Disaster Risk Reduction and Mitigation (PDF)
Document Details
Uploaded by LionheartedKansasCity7583
Tags
Summary
This document discusses disaster risk reduction and mitigation strategies in the Philippines. It identifies various types of hazards, including natural disasters like typhoons and earthquakes, and examines vulnerabilities in communities. The document also touches on the importance of preparedness and response.
Full Transcript
DISASTER RISK REDUCTION AND MITIGATION Ang kapuluan ng Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na nakararanas ng iba't ibang uri ng kalamidad. Ang disaster o kalamidad ay ang probabilidad na ang isang bantang panganib ay tatama sa isang bulnerableng komunidad at hahantong sa malawakang Pinsala. Ang...
DISASTER RISK REDUCTION AND MITIGATION Ang kapuluan ng Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na nakararanas ng iba't ibang uri ng kalamidad. Ang disaster o kalamidad ay ang probabilidad na ang isang bantang panganib ay tatama sa isang bulnerableng komunidad at hahantong sa malawakang Pinsala. Ang sakuna o kalamidad ay maaring mangyari sa mga di inaasahang pagkakataon. Bagyong Ondoy, 2008 Lindol sa Cebu, 2013 Bagyong Yolanda, 2013 Bagyong Carina 2024 Ang DISASTER RISK REDUCTION AND MITIGATION ay ang paggamit ng mga pamamaraan na naglalayong bawasan ang mga pinsalang sanhi ng mga likas at gawang-tao na mga panganib sa pamamagitan ng maayos at naangkop na pamamaraan ng pag-iwas at listong paghahanda. RISK RISK REDUCTION MANAGEMENT Ito ang pagtukoy sa Nakapaloob dito ang mga mga bantang panganib sumusunod na mga (hazard) at hakbang, pagtukoy sa mga bantang panganib (Health bulnerabilidad(vulnera and safety Hazard), bility) na maaring pagtaya sa posibilidad na maging isang panganib ito ay maging at sanhi ng kalamidad sakuna,pagtataya ng kapag nagkasama magiging epekto nito sa lugar. MGA NAGBABANTANG PANGANIB (HAZARD) Nagbabantang Penomena o pangyayari na maaring magdulot ng pinsala sa buhay, kabuhayan, ari-arian at kapaligiran MGA URI NG BANTANG PANGANIB: 1. Likhang kalikasan (Natural) 2. Likhang Tao ( Man made) 3. Kombinasyon BULNERABILIDAD (VULNERABILITY) Mga kahinaan, kondisyon, at salik na hadlang sa kakayahang umangkop o bigyang proteksyon ang sarili at komunidad mula sa mga panganib, at bumangon mula sa pinsala ng kalamidad. Maaring pisikal, social, economic environmental MGA MAARING SANHI : Mga bahay o gusali na gawa sa ordinaryo o mahinang uri ng materyales Pagtatayo ng tirahan o gusali sa mga delikadong lugar Patuloy na urbanisasyon, kawalan ng sariling lupa at paglobo ng populasyon LANDSLIDE Nagaganap ang lanslide sa pagguho ng lupa, putik, o mga malalaking bato dahil sa pagiging malambot ng burol o bundok. Karaniwan itong nagdudulot ng malakas o tuloy-tuloy na pag-ulan o di kaya naman ay paglindol. TSUNAMI ang tawag sa malalaking alon bunga ng lindol o pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat. STORM SURGE ay hindi normal na pagtaas ng tubig sanhi ng bagyo. Ganito nangyari sa Tacloban, Leyte nang kasagsagan ng bagyong Yolanda noong Nobyemre 8, 2013. Mahigit sa 7,000 katao ang naiulat na nasawi at nawawala. PAGBAHA Ang baha ay ang pagtaas ng tubig sa mga ilog, sapa, lawa, at iba pang anyong tubig na umaapaw sa mababang lugar. Maari itong magdulot ng pagkasira ng mga ari-arian at pagkawala ng buhay BAGYO Iba’t ibang ang tawag sa bagyo, depende kung saan ito nabuo. Kung ito ay nabuo at nakita sa Northwest Pacific ito ay tinatawag na Typhoon, samantala, kung ito ay nabuo sa South Pacific at Indian Ocean tinatawag itong cyclone. Kung ito ay nabuo sa Atlantic Ocean at Northeast Pacific, tinatawag itong Hurricane. Ito ang dahilan kung bakit typhoon at hindi hurricane o cyclone ang terminong ginagamit sa Pilipinas. Kadalasan, sa pacific Ocean nagmumula ang bagyong dumaraan sa Pilipinas dahil nasa dakong silangan ng ating bansa ang karagatang ito. EPIDEMPYA ay ang mabilis kaysa normal na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nakahahawang sakit sa isang partikular na lugar. Halimbawa ng mga nakakahawang sakit: tigdas, dengue, malaria, at cholera. PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS DEPARTMENT OF HEALTH