Tagalog Rizal Reviewer PDF
Document Details
Uploaded by TopnotchSunflower
Tags
Summary
This document appears to be a Tagalog summary of Jose Rizal's early travels and experiences, including his 1882-1887 journey across Europe, specifically covering his personal reflections and impressions from places like Singapore, Colombo, Aden, Egypt, and eventual arrival in Spain via France.
Full Transcript
1 TALAKAYAN BLG. 5 : ANG UNANG PANGINGIBANG BAYAN AT ANG PLANO NG UNANG PAGBABALIK BAYAN NI RIZAL MAYO 1882-AGOSTO 1887 ( Usapin ng 19th century ) Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal Paciano - ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa at ipagpatuloy ang pag-aaral. Antonio Rivera - an...
1 TALAKAYAN BLG. 5 : ANG UNANG PANGINGIBANG BAYAN AT ANG PLANO NG UNANG PAGBABALIK BAYAN NI RIZAL MAYO 1882-AGOSTO 1887 ( Usapin ng 19th century ) Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal Paciano - ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa at ipagpatuloy ang pag-aaral. Antonio Rivera - ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal patungo ng Espanya. Jose Mercado ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na pag-alis patungo sa Espanya Mayo 2, 1882- Liham ng rekomendasyon mula sa mga Heswita para sa mga Paring Heswita sa Barcelona. Liham na rekomendasyon mula sa kaniyang dating guro mula sa Ateneo para sa mga kontaks nila ng mga paring Heswita sa Barcelona. Na kung sakaling mailangan ng tulong si Rizal mayroong mag aasist sa kaniya doon. Dahil aalis si Rizal , wala syang kamaganak na dadatnan sa europa ito yung unang unang pagkakataon na aalis sya sa pilipinas hindi nakakasiguro si Rizal kung ano ang magiging buhay niya roon kaya kung ano maaaring maitulong o maiassist sa kanya kagaya ng " Recommendation letter " ay napakahalaga para sa mga biyaheng kagaya ng ginawa ni Rizal. Mayo 3, 1882- Matapos ang pagsamba sa Sto. Domingo, ( Noon ay nasa Intramuros pa ang Sto. Domingo Church na nakikita ngayon sa Quezon City. Inilipat lang noon sa Quezon City dahil sa ikalawang digmaang pandaigdig Nilisan ang Maynila patungong Singapore sakay ng Bapor Salvadora. Habang na sa sakay sya ng Bapor Salvadora patungong Singapore ay dito niya narinig kung paano nito pinagsamantalahan ng mga ito ang Pilipinas. ( Rinig niya: Ang iba ay pumupunta sa Pilipinas para magpayaman.) Dahil dito nais niyang magsumikap pa at dahil hindi siya nakapag paalam sa ina at Leonora rivera Ang route ni RIZALSINGAPORE Mayo 9, 1882-narating ni Rizal ang Singapore Hotel de la Paz-hotel ( Isa sa mamahaling hotel ) na tinuluyan ni Rizal sa Singapore. Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod: 1. Harding Botaniko ( Singapore botanic Gardens: Isa sa mga maraming koleksyon ng ibat ibang halaman sa mundo at hindi bababa isang milyon.) 2. Distritong Pamilihan 3. Templong Budista 4. Estatwa ni Thomas Stanford Raffles ( original location ay nasa hilagang bahagi ng Singapore River) - taga- pagtatag ng Singapore 5. Noong Mayo 11, 1882, nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng Bapor Djemnah ( - Ang masasakyan patungong Europa at pabalik ng pilipinas) na isang Bapor Pranses. Colombo Maraming iba't ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa Bapor D'jemnah at binalak ni Rizal na magsalita ng Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito. Noong May 17, 1882 huminto sila sa Point Galle ang baybaying bayan sa katimugan ng Ceylon. (Ceylon- dating pangalan ng Sri Lanka) at nasambit ni Rizal na tahimik at malungkot ang lungsod. Narating niya ang Colombo noong Mayo 18, 1882. Mula sa Colombo, ang barko ay tumawid sa Karagatang India patungong Cape Guardafui sa Africa. Aden Sa Aden, si Rizal ay nakaranas ng matinding init. Napag-alaman niyang mas mainit dito kaysa sa bansang Pilipinas. (Camels and Donkeys). Suez Canal ( Manmade o artificial way ) -dati nang wala pa ang suez canal ay umaabot ng 3 buwan ang byahe Suez Canal-isang lagusang tubig na nag-uugnay sa Dagat na Pula at Dagat Mediteranyo Ferdinand de Lesseps- isang diplomatikong Pranses na nagplano ng pagtatayo ng Suez Canal. Port Said Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi (Hilaga) ng Ehipto. Dito makita ni Rizal ang mga tao na nagsasalita ng iba't ibang mga wika. Port Said- (terminal ng Kanal Suez sa Mediteranyo) bumaba muli si Rizal para mamasyal. Hindi niya malimutan ang karanasang marinig ang mga naninirahan dito na nagsasalita ng iba't ibang wika - Arabe, Ehipto, Griyego, Pranses, Italyano, Espanyol, atb. Dito nya unang nadinig ang tungkol sa Marselya/Marseilles. Naples at Marseilles Hunyo 11, 1882 narating ni Rizal ang Naplos at napansin niya ang pagiging abala ng lungsod sa komersyo, masisigla ang mga tagarito, at magagandang tanawin nito. Hindi rin sya nakaranas ng panloloko o pandaraya dito. Humanga siya sa ganda ng Bundok Vesuvius, Kastilyo ni San Telmo, at iba pang makasaysayang lugar ng lungsod. Chateau d'If Kinabukasan, Hunyo 12, 1882 ay narating niya ang daungan ng Marseilles-Dinalaw niya ang kilalang Château d'If, kung saan si Dantos, bida ng "The Count of Monte Cristo, ay napiit. Barcelona- Hunyo 16, 1882, Narating nya ang Barcelona Perthou (France-Spain Border) Napansin niya ang pagwawalang bahala sa mga turista ng mga Espanyol na opisyal ng imigrasyon na kabaligtaran ng pagiging magalang ng mga Pranses na opisyal. Hindi maganda ang unang impresyon ani Rizal sa Barcelona dahilan siya ay napatigil sa hindi magandang bahagi ng lungsod. Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan sa nakita niya ang lungsod ay nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan at magagalang. Plaza de Cataluña Plaza de Cataluña ang paboritong kainan ng mga mag-aaral na Pilipino Barcelona at dito binigyan si Rizal ng isang piging bilang pagbati bati sa kaniyang pagdating. El Amor Patrio “Pag Ibig sa tinubuang lupa” -unang isinulat ni rizal (hunyo 1882) DITO RIN GINAMIT NI Rizal and sagisag oanulat na LAONG LAAN Marcelo H. Del Pilar - ang nagsalin ng Amor Patrio sa wikang Tagalog El Amor Patrio- ang unang akda (Hunyo, 1883) ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang sagisag-panulat na Laong Laan. Diariong Tagalog- isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na naglathala ng kaniyang mga artikulo. Agosto 22. 1882. Basilio Teodoro - ang taga-paglathala ng Diariong Tagalog. Francisco Calvo - ang patnugot ng Diariong Tagalog. Marcelo H. Del Pilar - ang nagsalin ng Amor Patrio sa wikang Tagalog. ( Pag Ibig sa tinubuang lupa ) BARCELONA Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng kolera sa Pilipinas. Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na nagbabalita ng malungkot na kalagayan ni Leonor buhat ng siya ay umalis. Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid. Buhay sa Madrid Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga kursong na umpisahan na nya sa UST. (Nobyembre 3, 1882) At matapos ang dalawang taon ay natamo nya ang "Licenciado en Medicina" at ipinagpatuloy ang pagkuha ng mga kinakailangang kurso para sa pagka-Doktor sa Medicina. (Diploma at Doctoral Thesis) Hunyo, 1885 ay natamo naman ang "Licenciado en Filosofía y Letras ( Diploma at Doctoral Thesis) Nagsikap na matutunan ang mga sumusunod: Iba't ibang wika sa Europa (Pranses, Aleman, at Ingles) sa Madrid Ateneo Pagpipinta at Paglililok sa Academy of Fine Arts of San Fernando Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of Sana y Carbonell Pag-ibig kay Consuelo Ortiga y Perez Señor Pablo Ortiga y Bay Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa bahay ni Señor Pablo Ortiga y Bay na dating Alkalde ng Maynila sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Polavieja. Consuelo Ortiga - ang anak na dalaga ni Don Pablo na umibig kay Rizal. Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalagang si Consuelo Ortiga dahilan sa: Tapat siya kay Leonor Rivera Ang kanyang kaibigang si Eduardo de Late ay nanliligaw sa dalaga. Minabuting magtungo sa Paris upang malimutan ang dalaga. Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalagang Leonor Rivera na may pamagat na A La Señorita C. ( Ang "A La Señorita C." ay isang tula ni Jose Rizal na nakatuon kay Leonor Rivera, na kilala rin bilang Señorita C. Ito ay isang mahalagang akda sa kasaysayan ng Pilipinas at sa buhay ni Rizal. Ang tula ay nagpapakita ng pagmamahal, pagpapasalamat, at paggalang ni Rizal kay Leonor.) Paris, Pransiya - Hunyo 17- Agosto 20, 1883 Ang pagbisita ni Rizal sa Paris ay bahagi ng kanyang pag-aaral sa Europa. Nakatira siya sa Paris mula 1883 hanggang 1885. Ang kanyang mga karanasan sa lungsod ay nagbigay inspirasyon sa kanyang mga akda. Sa unang pagkakataon ay pinalipas ang bakasyon sa Paris, Pransiya at pinuntahan ang mahahalagang pook tulad ng: Champ de Mars (Champ Dysees) - isang malaking parke kung saan matatanaw ang Eiffel Tower. Colonne Vendôme - isang monumento na itinayo bilang parangal kay Napoleon Bonaparte. Palais Garnier (Opera House) - isang sikat na opera house sa Paris. Place de la Concorde - isang malaking plaza kung saan matatanaw ang Eiffel Tower at ang Champs-Élysées. Katedral ng Notre-Dame- isang kilalang simbahan Katoliko sa Paris. Museo ng Louvre" (Musée du Louvre) sa Paris, Pransiya. Ito ay isa sa mga pinakamalaking at pinaka prestihiyosong museo ng sining sa buong mundo. Paris- lungsod intelektwal pat excellence inilarawan ni Jose Rizal ang Paris bilang isang "ciudad intelectual por excelencia" o "lungsod intelektuwal pat excellence” Sa kabila ng mataas na antas ng pamumuhay sa lungsod ay nadama pa rin niya ang kasiyahan sa pananatili diyo. At sa kagustuhang mapag-aralan ang lungsod at wika ng mga Pranses ang naging dahilan ng kanyang pabalik-balik na pagtungo dito. Si Rizal Bilang Mason Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito ay kabilang sa samahan ng mga Mason. Masonerya (Freemasonry) - isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may malayang kaisipan. Sumali si Rizal (Dimasalang) sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng mga ito sa kaniyang paglaban sa mga prayle sa Pilipinas. Logia de Acacia - ang balangay ng Masoneya na sinaniban ni Rizal noong 1883 sa Madrid. PAGHIHIRAP SA MADRID Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging maganda ang ani sa kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating ang kanyang sustento. Ipinagbili ni Paciano ang bisiro ni Rizal sa halagang 200 piso para may maipadala lamang kay Rizal. Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin aa Griyego na hindi man lamang nag-aalmusal at nananghalian. (Hunyo 25, 1884) Pamantasang Sentral ng Madrid Hunyo 21, 1884-natamo ang Lisensya sa Panggagamot mula sa Pamantasang Sentral ng Madrid. Hunyo 25, 1884 - nagsalu-salo sa restawrang Ingles dahil sa pagkapanalo ng mga pinta nina: Juan Luna (Spolarium) bilang unang gantimpala (Gintong Medalya) Pagkapanalo ni Luna sa Exposición Nacional de Bellas Artes (1884): Si Rizal ang nagbigay ng mensahe ng pagbati kay Luna. Felix Resurreccion Hidalgo (Christian Virgins Exposed to the Populace) bilang ikalawang gantimpala (Pilak) sa Pambansang Eksposisyon ng Bellas Artes. Kanyang obra na "Christian Virgins Exposed to the Populace" o "Las Vírgenes Cristianas Expuestas al Pueblo". Ang obra ay naglalarawan sa mga Kristiyanong babae na pinapakita sa publiko bilang mga alipin. Ito ay sumasagisag sa pagkakait sa kalayaan at pagmamaltrato sa mga pinagsasamantalahan. Si Hidalgo, kasama si Juan Luna, ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa larangan ng sining at nagbigay inspirasyon sa mga Pilipinong artista. Ang kanilang mga obra ay bahagi ng kilusang Propaganda Movement. Napili si Rizal bilang pangunahing mananalumpati. Unang kabanata ng Noli Me Tangere Paglalathala ng Noli Me Tangere* (1887): Ang unang nobela ni Rizal. Pamantasan Sentral ng Madrid Hunyo 19, 1885: Natapos ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa Medisina at Pilosopiya at Sulat sa Pamantasang Sentral ng Madrid. Naipasang lahat ang mga asignatura sa Medisina subali't hindi sya nagharap ng Tesis at hindi nya nabayaran ang halagang kinakailangan sa pagtatapos kaya't hindi sya pinagkalooban ng Diploma sa pagka Doktor. At nagpasyang magtungo na lamang sa Pransya at Alemanya upang madagdagan ang kaalaman sa panggagamot sa mga sakit sa mata. ANG MGA NAKASALAMUHA NI RIZAL SA PARIS - Oktubre 1885-Pebrero 1888 Louis de Wecker - isang Pranses, Dalubhasang Manggagamot sa mga sakit sa mata. Naging katulong at estudyante si Rizal sa kanyang klinika sa loob ng ilang buwan. Mataas ang paghanga ni Rizal sa kanya Juan Luna-isang tanyag na Pilipinong Pintor, sa kanyang estudyo naglalagi si Rizal kasama ang iba pang mga kabataang Pilipino gaya nina Hidalgo at Dr. Trinidad Pardo de Tavera upang magsilbing modelo ni Luna sa mga pintura nito. Maliban sa pag uusap tungkol sa Pilipinas. Pamilya Tavera sa tahanan ng mga Tavera ay nagsasama-sama ang mga Pilipino, nag-aawitan at nagtutugtugan maliban pa sa mga usapan patungkol sa Pilipinas. (Ang mga Pardo de Tavera ay anak ni Don Joaquin Pardo de Tavera, desterado ng 1872 na tumakas sa Marianas at nanirahan sa Pransya.) TALAKAYAN BLG. 6 : ANG UNANG PAGBABALIK BAYAN AT MULING PANGINGIBANG BAYAN NI RIZAL Hulyo 3 hanggang Agosto 5, 1887 Ang unang pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas ay nangyari noong Hulyo 3 hanggang Agosto 5, 1887. Pinangunahan niya ang paglalakbay pabalik sa Pilipinas upang bigyang lunas ang karamdaman sa mata ng kanyang ina, Teodora Alonso. Noong panahong ito, nagpasya din siya na alamin kung bakit tumigil ang komunikasyon sa pagitan nila ni Leonor Rivera. Noli Me Tangere Isang dahilan din ng kanyang pagbabalik ay ang pag-aaral ng epekto ng kanyang nobelang "Noli Me Tangere" sa Pilipinas at upang makapaglingkod sa kanyang mga kababayan. *Paglalakbay Pabalik sa Pilipinas* Bapor Djemnah- Noong Hulyo 3, 1887 sumakay si Rizal sa Bapor Djemnah mula Marselya, Pransya patungong Pilipinas. Ang mga pasaherong kasama ni Rizal sa barkong Djemnah ay mga Ingles, Aleman, Tsino, Hapon, at maraming Pranses. Siya lamang ang Pilipinong pasahero. Ang bapor ay dumaan sa Kanal Suez, isang makabagong ruta sa panahong iyon. Saigon, Vietnam noong Hulyo 30, 1887- Pagkatapos ng tatlong buwan, nakarating siya sa Saigon, Vietnam noong Hulyo 30, 1887. SS Hayfony patungong Maynila Mula roon, sumakay siya sa SS Hayfony patungong Maynila, kung saan nakarating siya noong Agosto 5, 1887. *Pagbabalik sa Calamba* Matapos ang dalawang araw na pananatili sa Maynila, bumalik si Rizal sa Calamba upang malunasan ang mata ng kanyang ina. Klinika- Nagsimula siya ng klinika at nagbigay ng libreng serbisyo sa mga may sakit sa mata. "Dr. Ulliman" o "Alemanya."- Nagtayo din siya ng gymnasium upang maturuan ang mga kabataan ng mga isports na natutunan niya sa Europa. Dahil sa kanyang mga nagawa, naging tanyag siya sa tawag na "Dr. Ulliman" o "Alemanya." Kontrobersiya sa Noli Me Tangere Setyembre 2, 1887 Gobernador Heneral Emilio Terrero Noong Setyembre 2, 1887, pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Emilio Terrero sa Malakanyang dahil sa kanyang nobelang "Noli Me Tangere." Hinilingan siya ng kopya ng nobela upang mapag-aralan. Gayunpaman, nagkaroon ng mga kritiko na nagtanggol sa nobela, tulad ni Padre Vicente Garcia, na nagtanggol sa nobela laban sa mga kritiko nito. *Pagpapalaya sa Calamba* Ang pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas ay nagdulot ng malaking epekto sa kanyang bayan. Nagtayo siya ng klinika at gymnasium, at nagbigay ng libreng serbisyo sa mga may sakit. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makapaglingkod sa kanyang mga kababayan at magbigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng kanyang bayan.. Pebrero 3, 1888 Ang "Muling Pangingibang Bayan" ni Dr. Jose Rizal - ay nangyari noong Pebrero 3, 1888, nang umalis siya sa Pilipinas patungong Hong Kong dahil sa mga sumusunod na dahilan: Mga Dahilan ng Pag-alis 1. *Guluhang dulot ng mga kalaban*: Si Rizal ay ginugulo ng mga kalaban niya dahil sa sigalot sa Hacienda de Calamba 2. *Payo ng Gobernador Heneral*: Ang Gobernador Heneral na si Emilio Terrero ay nagpayo kay Rizal na lisanin ang Pilipinas 3. *Kaguluhang dulot ng Noli Me Tangere*: Ang nobelang "Noli Me Tangere" ni Rizal ay nagdulot ng *Paglalakbay ni Rizal* 1. *Pebrero 3, 1888*: Umalis si Rizal sa Pilipinas sakay ng barkong Zafiro patungong Hong Kong. 2. *Pebrero 7, 1888*: Nakarating si Rizal sa Amoy, China. 3. *Pebrero 8, 1888*: Nanuluyan si Rizal sa Victoria Hotel sa Hongkong. 4. *Pebrero 22, 1888*: Nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng barkong Oceanic patungo sa Hapon. *Karanasan ni Rizal sa Hongkong* Pagdiriwang ng Bagong Taon: Nakaranas si Rizal ng maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon ng mga Intsik sa buwan ng Pebrero. Kasosyo ng mga Dominikano: Nakita ni Rizal ang yaman ng mga Dominikano sa Hongkong, na may mga bahay paupahan at malaking halaga ng salapi sa mga bangko. Pagkilala kay Jose Sainz de Varanda: Nakilala ni Rizal si Jose Sainz de Varanda, kalihim ni Terrero, sa Macau. *Pagtira ni Rizal sa Hapon* Pebrero 28, 1888 : Dumating si Rizal sa Yokohama at tumigil sa Grand Hotel. Marso 1-7, 1888 : Nanuluyan si Rizal sa Tokyo Hotel at nagpasyang manirahan sa Legasyon ng Espanya. Pagkakilala kay O-Sei-San : Nakilala ni Rizal si O-Sei-San, isang Haponesang bumighani sa kanya at ayon sa diary niya isa si O-Sei-San sa nais niyang pakasalan o maging asawa Ang paglalakbay ni Jose Rizal sa Hapon at Estados Unidos ay nagbigay sa kanya ng malalim na impresyon sa mga bansang ito. Narito ang ilang mahahalagang detalye tungkol sa kanyang paglalakbay: *Hapon* 1. *Pag-aaral ng Nihonggo*: Pinilit si Rizal na matuto ng Nihonggo matapos siyang makamalan na isang Hapon na hindi marunong magsalita ng wika. 2. *Kabuki, sining, musika, at jujitsu*: Pinag-aralan ni Rizal ang mga tradisyong Hapones na ito. 3. *Impresyon sa Hapon*: Nakita ni Rizal ang kagandahan, kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga Hapon. 