Full Transcript

Ang Kahalagahan ng Pagpapahalaga at Virtue sa Sariling Pagpapasya, Pagkilos, at Pakikipagkapuwa 2 Nakapagsasanay sa pagiging matatag sa pamamagitan ng palagiang paninindigan sa mga...

Ang Kahalagahan ng Pagpapahalaga at Virtue sa Sariling Pagpapasya, Pagkilos, at Pakikipagkapuwa 2 Nakapagsasanay sa pagiging matatag sa pamamagitan ng palagiang paninindigan sa mga taglay na pagpapahalaga at virtue. Layuning A. Nakakikilala ng mga paraan ng paggamit ng pagpapahalaga at virtue bilang batayan ng sariling pagpapasya. Pampagkatu B. Naipaliliwanag na ang pagpapahalaga at virtue bilang batayan ng sariling pagpapasya, pagkilos, to at pakikipagkapuwa ay gabay na magtitiyak na patungo sa katotohanan at kabutihan ang bawat pagtugon lalo na sa mga situwasyon na sinusubok ang kanilang pagkatao. C. Nailalapat nang wasto ang pagpapahalaga at virtue sa mga gagawing pagpapasya, pagkilos, at pakikipagkapuwa. 9/12/24 Sample Footer Text 3 Value of the Week Matatag (Resilience) 9/12/24 Sample Footer Text 4 Pagbabalik-aral “Itanong mo sa akin” 9/12/24 Sample Footer Text 5 Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin “Values & Virtues Charades”  Pangkatang Gawain  Mag-presenta ang bawat grupo ng mga kilos na naglalarawan sa kanilang napiling salita.  Huhulaan ito ng mga ibang grupo. 9/12/24 Sample Footer Text 6 Ang Kahalagahan ng Pagpapahalaga at Virtue sa Sariling Pagpapasya, Pagkilos, at Pakikipagkapuwa 9/12/24 Sample Footer Text 7  Ang kahalagahan ng mga pagpapahalaga at birtud ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng papel na ginagampanan nila sa buhay ng isang tao.  Kinakatawan ang mga makatotohanang layunin na tumutulong sa isang tao na maglakbay sa kanilang buhay. 9/12/24 Sample Footer Text 8 Nagbibigay ang mga ito ng kalinawan sa mga oras ng kawalan ng katiyakan at tinutulungan magpasya sa mga kumplikadong desisyon. 9/12/24 Sample Footer Text 9 Sa isang mundo na kung minsan ay maaaring makaramdam ng pagsubok at tukso, ang pamumuhay nang may integridad, mga pagpapahalaga, at mga birtud ay nagiging isang tanglaw ng liwanag. 9/12/24 Sample Footer Text 10 Pinatnubayang Pagsasanay “Ating Basahin!” 9/12/24 Sample Footer Text 11 Iba ka!  Sa panahong ito na talamak ang korupsiyon sa maraming sangay ng pamahalaan at maging sa pribadong tanggapan, mahirap paniwalaang may mga tao pa ring matapat at mapagkakatiwalaan. Lalo pa ngayon na batbat ng kahirapan, ang taong matapat ay may kahirapan nang matagpuan. Mga taong matapat at mapagkakatiwalaan, iyan ang kulang sa lipunan. Pero nangibabaw si Ma. Fe Sotelo, isang security guard na nagsauli ng Php 500,000 na naiwan ng isang Chinese sa comfort room ng isang mall. Sa katulad ni Ma. Fe na kakarampot lamang ang suweldo, ang Php 500, 000,00 ay malaki nang halaga para mabili ang mga pangunahing kailangan niya sa buhay. Maaaring hindi niya iyon isauli at angkinin na lamang. Pero hindi ganyan ang ginawa ni Ma. Fe. Hindi raw niya maaatim na gastusin ang perang hindi naman niya pinagpaguran. Hindi kaya ng konsensiya niya. Napakaganda ng panuntunan ni Ma. Fe sa buhay. Sana ay ganyan din angmaging panuntunan ng mga opisyales sa pamahalaan na walang takot kung mangurakot sa pera ng bayan. Ganyan sana ang maging ugali ng mga mayayamang negosyante na nandadaya sa pagbabayad ng buwis. 