PDF Pasyon: Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo
Document Details

Uploaded by CheerfulGold
Gaspar Aquino de Belen
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay tungkol sa panitikan noong panahon ng mga Katutubo, partikular ang 'Pasyon' at iba pang akdang panrelihiyon na isinulat ni Gaspar Aquino de Belen. Inilalarawan din dito ang impluwensiya ng mga Kastila sa panitikan ng Pilipinas.
Full Transcript
Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Ano ang magiging/naging papel ng panitikan sa pananakop ng mga kastila? 1. Magsisilbi itong instrumento o kagamitan para tuluyang kontrolin ang pag-iisip at paniniwala ng ating mga katutubo. 2. Gagamitin ito bilang medium sa pagpapakalat at pagtuturo ng kristiy...
Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Ano ang magiging/naging papel ng panitikan sa pananakop ng mga kastila? 1. Magsisilbi itong instrumento o kagamitan para tuluyang kontrolin ang pag-iisip at paniniwala ng ating mga katutubo. 2. Gagamitin ito bilang medium sa pagpapakalat at pagtuturo ng kristiyanismo sa kapuluan. ————————— Pasyon at iba pang akdang panrelihiyon - Tulang pasalaysay na naglalahad ng buhay at paghihirap ni Kristo. - Mga tula/awit na ginagamit sa simbahan Mga akdang pangkagandahang-asal - Kuwentong nagtuturo ng kagandahang asal na karaninwang matatagpuan sa bibliya tulad ng parabula at iba pa Dula - Mga akdang tinatanghal na nakasentro pa rin sa kagalingan at kahusayan ng mga kastila at ng kristiyanismo tulad ng Moro-Moro Awit/Korido - Mga mala-epikong romantikong tula na nakatuon sa kabayanihan na nakasentro pa rin sa halagahan ng kristiyanismo PASYON “Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola." - Sinulat ni Gaspar Aquino de Belen (1704) - Si Gaspar Aquino de Belen ay isang makata at tagasalin. - Ito ay pagsasalaysay niya ng buhay at paghihirap ni Hesus sa kanyang perspektib bilang makata at tagasalin. “Pasyong Mahal ng Panginoong Hesukristo,” - Sinulat ni Padre Mariano Pilapil (1814) - Si Padre Mariano Pilapil ay isang Bulakeñong Pari. - Ito ay pagsasalaysay niya ng buhay at paghihirap ni Hesus sa kanyang perspektib pari o bahagi ng simbahang katoliko. PASYON BILANG TULA/AWIT Magkasinghalaga ang tula at tono ng pagkanta o pag-chant. Katulad ng pasyon ang mga epiko at awiting-bayan. Nakasunod na sa umiiral na pamantayan ng mga dayuhan Maraming baryasyon ang tono ng pasyon. Ang pinakamatanda sa kilalang tono ay tulad ng sa tagulaylay, na pinaniniwalaan nagmula pa sa pre-kolonyal na panahon - na ginagamit na awit sa patay. Mayroon itong limang taludtod sa bawat saknong at may sukat na wawaluhin. Paano dapat basahin/pakinggan ang pasyon? - Bilang pagsasanib ng kulturang katutubo sa kulturang nabuo sa mga katutubo sa panahon ng pananakop - Paglalapat ng katutubong panitikan sa konteksto at/o pangangailangan sa panahon ng pananakop - Panitikang katutubo sa panahon ng pananakop ng mga kastila ——————————- Kasaysayan ng Pasyong Mahal ni Hesukristong Panginoon Natin — Mariano Pilapil I. Panalangin [Pagpapakumbaba] II. Paglalang | Genesis [Ipinakilala ang orihinal na kasalanan] III. Pagkapanganak kay Birhen Maria [kung bakit si Maria ang pinili] IV. Aral [Kailangang gayahin ang mga kristiyano at sina Maria at Jose] V. Buhay ni Hesus [Tinadhana sa kadakilaan si Hesus] VI. Aral [Kailangang tularan si Hesus bilang anak] VII. Paghihirap ni Hesus [Himala at sakripisyo ni Hesus] VIII. Aral [Bahagi ng buhay ang paghihirap] IX. Pag-akyat sa langit ni Mariang Birhen [Pagmamahal ng ina at Pangako ng paraiso] X. Aral [Magpakabuti at tularan si Hesus] ————— Oh Diyos sa kalangitan Hari ng sangkalupaan Diyos na walang kapantay, mabait lubhang maalam at puno ng karunungan. Ikaw ang Amang tibobos ng nangungulilang lubos amang di matapus-tapos, maawi't mapagkupkop sa taong lupa't alabok. Iyong itulot sa amin Diyos Amang maawain mangyaring aming dalitin, hirap, sakit at hilahil ng Anak mong ginigiliw. Tuon ng Panalaning na ito ang pagiging magpagkumbaba at paghingi ng gabay na maikuwento ang pinakamalapit sa katotohanan ng pinagdaanan at paghihirap ni Hesus. —————— Ang lupa't sampu ng langit hangin at ang himpapawid hayop, isdang nasa tubig, taong hamak na bulisik may karamdaman at bait. Ano pa't ang balang bagay na di nating natitignan dapat sampalatayanan, na ang isang Diyos lamang ang may gawa at may lalang. Dili iba't at siya nga lubos na may manukala ng gawang hindi mahaka, kusa niyang inadhika sa taong hamak na lupa. Kaya ngayon at ang dapat tayo'y maniwala't sukat sa Santisima Trinidad, tatlo sa pagka-Personas iisang Diyos na wagas. Ipinapakilala sa Genesis kung paano tayo nagkaroon ng kasalanan. Ito ay ang pagkain nina Eba at Adan sa pinagbabawal na prutas. Tinatawag ito bilang orihinal na kasalanan. Mula sa kasalanan na ito kailangang tubusin ni Hesus. ———————- Yaong Mariang pamagat bituing sakdal ng dilag ay siyang nagliwanag, sa tanang nagsisiliyag sa kalautan ng dagat. Siya rin at dili iba yaong Birheng Preservada sa orihinal na sala, mana nga nating lahat na sa kay Adan at kay Eba. Nang sumipot na't lumabas itong bituin sa dagat Mariang sakdal nang palad, tuwang hindi hamak-hamak ng Santisima Trinidad. Binabanggit dito kung paano napanatiling dalisay si Maria at kung bakit siya ang pinili ng Diyos para maging ina ni Hesus. ———————————— Kristiano ang katampatan sila nga'y ating tularan sa kagandahan ng asal, at loob na malulumay sa kanilang pamamahay. Siyang tularan tuwi na ng sino mang mag-asawa kung mahusay na magsama, ang bawa't mahal na grasia di lalayo sa kanila. Kaya ikaw man ay sino may asawa ka mang tao, ang asal mo ay magbago, nang kamtan mo at matamo ang tuwa sa Paraiso. At ngayon ay matuwa na pawiin ang madlang dusa, magkakatawang-tao na, ang kalawang Persona ng Trinidad Santisima. Sa bahaging ito, ibabahagi ni Father Mariano Pilapil na kailangan nating gayahin ang mga kristiyano, si Maria, at si Jose para makarating sa paraiso. —————————- Habang daa'y nagaawit ang tanang mga angheles nagpupuring walang patid, dito sa Poong marikit Hari ng lupa at langit. Ang kahoy na maraanan nitong mag-Inang timtiman yumuyuko't gumagalang, laki nang pamamagitan dito sa Poong Maykapal. Anopa nga't di mahaka dili masayod ng dila ang mga gawang himala, nitong Diyos na dakila sa buong Egiptong lupa. Nang sila ay dumating na sa isang bayang masaya balang taong makakita, kay Hesus at kay Maria natutuwang parapara. Ipinapakita sa bahaging ito kung paano nakatadhana si Hesus sa kadakilaan at kung paano ito naiplano na ng Diyos. —————————- Saka ikaw na suwail walang munti mang pagtingin sa ama't inang nag-angkin kung utusan ka marahil, dumadabog, umaangil. Ang wika ay iisa pa ng iyong ama at ina ang tugon mo'y sanglibo na, paglaban mo ring talaga at pag-suway sa kanila. Kung di mo nga iibahin, ang iyong pagkasuwail ay hindi ka katotohin, bagkus ka pang iiringin ng Diyos na Poon natin. Kaya ngayon ay ang dapat, kay Hesus tumulad ng pagsunod na maluwag, sa ano mang ipag-atas na ama't inang nag-ingat. Ang magiging konklusyon at repleksyon ni Father Mariano Pilapil sa bahaging ito ay kailangan nating tularan si Hesus bilang isang anak. —————————— Sumukal na nga ang dibdib at sila’y pawang nagalit, dito na nga pinag-isip, ang paghuli at pagdakip, dito sa Poong marikit. Kaya nga taong binyagan kung sino ka at ano man, ang iyong napapakinggan pag-isipan mong mahusay sa loob mo’t gunamgunamin. Matunaw na nga’t madurog ang tigas ng iyong loob gunitain mong tibobos ang mga hirap ni Hesus nang sa iyo ay pagsakop. At maawa kang totoo sa iyong kapuwa tao tuloy namang isipin mo yaong ginawa ni Kristo sa araw ng Lunes Santo. Ipinapakita sa bahaging ito ang lahat ng himala at paghihirap ni Hesus. ————————- Kung gayon ang iyong tika tantong nagkakamali ka, ang mababa ay maganda siyang ikagi-ginhawa may puri at may buhay pa. At ano ang gayang damdam sa taong mapagmatapang dili ang kahahangganan, pawang hirap, kasakitan, ang munsing kung makaraan. Pagpapahirap at sakit hiya’t sising di mumuntik at panganib nang panganib lalu kung sala’y malupit ang lahat ay umi-iit. At huwag kang maglililo sa iyong kapuwa tao para ng hayop sa damo, ngayon sa oras na ito Ang naging konklusyon at repleksyon ni Father Mariano Pilapil sa bahaging ito ay kung paanong bahagi ng ating buhay ang mga pagsubok at sakripisyo. ——————————- Mabalino ka’t mahabag ng pagdaing ko’t pagtawag yamang kita’y siyang Anak, tingni ang Inang may hirap lumuluha’t umiiyak. Bunso ko’y iyong kuha yaring aking kaluluwa yamang mahabang araw na, na hindi ka nakikita tuwa ko kung kaharap ka. Marami pa at makapal ang daing ng Inang Mahal ay nanaog na kapagkuwan, isang Anghel na marangal siya ay pinangusapan. Anang Anghel na maganda aba Ginoong Maria ako po’y sugong talaga, ng Anak mong sinisinta ito ang pabilin niya: Ipinakita sa bahaging ito ang pagmamahal ni Maria sa kanyang anak pati na rin ang katuparan ng pangako ng paraiso. ————————— Oh mga Kristianong tanan na mapagbantog na aral mag-isip ka na’t magnilay, loob nating salawahan sa gawang di katuwiran. Talikdan na ngang totoo ang mga banal sa mundo tumulad kay Hesukristo, nang tayo’y huwag mabuyo sa aral ng mga lilo. Ang ating mga katawan di sasala’t mamamatay gayon din ang dilang bagay, ginto’t pilak kayamanan ang lahat ay matutunaw. Ano at di pa magbawa mga gawa mong lahat na? bakit di ka mabalisa, loob na napalamara sa gawang pagkakasala? Ano at di pa malumbay tayo at di kilabutan kung ang lalong mga banal nanginginig ang katawan kung ito’y magunam-gunam? Ang naging kongklusyon at repleksyon ni Father Mariano Pilapil sa bahaging ito ay kung paano natin dapat tularan si Hesus bilang mga kristiyano. ———————————— PAGSASANAY Kaninong bersyon ang pinakamatanda at pinakaunang bersyon ng Pasyon? ANG PINAKAMATANDANG AT PINAKAUNANG BERSYON NG PASYON AY KAY GASPAR AQUINO DE BELEN (1704)