FIL101 Panitikang Filipino Reviewer PDF

Document Details

ColorfulTheory

Uploaded by ColorfulTheory

John Maurice P. Sison

Tags

Filipino literature Philippine literature literature history literary criticism

Summary

This document is a prelim reviewer for a Filipino literature course. It covers the history of Filipino literature, from pre-colonial times to the present, plus influences on the literature from external sources. It includes a discussion of periods and important figures. The topics cover historical context of literature and influential works and writers.

Full Transcript

John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog Ano ang Panitikan? Ang tunay na kahulugan ng panitikan ay pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng...

John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog Ano ang Panitikan? Ang tunay na kahulugan ng panitikan ay pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan, at masining na mga pahayag. Ang tunay na panitikan ay walang kamatayan, nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kanyang pagsusumikap na makita ang Maykapal. (Mula sa aklat nina Atienza, Ramos, Zalazar at Nazal na, “Panitikang Filipino”) Ang panitikan ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, at sa Dakilang Lumikha. (Bro. Azarias) Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, at guniguni ng mga mamamayan. (Maria Ramos) Ang Panitikan at Kasaysayan Ang panitikan at kasaysayan ay mayroon ding pagkakaiba. Ang panitikan ay maaaring likhang-isip o bungang-isip lamang o mga pangyayaring hubad sa katotohanan na naisatala, samantalang ang kasaysayan ay pawang mga pangyayaring tunay na naganap – may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari, at may panahon. Mga Kalagayan na nakapangyayari sa Panitikan Klima Nakakaapekto sa kaisipan at damdamin ng manunulat. Hanapbuhay o gawaing Nagdadala ng mga salita at pang araw-araw ng tao kuro-kuro sa panitikan. Pook o tinitirahan Nakakaapekto sa paksa ng panitikan batay sa kapaligiran. Lipunan at Pulitika Nakikita sa panitikan ang sistema ng pamahalaan, ideolohiya, kultura. Edukasyon at Mababakas sa panitikan ng Pananampalataya lahi. Ang pananampalataya ay paksa rin ng mga makata at manunulat. John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog Ang Impluwensya ng Panitikan Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda. Dahil sa panitikan nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman sila ng ugali at palakad at nagkakatulungan. Mga akdang pampanitikan na nakaimpluwensya sa buong daigdig 1. Bibliya - ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa Palestino at Gresya. 2. Koran - ang pinakabibliya ng mga Muslim. Galing ito sa Arabia. 3. Iliad at Odyssey – ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ito ni Homer. 4. Mahabharata – ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito ng kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya. 5. Canterbury Tales – naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at isinulat ni Chaucer. 6. Uncle Tom’s Cabin – akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng demokrasya. 7. Divine Comedia – akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano nang panahong yaon. 8. El Cid Compeador – nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa. 9. Awit ni Rolando – kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya. 10. Aklat ng mga Patay – naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto. 11. Aklat ng mga Araw – akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya. 12. Isang Libo’t Isang Gabi – mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan, at panlipunan ng mga Arabo at Persyano. John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog KASAYSAYAN NG PANITIKANG FILIPINO Panahon Bago Dumating ang mga Kastila hindi pa dumarating sa ating kapuluan ang mga Kastila, at maging ang iba pang mga dayuhan, ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi. Panitikan ang nagpapahiwatig ng tunay na pagkalahi natin. Alibata – ang abakadang kahawig ng MalayoPolinesyo, na unang ginamit ng ating mga ninuno. May sariling panitikan na bago pa dumating ang mga Kastila. Ipinapakita nito ang kultura at kaugalian ng mga ninuno. Sinunog ng mga Kastila ang karamihan ng panitikan, pero may