GEC 110 (MASINING NA PAGPAPAHAYAG) Yunit 1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Maria Vanesa Agabin-Campani
Tags
Related
- The Trivium: The Liberal Arts of Logic, Grammar, and Rhetoric PDF
- Lecture 1: Introduction and Public Oration Needs PDF
- Mga Detalye ng Kurso sa Komunikasyon at Pananaliksik (PDF)
- MIDTERM REVIEWER (Fil 103) PDF
- 2nd Quarter Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- 2nd Quarter Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Summary
This document is a unit on rhetoric and language. It defines rhetoric as the art of effective communication, and discusses the importance of both grammatical correctness and stylistic expression. It explores different aspects of language, such as levels of formality and dialects, which are important elements for effective communication.
Full Transcript
**GEC 110 ( MASINING NA PAGPAPAHAYAG)** **Inihanda ni: Maria Vanesa Agabin- Campani** Yunit 1: SINING NG RETORIKA Hindi sapat ang kawastuhang pambalarila lamang upang maging mabisa at makatawag pansin ang ano mang uri ng pakikipagtalasrasan. Kailangang ito ay masamahan pa ng isang sangkap na siya...
**GEC 110 ( MASINING NA PAGPAPAHAYAG)** **Inihanda ni: Maria Vanesa Agabin- Campani** Yunit 1: SINING NG RETORIKA Hindi sapat ang kawastuhang pambalarila lamang upang maging mabisa at makatawag pansin ang ano mang uri ng pakikipagtalasrasan. Kailangang ito ay masamahan pa ng isang sangkap na siyang magbibigay buhay sa pakikipagtalastasan at ang sangkap na ito ay tinatawag na **RETORIKA**. ![](media/image3.png) Pagkatapos ng yunit, inaasahang: 1. Masusuri ang kalikasan, kahulugan, anyo at pormularyo ng retorika tungo sa mabisang pagpapahayag 2. Mapalawak ang kaalaman hinggil sa wika Aralin 1. KAHULUGAN, ANYO AT PORMULARYO NG MABISANG Pagkatapos ng aralin, inaasahang: 1. Mabigyang kahulugan ang retorika 2. Matukoy ang pagkakaiba ng retorika ng pagsasalita sa pagsulat 3. Maisa-isa ang mga pormularyo ng mabisang retorika. Ang **Retorika** ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit -akit na pagpapahayag, maging pasalita man o pasulat. Ito ang sining ng pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang higit na maunawaan at makalugdan ng nakikinig o nagbabasa. Sa pagbuo ng mainam na pananalita o komposisyon, kailangang magkatugon ang Gramatika at Retorika. Ang **Gramatika** ang sining ng wastong pagsulat at pagsasalita ng isang wika. Samakatwid , hindi lamang kawastuhan ang nararapat na talakayin sa pagsasalita o pagsulat kundi ang ito\`y maging kawili --wili sa mga nakikinig o nagbabasa. Ang tatlong mahalagang prinsipyo ng retorika: (kaisahan, kapamitagan, kaugnayan ) - Kaisahan (Unity) -- napapaloob ditto ang tungkol sa iisang paksa lamang. Lahat ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda ay naglalandas sa iisang paksain lamang. - Kapamitagan o Diin (Emphasis) -- nagpapahayag ng pagpapahalaga sa nais bigyang --diin at ialis ang mga walang kabuluhang mga pananalita. - Kaugnayan ( Coherence) -- ang nagtatakdang lahat ng sangkap ng komposisyon ay sunud-sunud ang pagkaka ayos ng mga pananalita, pag uugnay- ugnay sa kayarian at diwa. **MGA ANYO NG RETORIKA** A. **RETORIKA NG PAGSASALITA** - Ang pasimula ng pagpapahayag ng tao ay pasalita. Kalaunan saka pa lamang naimbento ng tao ang iba\`t ibang paraan ng pagsulat. - Mahalaga ito sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa mga tao sa kanyang paligid. B. **RETORIKA NG PAGSULAT** - Maraming pagkakataon sa buhay ng tao na dapat siyang magsulat ng kanyang iniisip o nararamdaman. Simula sa kanyang pagpasok sa paaralan tinuturuan na siyang magbalangkas ng kanyang mga kaisipan at buuin ito nang maayos sa mga talata at komposisyon. - Ginagamit din ang pagsulat sa paglikha ng mga tula, nobela, maikling kwento, drama at sanaysay. May mga taong regular na nagsusulat sa isang dyornal, komposisyon, kritisismo, term paper at disertasyon. - Ang pagsusulat ay lubhang mahalaga sa dokumentasyon o pagsulat ng mga pangyayari , kasaysayan at kalagayan ng mga tao at lugar. PORMULARYO NG MABISANG RETORIKA Ang sining ng ng retorika kung pasalita ay ginagawa upang maintindihan ng nakikinig ang sinasabi, kung pasulat ay upang maunawaan ng nagbabasa ang buong mensahe ng sulatin. 1. Nagiging malinaw ang pagpapahayag ng mga ideya **kung gumagamit ng mga tiyak at mga kongkretong salita.** 2. Ang mga pangungusap at talata ay dapat na **hindi kilometriko**. Hindi paliguy-ligoy at hindi mabulaklak na hindi angkop sa panahon. 3. **Kailangang ang pagpapahayag ay maganda at kawili-wili**. Ang sukatan ng pagiging maganda ng sulatin ay kung nakuha at napanatili ang interes ng mambabasa. 4. **Ang pagpapahayag ay kailangang nagtataglay ng lalim at bigat ng mensahe**. Magiging mabigat ang isang pahayag kung ito\`y batay sa katotohanan at pinagkakakilanlan ng katapatang loob. 5. **Ang isang sulatin ay dapat makatotohanan at nababatay sa realidad.** Dapat na itoy nagtataglay ng mga tiyak na larawan at pangyayari. 6. **Higit sa lahat , dapat na ang sulatin ay maganda upang kalugdan.** Dapat maganda ang estilo at nagtataglay ng kapanabikan at matayog na diwa. Aralin 2. KAHULUGAN, KATANGIAN, TEORYA, ANTAS, VARAYTI , Pagkatapos ng aralin, inaasahang: 1. Maibigay ang iba\`t ibang pagpapakahulugan tungkol sa wika 2. Matutukoy ang iba\`t ibang teorya,katangian, antas,varayti, gamit at tungkulin ng wika 3. Mauuri ang antas ng wikang ginagamit sa araw araw na komunikasyon. ![](media/image5.png) **Paglalahad ng Paksa** Napakaraming kahulugan ang maikakapit sa wika dahil hindi lamang bilang gamit sa pakikipagtalastasan o instrument sa mabisang pagpapahayagng iniisip at nadarama ng tao. Sa kahulugan nito, epektibong nagagamit ang wika bilang midyum sa pakikipag-usap at pakikipag --ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Dahil ditto maituturing na pag-aari ng tao ang wika at hindi ang wika ang nagmamay-ari sa tao dahil nasa tao ang paraan kung paano ito gagamitin sa anumang paraan, maging mabuti o masama. IBA\`T IBANG PAGPAPAKAHULUGAN SA WIKA NG MGA DALUBWIKA: "Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang sining "---PINEDA. "Ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan"---CONTANTINO. "Ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan"---OTANES. " Ang wika ay kasangkapan na ginagamit at nabubuhay lamang habang patuloy na ginagamit"---SANTIAGO. " Ang wika , unang una ay sinasalita at ang pagsulat na anyo ay nababatay sa anyong pasalita"---DEL ROSARIO. " Ang wika ay ginagamit sa pakikipagtalastasan o sa ibang salita, ay sa paghahatid at pagtanggap o pag-unawa ng mga mensahe"---SWANSON. " Ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawain ng tao"---ARCHIBAD HILL. " Ang wika ay malimit na binibigyang kahulugan bilang sistema ng mga tunog , arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao"---HUTCH. " Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad"---WEBSTER. "Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang particular na layunin na ginagamitan ng berbal at biswal na signal para makapagpahayag"---BOUMAN. " Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao"---STURTEVANT. " Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura".---GLEASON. " Ang wika ay sistema ng arbitraryo, ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutuhan ang ganong kultura na makipagtalastasan o makipagpalitan ng usapan"---FINOCHIARO. "Ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao"---BROWN. KATANGIAN NG WIKA - Ang wika ay tunog---sa pagsisimula ng paag-aaral ng wika tunog ang unang natutuhan na nirerepresenta ng mga titik. - Ang wika ay arbitraryo---maraming tunog na binibigkas na maaaring gamitin para sa isang tiyak na layunin - Ang wika ay masistema---pagsasama-sama ng tunog para makabuo ng salita, gayundin naman ang mga salita kung pinagsama-samahin ay nakbubuo ng parirala o pangungusap. - Ang wika ay sinasalita---nabubuo ang wika sa pamamagitan ng paggamit ng iba\`t ibang sangkap sa pananalita. - Ang wika ay nagbabago---ang patuloy na pag-unlad ng wika ay nagdudulot din ng pagbabago nito. - Ang wika ay malikhain---paglikha ng mga salitang maaaring magamit sa pag-unlad ng wika. KAHALAGAHAN NG WIKA 1. PANGKOMUNIKASYON---ginagamit ang wika bilang instrumento ng komunikasyon. 2. PAG-IIMBAK NG KAALAMAN---sa pamamagitan ng wika lumalawak, nadaragdagan ang kaalaman ng tao pasalita man o pasulat. 3. HUMAHASA NG MALIKHAING ISIPAN---ginagamit ang wika sa paglikha ng mga akda. 4. BUMIBIGKIS SA ISANG LIPUNAN---gamit ang iisang wikang naiintindihan ng lahat madalit makamit ang anumang layunin o nanaisisn. MGA TEORYA NG WIKA 1. ANTROPOLOGO---naniniwala na ang kauna-unahang wika ay kahalintulad sa hayop, subalit ang tao ay may mataas na kakayahang mag-isip mas napaunlad nila ang wika. 2. MANANALIKSIK---ang tao ay nagmula sa isang angkan (malayo polinesyo) at ang wikang kanilang ginagamit ay nagmula rin sa isang wika. 3. PAHAM---aklat na nagtataglay ng mga teorya ayon sa pinagmulan ng wika at kalikasan: a. Teoryang Bow-wow---ang wika ay mula sa tunog na nalilikha ng kalikasan. Hal. Kulog at ihip ng hangin b. Teoryang Yum-yum---ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng pagkumpas. c. Teoryang Pooh-pooh -- Ang tao ay natutong magsalita sa pamamagitan ng hindi sinasadyang pagbulalas ng kanilang masidhing damdamin tulad ng tuwa, galit,takot,sakit atbp. d. Teoryang Yoheho---Ang pagsasalita ay bunga ng pwersang pangkatawan, hal. Pagbubuhat o pagtutulak ng mabibigat na bagay. e. Teoryang Dingdong---mga tunog na nalilikha mula sa mga bagay tulad ng tunog ng kampana. f. Teoryang Ta-ra-ra-boom- de-ay---tunog na nalilikha mula sa mga raitwal ng sinaunang tao. g. Teoryang Tata---ginagaya ng dila ang bawat pagkumpas ng kamay ng tao na nagging sanhi ng pagkatuto ng tao na lumikha ng tunog. 4. LINGGWISTIKO---nagsusuri sa tala ng wika sa paglipas ng maraming panahon. 5. BIBLIYA (TORE NG BABEL)---mababasa sa genesis 11:9 ANTAS NG WIKA Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isang mahalagang katangian nito. Mahalagang maunawaan ng lahat upang maiangkop ng tao ang gagamitin ayon sa hinihingi ng pagkakataon. 1. PORMAL---mga salitang istandard, kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng nakakarami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. A. Pambansa---ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat ng paaralan. Wikang kadalasang ginagamit sa pamahalaan at itinuturo sa paaralan. B. Pampanitikan/ panretorika---mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Mga salitang karaniwang malalalim, makulay at masining. 2. IMPORMAL---mga salitang karaniwan, palasak, pangaraw-araw na madalas gamitin sa pakikipagtalastasan at pakikipag-usap sa mga kakilala at kaibigan. A. Lalawiganin---ito ang mga bokabularyong dayalektal.Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan. B. Kolokyal---pang araw- araw na salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Maaaring may kapaspangan ngunit maaari naming maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Hal. Sa akin (sa\`kin), mayroon (meron), nasaan (asan/ san) 3. BALBAL---(slang) mababang antas ng wika, pinakadinamiko at pinakamabilis magbago. MGA URI: - Panghihiram sa mga salitang katutubo/ banyaga Hal. Sibat (Cebuano)---pagtakas Kosa (French) kasama - Pagbibigay ng bagong kahulugan Hal. Toyo (soy sauce)- may problema sa pag --iisip, may sumpong - Pagpapaikli Hal. Promdi (from the province) --probinsyano - Pagbabaliktad Hal. Tsekot---kotse, arep---pera - Paggamit ng akronim Hal. KSP- kulang sa pansin, ILY---I love you - Paggamit ng numero Hal. 143---I love you, 50-50---agaw buhay - Pagpapalit wika Hal. Gets mo? VARAYTI NG WIKA Ang pagkakaroon ng varayti ng wika ay ipinaliliwanag ng teoryang sosyolinggwistiko na pinagbatayan ng ideya na pagigng heterogeneous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang varayti ng wika sa mga pagkakaiba ng indibidwal at grupong kanilang tirahan, interes, Gawain, pinag-aralan at iba pa. 1. Idyolek---pampersonal/ indibidwal na gamit ng wika na nakabatay sa kanyang pagkato. May mga salik na nakapaloob dito: - Gulang -- kung ang kausap ay mas bata o matanda - Kasarian---mga usapang panlalaki/ pambabae - Hilig---may mga paksang ayon sa hilig kaya mas marami siyang masasabi rito - Trabaho/ propesyon---mga usaping nauugnay sa trabaho ang isina alang alang dito. 2. Dayalekto---maituturing itong panrehiyong wika. 3. Ekolek---wikang ginagamit mula sa loob ng tahanan ng isang pamilya. 4. Etnolek---nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng etnolinggwistikong pangkat ng tao. 5. Sosyolek---nabubuo batay sa dimensyong sosyal dahil nakabatay ito sa pangkat panglipunan. 6. Jargon---mga teknikal na salitang ginagamit sa isang larangan/ propesyon Hal. Mouse (Computer) --bahagi ng kompyuter (language)--- rat o daga sa Filipino 7. Pidgin---tinatawag itong nobody\`s native language. Madalas ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang istruktura naman ay mula sa isa pang wika. Hal. Creole/ Chavacano (Spanish- tagalog) Pananagalog ng mga intsik sa binondo ( suki, ikaw bili tinda, mura) GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | TUNGKULIN | GAMIT | PASALITA | PASULAT | +=================+=================+=================+=================+ | Instrumental | Para mangyari o | Pakikipag-usap | Liham | | | maganap ang | | pangangalakal | | | bagay bagay. | Pag-uutos | /aplikasyon | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | Regulatori | Para alalayan | Pag-ayon | Babala | | | ang mga | | | | | pangyayaring | Pagtutol | Panuto | | | nagaganap | | | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | Informativ | Para iparating | Patalastas sa | Mga | | | ng kaalaman | radyo at | advertisement | | | tungkol sa | telebisyon | sa pahayagan | | | daigdig | | | | | | Pag-uulat | Reaksyong papel | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | Interaksyunal | Upang | Usapan sa | Text message | | | mapanatili ang | telepono | | | | pakikipagkapwa | | Liham | | | -tao | Pagbibiruan | | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | Heuristic | Para sa | Magbigay | Pagsulat ng | | | pagkatuto at | kahulugan | balita | | | pagkamit ng | | | | | kaalamang pang | Sumuri | Sarbey | | | akademiko at | | | | | pampropesyunal | Eksperimento | | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | Imaginativ | Para sa | Pagkukwento | Mga akdang | | | paglikha ng mga | | pampanitikan | | | kaisipang bunga | Sabayang | | | | ng mayamang | pagbigkas | | | | guni-guni | | | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ Mula sa gamit at tungkulin ng wika mamili ng isa at gumawa ng isang gawain sa pasalita at pasulat. Mga Sanggunian Alcaraz, Cid V., et.al 2005, Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lounimar Publishing Inc. Manila Casanova, Arthur P. ,2003. Retorika: Mabisa at Makabuluhang Pagpapahayag. Rex Book Store. Manila, Phils. Catacataca, Pamfilo et.al., 2005. Wikang Filipino, Kasaysayan at Pag-unlad. Rex Book Store. Manila, Phils.