9/12/24 Sample Footer Text 12 Iba ka! Maraming hindi matapat at mapagkakatiwalaan sa Department of Public Works and Highways, Bureau of Internal Revenue, Bureau of Immigration, Bureau of Customs at Philippine National Police at marami pang departamento. Nagsasagawa ng pagroronda si Ma. Fe sa Festival Mall sa Alabang, dalawang linggo na ang nakararaan, nang isang belt bag ang kaniyang natagpuan sa comfort room ng mga lalaki sa basement parking lot. Hindi nagsayang ng panahon si Ma. Fe, dinampot ang bag, tiningnan ang laman at nagimbal sa nakabalumbong pera. Madali niyang dinala ang bag sa kaniyang hepe at makalipas lamang ang ilang oras, natunton ang may-ari ng bag – si Wang Chao Wei, isang negosyante mula sa Tiangxi, China. Nagtayo ng negosyo rito si Wei. Inalok ni Wei ng perang pabuya si Ma. Fe pero tinanggihan iyon ng dalagang sekyu. Bihira na nga ang mga nilalang na katulad ni Ma. Fe. Maaaring wala na nga siyang katulad sa mga opisyal at empleyado sa DPWH, Customs, Immigration, at BIR. Kung matutuloy ang pangarap niyang maging miyembro ng PNP madadagdagan ang bilang ng matapat na pulis. Kapos sa taas si Ma. Fe kaya hindi siya matanggap bilang pulis subalit nagbigay ng pag-asa si PNP Chief Hermogenes Ebdane na maaari siyang mapabilang sa police force. 9/12/24 Sample Footer Text 13 Mga Pamprosesong Tanong: 2. Paano naiiba ang mga aksyon ni Ma. Fe sa mga 3. Sa tingin mo, sa kabila 1. Ano ang kahanga- karaniwang ginagawa ng ng kahirapan bakit hindi hangang ginawa ni Ma. mga tao sa kaniyang nagpatukso si Ma. Fe na Fe? katayuan? Ano ang mga kunin ang pera? posibleng kadahilanan ng kaniyang mga aksyon? 6. Kung ikaw ang nasa posisyon ng mga opisyal ng pamahalaan, ano ang 5. Ano ang mga hakbang iyong gagawin upang 4. Ano ang mga na maaaring gawin ng tiyakin na ang mga pagpapahalaga at birtud lipunan upang hikayatin empleyado ay na ipinamalas ni Ma. Fe? ang iba pang mga tao na magtataguyod ng mga maging katulad ni Ma. Fe? pagpapahalaga at birtud tulad ng katapatan at integridad? 9/12/24 Sample Footer Text 14 Mga dapat ihanda sa Linggong ito: -Manila paper at marker -Interbyu sa isang huwarang nilalang. -Patpat/kahoy (stick) -Paso para sa buong klase -Construction Papers 9/12/24 Sample Footer Text 15 DAY 2 9/12/24 Sample Footer Text 16 Ang Dapat Kong Gawin 9/12/24 Sample Footer Text 17 Pagsasabuhay ng Ang pagpapahalaga at birtud ay Pagpapahalaga at Virtue sa pinagsusumikapang makamit ng tao dahil mga Gawaing Pagpapasiya, ito ang layunin o tunguhin na Pagkilos at Pakikipagkapuwa nagdudulot ng kabutihan sa kaniyang buhay na ninanais niyang maisakatuparan. 