ilang naisalba. Gumamit ng kawayan, niyog, dahon, at bato bilang sulatan at panulat. Mahilig ang mga ninuno sa tula, awit, kuwento, bugtong, palaisipan. Panahon ng mga Kastila Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral. At dito nagsimula ang panitikan ng mga tao rito. Tinangkilik nila ang relihiyong Katoliko. Nagpalit sila ng mga pangalan at nagpabinyag. Nagkaroon ng mga bahay na bato at tisa, mga magagandang kasangkapan, mga sasakyang tulad ng karwahe, tren, at bapor. Natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo, sa Papa, at sa gobernador. MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO 1. Ang “Alibata” na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong Romano. 2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon. 3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong iyon. Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino. 4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng Panatikang Filipino tulad ng awit, corido, moro-moro, at iba pa. 5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain. 6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano, at Bisaya. 7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong iyon. John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog MGA UNANG AKLAT 1. Doctrina Cristiana ○ Ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593 sa pamamagitan ng silograpiko. ○ Akda ito nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva. ○ Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. ○ Naglalaman ito ng Pater Noster, Ave Maria, Regina Caeli, Sampung Utos ng Diyos, Mga Utos ng Sta. Iglesya Katoliko, Pitong Kasalanang Mortal, Pangungumpisal, at Katesismo. ○ Tatlong kopyang orihinal na lamang ang natitira sa aklat na ito na matatagpuan sa Batikano, sa Museo ng Madrid at sa Kongreso ng Estados Unidos. ○ 87 pahina ang akdang ito subalit nagkakahalaga naman ng $5,000.00. 2. Nuestra Señora del Rosario ○ Ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. ○ Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602. ○ Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon. 3. Barlaan at Josapath ○ Ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. ○ Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja. ○ Kauna-unahang nobelang napalimbag sa Pilipinas. 4. Pasyon ○ Aklat na natutungkol sa buhay at pagpapasakit ni Hesukristo. ○ Binabasa ito tuwing Mahal na Araw. ○ Isinasaalang-alang na pinakapopular ang Version de Pilapil (ni Mariano Pilapil). 5. Urbana at Felisa ○ Aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog.” ○ Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa. ○ Tungkol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na ito, ○ kaya’t malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino. John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog Panahon ng Pagbabagong Isip Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (GomBurZa) at patayin sa pamamagitan ng garote nang walang matibay na katibayan ng pagkakasala. Ito’y naganap noong Pebrero 17, 1872. ANG KILUSANG PROPAGANDA Binubuo ng pangkat ng mga intelektuwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno, at iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya. Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga kairingan. MGA TALUKTOK NG PROPAGANDA Tatlo ang taluktok o pinakalider ng Propaganda. Ang mga ito’y sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, at Graciano Lopez Jaena. DR. JOSE RIZAL Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda Siya ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng Kalamba, lalawigan ng Laguna. Ginamit niya ang sagisag na Laong-laan at Dimasalang sa kaniyang mga panulat. Mga Akda ni Rizal 1. Noli Me Tangere ○ ang una at walang kamatayang nobelang nagpasigla nang malaki sa Kilusang Propaganda ○ nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya. ○ walang pakundangan niyang inilantad ang kasamaang naghahari sa pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas. ○ tumatalakay sa mga sakit ng Lipunan. Nobelang Panglipunan John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog 2. El Filibusterismo ○ ang nobelang ito’y karugtong ng Noli. ○ ang Fili ay lantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama rito ang katulong ngunit higit na naging makapangyarihan, ang simbahan. ○ Nobelang Pampulitika 3. Ang Huli Kong Paalam (Mi Ultimo Adios) ○ kanyang sinulat noong siya ay nakakulong sa “Fort Santiago”. 4. Hinggil sa Katamaran ng Pilipino (Sobre La Indolencia de Los Filipinos) ○ ay isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad. 5. Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon (Filipinas Dentro De Cien Años) ○ ay isang sanaysay na nagpapahiwatig na darating ang panahon na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay mababawasan, samantalang ang impluwensiya ng Estado Unidos ay mararamdaman. 6. Sa Kabataang Pilipino (A La Juventud Pilipino) ○ ay isang tulang inihandog niya sa mga kabataang Pilipinong nag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas. 7. Ang Kapulungan ng mga Bathala (El Consejo De los Dioses) ○ ay isang dulang patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes. 8. Sa Tabi ng Pasig (Junto Pasig) ○ Isinulat niya ito nang siya ay may 14 na taong gulang lamang. 9. Hinilingan nila ako ng mga tula (Me Piden Versos) 1882 at Sa mga Bulaklak ni Heidelberg (Las Flores de Heidelberg) 1882. ○ Ang dalawang tulang ito ay nagpapahayag ng mga dipangkaraniwang kalaliman ng damdamin. 10. Mga Tala sa Akdang Pangyayari sa Pilipinas ni Dr. Antonio de Morga (Notas a La Obra Sucesos De Las Filipinas Por Dr. Antonio de Morga) 1889. 11. P Jacinto: Mga Gunita ng Isang Estudyante sa Maynila (Memorias de Un Estudiante de Manila) 1882 12. Talaarawan ng Paglalakbay sa Hilagang Amerika (Diario de Viaje de Norte Amerika) John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog Marcelo H. Del Pilar Si Marcelo H. del Pilar ay kilalang-kilala sa kaniyang mga sagisag sa panulat na Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat, at Dolores Manapat. Itinatag ni Plaridel ang pahayagang “Diariong Tagalog” noong 1882 na pinaglathalaan niya ng mga puna at pansin sa hindi mabuting pamamalakad ng pamahalaang Kastila dahil sa iba’t ibang kasalanang ibinuhat sa kanya na bunga ng paghihiganti ng mga prayle at upang maiwasan ang gagawing pagpapatapon sa kanya ay napilitang maglakbay sa Espanya noong 1888. Nang dumating siya sa Espanya, hinalinhan niya si Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad na naging tagapamansag ng mga banal na mithiin na ikapagkakaroon ng mga kaluwagan sa pamahalaan ng Pilipino. Sa sakit na pagkatuyo ay namatay siya sa Espanya Ang Mga Akda ni Marcelo H. del Pilar 1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ○ salin sa tulang Kastilang “Amor Patrio” ni Rizal na napalathala noong Agosto 20, 1882 sa “Diariong Tagalog”. 2. Kaiigat Kayo ○ ay isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa tuligsa ni P. Jose Rodriguez sa “Noli” ni Rizal; inilathala sa Barcelona noong 1888. ○ Gumamit siya ng sagisag na “Dolores Manapat” sa akda niyang ito. 3. Dasalan at Tocsohan ○ akdang hawig sa katesismo subalit pagkutya laban sa mga prayle na inilantad sa Barcelona, 1888. Dahil dito’y tinawag siyang “Pilibustero”. ○ Kahanga-hanga ang himig na panunuya at ang kahusayan ng pananagalog. 4. Ang Cadaquilaan ng Dios ○ ay isang sanaysay ng pagtuligsa laban sa mga prayle ngunit nagtataglay ng mga pilosopiya tungkol sa kapangyarihan at katalinuhan ng Poong Lumikha, pagpapahalaga, at pag-ibig sa kalikasan. 5. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas ○ tulang nagsasaad ng paghingi ng pagbabago ngunit ang Espanya ay napakatanda at napakahina na upang magkaloob ng anumang tulong sa Pilipinas. ○ Ang tulang ito’y katugunan sa tula ni Herminigildo Flores na “Hibik sa Pilipinas, sa Inang Espanya”. John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog 6. Dupluhan… Galit… Mga Bugtong ○ ito’y katipunan ng maiigsing tula at pang-aapi ng mga prayle sa Pilipinas. 7. La Soberna en Filipinas ○ sang sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di makatarungang ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino. 8. Por Telepono 9. Pasiong Dagat Ipag-Alab ng Puso ng Taong Nagbabasa Graciano Lopez Jaena (1856-1896) Isa siyang kilalang manunulat at mananalumpati sa “Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati” sa Pilipinas. Siya ay nakagawa ng may 100 pananalumpati na magpahanggang ngayon ay binabasa ng mga makabagong Pilipino. Ang Mga Akda ni Graciano Lopez Jaena 1. Ang Fray Botod ○ isa sa mga akdang isinulat sa Jaro, Iloilo noong 1876 ○ anim na taon pagkatapos ng himagsikan sa Kabite, na tinutuligsa ang mga prayle na masiba, ambisosyo, at immoral ang pagkatao. 2. La Hija de Praile at ang Everything is Hambug (Ang lahat ay kahambugan). ○ ipinaliwanag ni Lopez Jaena ang mga kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang Kastila. 3. Sa Mga Pilipino (1891) ○ isang talumpati na ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Malaya, maunlad, at may karapatan. 4. Talumpating Pagunita kay Kolumbus ○ noong ika-391 Anibersaryo sa pagkakatuklas sa Amerika na binigkas niya sa Teatro ng Madrid. 5. En Honor del Presidente Morayta dela Asosacion Hispano Pilipino (1884) ○ pinuri ni Lopez Jaena si Hen. Morayta sa pagpapantay-pantay niya sa mga tao. 6. En Honor de los Artistas Luna y Resurreccion Hidalgo (1884) ○ matapat na papuri sa kanilang mga iginuhit na naglalarawan ng mga kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog 7. Pag-ibig ng Espanya sa mga Kababaihan ng Malolos (Amor A España o Alas Jovenas de Malolos) ○ Pag-aaral sa Kastila ng mga babae na ang guro ay gobernador ng lalawigan ang magbibigay. 8. El Bandolerismo En Pilipinas ○ ipinagtanggol ni Graciano Lopez Jaena na walang tulisan sa Pilipinas at dapat magkaroon ng batas tungkol sa mga nakawan at kailangang baguhin upang hindi mahirapan ang Pilipinas. 9. Karangalan sa Pilipinas (Honor En Pilipinas) ○ pagwawagi sa exposisyon nina Luna, Resurreccion, at Pardo de Tavera na ang katalinuhan ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas. 10. Pag-alis ng buwis sa Pilipinas 11. Isang Paglining sa Institucion ng Pilipinas 12. Mga Kahirapan sa Pilipinas ○ – tinutukoy rito ni Lopez Jaena ang maling pamamalakad at edukasyon sa Pilipinas – 1887. (extra info) Ang Kilusang Propaganda ay samahang itinatag ng mga ilustrado na naglalayong isulong ang reporma o pagbabago sa mapayapang pamamaraan tulad ng paggamit ng pahayagan o lathalain. Samantala, ang Katipunan naman ay may layuning magkaisa para makalaya ang mga Pilipino sa Espanya sa pamamagitan ng himagsikan. Ang Panahon ng Tahasang Paghihimagsik La Liga Filipina isang samahang sibiko na pinaghihinalaang mapanghimagsik at naging dahilan ng pagkakatapon sa Dapitan na nagtatag na si Jose Rizal Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Jose Palma, Pio Valenzuela ay nagsipagsabi na “wala nang natitirang lunas kundi ang maghimagsik” ang panitikan ay naging kritikal sa pamahalaan at simbahan. John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog Ang Mga Pahayagan nang Panahon ng Himagsikan 1. Herlado de la Revolucion ○ naglalathala ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa Tagalog na pawang gumigising sa damdaming makabayan. 2. La Independencia ○ pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas. 3. La Republica Filipina ○ itinatag ni Pedro Paterno noong 1898. 4. La Libertad ○ pinamatnugutan (responsible) ni Clemente Zulueta. Panahon ng Amerikano Naiwagayway ang ating bandila noong Hunyo 12, 1898. Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng panitikan tulad ng lathalain, tula, kuwento, dula, sanaysay, nobela, at iba pa Mga Katangian ng Panitikan sa Panahong Ito Ang panitikan noong panahong ito ay nagtatampok ng romantasismo at pagmamahal sa Diyos, bayan, kapwa. May tatlong pangkat ng manunulat: Kastila, Tagalog, Ingles. Panahon ng mga Hapones Noong 1941 – 1945, tumigil ang Panitikang Ingles dahil sa pagsakop ng mga Hapones, ngunit umunlad ang Panitikang Tagalog. Mga manunulat na dating gumagamit ng Ingles ay lumipat sa Tagalog, at marami ang sumulat ng dula, tula, maikling kwento. Ang lingguhang Liwayway (magazine) ay inilagay ng mga Hapones sa mahigpit na pagmamatyag hanggang sa ipabahala ito sa isang Hapong nagngangalang Ishikawa. Ang mga paksain ng Panitikang Tagalog ay pawang natutungkol sa buhay lalawiganin. John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog Ang Mga Tula sa Panahong Ito 1. Haiku ○ isang tulang may malayang taludturan na kinagiliwan ng mga Hapones ○ binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod ○ Ang unang taludtod nito ay may limang pantig, ang ikalawa ay pitong pantig, at ang ikatlo ay limang pantig ang una. 575 ○ Maikli lamang ang Haiku, ngunit nagtataglay ng masaklaw at matalinghagang kahulugan. 