Kasaysayan ng Wikang Pambansa ARALIN 6 SMAW DAVY Q2 PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

RANIELLA LEONORAS

Tags

Philippine Language History Tagalog Language American Period Education Vernacular Languages

Summary

This presentation details the history of the Philippine national language, focusing on the American period. It discusses the shift from Spanish to English as the primary language of instruction in schools and examines viewpoints on the effectiveness of using English versus vernacular languages. Key factors and reasons for the use of English language are analysed.

Full Transcript

Kasaysayan ng Wikang Pambansa Aralin 6: Pagpapatuloy Guro: RANIELLA LEONORAS Panahon ng mga Amerikano Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Lalong nabago ang s...

Kasaysayan ng Wikang Pambansa Aralin 6: Pagpapatuloy Guro: RANIELLA LEONORAS Panahon ng mga Amerikano Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Lalong nabago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino. Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo nang panahong iyon. Sa dinami-rami ng wika’t wikain sa Pilipinas ay isang wikang dayuhan ang naging wikang panturo at ito rin ang ginamit na wikang pangtalastasan. Panahon ng mga Amerikano Ang komisyong pinangungunahan ni Jacob Schurman ay naniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primarya. Nagtakda ang komisyon ng Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Marso, 1901 na nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo. Hindi naging madali para sa mga nagsisipagturo ang paggamit agad ng Ingless sa mga mag-aaral sa ikauunawa nila ng tinatawag na Tatlong R (3R’s)(Reading, wRiting, aRithmetic). Panahon ng mga Amerikano Naging dahilan ito upang ang Superintendente Heneral ng mga paaralan ay magbigay ng rekomendasyon sa Gobernador Militar na ipagamit ang bernakular bilang wikang pantulong. Pinagtibay naman ng Lupon Superyor na Tagapayo ang resolusyon sa pagpapalimbag ng mga librong pamprimarya na Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog, Ingles- Bisaya, at Ingles-Bikol. Noong 1906, pinagtubay ang isang kurso sa wikang Panahon ng mga Amerikano Ang sumusunod ay mababasa sa service manual ng Kawanihan ng Edukasyon: Inaasahang ang bawat kagawad ng kawanihan ay magdaragdag ng kanyang impluwensiya sa paggamit ng opisyal na sistema sa Ingles at maipaunawa ang kadahilanan ng pagsasakatuparan nito. Tanging Ingles lamang ang dapat gamitin sa pag-aaral, sa bakuran ng pag-aaral, at sa gusali ng paaralan. Ang paggamit ng Ingles sa paaralan ay dapat bigyang-sigla. Panahon ng mga Amerikano Mga sundalo ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang grupong kinilala sa tawag na Thomasites. Noong taong 1931, ang Bise Gobernador-Heneral George Butte na siyang Kalihim ng Pambayang Pagtuturo, ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag- aaral. Panahon ng mga Amerikano Sinabi rin niyang hindi kailanman magiging wikang ambansa ng mga Pilipino ang ingles sapagkt hindi ito ang wika ng tahana. Ito ay sinang-ayunan nina Jorge Bocobo at Maximo Kalaw. Ngunit matibay ang pananalig ng Kawanihan ng Pambayang Paaralan na narrapat lamang na Ingles ang ituro sa pamabayang paaralan. Panahon ng mga Amerikano Mga dahilan: 1. Ang pagtuturo ng bernakular sa mg paaralan ay magreresulta sa suliraning administratibo. 2. Ang paggamit ng iba’t ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo s halip na nasyonalismo. 3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular. Panahon ng mga Amerikano Mga dahilan: 4. Malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang maging wikang pambansa. 5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa. 6. Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal. Panahon ng mga Amerikano Mga dahilan: 7. Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham. 8. Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito. Panahon ng mga Amerikano Kung ang mga tagapagtaguyod ng paggamit ng wikang Ingles ay maraming dahilan, ang nagtataguyod naman ng paggamit ng bernakular ay may katwiran din. Ito ang sumusunod: 1. Walumpung porsiyento (80%) ng mag-aaral ang nakaaabot hanggang ikalimang grado lamang kaya pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pagtuturo sa kanila ng Ingles na walang kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay. Panahon ng mga 2. Kung bernakularAmerikano ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primarya. 3. Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na Tagalog ito. Isang porsiyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles. Limampung porsiyento ng mamamayan ang hindi nakauunawa ng Ingles, apatnapung porsiyento ng mga bata ang hindi natatanggap sa paaralang pambayan taon-taon. Panahon ng mga Amerikano 4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin dahil hindi naman natututo ang mga mag-aaral kung paano nila malulutas ang mga problemang kanilang haharapin sa pang-araw-araw na pamumuhay. 5. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo. 6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular. Panahon ng mga Amerikano 7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino. 8. Hindi na nangagailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular, kailangan lamang na ito ay pasiglahin. Panahon ng mga Amerikano Alinsunod sa layuning maitaguyod ang wikang Ingles, nagsagawa ang Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo ng mga alituntuning dapat sundin. Ito ay ang sumusunod: 1. Paghahanap ng gurong Amerikano lamang. 2. Pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring magturo ng Ingles at iba pang aralin. 3. Pagbibigay ng malaking tuon o diin sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon. Panahon ng mga paaralan. Amerikano 4. Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng 5. Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles. 6. Paglathala ng mga pahayagang lokal para magamit s paaralan. 7. Pag-alis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa paaralan. Panahon ng mga Amerikano Ang unang pagsisiyasat ay ginawa ni Henry Jones Ford. Inulat nito na “gaya ng makikita, ang gobyerno ay gumastos ng milyon-milyon para maisulong ang paggamit ng Ingles upang mabisang mapalitan nito ang Espanyol at mga dayalek sa mga ordinaryong usapn, at ang Ingles na sinasalita ay kay hirap makilala na Ingles na nga.” Ganito rin ang obserbasyon nina Propesor Nelson at Dean Fansler (1923) na maging ang mga kumukua ng mataas na edukasyon ay nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles. Panahon ng mga Amerikano Sa sarbey na ginawa nina Najeeb Mitri saleeby at ng Educational Survey Commission na pinamumunuan ni Dr. Paul Monroe, atuklasan nila na ang kakayahang makaintindi ng mga kabataang Pilipino ay napakahirap tayahin kung ito ba ay hindi nila malilimutan paglabas nila ng paaralan. Panahon ng mga Amerikano Makikita ang mga duda ni Saleeby hinggil sa gamit ng Ingles sa pagtuturo sa ulat ng 1925 Monroe Survey Commission. Sa kadahilanang maraming bata ang humihinto ng pag-aaral sa loob ng limang taon, nasasayang lamang ang malaking gastos upang makapagdala ng mga Amerikanong guro upang magturo ng Ingles dahil hindi mapapantayan ng isang Pilipinong sinamay na magturo ng wika ang kakayahang magturo ng Ingles ng isang Amerikano. Panahon ng mga Amerikano Suportado ni Joseph Ralston Hayden, Bise Gobernador ng Pilipinas noong 1933 hanggang 1935, ang sistema ng Amerikano sa pagtuturo, ngunit tinanggap din niyang wikang katutubo ang ginagamit ng karaniwanang Pilipino kapag hindi kailangang mag-Ingles. Iginiit din ni Saleeby na makabubuti ang magkaroon ng isang pambansang wika hango sa katutubong wika nang sa gayon ay maging malaya at mas epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong bansa. Panahon ng mga Amerikano Noong nagkaroon ng Kumbensiyong Kunstitusyonal, nagging paksa ang pagpili ng wikang pambansa. Nagmungkahi si Lope K. Santos at sinusugan ni Manuel Quezon na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging wikang pambansa. Pag-usapan Tagalog Natin Ano ang naging kalagayan ng wikang noong panahon ng Amerikano? Ano ang nilalaman ng Batas Bilang 74? Makatwiran ba ang itinakda nito? Ipaliwanag. Journal #6 Dapat bang isang wikang banyaga ang itakdang wikang pambansa? Bakit oo o bakit hindi?

Use Quizgecko on...
Browser
Browser