REVIEWER IN AP Past Paper 2024-2025 PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

Tags

Southeast Asian history geography AP Reviewer multiple choice questions

Summary

This document appears to be a collection of multiple choice questions covering various aspects of Southeast Asian history and geography. The questions focus on topics like natural resources, climate impacts, and historical developments.

Full Transcript

REVIEWER IN AP 1. Bukod sa kalapitan sa ekwador, may mga bansa sa Timog Silangang Asya ang nakalatag sa Kanlurang Pasipiko dahil dito madalas ang pagdaan rito ng mga bagyo. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Timog-Silangang Asya ang madalas makaranas ng mga...

REVIEWER IN AP 1. Bukod sa kalapitan sa ekwador, may mga bansa sa Timog Silangang Asya ang nakalatag sa Kanlurang Pasipiko dahil dito madalas ang pagdaan rito ng mga bagyo. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Timog-Silangang Asya ang madalas makaranas ng mga bagyo? A. Pilipinas B. Thailand C. Laos D. Arabian Peninsula 2. Sa lalawigan ng Cavite, maraming mga kompanyang pang elektroniko na nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga mamamayan. Hindi ito nakapagtataka sapagkat nangunguna ang Pilipinas sa mineral na tanso na itinuturing na materyales pang elektroniko. Ano ang paglalahat hingil sa yamang likas ang mahihinuha mo sa iyong nabasa? A. Bagong tuklas na mineral ang tanso sa Pilipinas B. Marami tayong mapagkukunan ng tanso sa Pilipinas na maaari ring i-export. C. Maraming reserba ng tanso sa bansa at pinasisigla nito ang industriya ng pagmimina D. Ang tanso bilang yamang likas ay patuloy na nagpapasigla ng ating ekonomiya 3. Dahil sa kalapitan sa ekwador ng Timog Silangang Asya tila naging natural incubator ang rehiyon sa mga sari buhay (biodiversity). Sa likod nito, kapansin-pansin ang mabilis na pagkasira ng kagubatang tropikal. Alin sa mga sumusunod ang direktang dahilan ng mabilis na pagkawala at pagkasira ng ating kalikasan? A. Patuloy na pagtaas ng populasyon at pagdepende sa kakayahan ng kalikasan B. Pagkuha sa mga hilaw na materyales para suportahan ang mga industriya C. Pagtaas ng pangangailangan sa mga lupain matitirahan ng mga tao D. Malawakang pandarayuhan ng tao 4. Malaki ang pagkakatulad ng mga likas na yaman na matatagpuan sa Timog Silangang Asya dahil sa magkakahawig nitong kalagayang pangkapaligiran. Paano nakaaapekto ang klima sa uri ng pananim at likas na yaman sa isang rehiyon? A. Ang klima ay nagdidikta sa uri ng pananim na tumutubo at mga likas na yamang matatagpuan sa isang lugar B. Ang klima ay nagdidikta sa uri ng pananim at likas na yaman, ngunit depende rin ito sa uri ng lupa C. Ang klima ay tumutukoy lamang sa pag-ulan at init D. Ang klima ay nakakaapekto lamang sa temperatura ng isang lugar 5. Ang Timog Silangang Asya ay sagana sa yamang lupa. Ano ang mga epekto ng pagiging agraryo ng mga lupain sa Timog Silangang Asya sa pamumuhay at kultura ng mga tao? A. Walang anumang epekto ang pagiging agraryo sa pamumuhay at kultura ng mga tao. B. Nagdulot ito ng pag-unlad ng modernong teknolohiya. C. Bumuo ito ng ugnayan ng tao sa kalikasan at nagbigay-daan sa mga ritwal at Tradisyon. D. Naibibigay nito ang mga pangangailangan ng mga mamamayan 6. Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay napapalibutan ng mga anyong tubig tulad ng mga ilog Chao Phraya at Mekong maging ng mga karagatan tulad ng Pacific Ocean at Indian Ocean. Ano ang naging implikasyon nito sa buhay ng mga Asyano sa rehiyon? A. Maraming bansa sa Timog Silangang Asya ang naging mahusay na mangingisda at mangangalakal noong sinaunang panahon B. Maraming bansa sa Timog Silangang Asya ang nagkaroon ng ugnayan sa isa’t isa sa tulong ng mga ilog at karagatan C. Maraming bansa sa Timog Silangang Asya ay naging mga mangingisda D. Maraming bansa sa Timog Silangang Asya ang umasa sa likas na yamang mula sa dagat 7. Ang Pilipinas ay isang bansang kabilang sa pangkapuluang sub-rehiyon ng Timog Silangang Asya (Insular Southeast Asia). Sa kasalukuyan, ano ang pinakamalaking suliraning pinagdadaanan ng Pilipinas bilang isang bansang insular? A. Bilang bansang insular walang tiyak na hangganan ang teritoryo ng Pilipinas B. Bilang bansang insular, madali lamang para sa pinaghahanap ng batas ang makatakas C. Bilang bansang insular, nangangailangan ang Pilipinas ng mas mataas na seguridad sa mga pantalan D. Bilang bansang insular, ang Pilipinas ay may hamong manindigan laban sa panghihimasok ng mga dayuhan sa teritoryo nito 8. May mga bansa sa Timog Silangang Asya na higit na nakalatag sa Pacific ring of fire. Aling bansa sa Timog-Silangang Asya ang kilala sa pagkakaroon ng mga bulkan at madalas na lindol? A. Indonesia B. Malaysia C. Cambodia D. Bangladesh 9. Ang Ilog Pasig ay may ginampanang mahalagang papel sa pag-unlad ng sinaunang pamayanan ng Nilad (Maynila). Bakit mahalaga ang Mekong River sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya? A. Ito ay pangunahing pinagkukunan ng tubig, pagkain, at transportasyon para sa mga bansa tulad ng Thailand, Laos, Cambodia, at Vietnam B.May malaking papel ito sa kalakalan at transportasyon C.Nagbibigay ito ng tubig sa mga bukirin D.Dahil ito ay isang dagat 10. Isa sa mga salik na nakakaapekto sa umiiral na klima ay ang sonang latitudinal o ang lokasyong kinalalagyan ng mga bansa sa Daigdig. Paano mo mailalarawan ang klimang umiiral sa lokasyon ng Timog Silangang Asya? A. Tila disyerto B. Mild o katamtamang klima ang umiiral C. Naapektuhan ng Monsoon Climate D. Tropical na klima, mainit at basa-basa sa buong taon 11. Sa konteksto ng Hinduism at Buddhism, ang cakravartin ay tumutukoy sa hari ng sansinukob, sinasabing ang haring ito ay may pangako at gampanin (Dharma) na mamuno na may katuwiran at pagkalinga sa mga mamamayan at kanilang relihiyon. Bilang mag-aaral ano ang gampanin (Dharma) ang inaasahan sa iyo ng lipunan upang maiwasan ang negatibong bunga ng aksyon (Karma)? A. Maagap na pagpasok sa paaralan at ganap na pakikilahok sa mga gawain sa pagkatuto, at pagpapasa ng mga inaasahan gawin nang may dignidad at katapatan B. Pumasok at ganap na makilahok sa mga gawain sa pagkatuto, at magpasa ng mga inaasahan C. Pumasok sa lahat ng klase na may layuning matuto D. Pagpasok sa paaralan 12. May mga nagsilbing tagapamagitan ng tao at ng mga anima sa kalikasan, kadalasan sila ay mga babae na tinatawag na Babaylan (Bisaya) mayroon din mga lalaki o Bayoguin (Pilipinas). Sa paanong paraan ganap na maipakikita ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang pantay na pagtingin sa mga kasarian? A. Pinapayagan ang malayang ekspresyon ng sariling pagkakakilanlan sa lipunan B. May mga batas na naisusulat na nangangalaga sa pagkakapantay-pantay ng kasarian C. Unang pinauupo sa mga pampasaherong sasakyan ang mga kababaihan D. Pagtingin sa lahat ng indibidwal bilang magkakapantay na tao anoman ang kasarian nito 13. Aling bansang Timog-Silangang Asya ang may pinakamaraming populasyon na naniniwala sa Islam? A. Thailand B. Singapore C. Malaysia D. Indonesia 14. Bago dumating ang mga organinasadong relihiyon tulad ng mga Buddhism, Islam at Kristiyano, ang relihiyon ng mga katutubo sa Timog Silanggang Asya ay animismo na hango sa salitang latin na “anima” na nagangahulugang soul- spirit. Ano ang pinapakahulugan nito? A. May kani-kanya o angking kaluluwa ang mga bagay-bagay. B. Makakarating sa paraiso bilang gantimpla ang sinumang nagpakabuti sa lupa. C. Ito ang pinaniniwala ng mga Pilipinong sumasamba sa mga espiritu ng kalikasan. D. Mayroong kaluluwa ang mga bagay, hayop, halaman, bato, kulog at iba pang entidad ng kapaligirang likas. 15. Napakahalaga ng Panahong Neolitiko sa pag-unlad ng katutubong kultura ng Timog Silangang Asya. Bakit pagsasaka ang pinakamahalagang natutuhan sa Panahong ito? A. sapagkat natutong magtanim ang mga tao na nagpabago ng kanilang pamayanan B. sapagkat nagbago ang paraan ng pamumuhay ng mga tao dahil sa mga produktong nakukuha nila sa kalikasan. C. sapagkat nalinang ang mga uring panlipunan na nagbigay daan s amabilis na pagbabago ng kanilang rehiyon. D. sapagkat ang pagtatanim ng halamang-ugat at pagpaparami ng mga hayop ay nagbigay solusyon sa usapin ng seguridad sa pagkain 16. Natuklasan na ang mga unang mga tao sa rehiyon ng Timog Silangang ay nagmula sa mga pangkat na nagsasalita ng Austronesian. Ano ang ibinunga nito sa mga pangkat-etnolinggwistiko sa nabanggit na rehiyon? A. Nagsimula ang pagbuo ng iba-ibang diyalekto at mayamang kultura B. Nagkaroon ng kani-kaniyang wika ang mga bansa sa rehiyon C. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa rehiyon D. Naging mayaman sa wika ang mga bansa sa rehiyon 17. Paano naiimpluwensiyahan ng relihiyon ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Timog Silangang Asya? A. Sa Pilipinas ang mga Fiesta ay bahagi ng tradisyon at ito pasasalamat sa kanilang Patron o Santo B. Sa Indonesia ang pagkain ay laging may pampalasang maanghang C. nananatiling gabay sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga taga Timog SIlangang Asya ang mga paniniwala na may kaugnayan sa kanilang relihiyon D. Sa Myanmar malaki ang impluwensiya ng Budismo ang kanilang pagpapahalaga 18. Paano nailalabas ng mga katutubong tao sa Timog Silangang asya ang kanilang katatagan sa harap ng pagbabago at globalisasyon? A. Sa pamamagitan ng pagtanggi sa anumang anyo ng pagbabago at globalisasyon, upang mapanatili ang kanilang tradisyonal na pamumuhay at kultura na minana sa kanilang mga ninuno B. Sa pamamagitan ng pag- angkop ng ilang mga aspeto ng modernisasyon habang pinanatili ang mga kahalagahan at kaugalian mula sa kanilang kultura. C. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa globalisasyon at pagpapakita ng kanilang determinasyon sa pagtatanggol sa kanilang tradisyonal na pamumuhay. D. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ritwal na nagpapakita ng kanilang koneksiyon at pag-aalaga sa kalikasan, pati na rin ang kanilang kakayahan sa pag-aangkop sa pagbabago 19. Mula sa isang payak na pamumuhay sa mga ilog at lambak sa Asya, unti – unting nabago ang mga pamayanan at dito sumibol ang kabihasnan. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa konsepto ng kabihasnan? A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao at kanilang teknolohiya na nagbubuklod sa mga mamamayan upang maging matagumpay B. Pamumuhay na nagpakikita ng mastery sa paggamit ng teknolohiya C. Pamumuhay na nakagawian na nakatutugon sa mga hamon sa kapaligiran gamit ang maunlad na kaisipan, teknolohiya at kabihasaan D. Pamumuhay sa pamamagitan ng pakikibagay sa kapaligiran 20. Sa sinaunang lipunan ng Pilipinas, ang mga desisyon ng mga pinuno ay kadalasang sinasangguni sa mga pinaniniwalaan nilang mga ispiritu ng kalikasan. Ano ang ipinahihiwatig nito sa katangian ng mga sinaunang lipunan sa Pilipinas? A. May mataas na pagkilala at pagrespeto ang mga sinaunang Pilipino sa mga bagay na may buhay B. Animismo ang tawag sa sinaunang paniniwala ng tao sa Pilipinas at karatig bansa C. Pinagkakatiwala ng mga pinuno sa mga babaylan ang pamamalakad ng kanilang kaharian D. Ang mga sinaunang lipunan sa Pilipinas ay may malinaw na sistema ng paniniwala sa kalikasan 21. Maraming pinaniniwalaan hinggil sa peopling o pagkalat ng populasyon ng tao sa Timog Silangang Asya. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang sumusuporta sa Mainland Origin Hypothesis? A. Ang pag-usbong ng mga sinaunang sibilisasyon sa mga pampang ng ilog. B. Ang paglitaw ng mga unang pamayanan sa mga pook malapit sa mga ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa south mainland China at Timog-Silangang Asya. C. Ang pagkakatuklas ng mga sinaunang labi sa mga malalayong isla ng Timog-Silangang Asya. D. Ang pagkakatuklas ng mga sinaunang labi malapit sa mga lugar na nag-uugnay sa South Mainland China at Timog-Silangang Asya. 22. Kapwa Ausronesyano ang pinaniniwalaang ninunong pinagmulan ng Mainland at Island Origin Hypothesis. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng mga hypothesis na nabanggit? A. Ang Mainland Origin Hypothesis ay nagsasabing nagmula ang mga tao sa kalupaan, habang ang Island Origin Hypothesis ay nagsasabing nagmula sila sa dagat. B. Ang Mainland Origin Hypothesis ay tungkol sa paglalakbay ng mga tao sa kalupaan, habang ang Island Origin Hypothesis ay tungkol sa paglalakbay sa dagat. C. Ang Mainland Origin Hypothesis ay nagsasabing ang mga sinaunang tao ay nagmula sa mainland ng timog Tsina at lumaganap papuntang Timog-Silangang Asya, habang ang Island Origin Hypothesis ay nagsasabing ang mga tao ay nagmula sa mga isla ng sulu at celebes at kumalat sa pamamagitan ng paglalakbay nila sa karagatan. D. Ang Mainland Origin Hypothesis ay nagmumungkahi na ang mga tao ay naglakbay mula sa mainland patungo sa mga isla, habang ang Island Origin Hypothesis ay nagsasabing nagmula ang mga tao sa mga isla. 23. Ang pagkakatuklas ng mga labi ng tao sa Tabon Cave at Callao Cave sa Pilipinas ay nagbigay-daan sa posibilidad na matagal nang may mga tao sa loob ng kapuluan bago pa man ang pandarayuhan ng mga pangkat ng tao dito. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng mga fossil records sa pagtukoy ng peopling theories ng Timog-Silangang Asya? A. Ang fossil records ay nagpapakita ng mga anyo ng sinaunang tao. B. Ang fossil records ay nagbibigay ng ebidensya ng mga sinaunang tao sa iba't ibang lugar. C. Ang fossil records ay nagpapakita ng mga ruta na ginamit ng mga sinaunang tao patungo sa Timog-Silangang Asya. D. Ang fossil records ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga migratory patterns ng mga sinaunang tao, na makakatulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga bansa. 24. Ang wika ay mahalagang batayan ng pagkakakilanlan ng isang pangkat. Sa panukalang Islan Origin Hypothesis Paano kumalat ang wika sa Timog-Silangang Asya? A. Ang mga wika ay nagmula sa mainland ng Asya at kumalat sa mga isla. B. Ang mga wika sa Timog-Silangang Asya ay nagmula sa mga isla, at kumalat sa pamamagitan ng paglalakbay sa dagat, na nagdulot ng magkakaibang mga diyalekto sa iba't ibang lugar. C. Ang mga wika ay nagsimula sa mga isla at kumalat sa kalupaan. D. Ang mga sinaunang tao ay nagdala ng kanilang wika mula sa mga isla patungo sa Mainland Asia 25. Ang etnisidad ay matibay na ebidensya sa pagiging kabahagi ng kamag-anakan. Sa paanong paraan nasuportahan ng genetic evidence ang Island Origin Hypothesis? A. Ipinapakita ng genetic evidence ang pagkakapareho ng lahi ng mga tao sa Timog-Silangang Asya. B. Ipinapakita ng genetic evidence ang relasyon ng mga tao sa mga isla ng Timog-Silangang Asya. C. Ipinapakita ng genetic evidence na ang mga sinaunang tao sa Timog-Silangang Asya ay nagmula sa mga isla at may pagkakahawig ng DNA sa mga tao mula sa ibang bahagi ng Pasipiko. D. Ipinapakita ng genetic evidence na may mga sinaunang tao sa mga isla na walang direktang koneksyon sa mainland. 26. Ang relikya ay nagpapakita ng mga katangian ng kultura sa Panahong Neolitiko. Ano ang pinapakahulugan nito? A. Ang mga natagpuang bagay na yari sa bato, mga palayok na may markang lubid, at kagamitang yari sa bato ay nagpapakita ng kanilang sinauang pamamumuhay. B. Ang mga kagamitan ng mga sinaunang tao sa panahon ng Neolitiko ay nagpapakita kung paano nila hinarap ang hamon ng kalikasan. C. Ang mga natagpuang relikya ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan bilang tahanan ng mga espiritu, pagsamba sa mga ninuno at diyos. D. Ang kultura sa panahon ng neolitiko ay nananatiling buhay sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. 27. Ang mga pinuno sa Timog Silangang Asya sa sinaunang panahon ay kinikilala bilang mga "men of prowess," ano ang katangian ng mga pinunong ito? A. Ang mga pinunong lalaki ay nagtataglay ng kakaibang tapang, galing, at katalinuhan. B. Ginagampanan ng mga kalalakihan may angking katanyagan ang ritwal at seremonya upang bigyang-pugay ang mga espiritu o diyos. C. Ginagampanan ng mga kalalakihan may angking katanyagan ang ritwal at seremonya upang bigyang-pugay ang mga espiritu o diyos. D. Sa Timog Silangang Asya tanging mga kalalakihan lamang ang may karapatang mamuno sa mga rehiyon. 28. Sa Panahong Neolitiko, higit na umasa ang unang tao sa kaniyang kakayahan kaysa sa kaniyang kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang nagawa ng mga sinaunang tao sa Panahong Neolitiko? A. Naninirahan ang mga tao sa tabi ng mga dagat at ilog B. Naging permanente o sedentaryo ang paninirahan ng mga tao naging dahilan pag-unlad ng kanilang komunidad. C. Gumamit ang mga tao ng magaspang na kasangkapang bato. D. Natututong magsaka at maghayupan 29. Ang mga Asyano ay kilala sa pagkakaroon ng matibay na bigkis ng pamilya (close family ties) Paano karaniwang binibigyang halaga ang pagkakamag-anak sa mga tradisyunal na pamilya sa Timog-Silangang Asya? A. Ang pagkakamag-anak ay hindi mahalaga sa mga pamilya sa rehiyon B. Ang pagkakamag-anak ay nakabase lamang sa iisang linya ng pamilya C. Ang pagkakamag-anak ay nakabatay sa parehong linya ng ama at ina, ngunit may mas malakas na diin sa isa sa mga linya depende sa kultura D. Ang pagkakamag-anak ay mahalaga at kadalasang kinabibilangan ng malalaking pamilya na may matibay na ugnayan sa parehong linya ng ama at ina (bilateral) 30. May mga gampanin at inaasahan sa lipunan na nakabatay sa kasarian lalong higit sa sinaunang lipunan. Ano ang karaniwang papel ng mga kababaihan sa tradisyunal na lipunan sa Timog-Silangang Asya? A. Ang mga kababaihan ay kadalasang hindi nagtatrabaho at walang mahalagang papel sa lipunan B. Ang mga kababaihan ay nananatili lamang sa bahay at nag-aalaga ng pamilya C. Ang mga kababaihan ay may mahalagang papel sa loob ng pamilya at komunidad, ngunit may limitadong karapatan sa ekonomiya at politika D. Ang mga kababaihan ay may pangunahing papel sa pamilya at komunidad ngunit sila ay nakalalahok din sa gawaing pang-ekonomiya, at sa ilang kultura maging sa politika at relihiyon 31. Sa pangunguna ni “Huntian” ay kanyang nabuo ang kabihasnang Funan noong unang siglo sa Mekong Delta at ito ay naging maunlad at masagana dahil sa malawakang pakikipagkalakalan sa ibang mga karatig-bansa. Ano ang naging dahilan ng kanilang pagbagsak? A. Nagkaroon ng malawakang sakuna sa mga bansang napapabilang dito. B. Nagkaroon ng matinding pananakop sa kabihasnan. C. Humina ang kalakalan dahil sa paglipat ng ibang mga sentro ng kalakalan sa ibang lugar (Sumatra) D. Humina ang pagpunta ng mga tao sa mga bayan upang makipagkalakalan. 32. Naging malawak ang kapangyarihan at teritoryo ng Majapahit at naging kilala bilang makapangyarihan sa Timog- silangang Asya. Sa anong paraan makikita na naging makapangyarihan ang kabihasnang Majapahit? A. Naging makapangyarihan ang kabihanang ito sa pamamagitan ng malawakang pagpapalawak ng nasasakupan at patuloy na pakikipagkalakalan sa ibang mga bansa. B. Naging makapangyarihan ang kabihasnang ito sapagkat nagkaroon ng malawakang pag-aani ng mga produktong maaari nilang ikalakal. C. Mayroon silang mga naimpluwensiyanag mga ibang bayan at ginaya ang kabihasnang ito. D. Nanatili ang kanilang kutura na nagbibigay ng inspirasyon at pagkakakilanlan sa kanilang mga bansa. 33. Ang Srivijaya ay naging pinakamahalagang sentro ng Buddhismo. Ano ang nagpapatunay nito sa kasaysayan ng Srivijaya? A. Ang Srivijaya ang nakapagpatayo ng mga monumento na para kay Buddha. B. Ang mga Tsinong naniniwala sa Buddhismo ay naging daanan ang mga lugar sa Srivijaya at nakapagpatayo ng mga monasteryo at peregrino (pilgrims) patungong India. C. Nadadaanan at nakikipagkalakalan ang mga ito sa ibang mga bayan. D. Nakapagpatayo ng mga templong naging bahay pahingaan ng mga manlalakbay. 34. Ang imperyo ng Malacca ay nakilala dahil sa magandang lokasyon ng lugar ng Malay Archipelago. Ano ang kahalagahan ng kipot ng Malacca sa pakikipagkalakalan at relihiyon sa lugar? A. Mas napadali ang pagkontrol ng kalakalan sa bawat mga bansa at pagbahagi ang katuruan ng Islam sa Timog- silangang Asya. B. Mas naging mahirap ang kalakan at tuluyang hindi naibahagi ang Islam sa Timog-silangang Asya. C. Naging madaling maimplwensiyahan ang mga karatig-bansa sa pagdaan sa kipot ng Malacca. D. Naging makapangyarihan sila sa mga pananakop sa ibang mga lugar ba malapit sa kipot ng Malacca. 35. Ang imperyong Khmer at iba pang kaharian sa Mainland Southeast Asia ay kilala sa magagandang mga templo at mga naiwang gusali. Ano ang ang ipinahihiwatig nito sa kapaligiran ng mga kaharian sa Mainland Southeast Asia? A. Ang malawak na kalupaan ay magandang pagtayuan ng mga templo B. Ang mga templong ito ay indikasyon na may sapat na materyales sa kapaligiran C. Ang mga templong ito ay nagpakikita ng malalim na ispiritwalidad ng mga Asyano D. Ang mga templong ito ay patunay na noon pa man ang Timog Silangang Asya ay supplier na ng mga kagamitang pangkonstruksyon. 36. Sa paanong paraan lumaganap ang wika at kultura sa Timog Silangang Asya ayon sa Mainland Origin Hypothesis? A. Ang mga Austronesian ay nagdala ng kanilang wika mula sa Timog-Tsina papunta sa mga isla. B. Ang mga Austronesian ay nagdala ng ilang bahagi ng kanilang kultura sa Timog-Silangang Asya, ngunit hindi sila ang pangunahing nagpalaganap nito. C. Ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog-Tsina at unti-unting ipinakalat ang kanilang wika at kultura sa mga isla ng Timog-Silangang Asya. D. Ang mga Austronesian ay naglakbay mula sa Timog-Tsina, nagdala ng kanilang wika, kultura, at teknolohiya sa mga isla ng Timog-Silangang Asya, at nagsilbing pangunahing tagapagdala ng mga ito sa buong rehiyon. 37. Mahalaga ang naging pag-aaral ni Peter Bellwood tungkol sa paglaganap ng tao/populasyon sa Timog Silangang Asya. Batay kay Bellwood, paano naganap ang proseso ng peopling sa rehiyon? A. ang mga sinaunang tao ay nagmula sa Mainland ng Timog Tsina at Taiwan, naglakbay patungo sa mga isla ng Timog-Silangang Asya, at nagdala ng kanilang kultura, wika, at teknolohiya sa buong rehiyon. B. Ang mga sinaunang tao ay nagmula sa mga isla ng Timog-Silangang Asya at lumipat patungong Timog-Tsina. C. Ang mga sinaunang tao ay nagmula saTimog-Tsina at unti-unting lumaganap sa mga isla ng Timog-Silangang Asya. D. Ang mga sinaunang tao ay naglakbay mula sa iba't ibang bahagi ng Asya patungo sa Timog-Silangang Asya, ngunit walang malinaw na ruta. 38. Paano ipinapaliwanag ni Wilhelm Solheim II ang pagkalat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya? A. Ayon kay Wilhelm Solheim II, ang mga sinaunang tao ay nagmula sa mga isla ng Timog-Silangang Asya, partikular sa Sulu at Celebes Sea, at kumalat sa buong rehiyon sa pamamagitan ng kanilang mga kakayahan sa pandaragat at kalakalan. B. Ipinanukala ni Solheim na ang mga sinaunang tao ay nagmula sa mainland ng Asya at kumalat sa pamamagitan ng kalakalan. C. Ayon kay Solheim, ang mga sinaunang tao ay naglakbay mula sa mga isla ng Timog-Silangang Asya patungo sa mainland ng Asya. D. Si Solheim ay naniniwala na ang mga sinaunang tao ay nagmula sa Pasipiko 39. May mga kabutihan at di-kabutihang dulot ang paninirahan sa pangkontinental na bahagi ng Timog Silangang Asya (Mainland Southeast Asia). Paano nakatulong ang pagkakaroon ng malalaking ilog sa pag-unlad ng mga kaharian sa Mainland Southeast Asia tulad ng Khmer at Ayutthaya? A. Ang mga ilog ay nagsilbing hadlang sa paglawak ng mga kaharian. B. Ang mga ilog ay nagbigay ng likas na yaman ngunit hindi gaanong nakaapekto sa estruktura ng mga kaharian. C. Ang mga ilog ay nagbigay ng likas na yaman at nagsilbing daan para sa kalakalan, ngunit hindi direktang nakaapekto sa pamahalaan ng mga kaharian. D. Ang mga ilog ay nagbigay ng sustansya sa agrikultura, nagsilbing pangunahing ruta para sa kalakalan, at naging sentro ng pamamahala, na nagbigay-daan sa paglakas at pag-unlad ng mga kaharian tulad ng Khmer at Ayutthaya. 40. Ang mga sinaunang kabihasnan sa Timog-silangang Asya ay naimpluwensiyahan ng mga relihiyong Buddhismo at Hinduismo ng mga karatig na bansa. Ano-ano ang mga magpapatunay nito? A. Ang mga naiwang kasulatan ng iba- ibang mga kabihasnan. B. Ang mga monumento at templong naiwan na naglalaman ng mga kasulatan ng mga kabihasnang dumaan dito. C. Ang mga pandagat na sasakyang lumubog sa ilalim ng katubigan. D. Ang mga naiwang kultura na ginagawa pa rin hanggang sa kasalukuyan. 41. Kung ikaw ay isang diplomatikong kinatawan ng Majapahit Empire na nakikipag-ugnayan sa mga kalapit na kaharian, paano mo masisiguro na ang inyong alyansa ay mananatiling matatag sa kabila ng mga pagkakaiba ng kultura at interes? A. Pagtuunan ng pansin ang militarisasyon at kalimutan ang diplomatikong ugnayan. B. Gamitin ang mga tradisyonal na ritwal upang palakasin ang relasyon ngunit hindi isasaalang-alang ang pagbabago sa mga polisiya. C. Lilikha ako ng isang balanseng estratehiya na naglalakip ng diplomatikong pakikipag-ugnayan, palitan ng yamang pangkultura, at pagbabago sa mga polisiya, upang masiguro ang pangmatagalang katatagan ng alyansa sa kabila ng mga pagkakaiba sa kultura at interes. D. Makipagpalitan ng mga yamang pangkultura upang mapalapit ang mga kaharian, ngunit hindi baguhin ang mga kasunduan. 42. Kung ikaw ay isang historian na nagsasaliksik tungkol sa Funan, anong aspeto ng kanilang heograpiya at kasaysayan ang pipiliin mo upang ipaliwanag ang kanilang tagumpay at pagbagsak sa isang modernong konteksto? A. Tutukan ko ang kanilang tagumpay sa agrikultura, ngunit hindi isasaalang-alang ang mga pagbabago sa ekonomiya at politika. B. Pag-aaralan ko ang kanilang pag-unlad bilang isang makapangyarihang estado ng kalakalan, ngunit hindi bibigyang-pansin ang mga panloob na hamon na humantong sa kanilang pagbagsak C. Iimbestigahan ko ang papel ng kanilang estratehikong lokasyon sa kalakalan sa rehiyon, ngunit hindi isasaalang- alang ang papel ng mga panlabas na banta sa kanilang pagbagsak. D. Pag-aaralan ko ang kombinasyon ng kanilang heograpikal na kalamangan sa kalakalan at mga panloob na hamon, tulad ng mga alitan sa politika at panlabas na banta, upang ipaliwanag ang kanilang tagumpay at pagbagsak sa paraang may kaugnayan sa mga kontemporaryong isyu ng globalisasyon at seguridad. 43. Ikaw ay naatasan na mag-ulat sa klase tungkol sa heograpiya ng mga maritimong imperyo sa Timog Silangang Asya, sa paanong paraan mo ipaliliwanag ang tagumpay ng mga ito sa kalakalan? A. Ipaliwanag ko na ang kanilang tagumpay ay dulot ng kombinasyon ng estratehikong lokasyon, teknolohiyang pandagat, at diplomatikong relasyon na nagbigay-daan sa kanila ng kontrol sa mga pangunahing ruta ng kalakalan na naging sentro ng kalakalan sa rehiyon. B. B. Ipagpalalagay ko na ang tagumpay ng kalakalan ay dahil lamang sa kanilang likas na yaman C. C. Bibigyang-diin ko ang pag-aaral sa kanilang kakayahang magtayo ng mga matibay na sasakyang pandagat at pagkuha ng likas na yaman D. D. Kilalanin ang kahalagahan ng kanilang hukbong pandagat sa pagtatag ng kalakalan, ngunit di ko na isasama ang kanilang diplomatikong relasyon sa ibang mga kaharian. 44. Ang Timog Silangang Asya ay naging tahanan ng iba-ibang kaharian sa kasaysayan. Sa anong paraan nagkaroon ng pagkakaiba ang pag-unlad ng mga kaharian sa insular Timog-Silangang Asya, tulad ng Srivijaya, kumpara sa mga kaharian sa mainland? A. Ang mga kaharian sa insular Timog-Silangang Asya ay hindi nakinabang sa kalakalan tulad ng sa mainland. B. Ang mga kaharian sa insular Timog-Silangang Asya ay nagkaroon ng parehong antas ng pag-unlad ng agrikultura tulad ng sa mainland. C. Ang mga kaharian sa insular Timog-Silangang Asya ay umunlad dahil sa kanilang kakayahan sa pandaragat at kalakalan, ngunit kulang sila sa mapagkukunan ng lupa tulad ng sa mainland. D. Ang mga kaharian sa insular Timog-Silangang Asya, tulad ng Srivijaya, ay umunlad nang malaki sa pamamagitan ng kontrol sa kalakalang pandagat at kanilang estratehikong lokasyon, na nagbigay sa kanila ng kapangyarihan na hindi batay sa agrikultura, hindi tulad ng sa mga kaharian sa mainland. 45. Ang mga sinaunang kabihasnan ay naging bahagi ng kasaysayan ng bawat mga bansang kinabibilangan nito. Bilang isang Pilipino at mag-aaral sa bansang Pilipinas, bakit natin kailangang maunawaan ang pag-aaral ng mga sinaunang kabihasnan? A. Ang mga kabihasnang ito ay naging paraan upang makilala natin ang ating nakaraan. B. Nabibigay ito ng malawakang pag-unawa sa mga pangyayari sa nakaraan at maintindihan ang mga kaganapan noong panahon. C. Ito ay nakakapagbigay ng malawak na pag-unawa sa mga pangyayari noon at nakapagbibigay ng kasagutan mula pangyayari sa kasalukuyan. D. Ito at nakapagbibigay ang malawak na pag-unawa sa mga nangyari noong unang panahon, at nakakasagot sa mga pangyayari sa kasalukuyan at mauunawaan ang mga pangyayari sa hinaharap. 46. Ang imperyong Ayutthaya ay kilala bilang sentro ng diplomasya sa Timog-silangang Asya. Sa anong aspeto nagagamit ang diplomasiya? A. Ginagamit ito upang magkaroon ng kaugnayang panglokal at internasyonal sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas B. Nagbibigay ng laya na makipagkalakalan sa mga bansang karatig nito. C. Nakakahikayat ng magandang ugnayan ang bawat bansang nakikipag-kalakalan. D. Nagkakaroon ng maraming pag-aaway at hindi pagkakaintindihan ng bawat mga bansa. 47. Ang imperyong Pagan ay nakilala dahil sa dalawang daan at limampung taong paghahari sa Irrawaddy. Naging pundasyon din ito ng paglakas ng mga pangkat ng Burmese at pagkilala sa Buddhismo. Paano sila bumagsak? A. Nagkaroon ng sakuna sa kalupaan ng Burma. B. Hindi naging magagaling napinuno ang mga sumunod na humalili sa kaharian. C. Naging magulo dahil sa hindi nagkainintindihan ang mga tao at mga namumuno. D. Nahati sa maliliit na kaharian kaya tuluyang humina at bumagsak dahil sa pagpasok at pamamayagpag ng mga Tai 48. Sa anong paraan maihahambing ang estratehikong kontrol ng Srivijaya sa Malacca Strait sa kasalukuyang kontrol ng mga bansa sa mahahalagang teritoryong ito? A. Ang kontrol ng Srivijaya sa Malacca Strait ay walang kaugnayan sa modernong kalakalan dahil ito ay nakabatay lamang sa pandaragat. B. Ang kontrol ng Srivijaya sa Malacca Strait ay maihahambing sa kasalukuyang kontrol ng ilang bansa sa kanilang mga daungan, ngunit hindi ito kasinghalaga ngayon. C. Ang Srivijaya ay nagtagumpay sa pagkontrol ng kalakalan, na maihahambing sa modernong kontrol ng mga bansa sa mga mahahalagang ruta, ngunit kulang sa aspetong pangmilitar. D. Ang estratehikong kontrol ng Srivijaya sa Malacca Strait ay maihahambing sa kasalukuyang kontrol ng ilang bansa sa mahahalagang ruta ng kalakalan, tulad ng Panama Canal o Suez Canal 49. Ngayong panahon ng globalisasyon, lubhang mahalaga ang koneksyon at komunikasyon sa pagitan ng mga bansa upang makasabay sila sa pagbabago. Sa paano nahahawig sa kasalukuyan ang ugnayang naganap noon sa pagitan ng mga imperyo sa Timog Silangang Asya? A. Ang kalakalan sa mga sinaunang kaharian ay walang kinalaman sa globalisasyon ngayon dahil sa pagbabago ng teknolohiya. B. Ang kalakalan noon ay nagdulot ng pag-unlad, ngunit hindi ito kasing-epektibo ng mga kasalukuyang pandaigdigang ekonomiya. C. Ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang kaharian ay maihahambing sa kasalukuyang globalisasyon, ngunit hindi kasing-komplikado ng mga ekonomiya ngayon. D. Katulad noon mahalaga pa rin ang malinaw na batas sa paggamit ng daanang pangkalakalan at likas na yaman, lalong higit ang parehong paggalang sa kultura sa likod ng pagkakaiba nito 50. Malaking suliranin ngayon ang mabilis na pagkaubos ng ating mga likas na yaman. Paano maihahambing ang pagbagsak ng Khmer Empire sa kasalukuyang mga isyu ng klima at kapaligiran sa ilang bansa? A. Ang Khmer Empire ay bumagsak dahil sa kombinasyon ng mga isyung pangkapaligiran, tulad ng pagguho ng sistemang pang-irigasyon, at mga panloob na suliranin, na maihahambing sa kasalukuyang mga bansa na nahaharap sa krisis sa tubig, pagguho ng agrikultura, at mga krisis sa pamamahala na dulot ng pagbabago ng klima. B. Ang Khmer Empire ay bumagsak dahil sa kakulangan ng pagkain, na walang kaugnayan sa mga isyung pangkapaligiran ngayon. C. Ang Khmer Empire ay bumagsak dahil sa mga panlabas na pagsalakay, na maaaring ihambing sa mga banta ng digmaan ngayon. D. Ang Khmer Empire ay nagdusa sa mga suliraning pang-ekonomiya dahil sa pagguho ng sistemang pang-irigasyon, na maaaring maihambing sa mga bansang umaasa sa agrikultura ngunit nahaharap sa mga suliranin sa tubig ngayon.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser