ANG BATAS RIZAL (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa Batas Rizal, ang mga detalye at impormasyon ng batas na ito, mga personalidad, at ang layunin sa edukasyon ng bansa. Pinagtibay noong Hunyo 12, 1956. Naglalaman ng impormasyon tungkol sa pangunahing bayani ng Pilipinas, na naglalayong ipakita ang kanyang mga kontribusyon sa nasyonalismo at kalayaan.
Full Transcript
CHAPTER 1 ANG BATAS RIZAL SA PAGPILI NG PANGUNAHING BAYANI ANG BATAS RIZAL Hunyo 12, 1956 – pinagtibay ang republika bilang 1425. Agosto 16, 1956 – ipinatupad ng Lupon ng Pambansang Edukasyon. “ Ayon sa batas na ito, isasama sa kurikulum ng bawat paaralang...
CHAPTER 1 ANG BATAS RIZAL SA PAGPILI NG PANGUNAHING BAYANI ANG BATAS RIZAL Hunyo 12, 1956 – pinagtibay ang republika bilang 1425. Agosto 16, 1956 – ipinatupad ng Lupon ng Pambansang Edukasyon. “ Ayon sa batas na ito, isasama sa kurikulum ng bawat paaralang pribado at publiko ang nauukol sa pag-aaral sa buhay, ginawa at sinulat ni Dr. Jose Rizal lalo na ang kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.” G. Claro M. Recto - pangunahing may-akda ng panukalang-batas. Mga di sang-ayon sa pag-aaral ng Noli at Fili Decoroso Rosales kapatid ni Arsobispo Cuenco Francisco “Soc” Rodrigo, dating pangulo ng Catholic Action. “Ayon sa kanilang panig nilalabag ng naturang panukalang-batas ang kalayaan sa pagpili at pananampalataya.” Padre Jesus Cavanna - naniniwala na ang Noli at Fili ay bahagi na ng nakalipas. Bukod dito, di wasto ang paglalarawan ng mga naturang nobela hinggil sa Pilipinas noong panahon na iyon. Ang Noli raw ay katatagpuan ng may 120 pangungusap laban sa Simbahang Katoliko. – Mayo 12, 1956 – Senador Jose P. Laurel Sr. – namumuno sa Komite ng Kongreso ay nagpalabas ng susog sa panukalang-batas na ito – Batay sa panukala nina Sen. Roseller Lim at Sen. Emmanuel Pelaez. – Nakasaad sa panukalang ito na maari nang HINDI gamitin ang orihinal na bersyon ng Noli at EL Fili kung sa palagay nila ay makakaapekto ito sa kanilang panrelihiyong aspeto –“Hindi lamang hangad ng Batas-Rizal na parangalan ang ating bayani, layunin ng batas na ito na maitalagang muli ng mga Pilipino ang kanilang sarili sa mga simulain ng nasyonalismo at kalayaang pinagsumikapang matamo ni Dr. Jose Rizal. Ang kanyang buhay, ginawa at sinulat ay nagsisilbing inspirasyon at paglinang ng disiplinang pansarili, damdaming sibiko at kagandahang-asal.” Sa Pagpili kay Rizal Nakilala siya sa iba’t ibang larangan doktor (siruhano ng mata) Manunulat Lingwista Guro Pintor Eskultor Agrimensor Arkitektor inhinyero, etnolohista, Rafael Palma “Ang mga doktrina ni Rizal ay hindi para sa isang panahon lamang kundi para sa lahat ng panahon.” – Gobernador Sibil William Howard Taft – namamahala noong naganap ang pagpili sa pangunahing bayani. – Naganap ang papili noong panahon ng Ang mga sumusunod na tao ang nagsasagawa ng diskusyon upang pag-usapan ang mga merito ng mga pagpipiliang bayani: – William Howard Taft – Morgan Shuster – Bernard Moses – Dean Worcester – Henry C. Ide – Trinidad Pardo de Tavera – Gregorio Araneta – Cayetano Arellano – Jose Luzurriaga Pamantayan sa Pagpili ng Pangunahing Bayani Isang Pilipino Namayapa May matayog na pagmamahal sa bayan May mahinahong damdamin Mga Pinagpiliang Bayani ng Lahi Marcelo H. del Pilar Emilio Jacinto Graciano Lopez Jaena Jose Rizal Heneral Antonio Luna Dr. H. Otley Beyer - dalubhasa sa Antropolohiya at katulong sa tekniko ng komisyon, –Marami ang pumili kay Marcelo H. del Pilar. Ngunit ito ay binago –kadahilanang higit na naging madula ang buhay at kamatayan ni Rizal, lalung-lalo na ang pagiging martir niya sa bagumbayan. – Tunay ngang pinili ng Komisyong Taft si Rizal mula sa ibang dakilang Pilipino bilang pangunahing bayani ng kanyang mga kababayan Disyembre 30, 1896 - Noong barilin si Jose Rizal sa Bagumbayan – ginawa na ni Andres Bonifacio ang pagsugo kay Pio Valenzuela upang mabatid ang panig ni Rizal hinggil sa pinaplanong paghihimagsik. Pinapatunayan lamang ng pangyayaring ito ang pagtitiwala at paggalang sa katalinuhan ni Rizal. – Heneral Emilio Aguinaldo -nagbigay ng pang-alaalang palatuntunan noong Disyembre 29, 1897 upang dakilain ang mga nagawa ni Rizal, sa okasyon ng unang anibersaryo ng pagbaril sa bayani. – Ang pahayagang La Independencia, na pinamatnugutan ni Antonio Luna at ang El Heraldo de la Revolucion, sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Aguinaldo ay naglabas ng dagdag na sipi bilang paggunita sa kamatayan ni Jose Rizal. – Disyembre 20, 1898 - nagpalabas si Pangulong Aguinaldo ng opisyal na proklamasyon na nagtatalaga sa Disyembre 30 ng taong iyon bilang Araw ni Rizal. – Batay rin sa proklamasyon, iniuutos ang pagtataas ng bandilang Pilipino sa kalagitnaan ng palo mula tanghali ng Disyembre 29 hanggang tanghali ng Disyembre 30, at ang pagsasara ng lahat ng mga opisina ng pamahalaan sa buong araw ng Disyembre 30. Si Andres Bonifacio at hindi si Rizal ang dapat na kilalanin bilang pangunahing pambansang bayani Dahil sa hindi siya kailanman humawak ng baril, riple o espada sa pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa ibang bansa, ang napiling pangunahing pambansang bayani at kabilang sa pangkat ng sundalo o heneral. – George Washington ng Estados Unidos, – Napoleon I at Joan of Arc ng Pransya, – Simon Bolivar ng Venezuela, – Jose de San Martin ng Argentina, – Bernardo O’Higgins ng Chile – Jimmo Tenno ng Hapon. “Ang ating pambansang bayani ay isang sibilyan na ang sandata ay kanyang panulat. “ Mahusay na ipinaliwanag ni Rafael Palma ang pagkilala kay Rizal bilang pangunahing bayani kaysa kay Bonifacio sa mga pananalitang ito: “Dapat ipagmalaki ng mga Pilipino ang pagkakaroon mula sa kanilang mga pambansang bayani ng isang may katangi-tanging katangian na maaring pantayan nguni’t hindi mahihigitan ng kahit sino. Datapwat, kung kadalasan man na ang mga bayani sa kanluraning mga ay mga mandirigmama at mga heneral na naglilingkod sa kanyang layunin sa pamamagitan ng kanyang espada, nagbuhos ng dugo at luha, ang bayani ng mga Plipino ay naglingkod sa kanyang layunin sa pamamagitan ng kanyang panulat, nagpapatunay na ang panulat ay kasing lakas ng tabak sa pagliligtas sa mga tao mula sa pagkaaliping pulitikal. Totoo sa kalagayan natin, ang tabak ni Bonifacio ay sadyang kinakailangan upang buwagin ang kapangyarihan ng dayuhang lakas, ngunit ang rebolusyong inihanda ni Bonifacio ay epekto lamang, ang bunga ng espiritwal na pagliligtas na ginawa ng pluma ni Rizal. Dahil dito, ang ginawa ni Rizal sa ganang amin ay higit na mataas kaysa kay Bonifacio di lamang dahil sa ayos na pagkakasunod ng mga ito kundi dahil sa kahalagahan nito, sapagka’t bagaman nakapagbigay agad ng kagyat na bunga nag ginawa ni Bonifacio, ang kay Rizal ay nagkaroon ng higit na matibay at pamalagiang epekto.” Propesor Ferdinand Blumentritt na nagsabi noong 1897: – Si Rizal ay hindi lamang ANG PINAKABANTOG NA TAO SA KANYANG MGA KABABAYAN kundi ANG PINAKADAKILANG TAO NA NALIKHA NG LAHING MALAYO. Esteban A. de Ocampo, Sino ang pumili kay Rizal Bilang Pambansang Bayani natin at bakit? Binanggit niya na: – “Bakit si Rizal ang naging pambansang bayani? Siya ang ating pinakadakilang bayani sapagkat, bilang nangingibabaw na tao sa Kampanyang Propaganda, gumanap siya ng “kahanga-hangang bahagi” sa kilusang iyon na humigit kumulang ay papipiliin tayo ng isang katha ng isang Pilipinong manunulat sa panahong ito, na higit sa ibang mga sinulat ay nakatulong nang malaki sa pagbubuo ng nasyonalidad ng mga Pilipino, hindi tayo mag- aatubili sa pagpili sa Noli Me Tangere (Berlin, 1887) ni Rizal. Totoo na ipinalathala nina: Pedro Paterno ang kanyang nobelang Ninay sa Madrid noong 1885; ni Marcelo H. del Pilar, ang kanyang La Soberania Monacal sa Barcelona noong 1889; ni Graciano Lopez Jaena, ang kanyang Discursos y Articulos Varios Impresiones sa Madrid noong 1893, ngunit wala sa mga aklat na ito ang nakapaglikha ng papuri o pagpuna mula sa mga kaibigan o mga kaaway na tulad ng Noli ni Rizal.” The end!