REVIEWER-V.-E-1 (Araling Panlipunan) PDF

Summary

This document appears to contain a reviewer for Araling Panlipunan, a Filipino social studies subject. It includes multiple-choice questions and prompts for the students to discern different factors in the given scenario.

Full Transcript

**Republic of the Philippines** **Department of Education** **REGION IV-A CALABARZON** **CITY SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY** **PANUTO:** Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at katanungan bago sagutan. Pillin ang titik ng pinakatamang sagot. 1. Ito ay uri ng talino na nauugnay sa kakay...

**Republic of the Philippines** **Department of Education** **REGION IV-A CALABARZON** **CITY SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY** **PANUTO:** Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at katanungan bago sagutan. Pillin ang titik ng pinakatamang sagot. 1. Ito ay uri ng talino na nauugnay sa kakayahang makagawa ng mahusay na paglalarawan ng ideya. a. Bodily/Kinestetic c. Musical b. Intrapersonal d. Visual/Spatial 2. Sa *Multiple Intelligences Survey form,* matutukoy mo ang iyong talento at kakayahan. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga talino o intelligences? a. Auditory c. Existentialist b. Bodily/Kinesthetic d. Visual/Spatial 3. Ayon sa sikolohista, sinasabi ang talento at talino ay nanggaling mula sa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. a. paligid c. pagsasanay ng isip at katawan b. pag-aaral d.katangiang minana sa magulang 4. Si Marlon ay nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kaniyang malikhaing kamay. Hindi niya hilig ang makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng opinyon. Mas nasisiyahan siya sa mga gawaing *outdoors* kaya naman pangarap niya na maging isang *civil engineer* pagtungtong niya ng kolehiyo. Anong kategorya ng Hilig ang ipinapakita ni Marlon? a. Artistic c. Realistic b. Enterprising d. Social 5. Ang sumusunod ay paraan ng pagtuklas ng hilig maliban sa: a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin. b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawain. d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito. 6. Nakasanayan na ni Melchor ang magiliw na pakikisalamuha sa ibang tao. Kahit saan man siya mapunta ay hindi makakaila na madali siyang makahanap ng kasama at kaibigan. Anong kategorya ng Hilig ang ipinapakita ni Melchor? a. Artistic c. Realistic b. Enterprising d. Social 7. Ang paghingi ng tawad sa taong nagawan ng kamalian ay pagsasabuhay at paglinang ng pagiging \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. a. maaruga c. mapagmahal b. mapagkumbaba d. mapagmalasakit 8. Ito ay kadalasang ibinibigay sa isang taong ayaw patawarin o hindi karapat-dapat ng kapatawaran. a. Pagkakaibigan c. Pagpapatawad b. Pagkakasundo d. Pagpapalaya 9. Hindi maiiwasang magkaroon ng alitan sa iyong kaibigan, ngunit ito ay mareresolba kung idadaan sa maayos na usapan. Ito ay nagpapakita ng \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. c. pagiging matatag sa sarili d. pagpapalaya sa mga taong nakapanakit sa iyo e. pagtanggap sa mga nangyari f. pagpapatawad bilang tanda ng pagmamahalan. 10. Ang mga sumusunod ay magandang dulot ng kababahang loob maliban sa? g. Nagdudulot ng mas maayos na relasyon sa kapuwa. h. Nagtuturo sa ating tanggapin ang kakulangan natin bilang tao. i. Nagbibigay ng kapayapaan sa isipan sapagkat mas pinipili na iwasan ang galit at pagtatalo. j. Nagdudulot ng mas mataas na pagtingin sa sarili na siyang makakatulong upang maiwasang magkamali. 11. Ang mga sumusunod ay mga negatibong dulot ng hindi pagpapatawad maliban sa? 12. Ano ang pinakamataas na uri ng pakikipagkaibigan? k. Paghahangad ng mabuti para sa sarili l. Paghahangad ng mabuti para sa buong pamilya m. Paghahangad ng mabuti para sa lipunan n. Paghahangad ng mabuti para sa isang kaibigan. 13. Tanggap ni Ben ang buong pagkatao ni Alice. Kahit madalas silang hindi magkasundo sa mga bagay-bagay, hindi pa rin ito naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan mas lalo pa nga silang naging malapit sa isa't isa. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinapakita ni Ben kay Alice? 14. Ano ang dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na pakikipagkaibigan? a\. pagpapayaman ng pagkatao c. pagpapabuti ng personalidad 15. Alin sa sitwasiyon ang nagpapakita ng pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan? 16. "Nariyan kapag kailangan, hindi mahagilap kapag nasa oras ng karangyaan" Anong uri ng pakikipagkaibigan ang ipinahihiwatig sa pahayag? 17. Ito ay itinuturing na pinakabanal na buwan sa kalendaryong muslim. 18. Ano ang \"interfaith dialogue\"? 19. Bakit mahalagang igalang ang mga kaugalian na nag-uugat sa pananampalataya ng iba? 20. Paano mo maipapakita ang paggalang sa ibang paniniwala ng isang tao? d\. Hindi pagpansin sa kanilang mga pagdiriwang upang hindi mapintasan. 21. Bakit mahalagang isaisip ang kalayaan sa relihiyon? a\. Upang matiyak na may isang relihiyon para sa lahat. b\. Upang alisin ang lahat ng mga gawaing panrelihiyon. c\. Upang pigilan ang anomang anyo ng pagpapahayag ng pananampalataya. d\. Upang igalang ang karapatan ng mga indibidwal na pumili ng sariling pananampalataya. 22. Sa anong paraan maaaring itaguyod ang pagkakaisa sa kabila ng iba\'t ibang kaugalian dahil sa pananampalataya? a\. Pagtibayin ang iisang pananampalataya. b\. Pagharap at paghamon sa ibang mga pananampalataya. c\. Ihiwalay ang sarili sa mga taong may iba\'t ibang pananampalataya. d\. Nakikibahagi sa bukas at magalang na pakikipag-usap sa mga taong may iba\'t ibang relihiyon. 23. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang at pagsasabuhay sa paniniwalang Kristiyano sa panahon ng Kuwaresma maliban sa? 24. Saan nakaugat ang kusang paglilingkod sa iba? 25. Paano naiimpluwensiya ang relasyon ng naglilingkod sa kaniyang pinaglilingkuran? o. Lumilikha ito ng pakakaisa. p. Nagbubunga ito ng pag-unawa sa iba. 26. Si Amy ay araw-araw nagdadala ng dagdag na baon upang ibigay sa kaklaseng walang pambili ng pagkain. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Amy? 27. Maysakit ang inyong kapitbahay, wala man lamang tumulong ditong kamag-anak. Ano ang iyong gagawin? 28. Binaha ang inyong lugar noong bagyong Kristine at sa awa ng Panginoon ay may mabuting loob na nag-alok na patuluyin kayo sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa sitwasyon? 29. Ano ang pangunahing layunin ng paglilingkod na nag-uugat sa pananampalataya sa Diyos? 30. Kung ating isasabuhay ang pagiging wais at responsable sa paggamit ng tubig, anong pagpapahalaga ang ating malilinang? q. Pagiging magalang. c. Pagiging masinop. r. Pagiging marespeto. d. Pagiging matipid. 31. Ang mga sumusunod na kilos ay paraan ng pagpapakita ng maayos na paggamit ng tubig maliban sa? a. Pagkontrol ng temperatura. b. Ayusin ang tumutulong gripo. c. Gamitin ng tama ang dual-flush toilet. d. Bawasan ang paggamit ng tubig sa hardin. 32. Ano ang mangyayari kung ginamit ng maayos ang enerhiya? s. Madaragdagan ang emisyon ng greenhouse gases. t. Tataas ang pangangailangan sa paggamit ng fossil fuels. u. Bababa ang gastos sa kabahayan at sa buong ekonomiya. v. Tataas ang pangangailangan para sa importasyon ng enerhiya. 33. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay wastong kilos sa pagtitipid ng enerhiya maliban sa? w. Sinindihan ni Marie ang kanilang bentilador imbis na ang air-conditioner sa kanilang kuwarto. x. Siniguro ni Jessa na nakapatay ang *switch* ng mga *appliances* sa bahay bago siya pumasok ng trabaho. y. Si Jeana ay naglalaba gamit ang sobrang tubig sa dami ng nilalabhan at sinisiguro na matapos ang mga labahan araw-araw. z. Pinalitan ni Mang Lucas ang kanilang ilaw sa sala mula sa lumang incandescent bulbs papunta sa compact fluorescent lamps (CFL) o light emitting diode (LED). 34. Ang mga sumusunod na hakbang ay tamang paggamit ng tubig at enerhiya katuwang ang kapuwa MALIBAN sa? a. Pakikipagtulungan at Pakikilahok b. Responsibilidad at Pangangalaga c. Pakikibahagi sa Kabuoang Layunin d. Kawalan ng Edukasyon at Kamalayan 35. Anong pagpapahalaga ang malilinang kung isasabuhay ang maayos na pagdedesisyon at kilos nang maingat at may kabatiran o malawak na pag-unawa sa isang sitwayson o isyu. e. Pagiging maruga. c. Pagiging mapagkumbaba. f. Maingat na paghuhusga. d. Pagiging mapagmalasakit. 36. Ang papel ng kababaihan sa kasaysayan ng Pilipinas, na sina Gabriela Silang at Teresa Magbanua ay nagpapakita ng kanilang malaking kontribusyon sa lipunan at pagtataguyod ng pakikipagkapuwa. Alin aspekto ng kasaysayan ng Pilipinas na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa pakikipagkapuwa ng mga Pilipino ang nabanggit? g. Kahirapan at Krisis c. Kababaihan sa Kasaysayan h. Kultura at Tradisyon d. Modernisasyon at Globalisasyon 37. Ang mga taunang pagdiriwang tulad ng Pista ng Bayan, Flores de Mayo, at iba pang tradisyonal na kaganapan ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaroon ng malasakit sa kapuwa. Ito ay nagbibigay-daan para sa mga Pilipino na magsama sama, magtulungan, at magtagumpay bilang isang komunidad. Alin aspekto ng kasaysayan ng Pilipinas na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa pakikipagkapuwa ng mga Pilipino ang nabanggit? i. Kahirapan at Krisis c. Kababaihan sa Kasaysayan j. Kultura at Tradisyon d. Modernisasyon at Globalisasyon 38. Ang mga karanasan ng Pilipinas sa mga natural na kalamidad, tulad ng bagyong Yolanda, ay nagbibigay-inspirasyon para sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng environmental sustainability. Alin sa mga sumusunod na situwasyon ang angkop patungkol sa impluwensiya ng kasaysayan sa pagiging mabuting Pilipino tungo sa pagharap sa mga isyu ng bayan? k. Pagpapahalaga sa Kalikasan l. Pagpapahalaga sa Kalusugan m. Pagpapahalaga sa Kaunlaran n. Pagpapahalaga sa Kalayaan at Demokrasya 39. Ang mga pangyayari sa kasaysayan, tulad ng pandemya ng COVID-19, ay nagpapakita kung gaano kahalaga ang kalusugan. Ang mga karanasan na ito ay nagiging inspirasyon para sa mga Pilipino na itaguyod ang pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng pagsusulong ng mas mahusay na healthcare system at access sa mga serbisyong pangkalusugan. Alin sa mga sumusunod na situwasyon ang angkop patungkol sa impluwensiya ng kasaysayan sa pagiging mabuting Pilipino tungo sa pagharap sa mga isyu ng bayan? o. Pagpapahalaga sa Kalikasan p. Pagpapahalaga sa Kalusugan q. Pagpapahalaga sa Kaunlaran r. Pagpapahalaga sa Kalayaan at Demokrasya 40. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng bolunterismo?

Use Quizgecko on...
Browser
Browser