Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 2 (Panitikan ng Pilipinas) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Janry M. Ortega, LPT
Tags
Summary
Mga aral sa panitikan sa Filipino para sa elementarya 2. Inaaral dito ang kahulugan ng panitikan, ang mga anyo nito, at mga halimbawa ng panitikan sa Pilipinas.
Full Transcript
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 2 (PANITIKAN NG PILIPINAS) INIHANDA NI: JANRY M. ORTEGA, LPT KAHULUGAN NG PANITIKAN ✓Nagsasabi Chapter 3: Elements and Organizationo nagpapahayag ng mga kaisipan, mga d...
PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 2 (PANITIKAN NG PILIPINAS) INIHANDA NI: JANRY M. ORTEGA, LPT KAHULUGAN NG PANITIKAN ✓Nagsasabi Chapter 3: Elements and Organizationo nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. ✓Ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang Chaptersalitang 3: ElementsPANITIKAN ay and Organization nanggaling sa salitang: Pang-TITIK-an Ang Unlapi na: “PANG” Ang Salitang-Ugat na: “TITIK” Ang Hulapi na: “AN” ❑ Sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. ❑ Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Chapter 3: Elements and Organization Ang panitikan ayon sa mga manunulat “Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha.” ( G. Azarias ) “ Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik.” (G. Abadilla) “ Ang panitikan ay nasusulat na mga tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin.” (W. J. Long) “ Ang panitikan ay bungang isip na isinatitik at sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa sa kahapon ngayon at bukas. “ ( Rufino Alejandro ) Dalawang Anyo ng Panitikan Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang dito ang mga sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan. Tuluyan o Prosa – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. Kabilang ditto ang mga sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editoryal. PANAHON NG KATUTUBO Ayon sa pag aaral may sarili ng sibilisasyon ang ating mga ninuno, bago pa man dumating ang mga kastila, MgaNegrito,Indones at Malay ang mag pinaniniwalaan unang mamamayan ng Pilipinas. Mayroon narin silang sariling Alpabeto at Panitikan bago pa man dumating ang mga kastila ALIBATA Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat ng mga katutubo,Binubuo ito ng labimpitong (17) titik:tatlong (3) at laping apat (14) na katinig. Mga Patinig Mga Katinig ALIBATA ALAMAT Mga kwento ukol sa pinagmulan ng isang bagay KWENTONG BAYAN Mga kwento tungkol sa mga karaniwang kaganapan sa pamayanan EPIKO Mahabang salaysayin tungkol sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan AWITING BAYAN 1.Oyayi – awit sa panghele sa bata 2.Diona – awit sa panliligaw 3.Soliranin – awit ng manggagaod 4.Talindaw – awit sa pamamangka 5.Kumintang – noong una ay ginamit sa digmaan at naging awit naman sa pag-ibig 6.Tagumpay – awit sa pagwawagi sa digmaan 7.Indolanin – awit sa panlansangan 8.Hiliraw / Pamatbat – awit sa inuman 9. Balitaw / Kundiman – awit sa pag-ibig 10. Saloma / Tikam – awit ng digmaan 11. Bansal / Pagatin / Onsequep – mga awit ng kasalan sa Pangasinan 12. Holohorlo – awit sa panghele ng bata, may pagkatulad sa oyayi 13. Umbay – awit sa paglilibing 14. Dalit – awit ng papuri sa diyos 15. Duwang – awit na panrelihiyon KARUNUNGAN BAYAN 1.SALAWIKAIN – nagbibigay aral at talinghaga 2.BUGTONG (Riddle) – patulang pahayag na naghahanap ng kasagutan 3.PALAISIPAN (Brainteaser) – pahayag na nangangailangan ng kasagutan 4.BULONG – ginagamit na pang-kulam 6. Kasabihan –Kadalasang tumatalakay sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan. 7. Kawikaan – laging nagtataglay ng aral sa buhay, kauri ng sawikain MITOLOHIYA 1. Mga Diyos at Diyosa a. Bathala / Abba – pangunahing diyos b. Idionale – diyos ng mabuting gawain c. Anion Tabo – diyos ng hangin at ulan d. Apolaki – diyos ng digmaan e. Haman – diyos ng mabuting pag-aani f. Mapolan Masalanta – diyos ng mang-iibig g. Libongan – nagtatanod sa pagsilang ng isang buhay h. Libugan – nangangasiwa sa pag-aasawa i. Limoan – nangangasiwa kung paano mamamatay ang isang tao j. Tala – diyos ng umagang bituin 2. Mga Mabubuting Espirito a. Patianak – tagatanod ng lupa b. Mamanjig – nangingiliti sa mga bata c. Limbang – tagatanod ng kayamanan 3. Masasamang Espirito a. Tiktik – ibong kasama ng aswang b. Tanggal (Manananggal) – sumisipsip sa dugo ng sanggol c. Tama-Tama – kumukurot sa sanggol d. Kapre – maitim na higanteng may tabako e. Salot – nagsasabog ng sakit PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN KALIGIRANG KASAYSAYAN Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito. ANDRES BONIFACIO kilalang-kilala bilang “AMA NG DEMOKRASYANG PILIPINO” at “AMA NG KATIPUNAN” hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay, kaya’t sinasabing ang kanyang mga natutuhan ay pawang galing sa “paaralan ng karanasan” umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose Rizal-ang LA LIGA FILIPINA lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat MGA AKDA NI A. BONIFACIO 1. KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN – nahahalintulad sa Sampung Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang ito 2. HULING PAALAM – salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios” 3. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA – isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar 4. ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG – bumabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang kaunlarang tinatamasa ng bansa bago dumating ang mga Kastila at ang mga kaapihan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS – tulang nagpapahiwatig ng hinanakit sa bayan. Kinatha ni Bonifacio bilang pagpapatuloy sa tulang napasimulan ni Herminigildo Flores na may pamagat na Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya. Ito ay tinugon naman ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang tulang SAGOT SA HIBIK NG PILIPINAS EMILIO JACINTO -isinilang sa mahirap na angkan sa Trozo, Maynila noong Disyembre 15,1875 -gumamit ng sagisag-panulat na “DIMASILAW” -Kinikilala bilang “UTAK NG KATIPUNAN” -Siya ang tumatayong punong-sanggunian ni Andres Bonifacio -Katulong ni A. Bonifacio sa pagtatatag ng kilusang KATIPUNAN -Naging patnugot ng pahayagan ng Katipunan-ang KALAYAAN MGA AKDA NI E.JACINTO = KARTILYA NG KATIPUNAN – mga kautusan para sa mga kasapi ng Katipunan = LIWANAG AT DILIM – katipunan ng mga sanaysay na may iba’t ibang paksa tulad ng pag-ibig sa bayan, kahalagahan ng paggawa, pagkakapantay- pantay, kalayaan at paniniwala = A MI MADRE (Sa Aking Ina) – isang tulang handog sa kanyang ina = A LA PATRIA (Sa Bayang Tinubuan)–ang ipinalalagay na kanyang obra-maestra APOLINARIO MABINI = nagmula sa maralitang angkan = isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa Tanauan, Batangas = nagtapos ng pagka-manananggol = tinaguriang “UTAK NG HIMAGSIKAN” = ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano sapagkat ayaw niyang manumpa sa bandilang Amerikano = namatay sa sariling bayan sa sakit na kolera MGA AKDA NI A. MABINI = ANG HIMAGSIKANG PILIPINO –isang sanaysay na naglalarawan ng kabayanihan ng mga Pilipino sa pakikipaglaban = SA BAYANG PILIPINO –isang tulang handog sa bayan = ANG PAHAYAG = hinango sa kanyang manipesto = EL DESAROLLO Y CAIDA DELA REPUBLICA FILIPINA- Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang Pilipino = PAGPAPALIT NG ILANG TITIK SA ALPABETONG PILIPINO = EL VERDADERO DECALOGO- Ang Tunay na Sampung Utos PANAHON NG PROPAGANDA 1872 Pag-aalsa sa Cavite (Sekularisasyon) Gob. Hen. Rafael Iziquierdo GOMBURZA Setyembre 17, 1872 Paksa ng Panitikan Humihingi ng pagbabago/reporma sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan. Diwang makabayan pag-aasam/pagnanais ng kalayaan. MGA HALIMBAWA Kilusang Propaganda Ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito. Mga layunin ng Kilusang Propaganda 1.Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas. 2.Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. 3.Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya. 4.Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko. 5.Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sapamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilangmga karaingan PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO == Ang mga Pilipinong mapanghimagsik KALIGIRANG ay nagwagi laban sa KASAYSAYAN mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano. KALIGIRANG KASAYSAYAN Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900. MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO 1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete noong 1900 2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong 1900 3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900 4. Manila Daily Bulletin-1900 PANITIKAN SA KASTILA 1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal ; OBRA-MAESTRA- A Rizal 2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila; OBRA-MAESTRA-Crisalidas (Mga Higad) 3. JESUS BALMORI – “Batikuling”; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido; nahirang siyang “poeta laureado” sa wikang Kastila 4. MANUEL BERNABE- makatang liriko 5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan) 6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang Pilipino IBA PANG MANUNULAT SA WIKANG KASTILA ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa Kastila; Obra-maestra- EL NIDO ISIDRO MARPORI –obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO ( Halimuyak ng Pangarap) MACARIO ADRIATICO –obra-maestra-alamat”LA PUNTA DE SALTO ( Ang Pook na Pamulaan ) EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON PANYONG; kilala bilang mahusay na mananalambuhay PEDRO AUNARIO –sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO PANITIKAN SA TAGALOG = Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT FELIZA”ni Modesto de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog = Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod: = MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez; Nemecio Carabana; Mar Antonio MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino Collantes; Patricio Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandez MAKATA NG DULAAN : Aurelio Tolentino; Patricio Mariano, Severino Reyes; Tomas Remegio LOPE K. SANTOS – Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRA-Banaag at Sikat JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRA- MAESTRA-Isang Punungkahoy FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRA- MAESTRA- Lumang Simbahan AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRA-MAESTRA- Isang Dipang Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya; Bayang Malaya; Ang Panday VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat; OBRA-MAESTRA- Nena at Neneng INIGO ED REGALADO – Odalager; OBRA-MAESTRA- Damdamin ANG DULANG TAGALOG SEVERINO REYES – Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog; OBRA-MAESTRA- W alang Sugat AURELIO TOLENTINO – ipinagmamalaking mandudula ng Kapampangan; OBRA-MAESTRA- Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon at Bukas HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang “COMPANA ILAGAN” na nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon PATRICIO MARIANO- sumulat ng “NINAY” at “ANAK NG DAGAT” na siya niyang OBRA-MAESTRA JULIAN CRUZ-BALMACEDA- “Bunganga ng Pating” ang siya niyang OBRA-MAESTRA PANITIKANG FILIPINO SA INGLES JOSE GARCIA VILLA – “Doveglion”; pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles JORGE BACOBO – sinulat-”Filipino Contact with America”; A Vision of Beauty ZOILO GALANG – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na pinamagatang “A Child of Sorrow” ZULUETA DE COSTA-nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the Molave” NVM GONZALES- may-akda ng “My Islands” at “Children of the Ash Covered Loom”. Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India *ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng “April Morning”; nakilala sa pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng Komomwelt ESTRELLA ALFON – ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang “MAGNIFICENCE” at “GRAY CONFETTI” ARTURO ROTOR – may-akda ng “THE WOUND AND THE SCAR”-kauna-unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild IBA PANG PANITIKAN *PEDRO BUKANEG- Ama ng Panitikang Iloko; Bukanegan-kasingkahulugan ng Balagtasan *CLARO CALUYA- Prinsipe ng mga Makatang Iloko; kilala sa pagiging makata at nobelista *LEON PICHAY – kinilala bilang “pinakamabuting BUKANEGERO” *JUAN CRISOSTOMO SOTO- Ama ng