Full Transcript

TEKSTONG NARATIBO Tekstong Nagsasalaysay TEKSTONG NARATIBO Ang pangunahing layunin nito ay ang magkwento. Mahalaga sa paraang ito ng pakikipagkomunikasyon na maayos na maihanay ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari. Naratibong nagpapabatid (informative narra...

TEKSTONG NARATIBO Tekstong Nagsasalaysay TEKSTONG NARATIBO Ang pangunahing layunin nito ay ang magkwento. Mahalaga sa paraang ito ng pakikipagkomunikasyon na maayos na maihanay ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari. Naratibong nagpapabatid (informative narrative Isinusulat upang maghatid o magbigay ng mga kaalaman o kabatiran sa mga mambabasa katulad ng mga salaysay na nagpapaliwanag (expository narrative); salaysay na pangkasaysayan (historical narrative); salaysay ng pakikipagsapalaran (narrative of adventure); at salaysay na patalambuhay (biological narrative), anekdota (anecdote), at kathang salaysay (sketch). Naratibong masining (artistic narrative) Isinusulat upang makaaliw katulad ng maikling kwento, dula, at nobela Mga maaaring gamitin sa pagsasalaysay Aksiyon ng tao Pagsasalita ng tao Pagbabago ng posisyon o kalagayan Pangyayari sa kapaligiran Paglalarawan sa tauhan para maging kapanapanabik at nakaaaliw ang banghay. Mga katangian ng Mabisang Tekstong Nagsasalaysay Nakapupukaw-pansin ang pamagat Taglay nito ang pagiging maikli, kawili-wili, kapanapanabik, may misteryo, orihinal at hindi katawa-tawa. Ginagamitan ng sanhi at bunga Angkop ang paggamit ng sanhi at bunga, sa pamamagitan nito mapagdurugtong ang mga pangyayari. Tempo Mainam na makita ang tempo (bagal o bilis) ng takbo ng mga pangyayari. Punto ng Pagsasalaysay Pagbabalangkas ng mga punto sa pagsasalaysay o pagkakasunod-sunod ng puntong ilalahad. Ayos ng Pagsasalaysay Hindi palaging kronolohikal ang pagsasaayos ng pagsasalaysay. Mas nagiging malikhain kung ito ay sa gitna o sa hulihan ng pangyayari. Kaisahan May ugnayan sa isa’t isa ang mensaheng nais ipahayag. Kakintalan Ayos ng pagsasalaysay na nag-iiwan g impresyon na napapakinabangan ng mambabasa/manonood. Kasukdulan Pinakamataas na kaigtingan ng pagsasalaysay. Wakas Resolusyon ng pagsasalaysay. Pagiging natural ang wakas ng kuwento. PROSESO NG PAGSULAT NG TEKSTONG NAGSASALAYSAY 1. Pagpili ng Paksa PROSESO NG PAGSULAT NG TEKSTONG NAGSASALAYSAY 2. Pagpapasya ng pananaw na gagamitin Una o ikatlong PROSESO NG PAGSULAT NG TEKSTONG NAGSASALAYSAY 3. Pagpapasya ng mga layunin PROSESO NG PAGSULAT NG TEKSTONG NAGSASALAYSAY 4. Pagsulat ng unang banghay ng iyong salaysay PROSESO NG PAGSULAT NG TEKSTONG NAGSASALAYSAY 5. Pagsasaayos ng mga nilalaman ng iyong salaysay PROSESO NG PAGSULAT NG TEKSTONG NAGSASALAYSAY 6. Pagsulat ng pinal na salaysay. Pamamaraan na ginamit sa maikling kuwento PAKSA Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal na karanasan ang kwentong nais isalaysay, mahalaga ring ipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon at mga kahalagahan nito. ESTRUKTURA Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibang paraan o estilo ng pagkasunod-sunod na pangyayari. Kung minsan ay nagsisimula sa dulo papuntang unahan ng kwento, kung minsan naman si gitna. ORYENTASYON Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting at oras o panahon kung kalian nangyari ang kwento. PAMAMARAAN NG NARASYON Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy. DIYALOGO Sa halip direktang pasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari. FORESHADOWING Pagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan ng kwento. PLOT TWIST Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng kwento ELLIPSIS Omisyon o pag-aalis ng ilang yugto sa kuwento na kung saan hinayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala. Mula sa Iceberg Theory/Theory of COMIC BOOK DEATH Teknik kung saan pinapatay muna ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay linaw sa kuwento REVERSE CHRONOLOGY Nagsimula sa dulo ang kwento o salaysay patungong simula. IN MEDIAS RES Nagsimula ang kuwento o narasyon sa kalagitnaan ng kuwento DEUX EX MACHINA (GOD FROM THE MACHINE) Plot device, nabibigyang resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay. TUNGGALIAN Mahalagang bahagi ng kwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago ng posisyon at disposisyon ng mga tauhan. RESOLUSYON Kahahantungan ng tunggalian CREATIVE NON-FICTION Malikhaing pagsulat na gumagamit ng istilo at Teknik ng pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak na salaysay o narasyon. Gawain Bumuo ng malikhaing kuwento hinggil sa tunay mong karanasan sa sa pang-araw-araw na buhay sa lipunang iyong ginagalawan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser