Summary

This document details economic systems such as traditional, market-based, command, and mixed economies. It includes discussions on resource allocation, production methods, and economic philosophies like capitalism, socialism, communism, and fascism.

Full Transcript

ARALIN 4: ANG ALOKASYON AT MGA SISTEMANG PANG- EKONOMIYA ALOKASYON NG PINAGKUKUNANG YAMAN Isinasagawa upang sagutin ang mga problemang pang-ekonomiya Pamilihan - nakikita paano isinasagawa ang alokasyon Ito ang mekanismo ng pamamahagi ng mga likas na yaman, yamang tao, at...

ARALIN 4: ANG ALOKASYON AT MGA SISTEMANG PANG- EKONOMIYA ALOKASYON NG PINAGKUKUNANG YAMAN Isinasagawa upang sagutin ang mga problemang pang-ekonomiya Pamilihan - nakikita paano isinasagawa ang alokasyon Ito ang mekanismo ng pamamahagi ng mga likas na yaman, yamang tao, at yamang pisikal sa iba’t ibang paggagamitan nito MAGIGING MALAWAK ANG PAGGAMIT NG MGA PINAGKUKUNANG YAMAN SA TATLONG PARAAN: ANG EPEKTIBO, MAAYOS, AT MATALINONG PAGGAMIT PAMUMUHUNAN PAGGAMIT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA ANG EPEKTIBO, MAAYOS, AT MATALINONG PAGGAMIT Konserbasyon - pagbibigay proteksiyon at preserbasyon ng mga likas na yaman. Ito ay isinasagawa upang ang susunod na henerasyon ay mayroong aabutan at gagamitin na mga likas na yaman. PAMUMUHUNAN Ang pamumuhunan sa mga pinagkukunang-yaman ay isinasagawa upang higit na mapaunlad at mapakinabangan ang mga ito. Ang pamumuhunan ay pagdaragdag ng kita upang maisagawa ang mga gawain. PAGGAMIT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA Ang paggamit ng makabagong tekonolohiya ang magpapabilis at magpapadali ng produksiyon. Ito ay magbubunga ng mataas na produksiyon na magbibigay ng pagkakataon sa mataas na pagkonsumo sa bansa. MGA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA Mga Sistemang Pang-Ekonomiya Sumasaklaw sa mga estruktura, institusyon, at mekanismo na batayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pamproduksiyon upang sagutin ang mga pangunahing katanungang pang-ekonomiya. Mga Uri ng Sistemang Pang-Ekonomiya Tradisyonal Market na Command na Pinaghalong na Ekonomiya Ekonomiya Ekonomiya Ekonomiya Tradisyonal na Ekonomiya Ang ganitong uri ng ekonomiya ay sinasagot ang mga suliraning pang-ekonomiya sa pamamagitan ng mga tradisyon, paniniwala, kagawian, at patakaran ng lipunan. Ang bawat tao sa lipunang ito ay batid ang kaniyang gampanin at tungkulin sa lipunan. Ngunit, wala silang karapatan na magdesisyon sa mga uri ng produkto at serbisyo na gusto nilang matamo. Market na Ekonomiya Sa sistemang ito, ang pagdedesisyon sa pagsagot sa mga suliraning ano, paano, at para kanino ang gagawin ay isinasagawa ng indibidwal at pribadong sektor. Ang market o pamilihan ay nagpapakita ng organisadong transaksiyon ng mamimili at nagbibili. Piyudalismo May kinalaman sa pagmamay-ari ng lupa bilang batayan ng estado ng sistema ng pamumuhay. Pinagkakalooban ng lupa ang mga taong naglingkod sa mga feudal lords - tawag sa nagmamay-ari ng lupa. Vassals - tawag sa mga taong nagkakaloob ng serbisyo at nagbibigay proteksiyon sa mga feudal lords. Piyudalismo fief - lupa na binibigay sa vassals bilang kabayaran Manor - sentro ng agrikulturang gawain noong panahon ng sistemang manoryal Serf - nagsasagawa ng pagbubungkal ng lupa Merkantilismo Sa pagitan ng ika-15 at ika-18 na siglo, umiral sa Europa ang sistemang merkantilismo Batayan ng kapangyarihan ng bansa ay ang dami ng supply ng ginto at pilak. Ginamit ng merkantilistang bansa ang mahahalagang metal na ito upang makabili ng mamahaling produkto at armas pananakop sa mahihinang bansa Britain France Spain Netherlands Kapitalismo Ang rebolusyong industriyal ang nagbigay- daan sa pagkilala ng mga karapatan ng pribadong sektor sa pagpapaunlad ng industriya Ika 17 siglo - binigyang pansin ang ideya ni Adam Smith, ang may akda ng “An Inquiry Into the Nature and Causes of the Wealth of Nations” Kapitalismo Ang kapitalismo ay isang sistemang pang- ekonomiya na ang pagmamay-ari ng yaman at produksiyon ay nasa kamay ng mga indibidwal at pribadong sektor Ang pribadong pagmamay-ari at layuning tumubo ay laganap sa sistemang ito Adam Smith Ama ng Makabagong Ekonomiks Laissez-faire - ang pammahalaan ay hindi dapat makialam sa pagpapaunlad at pagpapatakbo ng mga indibidwal sa mga industriya at negosyo. free enterprise system Adam Smith Invisible hand - hindi nakikitang puwersa sa pamilihan na tumutulong sa demand at supply ng mga produkto na maabot ang ekilibriyo. Command na Ekonomiya Ang estado ang may responsibilidad sa pagsagot sa mga suliraning pang- ekonomiya Ang komunismo, sosyalismo, at pasismo ay kabilang sa ganitong uri ng ekonomiya Komunismo Unang binalangkas nina Karl Marx at Friedrich Engels sa mga aklat na “The Communist Manifesto” at “Das Kapital” na itinuturing na bibliya ng komunismo. Isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado ang nagmamay-ari at kumokontrol sa yaman ng bansa at produksiyon. Central Planning Board Pasismo Isang sistemang pang-ekonomiya at politikal na sinimulan ni Benito Mussolini sa Italy noong 1922. Samantalang ipinatupad naman ni Adolf Hitler ang nasismo sa Germany. Ang dalawang sistemang ito ay ipinatutupad ang patakarang ang mga yaman at industriya ay kontrolado at pagmamay-ari ng estado na pinamumunuan ng isang diktador. Pinaghalong Ekonomiya Sosyalismo Isang sistemang pang- ekonomiya ang masasabing pinaghalo dahil sa pag-iral ng command at market na ekonomiya. Pinaghalong Ekonomiya Sosyalismo Ang estado ang humahawak at kumokontrol sa mga pangunahing industriya at ang mga mamamayan ay pinapayagan na magmay-ari ng maliit ng negosyo na maaaring pakialaman ng estado. Sosyalismo Welfare state - daan upang ang mga pangangailangan ng lahat ng tao ay maibigay ng pamahalaan. Sa ilalim ng pinaghalong ekonomiya o mixed economy ay binabalanse ang pagkontrol at kalayaan ng pamahalaan at mamamayan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser