REVIEWER_GNED11 PDF
Document Details

Uploaded by AuthoritativeAcropolis
Cavite State University
Tags
Summary
This document is a reviewer for GNED 11, covering topics of Filipino history and politics including corruption and the roles of heroes in the past.
Full Transcript
GNED 11 **Napapanahong Isyung** **Lokal at Nasyonal (Unang** **Tatlong Bahagi)** KORAPSYON ∙ Ang **korapsyon** (corruption) o pangungurakot ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. ∙ Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampulitika ng korapsyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal...
GNED 11 **Napapanahong Isyung** **Lokal at Nasyonal (Unang** **Tatlong Bahagi)** KORAPSYON ∙ Ang **korapsyon** (corruption) o pangungurakot ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. ∙ Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampulitika ng korapsyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasa sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan. ∙ Katiwalian sa anumang transaksyon na gumagamit ng salapi ng bayan para sa personal na kapakinabangan. **Mga Porma ng Korapsyon**: 1\. Pandarambong (plunder) 2\. Overpriced projects 3\. Undone projects 4\. **Malversation** -- paggamit ng pondo ng gobyerno sa alinmang bagay na hindi awtorisado o hindi pinaglaanan ng pondo 5\. Paggasta para sa pagbili ng substandard materials 6\. Pagbubukas ng pera ng gobyerno sa pamamagitan ng pekeng proyekto. 7\. Pagtanggap ng anumang anyo ng suhol mula sa indibidwal o korporasyon. **Mga Ugat ng Korapsyon** Panahon ng mga Espanyol Datu Rajah Maharlika (ang mga naging cabeza de barangay)- tagapangulo ng buwis Ang mga Español na gobernador heneral na tiwali Ang pagkakaroon din ng sistemang padrino o backer ay nagbunga ng katiwalian Sa panahon ng mga Amerikano Hindi nagtagumpay ang reporma sa lupa Napanatili ng iilang pamilyang ito ang kontrol sa malalaking lote ng lupa at kayamanan Napanatili rin ang kontrol sa kapangyarihang politikal Sila ang may kakayahang mag-aral sa kolehiyo Sila lamang ang may karapatang maghalal at mahalal Monopolyo ng iilang dinastiyang politikal sa kapangyarihan at ang kawalan ng partisipasyon ng mga ordinaryong mga mamamayan sa prosesong political. Bakit nagkaroon ng korapsyon? Pansariling interes at pangangailangang pinansyal Dahil hindi sila natatakot mahuli dahil sila ay may kapangyarihan at maari nilang takutin kung sino man ang magsusuplong sakanila. Ang **korapsyon** ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. **Mga Epekto ng Korapsyon** 1\. Kawalan ng oportunidad ng mga ordinaryong mamamayan na magkaroon ng espasyo sa iba't ibang sangay ng pamahalaan Kontrolado pa rin ng mga dinastiyang elite ang Kongreso dahil mayorya (majority) sa mga kongresista ay mula sa mga mayayamang dinastiya 2\. Pagliit ng pondo na maaaring magamit ng pamahalaan para sa serbisyong panlipunan Pabahay Edukasyon Transportasyon 3\. Nawawala ang tiwala ng mga tao sa kinauukulan o itaas. 4\. Paglala ng kahirapan sa bansa. Mga Solusyon sa Korapsyon 1\. Pagsasagawa ng mga repormang politikal gaya ng pagsasabatas ng konstitusyunal na probisyon na nagbabawal sa mga dinastiyang politikal at mga batas na magpapatibay sa representasyon ng mga grupong marginalized (sistemang party-list) ay dapat isagawa. 2\. Ang pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan na lumahok sa politika, gaya ng party list ay epektibong paraan din ng pagpapahina sa mga dinastiyang politikal. 3\. Pagsasagawa ng mga voter's education forum sa panahon at pagkatapos ng eleksyon 4\. Makakapagpalakas sa partisipasyon ng mga mamamayan sa politika at makapagpapahina naman sa kapangyarihan ng mga dinastiya. **KONSEPTO NG BAYANI** Kahit walang batas ng nagpapahayag kung paano nagiging bayani ang isang Pilipino, mayroong iilang pamantayan na tumutukoy sa kwalipikasyon ng isang makasaysayang tao upang hirangin siya bilang bayani ng Pilipinas. Noong Nobyembre 15, 1995, pinili ng teknikal na komite ng National Heroes Commission ang siyam na makasaysayang Pilipino bilang pambansang bayani ng Pilipinas. **1. Dr. Jose Rizal** Pambansang bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. **2. Andres Bonifacio** Isang Pilipinong Rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga anak ng bayan (KKK) o Katipunan. **3. Apolinario Mabini** Kilala bilang dakilang paralitiko at utak ng rebolusyon. Isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay suporta sa kilusang pang-reporma. **4. Emilio Aguinaldo** Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898) at pagkatapos ay sa digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901). **5. Gabriela Silang** Ang matapang na asawa ng lider ng ilokanong manghihimagsik na si Diego Silang. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa himagsikan laban sa kastila. **6. Juan Luna** Isang Pilipinong Pintor at bayani. Kilala siya para kanyang larawang Spoliarium. **7. Marcelo H. Del Pilar** Propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino. **8. Melchora Aquino** Kilala bilang ina ng Katipunan, ina ng himagsikan, at ina ng Balintawak para sa kanyang mga kontribusyon. **9. Sultan Kudarat** Sa panahon ng kanyang paghahari, matagumpay niyang nilabanan ang mga pagsalakay ng Espanyol at hinadlangan ang pagkalat ng katolisismo ng Roma sa Isla ng Mindanao. Kalagayan ng Serbisyong Pabahay, Pangkalusugan, Transportasyon, Edukasyon atbp. Programang Pabahay Ang programang libreng pabahay ay pinangungunahan ng National Housing Authority (NHA). Ang organisasyong NHA ay nasa ilalim ng Department of Human Settlements and Urban Development. Sa panahong ito, kabilang sa mga pagsubok na kinakaharap ng gobyerno ang pagdami ng pamilyang Pilipino na walang sariling tirahan. Sa kabila ng \"mababang\" budget ng ahensiya ay patuloy umano na tinutugunan ng NHA ang mandato nito na nakasaad sa Presidential Decree 757 at RA 7279. Pangunahing ginagawa ng ahensiya ang pagbibigay ng pabahay sa mga informal settlers o mga pamilyang umokupa sa mga lugar kung saan wala silang katibayan ng pagmamay-ari. Pamilyang matatagpuan ang mga bahay sa delikadong lugar tulad ng creek at waterways. May pabahay rin para sa lowest 30% ng income earners o kumikita ng P10,000 pababa. May nakalaan din ang NHA para sa mga pamilyang matatamaan ng mga ipapatayong proyekto ng gobyerno. **Programang Pangkalusugan** Nasa likod ng pag-unlad na ito sa kalusugan and Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng sari-saring programang pangkalusugan na inilulonsad taon-taon. Nangunguna ito sa paggawa sa pampublikong pagamutan, ospital at pagbibigay ng mga medical mission at seguro sa pasyenteng maralita. Sa pamamagitan ng seguro o insurance, nagkakaroon ng panustos sa mga gastusin sa ospital ang mga pasyente. Ipinamamahagi ng pamahalaan sa lahat ng mamamayan sa bansa ang libreng seguro sa pamamagitan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). **Isyu sa Serbisyong Pangkalusugan** Ilan pa sa mga suliranin ay ang mga sumusunod: Kakulangan ng mga eksperto tulad ng doctor at nurse sa pampubliko at pribadong health center/ospital. Pinagsasamantalahan ang proseso at sistema ng ilang nasa katungkulan. Mababang pasweldo sa doctor at nurse. Limitadong serbisyo lamang ang kayang ibigay sa mamamayan. Programang Pang-Edukasyon Pinamamahalaan ng Department of Education (DepEd) at Commission of Higher Education (CHED) ang Sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Umunlad ang larangan ng edukasyon dahil sa programang tinatawag na K to 12 Kurikulum. Sa ilalim nito, ang lahat ng mag aaral ay magkakaroon ng mga larangan o track na nais nilang kunin pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Ang elementarya sa ilalim ng K to 12 ay nagsisimula sa Grade 1 at nagtatapos sa Grade 6. Samantalang ang sekondarya naman ay nagsisimula sa Grade 7 at nagtatapos sa Grade 12, matapos nito ay maaaring ituloy ng estudyante ang pag-aaral sa kolehiyo. Bukod sa kurikulum, magpapagawa ang pamahalaan ng mga dagdag na pampublikong paaralan at aklatan. Kasama na rin sa pagpapaunlad ng mga paaralan at kurikulum ang pamamahagi ng mga iskolarsyip o tulong para sa mga mahuhusay na mag-aaral. Programang Pangtransportasyon Pinamamahalaan ito ng Department of Transportation. Ang mga dyipni ay pinakatampok na anyo ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas, at naging simbolo ang mga ito ng kultura ng bansa. May ilang mahahalagang programang pangtransportasyon at pangimprastraktura na kasalukuyang pinauunlad ng pamahalaan tulad ng pagsasaayos ng mga kalsada, pagpapalit ng mga bagong tren, pagbubuo ng mga daluyang tubig at marami pang iba. Nangunguna ngayon sa mga proyektong isinasagawa sa buong bansa ay ang pagtatayo ng mga sumusunod: sistemang roll-on/roll-o (RORO) sa mga pangunahing pantalan, ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) at ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA 3). **Iba pang Programa at Serbisyo** Maraming programa at serbisyo ang pamahalaan para sa mga mamamayan ng bansa na nakabubuti para sa pag-unlad ng pamumuhay ng lahat. Sa larangan ng agrikultura, nagpapamahagi ng mga bagong binhi ang pamahalaan sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) sa magsasakang nais magpatubo ng mga masusustansyang pananim. Pinauunlad ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Energy (DOE) ang mga pangangailangang pang-enerhiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga planta ng kuryente tulad ng mga geothermal powerplant, dam, wind farm at iba pa. **MGA TIYAK NA** **SITWASYONG** **PANGKOMUNIKASYON** **Komunikasyon:** Ang pakikipag-ugnayang ito ay tinatawag na komunikasyon.Ang komunikasyon sa pinakasimpleng pagtingin at katulad ng nabanggit sa nakalipas na kabanta ay tumutukoy sa pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng mga tao. Sa proseso ng pagpapadala ng mga mensahe ay tinitiyak ang malinaw at sapat na mga senyas at simbolong ginagamit upang maunawaang mabuti ang kahulugan ng mensahe. Gayun din, ang pinakaakmang paraan o daloy ng komunikasyon ay tinutukoy upang maiwasan ang miskomunikasyon at matupad ang layunin ng nasabing mensahe. Dito ay magiging tuloy-tuloy ang palitan hanggang sa maisakatuparan ang hangarin ng komunikasyon. Kahalagahan ng Komunikasyon: 1\. Ang komunikasyon ay humuhubog sa ating pananaw at sa ating identitad Madalas nahuhubog ang ating pananaw sa pamamagitan ng ating mga kinagisnan at pinagtitibay ito ng ating mga karanasan. 2\. Ang komunikasyon ay nag-uudyok sa pagsisimula at pagpapatuloy ng mga panlipunang ugnayan Ang kalayaang magpahayag na ginagarantya ng ating Konstitusyon, bagaman nasusupil ito sa ibang pagkakataon tulad ng nangyayari sa midya, trabaho at mga komunidad, ay nagbibigay pagkakataon sa atin upang magsagawa ng mga ungayan sa iba pang grupo, ahensya o pamahalaan. 3\. Ang komunikasyon ay behikulo ng pagpapalaganap ng kritikal na impormasyon at kaalamango kultural Makikita sa maraming pagkakataon na ang komunikasyon ay paraan upang ang mga mahahalaga at kritikal na impormasyon ay maiparating sa mamamaya 4\. Ang komunikasyon ay nagpapatibay sa isang kolektibong hangarin ng mamamayan Kung walang komunikasyon, malabo ang konsepto ng pagkakaisa. Ang komunikasyon bilang isang prosesong nasasangkot sa iba ay isang paraan din para pagtibayin ang mga kolektibong tunguhin ng mga kasangkot dito. **Sitwasyong Pangkomunikasyon**: **1. Lektyur at Seminar** Halos walang pinag-iba ang lektyur at seminar. Sa maraming pagkakataon, ang lektyur ay ang panayam ng isang taong eksperto sa larangang kaniyang tinatalakay at ibinabahagi ito sa harao ng isang particular ng awdyens. Ang **seminar** sa kabilang banda ay katulad din ng lektyur, subalit mas nakatuon ito sa isang paksang pampropesyonal o teknikal. Maraming mga seminar and idinaraaos sa labas ng akademya upang bigyang kaalaman ang mga propesyonal at mga manggagawa dahil pareho ang pamamaraan ng pagsasagawa ng lektyur at seminar, maaaring tingnan na lamang ang pagkakaiba nito at tunguhin. Ang **lektyur** ay mas akademiko ang tunguhin at ang seminar naman ay mas pag-unlad na teknikal at propesyonal. **2. Worksyap (Workshop)** Ito ay tumutukoy sa isang pantas-aral, pangkat ng talakayan, o iba pa, na nagbibigay-diin sa pagpapalitan ng mga ideya at pagpapakita at paggamit ng mga diskarte, kasanayan, atbp. **3. Forum, Symposium, at Kumperensya** ** Forum** Ito ay lugar kung saan maaaring pag-usapan at talakayin nang masinsinan ang isang paksa o isyu. ** Symposium** Ang symposium ay unang isinagawa ng mga Griyego bilang isang pilosopikal na huntahan at karaniwang may paksang pag-ibig at kagandahan. ** Kumperensya** Kung tutuusin ay halos walang ipinag-iba ang isang kumperensya sa isang simposyum. Ito ay isang pagpupulong-pulong upang talakayin ang ang mga ideya o suliraning kaugnay sa isa o iba't-ibang paksa na karaniwang may iisang tema. Ito ay isang regular na pagpupulong para sa isang talakayan at karaniwang isinasagawa ng mga asosasyon o organisasyon na kadalasang tumatagal ng ilang araw. **Ilang maaaring layunin ng Kumperensya:** a\. Upang ipakita ang pananaliksik sa isang akademikong madla b\. Upang makita ang estado ng sining pananaliksik sa loob ng iyong larangan **4. Round Table and Small** **Group Discussion** Ang round table at small group discussion ay Ang talakayan sa isang maliit na pangkat na kung saan ang bawat isa ay nakikibahagi. Ang talakaying nagaganap dito ay patungkol sa akademikong diskasyon, pang-komunidad na diskasyon, pang-negosyo at maging sa mga organisasyon. Ito ay pribado na nagtataglay lamang ng konting miyembro na magtatalakay sa naturang paksa. Ang bawat isa ay may pantay na karapatan upang makibahagi sa diskasyon. Ito rin ay kasalukuyang ginagamit sa panahon ngayon. Ang pangkalahatang layunin nito ay ang magkaroon ng pribadong diskasyon at pananaliksik. **Gabay sa Pagsulat ng** **Maikling Pananaliksik o** **Pamanahong Papel** **Pananaliksik** Ang **pananaliksik** ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan. Ang **pananaliksik** ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali. **Layunin ng Pananaliksik** Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nila Good at Scates (1972). The purpose of research is to serve man and the goal is the good life. Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagtala ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomina. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto. Matuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements. Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman. **Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik** 1\. Ang pananaliksik ay sistematiko 2\. Ang pananaliksik ay kontrolado 3\. Ang pananaliksik ay empirikal 4\. Ang pananaliksik ay mapunuri 5\. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwatiteytib o istatistikal na metodo 6\. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda 7\. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskribsyon 8\. Ang pananliksik ay matiyaga at hindi minamadali 9\. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan 10\. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang 11\. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat **Pagpili ng Paksa** "Mabuting pananaliksik ay nagsisimula sa mahusay na paksa. Piliin mo itong mabuti para sa matagumpay na pagsasagawa" ** Paksa** Ito ang ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik na kailangan ang masusing pag-unawa at mga kaugnay na gawaing ibibigay ng isang guro. Ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang magpasiya sa paksang susulatin: 1\. Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng ukol dito? 2\. Angkop, makabuluhan, at napapanahaon ba ang paksang ito? Magiging kapakipakinabang ba ang magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikular sa mga kaklase ko? 3\. Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado? 4\. Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin? 5\. Marami kayang Sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ko? Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa 1\. Alamin ang interes. Tukuyin kung anong paksa ang tumatawag sa iyong pansin. Paksang marami ka nang nalalaman Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman Paksang napapanahon 2\. Mahalagang maging bago o naiiba at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo. 3\. May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon 4\. Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan. **Mga Bahagi ng Pananaliksik:** Kabanata 1: Suliranin ng Kapaligiran Nito Ito ang panimulang bahagi na nagtataglay ng kaalaman tungkol sa kung ano ang suliranin na maaring isang katanggap-tanggap na kadahilanan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik. Nagbibigay ito ng pasa at ang pagpapaliwanag ukol sa pag-aaral ng paksa at ang kalawakan nito na kung saan tinatalakay ang mga sitwasyon o pangyayari na nagpapakita ng pangangailangan ng pananaliksik. **A. Rasyonal** Ang pinanggalingan ng palagay o kaisipan at ang kadahilanan kung bakit napili ang paksa ay natatalakay sa bahaging ito. **B. Layunin** Ang paksa o ibig na matamo sa pananaliksik ng napiling paksa ay tinutukoy sa bahaging ito. **C. Kahalagahan ng Pananaliksik** Ang bahaging ito ay naglalahad ng kung sino ang maaaring makinabang sa pananaliksik at kung papaano sila makikinabang dito. **D. Batayang Konseptwa** Ang batayang konseptwal ay tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng mananaliksik ayon sa kanyang isinasagawang pag-aaral. **E. Batayang Teoretikal** Ang batayang teoretikal naman ay naglalahad ng mga kadahilanan kung bakit kinakailangang humanap pa ng mga panibagong datos ang mananaliksik na kanya namang susuriin, ipaliliwanag at lalagumin. **F. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral** Ang bahaging ito ay tumatalakay sa delimitasyon ng pag-aaral na kung saan ipinaliliwanag ang problema ng pananaliksik, ang lugar na pinagganapan, ang mga nakilahok at ang instrumentong ginamit sa pananaliksik. **G. Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita** Ang huling bahagi ng unang kabanata ay ang paglalahad ng key terms na ginamit sa pag-aaral. **Kabanata 2: Mga Kaugnay na Literatura sa** **Pag-aaral** **A. Kaugnay na Literatura** Matutunghayan sa bahaging ito ang mga nakalap nareferensyang may kaugnayan sa ginagawang pag-aaral. **B. Kaugnay na Pag-aaral** Ito ay kinapapalooban ng mga ideyang hinango sa mga tesis at disertasyon. Sa bawat pahayag na kinuha, isinusulat ang apelyido ng mananaliksik at ang taon ng pagkakagawa ng pag-aaral. Kabanata 3: Metodo at Pamamaraan **Ang metodo** ay ang ikatlong bahagi ng isang formal na pananaliksik o tesis. Saklaw nito ang mga sumusunod: lugar ng pag-aaral, disenyo ng pananaliksik, teknik sa pamimili ng populasyon o ng mga representante ng populasyon, kalahok sa pag-aaral, mga instrumento sa pananaliksik, kagamitan sa pananaliksik, hakbang sa paglikom ng datos, statistical tools, at presentasyon at pagsusuri ng mga datos. **1. Disenyo Ng Pananaliksik** Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit na disenyo ng pananaliksik. Kadalasan desciptivanalitik dahil di ito ang para sa mga baguhang mananaliksik dahil di ito nangangailangan ng paggamit ng masalimuot na gamit ng istalistik. Maaring suriin lamang lamang ito ng mga datos o informasyon na nakalap bunga ng isinagawang sarvey. **2. Respondente/Respondyante** Dito inalalahad ang eksaktong bilang ng mga sumagot sa inihandang kwesyonersarvey. Inihahayag dito ang maikling profyl ng mga respondente gayundin at paano sila pinili. **3. Instrumento Ng Pananaliksik** Dito makikita ang ginamit na mga kwestyuneyr sa pagkalap ng mga informasyon o datos na gagamitin ang deskriptiv- analitik. Ang instrumento sa pananaliksik ay maaaring sarvey kwestyuneyr intervyu o panayam. **4. Tritment Ng Mga Datos** Inilalahad dito ang simpleng statistik na magagamit matapos maitala ang mga naging sagot sa sarvey- kwestyuneyr sa bawat respondente. Sa deskriptivanalitik maaari ng gamitin ang pagpoporsyento/bahagdan matapos mai-tally ang numerikal datos ng mga kwestyuneyr. Dito na magsisimulang suriin ang kinalabasan ng pagpoporsyento/ pagbabahagdan. **5. Panongolekta Ng Datos** Maraming paraan ang magagawa upang makapangolekta ng mga datos na lubhang kailangan sa ginagawang pananaliksik. Kabanata 4: Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos Ang **pagsusuri ng mga datos** ay kailangan kung ang pag-aaral ay nangangailangan ng istatistika. Dapat ipaliwanag ng risertser kung paano susuriin o sinuri ang mga datos, halimbawa kung may haypotesis na patutunayan o kaugnayan sa dapat madetermina. ** Kwaliteytiv man o kwantiteytiv** ang ginawang pananaliksik may pagsusuri at interpretasyon nagaganap sa resulta ng pag-aaral. Higit namang kailangan ang interpretasyon sa resulta ng istatistiks bilang pagpapatunay sa hipotesis na ginawa sa pag-aaral. Kabanata 5: Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon **A. Lagom** binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik. **B. Kongklusyon** ang mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik. **C. Rekomendasyon** Ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik Narito ang ilang patnubay na maaaring gamitin sa paglalahad ng mga resulta ayon kay Dy: Ipakita ang mga resulta ng pananaliksik sa maayos at mauunawaang pagkakasunud-sunod. Ibase ang iyong pahlalahad sa mga layunin. Huwag alisin ang mga negatibong resulta na importante. Ihambing ang mga resulta sa mga dating pag-aaral.