Document Details

CarefreeLyre

Uploaded by CarefreeLyre

City of Mandaluyong Science High School

Tags

Tagalog academic skills expository texts education

Summary

This document contains information on academic skills and expository texts in Tagalog, suitable for a secondary school lesson or exam preparation. It includes questions, sample texts, and instructions.

Full Transcript

KUWARTER 2 Mga Kasanayang Pang-akademiko pagtukoy sa paksa, layon at ideya, pagtatala ng mahalagang impormasyon (detalye), mekaniks sa pagsulat (diksyon, estilo at paggamit ng transisyonal at kohesiyong gramatikal), paggamit ng angkop na mga salita sa pagpapahayag...

KUWARTER 2 Mga Kasanayang Pang-akademiko pagtukoy sa paksa, layon at ideya, pagtatala ng mahalagang impormasyon (detalye), mekaniks sa pagsulat (diksyon, estilo at paggamit ng transisyonal at kohesiyong gramatikal), paggamit ng angkop na mga salita sa pagpapahayag ng ideya at pagbuo ng talata) Mga Tekstong ekspositori - memoirs, journals, personal na sanaysay, kasaysayan, heograpiya, aklat ukol sa mga hayop at halaman, tekstong pang-instruksyon, siyentipiko at medikal na teksto at ulat, legal na dokumento, impormasyonal na brochure, menu, resipe, listahan ng mga pamimili, at deskripsiyon ng nilalaman ng produkto at transkripsiyon ng talumpati) Balik-aral Gumagamit sila ng mga halamang gamot upang magsilbing lunas sa mga sakit. Isang salitang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot (karamihan ay mga kababaihan) at pinuno ng pamayanan. Isang tekstong nagbibigay ng kaalaman at nagbibigay- linaw sa mga katanungan tungkol sa isang paksa. Balik-aral Isa-isahin ang istruktura ng tekstong eskpositori Ang estruktura ng tekstong ekspositori ay ang mga pagbibigay depinisyon, pagsusunod- sunod, paghahambing at pagkokontras, problema at solusyon, at sanhi at bunga. Tumutukoy sa dahilan ng pangyayari Tawag sa resulta o epekto ng pangyayari Bangka ng Pangangayaw Bugtong-awitan: Panuto: Ibigay at ipaliwanag ang kasagutan matapos awitin ang sumusunod na bugtong. Bugtong-bayan: 1. Sa tono ng “Leron, Leron, Sinta Nakatala ay ang mga pangyayari Makikilala rin ang mga bayani Ang saysay at aral nitong nakaraan Ang siyang gabay natin sa kasalukuyan. Bugtong-bayan: 2. Sa tono ng “Atin Cu Pung Singsing” May pinaghandaan, meron ding daglian Pasalitang sambit nang maunawaan Husay sa pagbigkas ang kinakailangan Ng mga talata na may kabuluhan. Bugtong-bayan: 3. Sa tono ng “Magtanim ay Di Biro” Listahan ng rekado kapagka magluluto Sa mga beterano ito ay saulado Ngunit kung baguhan, maya’t maya tinitingnan Upang sa putahe lahat ay masarapan. Bugtong-bayan: 4. Sa tono ng “Sitsiritsit” Ang gabay sa paglalakbay Waze sa cellphone ‘pag may wifi Pag-aaral ng lokasyon Kung saan ka naroroon. Pamantayan Nilalaman (nasagot ng tama ang bugtong) – 10 puntos Kasiningan ng Pag-awit – 10 puntos Kooperasyon – 5 puntos Panghikayat na Gawain Tukoy-salita: Panuto: Tukuyin kung ano ang konseptong inilalarawan sa sumusunod na pahayag. Tukoy-salita: 1. Talaan ito ng mga mga sangkap at pamamaraan sa pagluluto ng isang putahe, kakanin o anomang lutuin. R S E Tukoy-salita: 1. Isa itong paglalahad ng aktuwal na danas ng may-akda batay sa isang historikal na pangyayari. M E R Tukoy-salita: 3. Naratibo ito tungkol sa mahahalagang pangyayari kaugnay sa isang lahi o bansa. A Y S N Tukoy-salita: 4. Isa itong maliit na magasin na nagpapakilala sa isang tao, produkto, serbisyo, paaralan, at iba pang bagay. B O U R Tukoy-salita: 5. Tawag ito sa siyentipikong publikasyon na naglalaman ng mga pananaliksik at artikulong likha ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan. J U L Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin Ang Tekstong Expositori ay mga sulating nagbibigay ng impormasyon na may kinalaman sa Agham, Kasaysayan, at Agham Panlipunan. Ang layunin nito ay magbigay ng dagdag na kaalaman sa mambabasa kaugnay sa mga bunga ng pananaliksik, pagsusuri, pagluluto o anomang mahalagang paksa. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: 1. Journal – publikasyon ito ng mga siyentipikong pananaliksik at pag- aaral na maaaring matagpuan sa onlayn o sa mga silid-aklatan. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: Ang mga peer-reviewed journal ay dumaan sa masusing pagsusuri ng mga dalubhasa bago mapahintulutang malathala. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: Kalimitang ang mga paksa ng artikulo ay may kauganayan sa kasaysayan, kultura, linggwistika, agham, matematika, at iba pa. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: Ang kabuuan ng artikulo sa journal ay mababasa sa Abstrak nito na nagpapakita ng kabuuan ng lagom ng pananaliksik. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: 2. Personal na Sanaysay – ito ay uri ng sanaysay na tumatalakay sa aktuwal na karanasan ng manunulat sa kaniyang buhay. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: Halimbawa nito ay ang “Anim na Sabado ng Beyblade” ni Ferdinand Pisigan Jarin na tumatalakay sa naging karanasan ng manunulat at ng anak niyang namatay sa kanser. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: Noong 2005 ay nagwagi ng Ikalawang Gantimpala ang sanaysay sa Don Carlos Palanca at naisalin sa English ni John Leihmar C. Toledo noong 2023 sa pamagat na “Six Saturdays of Beyblades and Other Essays” sa ilalim ng Penguin Random House SEA. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: Ilan pa sa halimbawa ng kalipunan ng mga Personal na Sanaysay ay “Connect the Dots” ni Genaro Gojo- Cruz at ang “It’s Raining Mens” ni Beverly Wico Siy. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: 3. Kasaysayan – paglalahad ito ng mga bagong konsepto o argumento hinggil sa mga impormasyong historikal. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: Ginagamit ang mga artikulo sa mga diskursong may kaugnayan sa Agham Panlipunan. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: Ilan sa mga halimbawa ay ang mga pampleto kaugnay sa Martial Law, Anti- Terror Law, at mga panukalang batas na ikinakampanya pa lamang sa publiko. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: 4. Heograpiya – nagbibigay ito ng impormasyon sa lokasyon ng isang lugar, pasyalan o parke at ng gabay kung papaano mararating ang nasabing lugar. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: Tinatalakay rin sa artikulo ang uri ng transportasyon na magagamit sakaling pupuntahan ang isang lugar pati na ang mga atraksiyon na matatagpuan dito. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: 5. Resipe – ito ang nagsisilbing talaan ng mga pamamaraan kung paano lulutuin ang isang uri ng ulam o putahe. Halimbawa ng Tekstong Ekspositori: Kasama sa listahan ang mga sangkap na kakailanganin na maaaring makatulong sa sinomang interesadong magluto. Bakit mahalaga ang Ano ang ambag ng tekstong ekspositori? iba’t ibang tekstong ekspositori sa pagpapalaganap ng impormasyon? Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Tukoy-gamit: Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap at gamitin ito sa pagbuo ng bagong pangungusap. Tukoy-gamit: 1. Ang heograpiya sa brochure ay nagtataglay ng mapa ng isang lugar. Kahulugan: _________________________ Pangungusap: ______________________ Tukoy-gamit: 2. Ang pamplet tungkol sa kasaysayan ay maaaring gamiting pagkukunan ng impormasyon. Kahulugan: _________________________ Pangungusap: ______________________ Tukoy-gamit: 3. Mababasa ang lagom ng isang artikulo sa journal sa pamamagitan ng abstrak ng pananaliksik. Kahulugan: _________________________ Pangungusap: ______________________ Tukoy-gamit: 4. Ang mahahalagang konsepto sa isang abstrak ay makikita sa mga susing salita. Kahulugan: _________________________ Pangungusap: ______________________ Tukoy-gamit: 5. Ang mga awiting Feminista ay magagamit sa pagtataguyod ng Gender Advancement and Development (GAD). Kahulugan: _________________________ Pangungusap: ______________________ Kabuluhan ng Abstrak Bilang Lagom ng Journal 1 Pag-proseso ng Pag-unawa: A. Ano ang pagkakaiba ng journal sa ibang mga sanaysay? B. Bakit itinuturing na pananaliksik ang isang journal? C. Paano nakatutulong ang pagsusuri sa abstrak sa pag-unawa sa artikulo ng isang journal? D. Bakit mahalaga ang abstrak ng isa artikulo sa journal? 1 Pinatnubayang Pagbasa Pagtatahip-Dunong: Mga Awiting Feminista na Magagamit sa Pagtuturo ng Filipino, Araling Panlipunan at Values Education Batay sa Matatag na Kurikulum Joel Costa Malabanan Tanong-tugon: Panuto: Magsaliksik sa internet upang masagot ang sumusunod. Isulat sa patlang sa loob ng kahon ang nasalikisik. 2 Tanong-tugon: Ano ang ibig sabihin ___________________ ng salitang ___________________ Feminista? Ano ang ___________________ ambag nila sa ___________________ panitikang ___________________ Pilipino? 2 Tanong-tugon: Ano ang ___________________ Pagtatahip- ___________________ ___________________ Dunong sa ___________________ larangan ng ___________________ edukasyon? 2 Tanong-tugon: Papaano ___________________ nakatutulong ang ___________________ mga Feministang ___________________ awit sa ___________________ pagtataguyod ng ___________________ GAD? 2 Dinig-suri: Panuto: Saliksikin sa YouTube ang mga awit na binanggit sa Abstrak na binasa. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. 3 Dinig-suri: 1. Ano ang mahalagang mensahe ng awiting “Sabon” ni Rica Palis sa pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan? 3 Dinig-suri: 2. Bakit mahalaga ang awiting “Jocelynang Baliwag” sa pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga Kastila? 3 Dinig-suri: 3. Alin sa mga awit ni Gloc 9 ang tumatalakay sa kalagayan ng isang babae? Ano ang mahalagang mensahe ng awit? 3 Layunin ng Pagsulat ng Tekstong Ekspositori sa GAD Ang konsepto ng Gender Advancement and Development ay napalalaganap gamit ang mga tekstong ekspositori na nagpapahayag ng mga kalagayan at karapatan ng mga kababaihan sa Pilipinas at maging sa mundo. Ang mga pananaliksik at mga akdang pampanitikan na tungkol sa kalagayan ng mga kababaihan ay nagmumulat at nanggigising sa mga tao upang lalo pang maitaguyod ang pagkakapantay- pantay ng kasarian sa ating lipunan. Nagsisilbing kampanya rin ang mga awit na tumatalakay sa pakikibaka ng mga kababaihan upang mapaunlad ang kanilang mga sarili bilang indibiduwal. Natatalakay rin ang mga pang-aabuso sa mga kababaihan at ang mga batas na nagpoprotekta sa kanilang karapatan gaya ng RA 7877 o Anti-sexual Harrassment Act, RA9995 o ang Anti- Voyeurism Act at RA 7610 o Anti-child Abuse. Awit sa Kababaihan Musika at Teksto ni Joel Costa Malabanan Inawit ni Maria Fae Fami https://soundcloud.com/user- 608094507/awitng-kababaihanmusika-at-titik-ni-joel-costa- malabanan Pagsusulit Tukoy-Konsepto: Panuto: Batay sa halimbawang nakasaad ay isulat sa patlang kung anong uri ng Tekstong Ekspositori ang sumusunod. Tukoy-Konsepto: A. Resipe B. Journal C. Personal na sanaysay D. Transkripsyon ng talumpati E. brochure Tukoy-Konsepto: _______ 1. Mga Sangkap: 3 kutsarang mantika, 1 kutsaritang bawang, 1 pirasong sibuyas, 1⁄2 kilong manok, 1⁄2 kilong hipon, 1 tasang toyo, Tukoy-Konsepto: 1⁄4 kutsaritang paminta, 1 pirasong carrot, 1 tasang repolyo, 1⁄2 tasang bitsuelas, 2 tasang sabaw ng manok at 1⁄2 kilong bihon. Tukoy-Konsepto: Paraan ng Pagluluto: Painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas, manok at hipon. Timplahan. Idagdag ang mga gulay. Tukoy-Konsepto: Sangkutsahin. Ibuhos ang sabaw. Pagkulo, ilagay ang bihon. Lutuin hanggang matuyo. Ihaing may kasamang patis at kalamansi. Handa nang kainin ang Pansit. Tukoy-Konsepto: _____ 2. Bata pa lang ako ay mahilig na ako sa chess. Kung minsan ay maghapon kaming naglalaro ni Tatay. Di ko akalain na dahil sa larong ito, magiging varsity player ako sa kolehiyo. Tukoy-Konsepto: At ang aking kasintahan ay manlalaro rin ng chess. Ngayon, tinuturuan ko na ring maglaro ang aming dalawang anak. Chess ang laro ng aking pamilya. Tukoy-Konsepto: _____ 3. Ang pananaliksik ay nakatuon sa pagsusuri sa apat na nobela ni Lualhati Bautista. Layunin ng pag- aaral na kilalanin ang papel ng mga kababaihan sa nobelang “Dekada 70”, Tukoy-Konsepto: “Bata, Bata, Paano ka Ginawa”, “Gapo” at “Desaparecidos”. Sa pamamagitan ng pananaliksik ay nagiging malinaw ang konsepto ng Feminismo at kung paano ito naging bahagi ng Panitikang Pilipino. Tukoy-Konsepto: _____ 4. Ipinahayag ni pangulong BBM ang kaniyang mga naging programa sa unang dalawang taon ng kanyang panunungkulan. Tukoy-Konsepto: Inilahad niya ang mga proyekto niya sa Agrikultura pati na rin ang kaniyang panghihikayat na makapag-imbita ng mga foreign investors sa bansa. Tukoy-Konsepto: Nabanggit din sa kaniyang talumpati ang mga nalikhang trabaho ng kaniyang gobyerno upang matulungan ang sambayanang Pilipino na makaahon sa kahirapan. Tukoy-Konsepto: _____ 5. Ang Pro Deo Et Patria ay naipatayo noong Setyembre 13, 1998 sa petsa ng kamatayan ng bayaning si Hen. Macario Sakay. Bilang pribadong paaralan, Tukoy-Konsepto: layunin nitong makapagbigay ng de- kalidad na edukasyong nakatuon sa malasakit sa bayan. Sa kasalukuyan, ang paaralan ay may 1,255 na mag- aaral mula elementarya Tukoy-Konsepto: hanggang hayskul at binubuo ng 35 guro. Nagbibigay rin ng scholarships ang paaralan para sa mga mahihirap na mag-aaral sa lalawigan. Takdang-aralin Pagsulat ng Tekstong Ekspositori Tuon-sulat: Panuto: Magsaliksik tungkol sa Karapatan ng mga Kababaihan at LGBTQIA+ at sumulat ng isang tekstong ekspositori gamit ang rubrik. Bibigyan Pamantayan sa 1 2 3 4 5 ng Tuon Pagmamarka Nilalaman Nagtataglay ng sampu o higit pang pangungusap at kinatatampukan ng mahuhusay na pananaliksik sa paksa Bibigyan Pamantayan sa 1 2 3 4 5 ng Tuon Pagmamarka Balarila Gumamit ng wastong bantas sa paglalahad at angkop na pamamaraan ng pagsulat. Bibigyan Pamantayan sa 1 2 3 4 5 ng Tuon Pagmamarka Pagka- Nagamit nang buong malikhain husay ang mga natutuhan sa epektibong pagsulat ng Tekstong Ekspositori Bibigyan Pamantayan sa 1 2 3 4 5 ng Tuon Pagmamarka Organisas- Maayos ang yon ng pagkakabuo ng mga kaisipan at madaling Diwa maunawaan. Bibigyan Pamantayan sa 1 2 3 4 5 ng Tuon Pagmamarka Kabuuang 17-20: Pinakamahusay marka 14-16: Mahusay 12-13: Di-Gaanong Mahusay 10-11: Kailangang Magsanay pa Submitted by: Thea May M. Dalida Teacher II Checked, reviewed & validated by: _________________________ _________________________ _____________________________ Content Evaluator Language Evaluator Format Evaluator Approved: _______________________________ __________________________________ EPS, Filipino EPS, LRMS

Use Quizgecko on...
Browser
Browser