Full Transcript

Grade 4 HELE/TLE AGRICULTURE AND FISHERY ARTS (AFA) **Lesson 1: Agrikultura** - PAGLILINANG - Ay ang paghahasa at pagpapaunlad ng kaalaman. - AGRIKULTURA - Isang agham kung saan nililinang ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga halaman at hayop. - PAGPAPARAMI - Ito ay ang prosesong biyo...

Grade 4 HELE/TLE AGRICULTURE AND FISHERY ARTS (AFA) **Lesson 1: Agrikultura** - PAGLILINANG - Ay ang paghahasa at pagpapaunlad ng kaalaman. - AGRIKULTURA - Isang agham kung saan nililinang ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga halaman at hayop. - PAGPAPARAMI - Ito ay ang prosesong biyolohikal kung saan nalalalang o nililikha ang bagong indibidwal ng organism. - AGRONOMIYA - Ay ang pag aaral ng lupa kaugnay ng kung paano nito naapektuhan ang paglaki ng mga halaman. **ANO ANG AGRIKULTURA?** Ang agrikultura ay isang agham kung saan nililinang ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga halaman at hayop. Ito ay ginagawa upang makalikha ng pagkain, damit, at iba pang produkto na makakatulong para masustentuhan ang pamumuhay. Ang salitang AGRIKULTURA ay nanggaling sa salitang Latin na AGRI na ibig-sabihin ay "LUPA", at CULTURA na nangangahulugan naming "PAGLILINANG". Ang mga magsasaka ang isa sa may malaking ginagampanan sa gawaing ito. Sila ang gumagawa ng paraan upang mapataba ang lupa at sila din ang nagtatanim ng mga halaman upang makalikha ng pagkain at iba pang produkto. Ang agrikultura ay maiuugnay din sa pag-aalaga ng mga hayop. **Ito ay may tatlong sangay:** [1. Horticulture o Paghahalaman] Ang paghahalaman nagpoprodyus ng mga pangunahing pananim gaya ng mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, tabako at iba pa. Ang mga pananim na nabanggit ay madalas kinukonsumo hindi lamang sa loob ng bansa kundi pati na rin sa labas. [2. Agronomiya o Palalinangang halaman ] Ang Agronomiya ay pag aaral ng lupa kaugnay ng kung paano nito naapektuhan ang paglaki ng mga halaman. Ito ay nag sasagawa nag pagpapainam ng mga metodong magpapahusay pa sa pag-gamit ng lupa at makakapagpataas ng dami ng pagkain at mga panananim na hibla. [3. Forestry o Paggugubat ] Ito ay isang hakbang o gawain upang linangin ang yamang kagubatan. Mahalaga ito sa mga negosyong may kinalaman sa kahoy. Ilan sa mga produkto na nagmumula sa paggugubat ay ang mga sumusunod: plywood, at veneer. **Lesson 2: Pamamaraan ng Pagtatanim** [1. Tuwirang pagtatanim.] Isang paraan ng pagtatanim na ginagawa ay ihulog agad ang buto o binhi kung saang bahagi ng kama ito nais patubuin. Ito ang pinakapayak na paraan ng pagtatanim. Halimbawa; Labanos, patola at kalabasa. [2. Paglilipat o di-tuwirang pagtatanim. ] Ito ay mga halamang tinanim muna sa seed box at pag tumubo na tsaka ilalagay sa lupa. Ito ay mabung gawin kung nais makatipid sa panahon at maging tuloy-tuloy ang paghahalaman. Halimbawa: Kataka taka, kamatis, kalamansi at munggo. Ang paglilipat ng punla ay karaniwang ginagawa tuwing hapon upang hindi gaanong malanta ang mga bagong tanim. Inililipat lamang ang mga tanim kung maayos ang panahon **Natural na pagtatanim** - Intercropping - Ang intercropping ay isang mahalagang Teknik ng pagtatanim na tinatawag ding multiple cropping. Layunin nito ang makapag-impok ng mas maraming ani sa loob lamang ng isang kapirasong lupa sa paraan ng pagtatanim ng isa o mas marami pang uri ng pananim. Ang katumbas ng intercropping sa tagalog ay kultibasyon ng dalawang pananim sa iisang taniman. - Contour Farming - Pagtatanim ng pana-panahong pananim o taunang pananim pabalagbag sa padaisdis na lupa. - Multiple Farming - Ito ay pamamaraan ng pagtatanim na gumagamit ng dalawa o mas higit pang halaman sa iisang lugar ng lupa sa loob ng isang taon sa halip na iisa lamang.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser