Sosyolohiya ng Lipunan (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
Summary
Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag ng mga elemento ng lipunan at kultura. Inaasahan na makatutulong ito sa pag-unawa ng mga konsepto sa sosyolohiya. Sinasaklaw nito ang mga tao, teritoryo, pamahalaan, soberanya, at iba pang aspeto ng lipunan.
Full Transcript
SOSYEDAD / LIPUNAN - Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. - Ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. – Em...
SOSYEDAD / LIPUNAN - Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. - Ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. – Emile Durkheim (Mooney, 2011) - Ito ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao ng pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. – Karl Marx (Panopio, 2007) - Ito ay binubuo ng tao na may magkakahawig na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. – Charles Cooley (Mooney, 2011) ELEMENTO NG LIPUNAN 1. TAO O MAMAMAYAN - ang pinakamahalagang elemento ng lipunan na naninirahan sa isang tiyak na teritoryo o lupang sakop ng lipunan. 2. TERITORYO - lawak ng nasasakupan ng lipunan at tinitirhan ng mga tao. 3. PAMAHALAAN - ahensiya na nagpapatupad ng mga batas at mga kautusan at nagpapahayag sa kalooban ng lipunan. 4. SOBERENYA - pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o mag-utos ng kagustuhan nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga batas. BUMUBUO SA LIPUNAN A. ISTRUKTURANG PANLIPUNAN (ELEMENTS) 1. INSTITUSYON - isang organisadong istema ng ugnayan sa isang lipunan. a. Pamilya b. Edukasyon c. Ekonomiya d. Relihiyon e. Pamahalaan 2. SOCIAL GROUP - tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at binubuo ng isang ugnayang panlipunan. 3. STATUS - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan. a. ASCRIBED STATUS nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay isilang. b. ACHIEVED STATUS nakatalaga sa isang indibidwal saNbias ng kanyang pagsusumikap. 4. GAMPANIN (ROLES) - tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunang kanyang ginagalawan. B. KULTURA - ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. - ito ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. URI NG KULTURA 1. MATERYAL - binubuo ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan na likha ng tao. 2. HINDI MATERYAL - kabilang dito ang mga batas, gawi, ideya, paniniwala at norms ng isang grupo ng mga tao. MGA ELEMENTO NG KULTURA 1. PANINIWALA (BELIEFS) - tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. 2. PAGPAPAHALAGA (VALUES) - maituturing itong batayan ng isang grupo kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Ito ang batayan kung ano ang tama at mali, kung ano ang nararapat at hindi nararapat. 3. NORMS - tumutukoy ito sa mga asal, kilos o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. - nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon at pakikitungo ng isang indibidwal sa lipunang kinabibilangan. a. FOLKWAYS - ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. b. MORES - tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mores ay magdudulot ng mga legal na parusa. 4. SIMBOLO - ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit nito. Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksyon ng mga tao sa lipunan.