Lingguhang Gawain sa Filipino: Akademikong Pagsulat (PDF)
Document Details
![InvincibleJubilation8203](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-20.webp)
Uploaded by InvincibleJubilation8203
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay may mga aktibidad para sa Filipino sa piling larang-akademik sa baitang 12. May mga tanong at gawain na kinakailangan sagutin at kumpletuhin.
Full Transcript
Pagsulat sa Filipino sa Piling Learning Area Grade Level 12 W1 Quarter Larang - Akademik Unang Markahan Date I. LESSON TITLE...
Pagsulat sa Filipino sa Piling Learning Area Grade Level 12 W1 Quarter Larang - Akademik Unang Markahan Date I. LESSON TITLE Akademikong Pagsulat II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat COMPETENCIES (MELCs) III. CONTENT/CORE CONTENT Kahulugan, Layunin at Kahalagahan ng Akademikong Pagsulat Suggested IV. LEARNING PHASES Timeframe Learning Activities A. Introduction 30 Minuto Isang malugod na pagbati sa lahat dahil kayo ay nakatuntong na sa Panimula ikalabindalawang baitang. Sa semestreng ito tatalakayin ang pagsulat sa Filipino sa piling larangan. Ang papel na ito ay lubhang makatutulong sa inyong pag-aaral kaya simulan na natin ang aralin. Ating balikan kung ano nga ba ang kahulugan, kalikasan at katuturan ng pagsulat. Bahagi ng isang pagiging tao ang pagkatuto niya sa pagsulat. Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys ng tayprayter o ng keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng awtput kahit pa ito ay sulat-kamay lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o print-out na. Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit. Narito naman ang pagpapakahulugan sa pagsulat na nanggaling sa iba’t ibang manunulat: Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao. (William Strunk, E.B White) Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. (Kellogg) Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan. (Helen Keller) Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika. (Xing Jin) Ayon naman kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Bakit nga ba tayo nagsusulat at bakit natin kailangang magsulat? Sa isang mag-aaral, ginagawa niya ang pagsulat sapagkat ito ay bahagi ng kanyang pangangailangan sa paaralan upang siya ay matuto at makapasa. Gayundin naman, ang isang manunulat ay nagsusulat dahil ito ang pinagmumulan ng kanyang ikabubuhay. Kung wala ang tulad nila, walang pahayagan na magtatala ng mga nagaganap sa lahat ng sulok ng daigdig. Wala ring libro na magpapalawak ng ating kaalaman at magbibigay paliwanag sa tama at mali na gagabay sa atin tulad ng mga batas. Wala ring magasin na madalas nating piliing paglibangan. Sa pang- araw-araw nating pagharap sa buhay, hindi maitatanggi na may ilang ginagawa tayo na mas mabisang maipahahayag sa paraang pasulat higit sa pagsasalita. Katulad sa mga gawaing pagpapautang, pakikipag- 1 Suggested IV. LEARNING PHASES Timeframe Learning Activities ugnayan sa mga taong nasa malayong lugar, pagpapatibay sa mga kasunduan, at pagtatapat ng pag-ibig sa taong minamahal na hindi magawang sabihin ay madaling naisasagawa bilang patunay sa pamamagitan ng pagsulat. Mula sa ating pagsulat…mula sa sinusulat ng iba, tayo’y natututo. Nagagawa nating sumabay sa takbo ng mundong ito. Nabibigyan tayo ng pagkakataong mapunan ang puwang sa ating pagkatao upang makadama ng kaligayahan. Samakatuwid, nagsusulat tayo dahil mayroon tayong mga ispesipikong dahilan. Ang pagsusulat kasi ay isa sa mahahalagang makrong kasanayan na kailangang paunlarin at bigyang-pansin dahil dito malilinang at mahuhubog ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang disiplina. Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat Ayon kay Royo, na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam- agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan, at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman, napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag- iisip at damdamin ng makababasa nito. Ayon naman kay Mabilin, sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una, ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay, maikling kwento, tula, dula, awit at iba pang akdang pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang maging panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag- ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, korespondensya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon at iba pa. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako, maaari rin naming magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariilng pananaw ng may- akda na maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig. Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat: 1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 2 Suggested IV. LEARNING PHASES Timeframe Learning Activities 2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. 3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. 4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. 5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. 6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. 7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat. Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. Ilan sa mga halimbawa o uri ng akademikong teksto/sulatin ay ang sumusunod: abstrak katitikan ng pulong sintesis / buod adyenda bionote replektibong sanaysay talumpati lakbay-sanaysay panukalang proyekto synopsis posisyong papel pictorial-essay Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang- alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman. 3 Suggested IV. LEARNING PHASES Timeframe Learning Activities Katangian ng Akademikong Pagsulat 1. Pormal Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral. 2. Obhetibo Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et al., 2005). 3. May Paninindigan Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng manunulat. 4. May Pananagutan Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas. 5. May Kalinawan Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko. Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat 1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga imporamasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat. Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng kasanayan sa pagbabasa at pagsuri ng iba’t ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, annual journals, almanac, atlas, magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, at tesis at disertasyon. Mahalaga ang paggamit ng mga ito sa matagumpay na pangangalap ng impormasyon. Dapat ding matutuhan ang wastong pagbuo ng bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat at pagbanggit sa mga paglalahad ng impormasyon mula sa mga taong kinauukulan upang maiwasan ang direktang pangongopya ng mga impormasyon o plagiarism. Sa pagkatuto ng wastong pangangalap ng impormasyon at pagbuo ng bibliyograpiya, kinakailangan din na malikhaing maipakita ang ulat na binuo upang maging nakapanghihikayat ang pagbasa ng pag-aaral o sulatin. 2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat. Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag- unawa sa pagbasa. Una, ang pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita ng wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng awtor. Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang pagkilos ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat. 4 Suggested IV. LEARNING PHASES Timeframe Learning Activities 3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa. Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang pag-aaral—kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at kaisipan, nakatutukoy ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng suliranin para sa ikabubuti ng kanyang sulatin. 4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na pagksa nga mga naisagawang pag-aaral. Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng kanilang kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag- aaral, kailangang makapagsagawa ng pagsusuri sa mga naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel pananaliksik. 5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng akademikong sulatin. Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat. 6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon. Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito, lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang pagsulat tulad ng pagiging malikhain para sa kanyang mambabasa. 7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio. Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong Akademikong Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang sarili. Sanggunian: Pagsulat ni Jom Basto nakuha mula sa https://www.slideshare.net/jombasto7/pagsulat-15995547 Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat mula sa https://www.elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng- akademikong-pagsulat/ Mingo, Teresa P. 2020. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik. Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Cagayan de Oro Julian, Ailene B. et al. 2017. Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larang (Akademik). Phoenix Publishing House, Quezon City B. Development 60 Minuto Gawaing Pampagkatuto 1: Ipaliwanag Mo Pagpapaunlad Panuto: Isulat ang iyong pagkakaunawa sa kahulugan ng Akademikong Pagsulat. Ang akademikong pagsulat ay ______________________________ _______________________________________________________ 5 Suggested IV. LEARNING PHASES Timeframe Learning Activities _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Gawaing Pampagkatuto 2 : Ikahon Mo Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat gamit ang concept map. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian. Katangian ng Akademikong Pagsulat Gawaing Pampagkatuto 3 : Itala Mo Panuto: Magbigay ng limang layunin kung bakit gusto mong matuto ng akademikong pagsulat. Mga Layunin 1. 2. 6 Suggested IV. LEARNING PHASES Timeframe Learning Activities 3. 4. 5. C. Engagement Gawaing Pampagkatuto 4 : Magsaliksik Ka Pakikipagpalihan Panuto: Pumili lamang ng tatlong halimbawa ng akademikong teksto o sulatin. Ibigay ang kahulugan, gamit at sanggunian kung saan nakuha ang impormasyon ng bawat isa. 1. Akademikong Sulatin: Kahulugan: Gamit: Sanggunian: 2. Akademikong Sulatin: Kahulugan: Gamit: Sanggunian: 3. Akademikong Sulatin: 7 Suggested IV. LEARNING PHASES Timeframe Learning Activities Kahulugan: Gamit: Sanggunian: D. Assimilation Gawaing Pampagkatuto 5 : I-post Mo Paglalapat Panuto: Bilang isang mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral ng Akademikong Pagsulat, magbigay ka ng mensahe o payo sa kapwa mo mag-aaral kung paano magiging responsable sa mga isinusulat o ipino-post sa social media account. Ipo-post ito sa social media account at i-screenshot para maidikit sa papel. Kung wala namang social media account ay maaari namang iguhit ang icon sa itaas upang doon ilagay ang mensahe. Narito ang rubric sa pagmamarka: Lebel Pamantayan Puntos Buo ang kaisipan, konsistent, kompleto ang detalye 10 Napakahusay Malinaw ang intensiyon at nilalaman ng post o mensahe Nasundan ang paraan, panuto at iba pa. May kaisahan at may sapat na detalye. May malinaw na intensiyon sa 8 Mahusay pagpapahayag tungkol sa paksa Tama at nasundan pa rin ang panuto. 8 Suggested IV. LEARNING PHASES Timeframe Learning Activities Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye Katamtaman 6 Di-gaanong malinaw ang intensiyon Hindi ganap ang paglalahad ng mga detalye 4 Di-malinaw ang intensiyon Mahina Hindi wasto ang mga panuntunan sa pagsulat V. ASSESSMENT Gawaing Pampagkatuto 6: Subukin Natin Panuto: Tukuyin kung Akademiko o Di-akademiko ang mga sumusunod. Isulat ang A kung Akademiko at DA kung Di-akademiko. _______1. Layunin nito na magbigay ng ideya at impormasyon. _______2. Ang paraan na ginagamit ay sa pamamagitan ng obserbasyon, pagbabasa at pananaliksik. _______3. Ang pananaw na ginagamit ay subhetibo at sariling opinyon. _______4. Layunin nito na magbigay-libang sa mga mambabasa. _______5. Planado at magkakaugnay ang ideya. _______6. Pagbabasa ng mga teksto na ginagamit sa klase. _______7. Panonood ng mga pelikula upang makapagrelaks. _______8. Pakikinig ng mga paboritong musika. _______9. Pagsulat ng love letter sa crush. _______10. Pagbuo ng papel sa pananaliksik. VI. REFLECTION Pagsulat ng Journal Gumawa ng isang reaksyon tungkol sa mga mahahalagang bagay na natutunan ngayong linggo sa Akademikong Sulatin at isulat ito sa inyong journal. Prepared : Dindo C. Caberte / Looc Integrated School Checked : Dr. Lino T. Sanchez 9 Susi sa Pagwawasto: Gawaing Pampagkatuto 6 1. A 6. A 2. A 7. DA 3. DA 8. DA 4. DA 9. DA 5. A 10. A 10