Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok PDF
Document Details
![StatuesqueLarimar](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-18.webp)
Uploaded by StatuesqueLarimar
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang gabay ukol sa kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok. Tatalakayin nito ang kahulugan ng mga konseptong ito at ang mga kaugnay na katangian ng isang taong nagtataglay ng kasipagan.
Full Transcript
# Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok ## Kasipagan - Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. - Tumutulong sa isang tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng: - Tiwala sa sarili - Mahabang pasensya...
# Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok ## Kasipagan - Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. - Tumutulong sa isang tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng: - Tiwala sa sarili - Mahabang pasensya - Katapatan - Integridad - Disiplina - Kahusayan - Ang mga nabanggit na katangian ay makatutulong sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang kapwa, at sa kaniyang lipunan. ### Palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan: 1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. 2. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal. 3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. ## Katamaran - Kabaliktaran ng kasipagan. - Hindi dapat taglayin sapagkat ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho. ### Katangian ng isang taong tamad: - Pumipigil o humahadlang sa tao upang magtagumpay. - Ayaw tumanggap ng gawain. - Palagi niyang nararamdaman ang kapaguran kahit kaunti pa lamang ang kaniyang nagagawa. - Kadalasan ay hindi niya natatapos ng maayos ang isang gawain. ## Pagpupunyagi - Ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. - May kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan, at determinasyon. - Pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo. - Patuloy na pagsubok ng mga gawain hanggang hindi nakakamit ang mithiin. ## Pagtitipid - Kakambal ng pagbibigay. - Isang birtud na nagtuturo sa isang tao na hindi lamang mamuhay ng masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na makapagbigay sa iba. - Hindi ubos-ubos sa pera o bagay na walang saysay. - Dapat mong mahalin ang bunga ng iyong ginawang pagsisikap at pagtitiyaga. ## Pag-iimpok - Paraan ng pagtatabi ng kaunting halaga upang makapag-ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon. ### Bakit kailangan mag-iimpok? (Ayon kay Francisco Colayco) 1. Para sa proteksyon sa buhay (emergency fund para sa pagkakasakit, kalamidad, at iba pa) 2. Para sa mga hangarin sa buhay (edukasyon) 3. Para sa pagreretiro (para sa pagtanda) ### Kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at hindi optional (Colayco) - Obligasyon natin sa ating sarili ang pag-iimpok.