Panitikang Kapampangan; Crisostan-kasingkahulugan ng Balagtasan *ERIBERTO GUMBAN-Ama ng panitikang Bisaya PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON MGA URI NG TULA -HAIKU – isang tulang may malayang taludturan na kinagiliwan ng mga Hapones. Binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Unang taludtod-5; ikalawang taludtod-7 pantig; ikatlong taludtod-5 Hal: TUTUBI – Gonzalo K. Flores -TANAGA – tulad ng haiku, ito’y maikli ngunit may sukat at tugma. Ang bawat taludtod nito ay may pitong (7) pantig Hal : PALAY – Ildefonso Santos -KARANIWANG ANYO- ang mga katangian nito ay nagtataglay ng sukat at tugma, indayog, aliw-iw Hal. PAG-IBIG – Teodoro Gener Kaligirang Kasaysayan Pagsibol: Paksa ng mga Sinikap sa Panahong Akda: Ito: Ikauunlad ng Maputol ang Setyembre bayan malalaswang 21, 1972 babasahin at mga Pagpaplano ng akdang nagbibigay ng Pamilya masasamang moral sa Nagpatuloy ang Gawad Wastong mamamayan Carlos Pagkain Pinahinto ang Palanca Drug Addiction samahang Polusyon pampaaralan at pampahayagan. Kaligirang Kasaysayan Naitatag: Imelda Marcos: Ipinatayo: Ministri ng Cultural Muling ibinalik Center of the Kabatirang ang sinaunang Pangmadla Phil. dula, senakulo, (namamahala at sarswela at Folk Arts sumusubaybay sa embayoka ng Theater mga pahayagan, mga Muslim Metropolitan aklat at mga Theater babasahing pangmadla) Ang Dula ❖Pinasigla ng Unang Ginang Imelda Marcos ang dulaan sa panahong ito sa pamamagitan ng pagpapaayos ng lumang tanghalan at pagtatayo ng sentro ng tanghalan. Mga Unang Dulang Naitanghal Metropolitan Theater Isang Munting Alamat Portrait of the Artist – Lamberto Avellana Mga Unang Dulang Naitanghal Cultural Center of the Phil. Halik sa Kampilan – Leonardo Ilagan Usa Ka Kasalan (dulang musikal sa Bisaya) – Orlando Nadres Tales of the Manuvu (dulang rock opera) – Bienvenido Lumbera Mga Unang Dulang Naitanghal Dulaang Raha Sulayman (Fort Santiago) Itinanghal din dito ang mga lumang dulang gaya ng senakulo at duplo. Kabilang dito ang: “Sakada”, “Kabesang Tales” at “Juan Obrero”. Samahang Pandulaan Philippine Educational Theater’s Association (PETA) Cecile Guidote Alvarez at Lino Brocka UP Repertory Behn Cervantes Teatro Pilipino Rolando Tinio Bagong Sibol (Ateneo University) Binuo ni Amelia Lapena Bonifacio ng UP ang Teatrong Mulat, isang pangkat na nagtatanghal ng mga dula para sa mga kabataan. Mga Pangunahing Mandudula noon: Jose Y. Dalisay Edgar Maranasan Isagani Cruz Dong de los Reyes Tony Perez Paul Dumol Nagpatuloy rin ang Palanca sa paggawad ng parangal sa mga dulang may iisahing yugto. Isa sa pinagkalooban ng gantimpalang Palanca noong 1975 ay ang “Sidewalk Vendor” ni Reuel Molina Aguila. Ito’y naglalarawan ng buhay ng mga kabataang lalaking sidewalk vendor. Mga Manunulat ng dula: Rosario de la Cruz “Ang Huling Pasyon ni Hermano Pule” Elynia Ruth Mabanglo “Si Jesus at si Magdalena” Reuel Molina “Sidewalk Vendor” Nonilon Queano “Nang Pista sa Aming Bayan” Rene Villanueva “May Isang Sundalo” Dong de los Reyes “Bulkang Sumambulat... ang Pigsa” Panulaang Tagalog Nakilala rin sa panahong ito ang paggawa ng mga islogan. Halimbawa: Hinggil sa Kahalagahang Pantao Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan. Ang pagsunod sa magulang, tanda ng anak na magalang. Hinggil sa Programang Pangkabuhayan Magplano ng pamilya, upang buhay ay lumigaya. Tayo’y magtanim upang mabuhay. Tayo’y kumain ng gulay, upang humaba ang buhay. Ang Tula Mga Paksa: 1.Pagkakaisa 2.Pagiging Matiyaga 3.Pagpapahalaga sa Pambansang Kultura 4.Pag-uugali 5.Kagandahan ng Kapaligiran Kaugnay ng seryosong panitikan, itinatag noong Agosto 1973 ang Galian sa Arte at Tula (GAT). Isang samahan ito na binubuo ng mga kabataang makatang nag-aaral at nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas. Mga kilalang manunulat ng tula: 1. Ponciano Pineda “Pilipino: Isang Depenisyon” 2. Virgilio Almario “Doktrinang Anak Pawis” (aklat) 3. Alejandro G. Abadilla “Parnasong Tagalog” (aklat) 4. Teo Antonio “Litanya kay Sta. Clara” 5. Ruth Elynia Mabanglo “Regla sa Buwan ng Hunyo” (1982) Sipi ng ilang Tula Pilipino : Isang Depinisyon (Lalaki) ni Ponciano Pineda walang abog mula sa Kanluran / ang dayo'y sumapit (Lahat) ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay ano ka? ano siya? ano ako? ano tayo? hinamig sabi nila'y Pilipino siniil ang laya, kinamkam ang yaman ugat natin ay Silangan barangay ay binuwag anak dagat ang ninunong hatid dito ng mga tala ay sinunog barangay abakada'y ibinawal galing doon sa malayo, sa matandang ipinasiyang mga mangmang kalupaan ang lahat ng katutubong kayumanggi ang dito sila ipinadpad / ng magandang kulay kapalaran (Babae - medium) (Solo) at naging alipin ang bayan kong irog naibigan itong pulo / kaya't dito nangagkuta ma-Iloko, ma-Bisaya, ma-Kapampangan, ma- nanirahan, nangaglahi, nangabuhay nang Tagalog masagana may ugaling katutubo, may gobyerno at (Babae - high) bathala at sa halip, at sa halip may samahan at ibigan, maayos at payapa pinalitang lahat-lahat may sariling wika ang gobyerno / ang relihiyon, ang ugali, ang tayo raw ito kultura sa ante-panahon / ng kolonyalismo Kinastila itong dila Litanya kay Sta. Clara ni: Teo Antonio (piling bahagi) Misis de la Cruz, sumayaw ka, Kumendeng ka, kumendeng pa, Ipagaspas mo ang iyong saya. Humiling ka sa mahal na santa, Umawit ka sa mahal na patrona. Hindi dasal ang pamplet sa pagpaplano Ang kampanya sa dyaryo Ang operasyon sa ari ng tao Sta. Clarang pinung-pino Sila po ay pakinggan Pagsayawin po ng pawis ng sakripisyo Isakripisyo po ang pildoras sa pandanggo. AWITING PILIPINO Nalaganap sa Pilipinas ang awiting Pilipino na nakarating maging sa ibang bansa. Nakatulong sa pagtataguyod ng mga klasikal na awiting Pilipino ang mga lingguhang konsiyerto, ballet at dulang itinanghal sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Mga Kilalang Kompositor / Mang-aawit ng Himig-Maynila: 1. Rico J. Puno The Way We Are 2. Cinderella TL Ako Sa’yo 3. Freddie Aguilar Anak 4. Sampaguita (nagpasimula ng Pinoy Rock) Ako’y Pinoy Florante Anak Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Freddie Aguilar Pinoy na isinilang sa ating bansa. (bahagi ng awit) Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga. Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Nang isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo Wikang pambansa ang gamit kong salita At ang kamay nila ang iyong ilaw Bayan kong sinilangan, At ang nanay at tatay mo’y hangad kong lagi ang kalayaan Di malaman ang gagawin Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika Minamasdan pati pagtulog mo Siya ay nagpangaral sa ating bansa ______________________________ Ang hindi raw magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo’y naligaw Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga. At ang una mong nilapitan Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Ang iyong inang lumuluha At ang tanong,”anak, ba’t ka Wikang pambansa ang gamit kong salita nagkaganyan” Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan Mga Babasahin: Napalitan ang mga negatibong balita ng mga balita tungkol sa pangkaunlaran, pang-ekonomiko, disiplina, pangkultura at iba pa. Halimbawa ng Pahayagan: 1. Bulletin Today 6. Phil. Daily Express 2. Times Journal 7. Evening Express 3. People’s Journal 8. Evening Post 4. Balita 5. Pilipino Express Mga Magasin: 1. Liwayway 2. Kislap 3. Bulaklak 4. Extra Hot 5. Jingle Sensation Mga Komiks: 1. Pilipino 2. Extra 3. Love Life 4. Hiwaga 5. Klasik 6. Espesyal Ang Pelikula Sa Panahon ng Bagong Lipunan, ang mga pelikulang Pilipino ay kinikilala at ginagawaran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng taunang Pista ng Pilipinong Pelikula.Ginagantimpalaan rito ang mga pelikulang kalahok maging ang mga artistang kabilang dito. Mga sumikat na Pelikula noon: 1. Maynila, Sa Kuko ng Liwanag (nobela ni Edgardo M. Reyes) 2. Minsa’y Isang Gamu-gamo 3. Ganito Kami Noon... Paano na Kayo Ngayon? 4. Insiang 5. Aguila Pangkalahatang Pananaw sa Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan Sa kabuuan, bagaman nagkaroon ng sensura sa mga paksaing maaring talakayin ang mga manunulat sa Panahon ng Bagong Lipunan, nagpatuloy pa rin sa pag-unlad ang panitikan. Naging mabunga ang panahong ito sa pagpukaw sa interes ng mga Pilipino sa mga bagay na pangkalinangan na naipahayag sa uri ng mga dulang naitanghal, awitin at musikang naisulat at mga pelikulang naipalabas. MARAMING SALAMAT PO!