9/12/24 Sample Footer Text 18 1. nagpapataas ng kamalayan sa mga pangangailangan ng iba. 2. nagpapakita ng higit na pagiging Ang pagsasabuhay ng sensitibo sa damdamin ng iba. pagpapahalaga at 3. nagpapataas ng pagpapahalaga at kamalayan sa sarili. birtud sa mga 4. mabuting pag-uugali batay sa disiplina sa gawaing pagpapasya, sarili. pagkilos, at 5. nagpapaunlad ng espirituwal na pakikipagkapuwa ay: katalinuhan. 6. nakatutulong sa pag-abot ng tagumpay sa buhay. 7. nakapag-aambag sa pagbuo ng personal na awtonomiya at kasiyahan sa buhay. 9/12/24 Sample Footer Text 19 Huwarang Nilalang  Maaari po bang ipakilala ninyo ang inyong sarili, trabaho, o pinagkakaabalahan ngayon?  Kilala kayo bilang isang tao na _______________ (sabihin ang kahanga-hangang katangian o ang kabutihang nagawa ng kinakapanayam). Paano Ninyo nalinang/nagagawa ito?  Ano/Sino ang nakaimpluwensiya sa iyo upang malinang ang taglay mong pagpapahalaga at birtud?  Ano ang mga pangyayari sa inyong buhay na sinubok ang inyong pagpapahalaga at birtud? Paano mo natugunan ang mga ito?  Paano mo hinaharap ang mga hamon at karanasan na maaaring sumubok sa iyong mga pagpapahalaga at birtud?  Ano ang mga benepisyo ng pagpapakita ng pagpapahalaga at birtud sa iyong sarili at sa iba?  Ano ang pinakamahalagang birtud para sa iyo at bakit?  Paano mo itinataguyod ang mga birtud na ito sa iyong pang-araw-araw na buhay?  Ano ang mensahe po ninyo sa mga kabataan na tulad namin? 9/12/24 Sample Footer Text 20 1. Ano ang inyong naiisip o nararamdaman habang ginagawa ang panayam? 2. Bakit masasabi ninyong huwaran Mga Tanong na tao ang inyong nakapanayam? 3. Anong mga pagpapahalaga at sa Talakayan: birtud ang naging maimpluwensiya sa pagkatao at pagkilos ng inyong mga nakapanayam? 4. Paano nila nalinang at isinabuhay ang mga ito? 9/12/24 Sample Footer Text 21 DAY 4 9/12/24 Sample Footer Text 22 Hardin ng Pagpapahalaga at Birtud 9/12/24 Sample Footer Text 23 Panuto:  1. Gumupit ng mga hugis dahon at bulaklak gamit ang kartolina na iba-iba ang kulay.  2. Sa harapang bahagi ng dahon ay isulat ang pagpapahalaga o birtud na nais mong mapaunlad. Sa kabilang bahagi naman ay ang paraan ng pagsasagawa.  3. Idikit ang dahon sa patpat at itanim o itusok ito sa pasong inihanda.  4. Kapag naisagawa ng mag-aaral ang paraan ng pagsasabuhay sa pagpapahalaga at birtud, magdidikit siya ng hugis bulaklak sa tabi ng dahon.  5. Gagawin ang pagtatanim ng lingguhan at ito ay gagawin sa buong taong panuruan. 9/12/24 Sample Footer Text 24 1. Anong bahagi ng gawain ang madali at mahirap sa iyo? 2. Sa palagay mo ba ay makatutulong ang gawaing ito upang mas masanay mo pa ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud? Sa papaanong paraan? Pamprosesong 3. Ano ang maaaring makatulong sa iyo upang Tanong: maisakatuparan mo ang mga paraan na iyong isinulat sa dahon? 4. Ano naman ang magiging hadlang? Paano mo ito pagtatagumpayan? 9/12/24 Sample Footer Text 25 Day 5 9/12/24 Sample Footer Text 26 Pagsusulit 9/12/24 Sample Footer Text

Use Quizgecko on...
Browser
Browser