Full Transcript

HETEROGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA 1. Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad, kasarian, tirahan, gawain, at iba pang salik. 2. Ito ay ang kalikasan ng wika ay ang pagkakaiba-iba ng wikang ginaga...

HETEROGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA 1. Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad, kasarian, tirahan, gawain, at iba pang salik. 2. Ito ay ang kalikasan ng wika ay ang pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng iba’t ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pang mga salik. 3. Ayun sa mga dalubhasa, ang wika ay binubuo ng isang pangkat ng tao upang magamit at tumugon sa kanilang partikular na pangangailangan. Dahil magkakaiba ang mga tao at ang kinabibilangan ng bawat isa, iba’t ibang anyo rin ng wika ang umusbong. 4.Sa heterogeneous na katangian ng wika ay may Barayting Permanente a. Dayalekto- Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao. b. Idyolek-Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika. Barayting Pansamantala a. Register-Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika. b. Istilo-Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap c. Midyum-Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat. Mga halimbawa ng heterogeneous na katangian ng wika 1. Dayalektong heograpikal ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna, Tagalog Quezon. Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar dito Dayalektong Temporal Halimbawa: Ang Probinsyano na pelikula mayroon na noon ngunit may bagong pelikulang sumisikat ngayon ang mga manunulat nito ay magkaiba at ang barayti ng wika nito ay magkaiba sapagkat ito ay isinulat sa magkaibang panahon. Dayalektong Sosyal Halimbawa Uri: Karaniwang naiuugnay sa masa ang mga salitang balbal gaya ng IDYOLEK Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika. Bukod sa panlipunang salik, nakikilala rin ang pananalita ng isang indibiduwal batay sa kaniyang bigkas, tono, kalidad ng boses, at pisikal na katayuan. Register Ang register sa kalusugan ay iba sa palakasan Estilo Kapag iyong nakasalubong ang isang kaibigan ay maari mong batiin sa pahayag na "Hoy" kamusta ka na? Kapag bumisita ka sa iyong lolo at lola ay binabati natin sila ng kumusta po kayo? Midyum Ang mga terminong gaya ng dalumat, dalisay at kaatiran ay mababasa sa HOMOGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA 1. Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad. 2. Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan. Arbitraryo Halimbawa: Ang wika ay pinagkakasunduan. Nagkakaunawaan sa kahulugan ng mga salita ang mga gumagamit nito. Hindi dinidikta ng mismong itsura at tunog ng salita ang kahulugan, kung kaya masasabing arbitraryo ang wika. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang Tagalog na "kamay" ay "ima“ sa wikang Ilokano, "kamot" naman sa Bikolano, at "gamat" naman sa Kapampangan. Dinamiko Halimbawa : Nanghihiram din tayo ng mga salitang dayuhan at nagbibigay ng sariling kahulugan dito. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang Konseptong Pangwika Unang Wika Ang Unang Wika ay ang wikang katutubo na kinagisnan at natamo mula sa pagkasilang hanggang sa oras na magamit at maunawaan ng isang indibidwal. Sinasabi ring wikang taal ang unang wika sapagkat ito’y umusbong sa isipan ng bawat indibidwal mula sa loob ng isang tahanan at komunidad. Ito rin ay sinasabing likas, ang wikang nakagisnan, natutuhan at ginagamit ng pamilyang nabibilang sa isang linggwistikong komunidad. Ang grupo ng mga mamamayan na naninirahan sa iisang lugar na gumagamit ng iisang wika, na hindi lamang sinasalita bagkus mayroong pagkakaunawaan, ugnayan at interaksyon sa bawat isa. Ang Unang Wika ay tinatawag ring mother tongue, katutubong wika o sinusong wika. Ang wika kung saan nakilala at pamilya ang isang indibidwal kaya nagkaroon ng kakayahang maangkin ito sa tulong ng kinalakhang komunidad. Sa kasalukuyan ang Mother Tongue ay hindi lamang unang wika bagkus ay isa sa mga asignatura mula sa Baitang 1 hanggang 3 upang maging daluyan ng higit na pagkatuto at pagkaunawa sa ikalawang wika. Ayon sa artikulo ni Lee nailathala noong 2013, “ The Native Speaker” narito ang mga gabay upang matukoy kung ang isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika. 1. Natutuhang indibidwal ang wika sa murang edad. 2. Ang indibidwal ay may likas at instruktibong kaalaman at kamalayan sa wika. 3. May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng mataas at importansyang diskurso gamit ang wika. 4. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibidwal gamit ang wika. 5. Kinilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang kabahagi ng isang lingguwistikong komunidad. Pangalawang Wika Pangalawang Wika ay naiiba sa unang wika, sapagkat ito ay hindi taal o likas na natutuhan ng isang indibidwal sa kanyang tahanan at kinabibilangang linggwistikong komunidad. Ito ay wikang natutuhan sa paaralan o sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao na may kakayahang gamitin ito. Natutuhan ito ng isang indibidwal, matapos siyang mahasa ang kakayahan sa paggamit ng unang wika. Kung gayon, ang pangalawang wika ay mga karagdagan sa mga wikang natutuhan at pinag-aaralan sa mga paaralan. Kung mayroon mang pangunahing distinksyon o kakanyahan ang pangalawang wika (L2) ito ay walang iba kundi ang pagtataglay ng katangiang maaaring matutuhan (learnability) o natutuhan (learned) sa mulat o malay na paraan ng pagsasalin ng prosesong komunikatibo. Linggwistikong Komunidad Sa paglipas ng iba’t ibang salik lahi at sa pagsibol naman ng mga makabagong henerasyon, tayo ay nagkaroon ng maraming barayti at baryasyon ng wikang Pilipino. Linggwistikong Komunidad ang tawag sa mga wikang ito. Sa isang komunidad ay may sari-saring uri ng indibidwal na nakatira. Bawat tao o grupo ng tao ay may kanya-kanyang diyalekto na ginagamit. May mga gumagamit ng mga katutubong salita, depende sa lugar na kanilang pinanggalingan. Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori) Ang instrumental sa gamit ng wika ay ginagamit upang tumugon sa pangangailangan. Pangunahing instrumento ang wika upang makuha o matamo ng tao ang kaniyang mga lunggati o pangangailangan. Ang maayos at matalinong paggamit ng wika ay nagbubunga nang malawakang kaayusan sapagkat hindi lamang nito nagagawang magpaunawa kundi pumukaw ng damdamin at kaisipan. Halimbawa: Instrumental Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa. Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang proyektong ito? Ano-anong departamento ang kailangan kong daanan bago makarating sa tanggapan ng kagalang-galang na gobernador? Ang regulatori naman ay wika rin ang kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng tao. Sa maayos at malumanay na gamit ng wika inilalahad ang mga magulang ang kanilang pangaral upang mapanuto sa buhay ang kanilang mga anak. Obserbahan ang mga babala, karatula, o kautusan na malimit makitang nakapaskil sa mga pampublikong lugar. Halimbawa: Regulatori Bawal pumitas ng bulaklak. Huwag gumamit ng ballpen sa pagsagot, gumamit ng lapis. Basahing mabuti ang pangungusap bago mangatuwiran. Bawal manigarilyo. Pang-Interaksiyonal Katangian: Nakapagpanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal Pasalita: Pormulasyong Panlipunan -Pangungumusta, Pag-anyayang Kumain, Pagpapatuloy sa Bahay, Pagpapalitan ng Biro, at marami pang iba Pasulat: Liham Pangkaibigan - Imbitasyon sa isang okasyon (Kaarawan, Anibersaryo Pampersonal Katangian : Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion Pasalita: Pormal o Di Pormal na Talakayan, Debate, o Pagtatalo Pasulat: Editoryal o Pangulong-tudling, Liham sa Patnugot, Pasulat ng Suring-basa, Suring Pelikula o Anumang Dulang Pantanghalan Pangheuristiko Katangian : naghahanap ng mga impormasyon o datos Pasalita: Pagtatanong, Pananaliksik, at Pakikipanayam Pasulat: Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at Disertasyon Pangrepresentatibo Katangian: nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag Pasalita: pagpapahayag ng hinula o pahiwatig sa mga simbolismo ng isang bagay o paligid Pasulat: Mga Anunsiyo, Patalastas, at Paalala Pang-Imahinasyon Kangian: ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika, Nililikha ng tao ang mga bagay-bagay upang maiphayag niya ang kaniyang damdamin Pasalita: Pagbigkas ng tula, Pagganap sa Teatro Pasulat: pagsulat ng Akdang Pampanitikan

Use Quizgecko on...
Browser
Browser