4. *Mga Pilipinong musikero*: Nakilala ni Rizal ang mga musikerong Pilipino sa Tokyo. *Estados Unidos* 1. Pagdating sa San Francisco: Dumating si Rizal sa San Francisco noong Abril 28, 1888, ngunit hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng barko dahil sa takot sa kolera. 2. Kuwarentenas: Nakastay si Rizal sa kuwarentenas sa loob ng isang linggo. 3. Paglalakbay sa Amerika: Dumalaw si Rizal sa mga lungsod tulad ng Oakland, Reno, Utah, Colorado, Nebraska, at Chicago. 4. Impresyon sa Amerika: Nakita ni Rizal ang kaunlaran ng Amerika, ang pagiging masigasig ng mga Amerikano, at ang likas na kagandahan ng bansa. 5. Kritika sa Amerika: Nakita ni Rizal ang kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi at ang pagpapatupad ng Batas Jim Crow. Ang mga impresyon ni Rizal sa Hapon at Estados Unidos ay nagbigay sa kanya ng malalim na pag-unawa sa mga kultura at lipunan ng mga bansang ito, na naging inspirasyon sa kanyang mga sulatin at pag-aadvokasi para sa kalayaan ng Pilipinas. MGA IMPRESYON NI RIZAL SA AMERIKA Mabuting Impresyon - ang kaunlaran ng Estados Unidos ay malalaking lungsod. Makikita sa kanyang ang pagiging masigasig ng mga Amerikano Ang likas na kagandahan ng bansa Ang mataas na antas na pamumuhay ng tao at Ang magandang pagkakataon sa mga dayuhang manggagawa. Di Mabuting Impresyon - Ang kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi. Ang Amerika ay isang magandang bayan para sa mga puti at hindi sa mga taong may kulay ang balat. Batas Jim Crow: pagpapatupad ng pagtatangi-tangi (paghihiwa-hiwalay) ng lahi sa Timog na bahagi ng Estados Unidos. TALAKAYAN BLG. 7 : ANG PAGTAWID SA KARAGATANG ATLANTIKO AT ANG PAGTATATAG NG LIGA FILIPINA ANG PAGTAWID NI DR. RIZAL SA KARAGATANG ATLANTIKO ANG PAGTAWID NI RIZAL SA KARAGATANG ATLANTIKO MULA SA ESTADOS UNIDOS PATUNGO NG INGLATERA MAYO 16-24, 1688 (ANG PAGPAPATULOY NO KANYANG PAGLALAKBAY MAYO 16-24, 1688) SS City of Rome Si Rizal ay naglakbay mula New York patungong Liverpool sakay ng SS City of Rome noong Mayo 16, 1888. Dumating siya sa Liverpool noong Mayo 24, 1888, at nanuluyan sa Adelphi Hotel. Dr. Antonio Ma. Regidor Kinabukasan, siya ay pumunta sa London at pansamantalang nanuluyan sa bahay ni Dr. Antonio Ma. Regidor - ang nagpakilala kay Jose Rizal sa kilalang librarian na si Dr. Reinhold Rost ng British Museum. Dr. Reinhold Rost ng British Museum Si Dr. Rost ay nagpahintulot kay Rizal na makapasok sa museum dahil sa kaniyang katalinuhan at mabuting ugali. Tinawag pa niya si Rizal na "Una perla de hombre" o "Isang perlas ng kalalakihan". Dr. Antonio de Morga Si Rizal ay madalas na nagpupunta sa British Museum upang magbasa at mag-aral ng "Sucesos de las Islas Filipinas" ni Dr. Antonio de Morga, isang makasaysayang aklat tungkol sa Pilipinas na nailimbag sa Mehiko noong 1609. Ang bahay ni Rizal sa London, na matatagpuan sa 37 Chalcot Crescent, ay malapit sa British Museum, kaya't madali siyang nakakapunta roon. Sucesos de las Islas Filipinas Ang "Sucesos de las Islas Filipinas" ni Dr. Antonio de Morga ay na-anotate ni Jose Rizal at nailimbag sa Garnier sa Paris, Pransya noong 1890. Ang edisyong ito ay may mahalagang kahalagahan sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa mga anotasyon ni Rizal na nagbibigay ng karagdagang impormasyon at kritika sa mga pangyayaring naganap sa Pilipinas noong panahon ng Espanya. SS City of Rome Ang SS City of Rome ay ang pangalawang pinakamalaking barko sa mundo noong 1888, na sinundan lamang ng Great Eastern. Ang barko ay may kakayahang magdala ng 520 pasahero sa unang klase at 810 sa steerage class. Adelphi Hotel sa Liverpool, Inglatera Ito ang kanyang unang tirahan ni Rizal sa Inglatera nang dumating siya noong Mayo 24, 1888. Ang hotel na ito ay itinayo noong 1826 at kilala sa mga elegante at makasaysayang arkitektura. Matatagpuan ito sa heart ng Liverpool, malapit sa mga pangunahing atraksiyon. Ang pagbisita ni Rizal sa Adelphi Hotel ay bahagi ng kanyang paglalakbay sa Europa, kung saan siya nag-aral, nag-research at nagpakita ng kanyang pagmamahal sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Grand Midland Hotel Ang Grand Midland Hotel, na matatagpuan sa Saint Pancras, London, ay may kaugnayan kay Jose Rizal dahil sa sumusunod: Si Rizal ay nanuluyan sa Grand Midland Hotel noong 1888, sa kanyang pagbisita sa London. Malapit ang hotel sa British Museum, kung saan si Rizal ay nag-aral at nag-research tungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Ngayon ay kilala bilang St. Pancras Renaissance London Hotel, pagkatapos ng malawakang pag papanumbalik noong 2011. De. Antonio Ma. Regidor Pamantasan ng Madrid- Si Dr. Antonio Ma. Regidor ay isang kilalang Pilipinong mananalaysay, abogado, ekonomista at manunulat na ipinanganak noong 1820 sa Cavite, Pilipinas. Doctor of Civil and Canon Law- Siya ay nagtapos ng Doctor of Civil and Canon Law mula sa Pamantasan ng Madrid. Kasama siya sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol noong 1872, kaya ipinatapon siya sa Marianas. Matapos ang pagpapatawad noong Abril 1876, nakabalik siya sa Pilipinas at patuloy na nagtrabaho para sa pag-unlad ng bansa. Sa kanyang tahanan pansamantalang nanuluyan si Rizal nang dumating ito sa London taong 1889. London (Chalcot Crescent, Primrose Hill, London) Ang 37 Chalcot Crescent, Primrose Hill, London, ay ang tahanan ni Jose Rizal noong 1888-1889. Ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Pamilya Becket, mga kilalang liberal na nagpapalimbag ng mga aklat at pahayagan. Chalcot Crescent Ang Chalcot Crescent ay matatagpuan sa Primrose Hill, isang kilalang lugar sa London. Ang bahay ay itinayo noong ika-19 na siglo. Pamilya Becket Pamilya Becket: Sila ay mga kilalang liberal na nagpapalimbag ng mga aklat at pahayagan. Ang bahay ay idineklarang Dibisyon ng Kasaysayan ng Pilipinas noong 2009. Pagsulat ng "Noli Me Tangere: Si Rizal ay nag tuloy sa pagsulat ng kanyang nobelang "Noli Me Tangere" habang nakatira sa bahay. Pag-aaral sa British Museum: Ang lokasyon ay malapit sa British Museum, kung saan si Rizal ay nag-aral at nag-research. Pakikipag-ugnayan sa mga liberal: Si Rizal ay nakipag-ugnayan sa mga liberal na nagpapalimbag ng mga aklat at pahayagan. Napili ni Rizal na Lumipat sa paupahang bahay na ito sapagka'l matatagpuan ito sa tahimik na daang malapit sa plasa at maari ng lakarin mula rito ang Aklatan at Museo ng Inglatera kung saan nya isasagawa ang mga pananaliksik tungkol sa kultura at nakaraan ng Pilipinas. London Gertrude Beckett - anak na babae ni G. Charles Beckett Si Gertrude Beckett ay isang mahalagang tao sa buhay ni Jose Rizal sa London. Anak na babae ni G. Charles Beckett, isang kilalang organista sa Simbahan ng San Pablo. Pamilya Beckett - namamahala sa bahay kung saan si Rizal ay nanirahan sa 37 Chalcot Crescent, Primrose Hill, London. Blumentritt- Ang relasyon nina Rizal at Gertrude ay nakasalaysay sa mga sulat ni Rizal, partikular sa kanyang mga sulat kay Blumentritt. Naging malapit ang dalaga kay Rizal sapagkat nagkakasama ang dalawa. Sa mga gawain gaya ng pagtulong nito sa paghahalo ng pintura at iskultura. Tinuturuan naman ni Gertrudo si Rizal sa wikang Ingles. LONDRES, INGLATERA May 25. 1885- Naging mabunga ang pananatili ni Rizal sa London. Sucesos de las Islas Filipinas sa paglathala ng "Sucesos de las Islas Filipinas" ni Antonio de Morga. Ang tamang petsa ng paglathala ay 1609 sa Mexico. Akda na naglalarawan sa kasaysayan ng Pilipinas noong panahon ng Espanya. Pinag- yaman ni Rizal ang kanyang kasanayan sa wikang Espanyol sa pamamagitan ng pagsuri at pagsalat ng anotasyon ng akdang ito. Naging mahalaga ang akda ni Morga sa pagsulat ni Rizal ng "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo", dahil nagbigay ito ng mga mahalagang impormasyon tungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Marso 19, 1885 London- Paris Sa pag-alis ni Rizal sa London patungo sa Paris. Ang tamang petsa ay Marso 19, 1885. Si Rizal ay nagpaalam sa pamilyang Beckett upang magpatuloy sa kaniyang pag-aaral at pagsulat. Mga Hailok ( Gawa ) habang nasa London: 1. Ang Pananagumpay ng Kamatayan sa Buhay 2. Ang Pananagumpay ng Agharn sa Kamatayan 3. Prometheus Bound" ni Aeschylus 4. Ang la ng Magkakapatid sa Bechett Hulyo 4-10, 1889 Hulyo 4-10, 1889: Bumalik sa London, upang ikumpara sana ang kanyang manuskrito sa orihinal na sulat ni Morga (subali't raipahiram na ang nag-isang orihinal na kopya nito sa iba). Upang dalawin ang Pamilya Beckett na naging Mabuti na kanya. Dr. Rheinhold Rost - (1822-1896) ay isang Aleman na iskolar at eksperto sa kasaysayan at kulturang Malay. Si Dr. Rheinhold Rost ay mula sa Museo at Aklatan ng Inglatera na dalubhasa sa kasaysayan at kulturang Malay. Patnugot din siya ng Trubner's Record na naglalathala ng mga pag-aaral ukol sa Silangan. Ang Aklatan ng British Museum (ngayon ay British Library) ang pinuntahan ni Jose Rizal para sa pananaliksik habang nasa Inglatera. *Mga Akda na Pinag-aralan: "Sucesos de las Islas Filipinas" ni Antonio de Morga (1609), Iba pang mga akda tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Katungkulan ni Antonio de Morga sa Pilipinas: Hukom ng Royal Audiencia (1603-1606): Pinamunuan niya ang kataas-taasang hukuman ng Pilipinas. Pansamantalang Kapitan Heneral ng Pilipinas (1605-1606): Pinamunuan niya ang pamahalaang militar at sibil ng Pilipinas. 1. Nagbigay ng kontribusyon sa pagpapaunlad ng batas at hustisya sa Pilipinas. 2. Naglathala ng "Sucesos de las Islas Filipinas," isang mahalagang akda sa kasaysayan ng Pilipinas. 3. Nagbigay ng impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa Pilipinas noong panahon ng Espanya. Prometheus Bound Ang "Prometheus Bound" ay isang akda ni Aeschylus, isang Griyegong manunulat. Mayo 24, 1888: Liverpool, England (Pagdating ni Rizal sa Liverpool) Mayo-June 1888: Calanda, Espanya (Paggamit ng panahon sa kanyang bayan ng sinilangan) Setyembre 1-16, 1888: Paris, Pransiya (Pag-aaral at pananaliksik) Setyembre 1888: Bibliothèque Nationale, Paris (Pagsasaliksik) Disyembre 1888 Disyembre 11, 1888: Madrid, Espanya - Nanuluyan kina Juan Luna. Disyembre 23, 1888: Nakipagkita kina Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce. Disyembre 1888: Balik-Londres - Naging bisita sa tahanan ng mga Beckett. 1888-1889 Disyembre 20, 1888: Itinatag ang Asociación La Solidaridad (Pangalang Pandang) sa Barcelona, Espanya. Pebrero 18, 1889: Unang lumabas ang pahayagang "La Solidaridad" sa Barcelona, Espanya, sa ilalim ng pamumuno ni Graciano López Jaena LONDRES, INGLATERA Ang sulat ni Jose Rizal noong Pebrero 22, 1889, sa Londres, Inglatera, ay naglalaman ng panawagan para sa pagbibigay ng edukasyon sa mga kababaihan sa Malolos, Bulacan. Ang sulat na ito ay kilala bilang "Letter to the Women of Malolos" o "Sulat sa mga Kababaihan ng Malolos.” LONDRES, INGLATERA Ang Londres, Inglatera ay isang mahalagang lugar sa buhay ni Jose Rizal. Noong 1888-1889. “Liham para sa mga Kababaihan ng Malolos” - Pebrero 22, 1889 Ang "Liham para sa mga Kababaihan ng Malolos" ay isinulat ni Jose Rizal noong Pebrero 22, 1889, bilang tugon sa kahilingan ni Marcelo H. del Pilar. Hiniling nito na padalhan ni Rizal ng isang sulat na pampasiglat pagbati ang mga kababaihan ng Malolos. Dalawampung kababaihan ng Malolos ang humiling kay Gob. Heneral Weyler na mapahintulutang magbukas ng paaralan. Hiniling nila ang pagbukas ng paaralang panggabi para sa pag-aaral ng wikang Kastila. Ang kahilingan ay nagdulot ng inspirasyon kay Rizal. Katamaran ng mga Pilipino- Ang "Katamaran ng mga Pilipino" ay isang sanaysay ni Jose Rizal na nailathala sa La Solidaridad mula Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ito ay isinulat bilang tugon sa paratang ng mga Kastila na ang mga Pilipino ay tamad. Sa sanaysay, inamin ni Rizal ang katamaran ng mga Pilipino ngunit ipinaliwanag din ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ito. *Mga Dahilan sa Katamaran* Mainit na Klima: Ang mainit na klima sa Pilipinas ay nagdudulot ng pagod at kawalan ng lakas sa mga tao. Mga Labanan at Gulo: Ang mga labanan at gulo na nangyayari sa bansa ay nagdudulot ng takot at kawalan ng seguridad sa mga tao. Kawalan ng Edukasyon: Ang kawalan ng edukasyon at kaalaman ay nagdudulot ng kawalan ng pag-unawa at pagtanggap sa mga bagong ideya. Mga Maling Doktrina ng Simbahan: Ang mga maling doktrina ng simbahan ay nagdudulot ng maling pag- unawa sa mga tao tungkol sa kahalagahan ng trabaho at pag-unlad. Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon - Ang "Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon" ay isang mahalagang sanaysay ni Jose Rizal na nailathala sa La Solidaridad mula Setyembre 30, 1889 hanggang Pebrero 1, 1890. Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos- Ang "Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos" ni Jose Rizal ay isinulat noong Marso 19, 1889, bago niya nilisan ang London patungong Paris. Paglalarawan sa kahalagahan ng edukasyon para sa pag-unlad ng bansa. Pagtataguyod sa mga kababaihan na magkaroon ng malayang pag-iisip. Pagpuna sa mga limitasyon sa edukasyon ng kababaihan sa panahon ng Espanya. Pag-asa sa pagbabago sa hinaharap (1888-1891) - Ang mga lungsod na sinadya ni Jose Rizal sa kanyang pangalawang pagbabalik sa Europa (1888-1891). London, Inglatera: Nanirahan si Rizal dito mula Mayo 1888 hanggang Pebrero 1889. Paris, Pransya: Nagtayo si Rizal ng tahanan dito mula Pebrero 1889 hanggang Hulyo 1890 15 Madrid, Espanya: Nagpunta si Rizal dito upang makipag-ugnayan sa mga propagandista. Barcelona, Espanya: Nagtayo si Rizal ng tahanan dito mula Hulyo 1890 hanggang Enero 1891. Brussels, Belhika: Nagpunta si Rizal dito upang makipag-ugnayan sa mga kaibigan. Ghent, Belhika: Nagpunta si Rizal dito upang makita ang mga magagandang lugar. PARIS, PRANSYA Matapos ang mga gawain ni Jose Rizal sa Londres, bumalik siya sa Paris, Pransya noong Pebrero 1889. Ito ang kaniyang pangalawang pagbisita sa lungsod, matapos ang una noong Setyembre 1-15, 1888, kung saan nagkonduk siya ng pananaliksik sa Bibliothèque Nationale- (Pambansang Aklatan ng Pransya) kasama si Juan Luna. Exposition Universelle Ang "Exposition Universelle" (Pamilihan ng Mundo) noong 1889 sa Paris, Pransya, ay isang makabuluhang pangyayari na ginanap mula Mayo 6 hanggang Oktubre 31, 1889. Ito ay ipinagdiriwang ang sentenaryo ng Rebolusyong Pranses at nagpakita ng mga pamamaraan at kaunlaran sa larangan ng agham, teknolohiya, sining, at kultura. Ang Exposition Universelle noong 1889 ay isang makabuluhang pangyayari na nagpakita ng kaunlaran at kultura ng mga bansa sa buong mundo. Valentin Ventura Valentin Ventura- ay tumulong sa pagpapalimbag ng "El Filibusterismo" ni Rizal sa pamamagitan ng pagpahiram ng pera. Ang aklat ni Antonio de Morga, "Sucesos de las Islas Filipinas," ay inayos ni Rizal sa Paris. Muling inilimbag ni Jose Rizal noong 1890 sa Paris, Pransya, sa pamamagitan ng palimbagan ng Garnier Hermanos. At kumita siya ng 200 piso matapos maipagbili ang mga kopya nito sa Barcelona, Madrid, Hong Kong, at sa Pilipinas. Ang balak ni Jose Rizal na maitatag ang Pandaigdigang Samahan ng mga Pilipinista noong Agosto 1889 ay hindi natuloy dahil sa mga sumusunod na dahilan: Pagtutol ng Pamahalaan ng Pransya: Hindi pinayagan ng pamahalaan ang pagtatatag ng samahan dahil sa takot sa mga posibleng radikal na ideolohiya. Abala ng pribadong kongreso: Ang "Universal Exposition" sa Paris ay nagdulot ng pagdaraos ng mga pribadong kongreso, na nagpalayo sa atensyon mula sa mga layunin ni Rizal. Mga pagtutol mula sa mga Espanyol: Ang mga Espanyol ay nagtutol sa mga ideya ni Rizal na nagtataguyod ng kalayaan at pagkakapantay-pantay para sa Pilipinas. 16 Pangyayari sa Paris, Pransya (Mayo 6 - Oktubre 31, 1889) Universal Exposition Isang pandaigdigang pagtatanghal ng mga nagawa sa agham, teknolohiya, at sining. Sentenaryo ng Rebolusyong Pranses Pagdiriwang ng ika-100 taon ng Rebolusyong Pranses. Kidlat Club Isang samahan ng mga Pilipinong manunulat at intelektuwal. Indios Bravos Isang grupo ng mga Pilipinong naglalayong mapalaya ang bansa mula sa Espanya. R.D.L.M. (Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, at Marcelo H. del Pilar) Mga kilalang Pilipinong manunulat at rebolusyonaryo. Pagkamatay ni Lucia Namatay si Lucia, kapatid ni Rizal, dahil sa kolera noong Mayo 23, 1889. Pagtatatag ng Pandaigdigang Samahan ng Pilipinologist Plano ni Rizal na maitatag ang samahan upang pag-aralan ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Paglathala ng Anotasyon ng Aklat ni Dr. Morga Inilimbag ni Rizal ang kaniyang anotasyon sa aklat ni Dr. Antonio de Morga, "Sucesos de las Islas Filipinas," noong Enero 1890.. KILUSANG PROPAGANDA : 1880-1896 Ito ang kilusang humubog sa kamalayang makabayan sa mga taong 1880-1896. at kinalaunan ay nagtulak sa Rebolusyong Pilipino. Pinasimulan ito ng mga kabataang Pilipino naruon sa Espanya na naipamalas ang kalayaan at kaunlaran ng Europa at unang naghangad na maganap sa Pilipinas ang mga pagbabago sa pamamagitan ng pahayagan at impluwensya ng pulitikal sa Madrid gaya ng mga pamamaraan ng mga nauna. Ang Kilusang Propaganda ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, na naglalayong mapalaya ang bansa mula sa pamumunong Espanyol. Ito ay pinangunahan ng mga kabataang Pilipinong nag-aral sa Espanya, na namalas ang mga ideya ng kalayaan at kaunlaran sa Europa. Ang mga propagandista ay gumamit ng pahayagan at impluwensyang pulitikal sa Madrid upang maipakita ang kanilang mga hiling at ideolohiya. Ang mga kilalang personalidad na nakilahok sa kilusang ito ay sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, at Marcelo H. del Pilar. Enero 1 , 1889 Sa pagdating ni Marcelo 1. del Pilar sa Barcelona na unang araw ng Enero, 1889, Si Marcelo H. del Pilar, kilala rin bilang Plaridel, ay isang Pilipinong manunulat, rebolusyonaryo, at propagandista. Matatandaang tumakas si Plaridel sa Pilipinas upang wakasan ang galit at puot ng mga Prayleng Espanyol dahil sa kanyang mga ginawang pagtuligsa at paglaban sa mga kamalian at kalabisan ng mga ito. Pag-ibig sa Tinubúang Lupà Ang "Pag-ibig sa Tinubúang Lupà" ay isang tanyag na akda ni Marcelo H. del Pilar, na unang lumabas sa "Diariong Tagalog" noong Agosto 20, 1882. Ito ay isang tula na naglalayong paalabasin ang pagmamahal sa bayan at pagiging makabayan. Ang akda ay nagpapakita ng malalim na pagmamahal sa inang bayan at nagbibigay ng inspirasyon sa mga Pilipino upang ipaglaban ang kanilang kalayaan. La Soberania Monacal en Filipinas Samantala, ang "La Soberania Monacal en Filipinas" ay isang kritika sa pamumuno ng mga prayleng Espanyol sa Pilipinas. Pasiong Dapat Ipag-alab nang Puso nang taong Babasa Ang "Pasiong Dapat Ipag-alab nang Puso nang taong Babasa" ay naglalayong paalabasin ang pagmamahal sa bayan. Ang akda ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga Pilipino upang maging makabayan at mag-alay ng kanilang buhay para sa bayan. Ang La Solidaridad ay isang samahan ng mga Pilipinong propagandista na naglalayong ipakita ang mga pangangailangan ng Pilipinas sa Espanya. La Solidaridad Ang pahayagang "La Solidaridad" ay isang mahalagang bahagi ng kilusang propagandista sa Pilipinas na itinatag ni Graciano Lopez Jaena noong Pebrero 15, 1889, sa Barcelona, Espanya. Ito ay naglalathala ng mga artikulo at lathalain tungkol sa mga isyu sa Pilipinas, tulad ng kalayaan, demokrasya, at pag-unlad ng bansa. ANG MGA LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA 1 Pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa batas ang mga Pilipino at Espanyol: 2. Maging regular na lalawigan ng Espanya ang Pilipinas; 3. Manumbalik ang kinatawan ng Pilipinas sa Kortes ng Espanya; 4. Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas; 5. Igiwad ang mga Karapatan ng mga Pilipino gaya ng kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin, kalayaan na magpulong, maging sa pagdinig sa mga hinaing ng mamamayan. Ang pahayagang "La Solidaridad" ay nailathala tuwing biyernes, o dalawang beses sa loob ng isang linggo, mula Pebrero 15, 1889 hanggang sa Pebrero 1895. Kilusang Propaganda Ang Kilusang Propaganda, sa pamamagitan ng pahayagang La Solidaridad, ay naging isang mahalagang instrumento sa pagbuo ng kalinangang pambansa ng Pilipinas. Ito ay nagbigay ng malinaw na pamamaraan at batayan ng mga pagpapahalagang sosyo-politikal na nakabase sa prinsipyo ng liberalism at demokrasya. Kaya tanggap na ang mga programa ng Propaganda ay nakapag hatid ng kagalingang pambayan. Sa pamamagitan ng La Solidaridad, pinarating ng mga propagandista ang kanilang masidhing kagustuhan ng pagbabago sa Pilipinas Dumating ang panahon na unti-unting nagkawatak-watak ang mga naghahangad ng reporma sa Pilipinas. Pagkawala ng La Solidaridad Dahil na rin sa hidwaan ni Rizal at MH Del Pilar kaya noong Agosto, 1895 sinulatan ni Mabini ang mga Pilipino sa Madrid na hindi na sila mapapadalhan ng salapi dahil wala ng pondong mapagkukunan para sa La Solidaridad, kailangan nang ihinto ang paglalathala nito Kaya nuong ika-15 ng Nobyembre. 1895 tuluyan na nga nahinto hindi na nailathala pa. Ang La Solidaridad ay naglathala mula Disyembre 1888 hanggang Nobyembre 15 1895. Ang huling isyu nito ay nailathala noong Nobyembre 15, 1895. Ang pagkawala ng La Solidaridad ay nagdulot ng malaking pagkawala sa Kilusang Propaganda. TUNGGALIANG RIZAL AT DEL PILAR Matatandaang bago pa man dumating si MH del Pilar sa Espanya ay naging magkaibigan at magkatuwang na sila ni Rizal sa pakikipaglaban sa mga abusadong Prayle sa Pilipinas. Kaya't mahirap na paniwalaang hahantong ito sa kanilang di pagkakaunawaan. Ang pagtugon ni Marcelo H. del Pilar sa katanungan kung bakit siya ang dapat magkontrol sa La Solidaridad ay nagpapakita ng kanyang pananaw na ang pahayagan ay isang pribadong pag-aari na ginagamit para sa kapakinabangan ng bayan. Del Pilar ay law at Rizal naman artist Si Marcelo H. del Pilar ay naging abogado ni Jose Rizal sa Espanya upang idulog ang mga problema sa Calamba, Laguna, na kinalakihan ng pamilya ni Rizal. Ang pagkakaiba sa pananaw at pamamaraan ng pagbabago sa lipunan ang nagdulot ng paghihiwalay ng landas nina del Pilar at Rizal. Si del Pilar ay naniniwala sa radikal na pagbabago ( pagbabago na nagpapakita ng pag-aasam na magkaroon ng pagbabago sa pulitika, ekonomiya, paniniwala, o kaugalian ng bansa.), Rizal samantalang si Rizal ay naniniwala sa reporma sa loob ng sistema (pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng mga pag-aayos sa kasalukuyang sistema ng pamahalaan, ekonomiya o lipunan. ) BRUSSELS AT GHENT, BELGIUM Brussels, Belgium - Noong Enero 28, 1890, umalis si Jose Rizal mula Paris patungong Brussels, Belgium. Sa Brussels, nagpatuloy si Rizal sa pagsulat sa "El Filibusterismo" at nagpadala ng mga artikulo sa "La Solidaridad". Nakipag-ugnayan din siya sa mga kaibigan at pamilya sa pamamagitan ng mga sulat. Ghent- Pagkatapos ng ilang buwan sa Brussels, nagpunta si Rizal sa Ghent, isang lungsod sa Belgium, upang makapag-aral ng mga likhang sining at arkitektura. Ang pag-alis ni Rizal mula Paris patungong Brussels at Ghent ay nagbigay sa kanya ng inspirasyon at kapayapaan upang makapagsulat ng kanyang mga akda. Brussels : Pagdating Pebrero 12, 1890: Dumating si Rizal sa Brussels mula sa Londres. Marso 1890: Sumulat si Rizal kay Marcelo H. del Pilar upang paalalahanan ang mga kabataang Pilipinong nasa Europa tungkol sa kanilang pagsusagal at iba pang bisyo. Hinimok din sila na makibahagi sa mga gawaing makakapagpalaya sa Pilipinas. Pagbabalik sa Brussels Agosto 1890: Nagbalik si Rizal sa Brussels mula sa Madrid. Pagtatama sa El Filibusterismo: Dito niya ginawa ang mga pagtatama sa kanyang nobelang "El Filibusterismo", na inilathala noong 1891. Sa Brussels, Belgium, nagkaroon si Jose Rizal ng pag-ibig kay Petite Suzanne Jacob, isang dalagang Belhikana. Gayunpaman, nagpasya siyang bumalik sa Pilipinas kahit na may bantang panganib. 20. Bumalik sa Pilipinas Ang pagpasya ni Rizal na bumalik sa Pilipinas ay nagpapakita ng kanyang katapangan, pagmamahal sa bayan, at pagtutulungan sa mga Pilipino. Dito siya nagpasyang muling magbalik sa Pilipinas kahit na binalaan na siya ng kanyang mga kaibigan at pamilya. Upang mapaglingkuran ang kanyang bayan maging kapalit man nito ay kapahamakan. El Filibusterismo Ang "El Filibusterismo" ni Jose Rizal ay nalathala sa Ghent, Belhika noong Setyembre 18, 1891, sa tulong ni Valentin Ventura. Ito ay may dedikasyon sa GOMBURZA, ang tatlong paring martir: Lugar: Ghent, Belhika Palimbagan: E. Meyer-Van Loo Press Tulong: Valentin Ventura GOMBURZA Padre Jose Burgos: Pinuno ng mga paring Pilipino sa Espanya. Padre Jacinto Zamora: Aktibista sa kalayaan ng Pilipinas. Padre Mariano Gomez: Tagapagtanggol ng mga karapatang pantao. HONGKONG Setyembre 18, 1891: Si Jose Rizal ay umalis mula sa Europa patungong Hong Kong. Sa paglalakbay niya, nakilala niya si William Pryor, ang tagapagtatag ng unang pamayanan ng mga Ingles sa Sandakan, Hilagang Borneo. Nobyembre 20, 1891: Dumating si Rizal sa Hong Kong at nagsimulang manggamot. Nakilala siya bilang manggagamot sa mata, at nagpatuloy sa kaniyang pag-aaral at pagsusulat. Disyembre 1891, dumating sa Hong Kong ang pamilya ni Jose Rizal, kasama ang kanyang ama na si Francisco Mercado Rizal, kuya Paciano, bayaw na si Silvestro Ubaldo, ina na si Donya Teodora Alonso Realonda, at mga kapatid na sina Lucia, Jose, at Trinidad. nag-operasyon si Rizal sa mga mata ng kanyang ina abala rin siya sa pagpaplano ng pagtatatag ng pamayanan ng mga Pilipino sa Hilagang Borneo at pagtatatag ng "La Liga Filipina", isang samahan na naglalayong ipakita ang mga pangangailangan ng Pilipinas. Nagpatuloy si Rizal sa kanyang mga gawain sa Hong Kong hanggang sa kanyang pag-alis patungong Dapitan noong Abril 1892. Hunyo 20, 1892: nag-iwan si Jose Rizal ng isang liham na babasahin lamang kung siya'y patay na, na naglalaman ng kanyang mga huling habilin at instruksiyon. Kinabukasan, Hunyo 21, 1892: tuluyang nilisan ni Rizal ang Hong Kong kasama ang kanyang kapatid na si Lucia, patungong Dapitan, Zamboanga del Norte, kung saan siya'y ipinatapon ng mga awtoridad ng Espanya. ANG DALAWANG LIHAM NI RIZAL NA ITINAGUBILIN KAY DR. LORENZO MARQUEZ Para sa kanyang mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan: Labis ang kanyang pagmamahal sa kanila kung kaya't ito ang naging dahilan ng kanyang pag-uwi. Upang huwag na silang usigin at pahirapan ng dahil sa kanya. Para sa kanyang mga kababayan: Ang lahat ng kanyang ginawa ay ikaliligaya ng bayan at naniniwalang kung siya man ay mamamatay ay may ibang makabayan na siyang magpapatuloy ng kanyang naumpisahan. REBOLUSYONG PILIPINO NOONG 1896 AUGUST Ang Rebolusyong Pilipino noong 1896 ay isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagsimula ito noong Agosto 1896, nang ideklara ng mga Katipunero ang kanilang pag-aalsa laban sa pamahalaang Espanyol. RIZAL AY PINATAY NOONG DEC, 30 1896 PAGBABALIK SA PILIPINAS 1892 Hunyo 26, 1892: Dumating sa Maynila si Jose Rizal kasama ang kanyang kapatid na si Lucia at tumigil sa Hotel de Oriente. Malacanang: Nagtungo siya sa Malacanang upang makipagkita sa Gobernador Heneral Eulogio Despujol para talakayin ang proyekto sa Borneo at kaligtasan ng kanyang pamilya. Gitnang Luzon: Naglibot siya sa Gitnang Luzon, sa mga lugar tulad ng Malolos, San Fernando, Tarlac, at Bacolor, upang hikayatin ang mga tao na sumapi sa kanyang itinatatag na La Liga Filipina. Hulyo 3, 1892: Ang pagtatatag ng La Liga Filipina ay nangyari noong Hulyo 3, 1892, sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila. Unus Instar Omnium" o "Bawat isa'y katulad ng lahat". Ang motto ng La Liga Filipina ay "Unus Instar Omnium" o "Bawat isa'y katulad ng lahat". Hulyo 6, 1892: Dinakip si Rizal dahil sa pagkakatagpo ng polyeto ng "Pobres Frailes" sa kanyang maleta. Ibinilanggo si Rizal sa Fort Santiago. Hulyo 7, 1892: Inakusahan si Rizal ng pagtataguyod ng paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya. Agosto 8, 1892: nilipat si Rizal patungong Dapitan. Hulyo 1892 Hulyo 7: Itinatag ang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) nina Andres Bonifacio, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, at Valentin Diaz. Hulyo 14: Ipinagbigay-alam kay Rizal ang utos ng pagpapatapon sa Dapitan. Hulyo 17: Naglayag si Rizal patungong Dapitan. Hulyo 17: Dumating sa Dapitan at pansamantalang naging panauhin ni Kapetan Ricardo Carnicero, Pamong Pulitiko-Militar ng Dapitan.. Paninirahan sa Dapitan (1892-1896) Nakatira si Rizal sa isang bahay na malapit sa dagat. Nagpatuloy siya sa pag-aaral at pagsusulat. Nagtayo siya ng isang klinikang medikal at nagbigay ng libreng serbisyo sa mga mahirap. Nagtanim siya ng mga puno ng kaong at nag-eksperimento sa agrikultura. Alituntunin ng Liga Pagbubuklod ng buong bansa upang maging isang bansang matatag, malakas, at iisang lahi. Pagtutulungan sa harap ng kagipitan. Pagtatanggol laban sa karahasan at kawalang-katarungan. Pagtataguyod sa edukasyon, komersiyo, at agrikultura. Pag-aaral at paglalapat ng reporma. MAHALAGANG TUNGKULING DAPAT GAMPANAN NG MGA KASAPI SA LIGA Ang mga tungkuling ito ay sumasalamin sa mga prinsipyo ng pagkakaisa, disiplina, lihim, at pagtutulungan sa pagitan ng mga kasapi ng La Liga Filipina. Mga Pangunahing Tungkulin 1. Sundin ang mga utos ng Kataas-taasang Konseho. 2. Tumulong sa pangangalap ng mga bagong miyembro. 3. Panatilihin ang lihim ang mga desisyon ng mga awtoridad ng Liga. 4. Magkaroon ng sagisag o password na di maaaring palitan hanggang di nagiging pangulo ng konseho. 5. Iulat sa piskal ang anumang impormasyon na nakasasama sa Liga. 6. Kumilos ng tama bilang isang mabuting Pilipino. 7. Tumulong sa kapwa kasapi sa anumang oras. ANG LIGA FILIPINA BILANG SAMAHANG SIBIKO Ang makakalap na pondo ay malinaw na gagamitin sa mga sumusunod na Gawain ng Liga Pagtustos sa isang kasapi o kanyang anak, na walang magugol na salapi subali't may kakayahan; Pagtustos sa mga mahihirap sa pakikipaglaban ng kanilang Karapatan laaban sa sinumang makapangyarihang tao: Pagtulong sa kasaping inabot ng sakuna o kapahamakan Pagpapautang ng puhunan sa kasaping nangangailangan para sa Industriya at agrikultura: Pagpapakilala ng mga bagong makina at industriyang kailangan ng barsa; at Pagbubukas ng mga tanggapang mapapasukan at higit na mapagkikitaan ng ng mga kasapi.