na maaring pasulat/pasalita. Komunikasyong Di-Berbal Gumagamitng kilos katawan upang mapahayag ang mensahe. URI NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL Proxemics – distansya o layo sa pagitan ng nag-uusap Chronemics – oras kung kailan ginaganap ang usapan Oculesics – paggamit ng mata sa pakikipagtalastasan Haptics – paghawak o paghaplos sa pakikipagtalastasan Kinesics – paggamit ng galaw, kilos ng katawan Objectics – paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan Vocalics – paglakas-paghina, pagbagal, pagbilis ng tinig, pagbabagu-bago ng intonasyon o tono, pag-abala o saglit na pagtigil sa pagsasalita. Iconics – paggamit ng mga larawan o sagisag na ginagamit sa pakikipagtalastasan. ANYO NG KOMUNIKASYON INTRAPERSONAL - Nagaganap sa isipan ng tao INTERPERSONAL - Nagaganap sa pagitan ng dalawang tao PAMPUBLIKO - Sangkot ang dalawa o higit na tao. PANGMADLA - Ginagamitan ng elektroniko MABISANG KOMUNIKASYON AYON KAY DELL HYMES: S etting (Lunan-Saan nag-uusap?) P articipant (Sino ang kausap, nag-uusap?) E nds (Ano ang layon ng pag-uusap?) A ct Sequence (Paano ang takbo ng usapan?) K eys (Formal ba o di formal?) I nstrumentalities (Pasalita ba o pasulat?) N orms (Ano ang paksa ng pag-uusap?) G enre (Nagsasalaysay ba, nakikipagtalo o nagmamatwid, naglalarawan, naglalahad?) Pananaliksik Isang sistematikong pag iimbestiga at pag-aaral. Pagtuklas at pagsubok ng isang teorya Pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, o isyu. KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK: Sistematik Kontrolado Empirikal Mapanuri Orihinal Batis ng impormasyon Batis - tao/materyales na pinagmulan ng impormasyon. Basehan ng datos sa komunikasyon at pagsusulat. Ang batis ay tinatawag ring hanguan. Dalawang uri ng batis in Impormasyon Iskolarling Batis - Pag-aaral ng espesyalista sa kanilang larangan Di-Iskolarling Batis – Nagbibigay impormasyon at aliw sa mambabasa Mga Kategorya ng Batis ng Impormasyon Hanguang Primarya Direkta at orihinal na ebidensiya. Direktang pahayag, obserbasyon, at teksto. Makatotohanang pag-aaral sa kasaysayan. Hanguang Sekondarya Lathala ng impormasyon mula sa pangunahing batis. Pahayag ng interpretasyon, opinyon, at kritisismo ng datos. Hanguang Tersiyariya Koleksyon at konsolidasyon ng primarya at sekundaryang batis. Binubuo gamit ang pangkalahatang pagtingin at sintesis. Ito ay abstrak o pinagsama-samang datos. Hanguang Elektrononiko Pinakamalawak at pinakangmabilis na hanguan ng impormasyon Mga datos na matatagpuan sa internet. Gabay sa pagpili ng Batis 1. Kilalanin, at alamin ang kredibilidad ng may-akda. 2. Alamin ang layunin ng may-akda. 3. Tiyaking tama ang petsa ng pagkalimbag. 4. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang pinagkuhaang website. 5. Ilagay ang sanggunian (listsahan ng may-akda). KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGBASA Kakayahang kumilala at umunawa ng mga nakalimbag na simbolo ng talasalitaan ng mga bata sa pagsasalita. Romero (1985), ang pagbasa ay napapailalim sa dalawang kategorya: 1. bilang isang proseso ng pagsalin. 2. ang pagbabasa upang makuha ang kahulugan na siyang diin ng mga unang hakbang ng pagtuturo. Hakbang sa Pagbasa: 1. Bago Bumasa (Pre-reading) 2. Panimulang Pagbasa (Initial Reading) 3. Mabilis na pag-unlad (Rapid Progress) 4. Extensyon ng Karanasan sa Pagbasa at Mabilis na Pagdaragdag ng Kagalingan sa Pagbasa (Extended Reading Experience and Rapidly Increasing Reading Efficiently 5. Pagpapapino ng Kakayahan, Saloobin, at Panlasa (Refinement in Reading Abilities Attitudes and Tastes) Mga teorya sa pagbasa Teoryang Bottom-Up – Ang pag-unawa ay nagsisimula sa texto tungo sa mambabasa. Teoryang Top-Down – nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto Teoryang Interaktibo – Pag-uugnay ng sariling kaalaman sa binabasa. Uri ng pagbasa ISKANING - Ang mahahalagang salita ay binibigyang pansin. ISKIMING - Mabilisang pagbasa para makuha ang ideya. PREVIEWING - Pagsusuri ng kabuang estilo at register. KASWAL - Pagbabasang pampalipas oras. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON - Layuning kumuha ng impormasyon MULING PAGBASA - Layuning makabuo ng pang- unawa MAPANURING PAGBABASA - Pagtukoy ng detalye upang mapangatwiranan. MGA HAKBANG SA PAGBASA AT PANANALIKSIK 1. Pagsusuri ng impormasyon 2. Pagsusuri ng nilalaman 3. Paraan ng pagbasa 4. Pakikipag-ugnayan 5. Pagbasa ng aklat Buod Siksik at pinaikling bersyon ito ng teksto. Pagpili ng pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya. May lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya. Presi/Precis Eksaktong replika ng orihinal na akda. Pinaikling bersyon na nagpapahayag ng kumpletong argumento. Lagom/Sinopsis Pinaikli ang pangunahing punto ng isang babasahin. Karaniwan itong ginagamit bilang pabalat sa mga nobela. Hawig Tinatawag na “paraphrase” sa ingles. Paglalahad ng datos sa sariling pangungusap. Mas detalyado kaysa sa buod. Isinasama kung kanino nagmula ang datos. Sintesis Pagsasama-sama ng dalawa o higit pang buod. Pagdudugtong ng ideya mula sa maraming sanggunian. Abstrak Buod ng isang artikulo, ulat o pag-aaral na inilalagay bago ang introduksyon. Deskriptibong Abstrak - Inilalarawan ang pangunahing ideya ng artikulo. Impormatibong Abstrak - binubuo ng mahahalagang ideya ng artikulo. Pagsusuri Pagsisiyasat o pag-oobserba ng partikular na impormasyon. Paghihimay ng paksa sa maliliit na bahagi. Ginagamitan ng mataas na antas ng pag-iisip. MATAAS NA ANTAS NA PAG-IISIP ANALISIS - Paghihimay ng ideya upang maunawaan APLIKASYON - Paggamit ng impormasyon sa sitwasyon/suliranin KOMPREHENSIYON - Nauunawaan ang mga nakuhang impormasyon EBALWASYON- Pagtingin sa halaga ng idimpormasyon IBAT-IBANG URI NG OBSERBASYON Natural na Obserasyon Direktang Partisipasyon Eksploratoryo Personal na Obserbasyon May Estruktura Walang Estruktura PAGTIYAK NG WASTONG IMPORMASYON Suriin ang mga sanggunian ng datos. Kumuha lamang ng datos sa mapagkakatiwalaang batis Alamin ang salingan at propesyon ng may-akda. Kailangang obhektibo ang nilalaman ng datos. Gawing Pangkomunikasyon - Ay tumutukoy sa mga paraan at pamamaraan na ginagamit ng mga tao, particular at pamamaraan na ginagamit ng mga tao, particular ng mga Pilipino, upang makipag-ugnayan at magpalitan ng impormasyon. Sa konketso ng kulturang Pilipino, ang mga gawing ito ay maaring mag-iba batay sa kpnteksto, lugar, at nga kaugalian ng mga tao. Pangunahing asoeto ng gawing pangkomunikasyon Imposymasyon at Ugnayan ay nagsisilbing daluyan ng impormasyon at ugnayan sa pagitan ng mga tao. Ito ay mahalaga sa pagbuo ng mga relasyon at pagkakaintindihin sa loob ng komunidad. Konteksto at Kultura ito ay naiimpluwensyahan ng kultura at konteksto kung saan nagaganap ang komunikasyon. Halimbawa, ang mga pormal na talakayan sa opisina ay maaring magkaiba sa impormal na umpukan sa kanto. Mga Anyong Pangkomunikasyon kasama sa mga gawing pangkomunikasyon ang tsismis, umpukan, talakayan, at pagbabahay-bahay. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang layunin at kahulugan sa pakikipag-ugnayan. Sikat na Nakakaapekto Maramaing salik ang nakakaapekto sa gawing pangkomunikasyon tulad ng lugar, sitwasyon, at antas ng relasyon ng mga kalahok. Ang mga salik na ito ay nagdidikta kung paano isinasagawa ang komunikasyon. Tsismisan Chismes, galling sa salitang kastila, may kento o pangyayari May impormasyong katotohanang di-tiyak Uri ng tsismis - Panunubok sa pribadong buhay ng iba - Panghihimasok o Pnag-iistorbo - Pag-iintriga - Pang-aasar o pamamahiya Batas laban sa tsismis Artikulo 26 ng Kodigo Sibil ng Pilipinasilipinas – na nagbibigay ng proteksyon ang dignidad, personalidad, at pribadong pamumuhay ng tao. Libel at Slander Dalawang anyo ng defamasyon na naglalaman ng mga maling pahayag na nakakasira sa reputasyon ng isang tao. Libel Tumutukoy sa mga maling pahayag na nailathala sa nakasulat na anyo tulad ng sa mga libro, magasin, pahayagan, o online na nilalaman. Ang mga pahayag na ito at nagdudulot ng pinsala sa reputasyon ng isang tao at maar imaging batayan ng demanda. Slander Tumutukoy sa mga maling pahayag na binigkas nang pasalita. Ang mga pahayag na ito ay nagdudulot din ng pinsala sa reputasyon ngunit hindi nakasulat. Kabutihan ng Tsismis Nagkakaroon ng masuring superbisyon at anyo ng ugnayang panlipunan at dulog para sa integral na kaalaman ng lahat (Liam, 2016). Nagdudulot ng pangangailangang panlipunan para sa mga manggagawa at sa nagmamay-ari (Aksyon at mga kasama, 2005). Nagbibigay ng impormasyon sa mga tagapakinig at libangan o aliwan upang mapaganda ang ugnayang panlipunan (Guerina at Miyazaki, 2006) Umpukan Ito ay tumutukoy sa isang maliit na pangkat na nag-uuspan tungkol sa isang bagay na may interes ang lahat. Ito ay gumagamit ng modelong interaktibong komunikasyon. Usisero, ang hindi kilalang lumalapit para makiumpok. Dalawang Anyo ng Umpukan - Salamyaan - Umpukan sa Marikina na nagaganap sa tambayan. - Ub-Ufon – Pagsasama-sama ng mga magkababayan para magpakilala. Mga lugar na madlas kinagaganapan ng umpukan Paaralan Korte suprema Tabing Daan Opisina Tambayan sa kanto Talakayan Ito ay isang karaniwang Gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran. Ang proseso ng pagpapalitan ng ideya para sa isang mahalaga at nararapat na desisyon ukol sa isang problema. Katangian ng mabuting talakayan Aksesibilidad Nararapat na ang lahat ng kalahok ay nagbibigay ng partisipasyon. Hindi Palaban Nanatili ang pagkakaroon ng magalang na tono at pagsasagutan ng mga ideya. Baryasyon ng Ideya Inaasahan ang pagkakaiba ng mga ideya upang matamo ang higit na malalim na pagtatalakay. Kaisahan at Pokus Gawain ng dalubguro na maging tagapamagitan at tagapagkaisa ng mga baryasyon ng ideya ng klase. Katangian ng Di-mabuting talakayan Limitado – Bilang lamang ang nakikilahok sa talakayan Mababaw at paulit-ulit ang ideya – Hindi nagpapakita ng baryasyon at walang kalaliman ang tinatalakay. Watak-watak ang kaisipan at walang pokus – magulo ang mga ideya na inilahad at walang nagging tagapamagitan upang ito ay ayusin. Pagbabahay-bahay Kinabibilangan ng mga individwal o higit pang maraming individwal na tumutungo sa dalawa o higit pang maraming bahay upang maisakatuparan ang kanilang layunin. Halimbawa ng pagbabahay-bahay Eleksyon Mga kawani sa ahensya ng gobyerno Mga organisadong Grupo Religious Groups Apat na element ng organisadong pulong Papaplano Pagproproseso Paghahanda Pagtatala Mga Mahahalagang Papel sa Pulong Pinuno Sekretarya Mga kasapi ng Pulong Komunikasyong Di-berbal Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalamitan na ang daluyan ay hindi gumagamit ng sinasalitang tunog kundi mga kinikilos ng katawan na nagbibigay ng mensahe Kenesika Ekspresyon ng mukha - Nagpapakita nf iba’t ibang emosyon at nararamdaman batay sa nais ipahiwatig ng tao. Kilos ng Mata - Matatagpuan ang sinseridad at katotohanan sa mga mata ng tao. Kumpas ng Kamay - Nagbibigay diin sa bernal na kahulugan at saloobin ng isang indibidwal. Tindig at Postura - Nagpapakita ito ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Proksimika Pagpapahalaga sa pag-aral tungkol sa espasyo bilang isang makabuluhang sangkap ng di-berbal na komunikasyon. Intimate - Ito ay ang kinabibilangan ng paghawak at pagbulong na may sukat na 0-0.46 m. Personal Distance - Nagkakaroon ng sukat na 0.46 1.2 m. na para sa magkakaibigan at kamag anak Social Distance - Distansya ng mga taong magkakilala Public Distance - Para sa mga pampublikong pagtatalakay. Oras (Chronemics) Ito ay ang pag-aaral ng oras na ginagamit ng tao bilang bahagi ng kanyang buhay na lumikha ng pananaw sa ibang tao. Teknikalo siyentipikong oras - Nakabatay sa oras na napagkasunduan Pormal na Oras - Nakaukit sa kahulugan ng oras batay sa kultura. Impormal na Oras - Nakaugat sa oras na walang katiyakan. Sikolohikal na Oras - Nakaukit sa oras batay sa kanyang karansan at estado sa buhay. Paghaplos (Haptics) Pagbibigay ng kahulugan ng tao batay sa pagdampi o paghaplos ng kamay. Intimate Touch - Ito ay ang haplos ng mga nag-iibigan rtulad ng paghawak ng kamay. Warmth Touch - Haplos ng kaibigan o kamag-anak upang maipadama ang pagmamahal. Polite Touch - Dampi ng kamay para maipakita ang paggalang. Professional Touch - Ito ay haplos ng kamay para sa isang propesyunal na pakikiisa o pagkilala. Kapiligiran Ito ay sa pag-iisip ng kung saan pwesto na maari gaganapin na mahahalagang usapin o mga meeting at seminar. Katahimik (walang ss, commonsense nalng) Expresyong Lokal Ay likas at ordinasyong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohikal at iba pang uri ng pilosopiya. Ginagamit upang maipahayag ang isang literal na ekspresyon sa local na paraan.