2. Tanaga ○ ito’y maikili ngunit may sukat at tugma ○ Ang bawat taludtod nito ay may pitong pantig ○ Nagtataglay din ng mga matatalinghagang kahulugan. 3. Karaniwang Anyo Panahon ng Isinauling Kalayaan Isa sa naging kapansin-pansing pangyayari sa panitikang Filipino sa panahong ito ay ang pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral sa larangan ng panulat. Naging mga ulirang manunulat sa Amerikano sina Ernest Hemingway, William Saroyan, at John Steinbeck sa kanilang mahusay na teknesismo ng panulat. Ang mga panunulad sa estilo ng tatlong manunulat na Amerikanong nabanggit ang nagbigay ng diwang mapaghimagsik sa panitikang Tagalog at Ingles. Ang Timpalak – Palanca “Palanca Memorial Awards for Literature” pinamumunuan ni Ginoong Carlos Palanca Sr. noong 1950 Ang larangang pinagkakalooban dito ay ang maikling kuwento, dula, at tula. Panahon ng Aktibismo Naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan nang panahong ito. Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at pulitika. Ang alinmang establisyemento ay naging sagisag ng kabulukang dapat baguhin. Madarama sa simbahan, sa paaralan, at maging sa tahanan ang lason ng kawalang pag-asa ng mga kabataan sa pamahalaan. Humangga ang panitikang ito ng mga aktibista sa pagsasaad ng dapat gawin upang lutasin ang suliranin. Ang ilan sa mga kabataang bumandila sa panitikang rebolusyonaryo ay sina Rolando Tinio, Rogelio Mangahas, Efren Abueg, Rio Alma, Clemente Bautista, at iba pa. John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog Panahon ng Bagong Lipunan Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972. Nagpatuloy pa rin ang Gawad Carlos Palanca sa pagbibigay ng patimpalak. Halos tungkol sa ikauunlad ng bayan ang naging karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), pagpaplano ng pamilya, wastong pagkain (nutrition), “drug addiction”, “polusyon”, at iba pa. Nagtatag ang pamahalaang military ng bagong kagawaran na tinawag na “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” upang siyang mamahala at sumusubaybay sa mga pahayagan, aklat, at mga iba pang babasahin panlipunan. Muling naibalik ng dating unang Ginang Imelda Marcos sa pagpapanibagong-buhay ang ating mga sinaunang dula tulad ng Senakulo, Sarsuela, Embayoka ng mga Muslim, at iba pa. Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, at maging ang Metropolitan Theater ay muli rin niyang ipinagawa upang mapagtanghalan ng mga dulang Pilipino. Naging laganap din ang pag-awit noon sa wikang Filipino. Maging ang mga ipinadadala sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin ang inaawit. Ang mga lingguhang babasahin tulad ng Kislap, Liwayway, at iba pa ay malaki ang naitulong sa pagpapaunlad ng Panitikan. Tahasang masasabi na nagningning din ang Panitikang Filipino nang panahong ito. Panahon ng Ikatlong Republika Makaraan ang sampung taong pagkakasailalim ng Pilipinas sa Batas Militar at sa tinamasang bahagyang pagbabago sa kalakarang buhay ng mga Pilipino na nagsimula sa panahon ng Bagong Lipunan, muling inalis ang bansa sa ilalim ng nasabing batas noong Enero 2, 1981. Lalo pang nag-alab ang ganitong damdamin nang patayin noong Agosto 21, 1983 ang dating Senador ng bansa na si Benigno Aquino Jr., ang idolo ng masang Pilipino na matagal na nilang mithing maging pangulo ng bansa. Maraming mga manunulat ang nangagsisulat ng mga paksang nadarama sa buhay tulad ng pakikisama, paggawa, pagdadalamhati, kahirapan, pulitika, at imperyalismo. John Maurice P. Sison Prelim Reviewer B233 - FILI 101 Panitikang Filipino Prof. Korina Marie N. Alibuyog Ang Panitikan sa Kasalukuyan Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin ng may labingapat na taon. Sa loob ng apat na araw, mula noong Pebrero 21 hanggang 25, 1986, nito ay namayani ang tinatawag na “People’s Power” o “Lakas ng Bayan”. Ang Mga Manunulat sa Kasalukuyan Ponciano Pineda, ang kasalukuyang Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa Isagani Cruz, Edgardo Reyes, Domingo Landico, Ruth Mabanglo, Lydia Gonzales, at marami pang iba. Ngunit isa sa ating mga dakilang manunulat ang kamakailan lamang namatay. Siya’y si Narciso del Rosario dating poetry columnist ng Balita na namatay noong Marso 31, 1986 sa sakit sa puso, sa gulang na 61.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser