Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok sa Paggawa PDF

Document Details

HolyWave9220

Uploaded by HolyWave9220

Francisco P. Felix Memorial National High School

Tags

Diligence Perseverance Saving Financial Management

Summary

This document discusses diligence, perseverance, saving, and proper management of savings in the context of work. It outlines principles and strategies related to these topics. It also examines different perspectives on these concepts from various sources.

Full Transcript

Kasipagan,Pagpupunyagi,Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok sa Paggawa A.Kasipagan sa Paggawa Ang kasipagan ay ang paggawa ng isang trabaho o bagay na may kalidad. Ang isang taong masipag ay tinatapos ang mga bagay na kanyang sinimulan at sinisiguradong ang kanyang gawa ay m...

Kasipagan,Pagpupunyagi,Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok sa Paggawa A.Kasipagan sa Paggawa Ang kasipagan ay ang paggawa ng isang trabaho o bagay na may kalidad. Ang isang taong masipag ay tinatapos ang mga bagay na kanyang sinimulan at sinisiguradong ang kanyang gawa ay matapat at magaling. Pinatutunayan ng mga nag tatagumpay sa iba’t ibang gawain na hindi mabailis ang kanilang pag angat sila ay nag simula rin sa ibaba,sila ay nagsipag upang makamit ang inaasam nilang buhay. A.Kasipagan sa Paggawa. Karaniwan nating naririnig ang kasabihang,”Makakamit lamang ng tao ang bunga ng magandang buhay kung siya ay masipag, may dedikasiyon,at disiplina.” Pitong Mga Gabay sa Pagsasabuhay ng Kasipagan sa Paggawa 1.Simulan ang gawain na may pasasalamat sa mga biyaya. Ang pagsisimula ng gawain na may pasasalamat sa mga biyaya mula sa diyos ay nag bibigay ng espiritwal na pananaw at positibong motibasyon sa pagganap ng isang gawain. Biniyayaan ng Diyos ang bawat tao ng talino,kakayahan at talento na gamit niya sa paggawa. 2.Magkaroon ng mataas na sukatan sa pagganap sa gawain. Iwasan ang mababang uri ng paggawa dahil sa pagtanggap at pagsunod sa paniniwalang “Puwede na iyan”.Sa halip,sunduin ang batayang “Puwedeng-puwede na ito” na nagpapakita ng mahusay at pulidong paggawa ng gawain o produkto. 3.Maging maayos at organisado ang paggawa. Makapagsisimula kaagad at hindi na maaksaya ang oras sapagkat handa na ang sarili sa nakatuong gawain. Walang pokus o tuon ang manggagawa na hindi malinaw ang iskedyul ng gawain na kanyang gaganapin. 4.Ikalugod ang iyong gawain. Magiging magaan at kasiya-siya ang gawain kung may positibong pananaw sa pagganap nito. Masaya ang pakiramdam kung alam natin na magaling at mahusay ang natapos na gawain. 5.Tignan ang pagkakamali bilang paghamon sa pag-unlad ng sarili sa gawain. Hindi maiiwasan na magkamali habang ginagawa ang tungkulin,imbis na mainis at tumigil ang dapat gawin ay isipin na normal o natural ang mag kamali sa lahat ng uri ng gawain. Itigil muna ang gawain at isipin ang dahilan ng pagkakamali. Kadalasan ang problema ay nangangailangan ng suporta ng mga kasamahan na eksperto sa tiyak na problema upang mas madali ang paglutas dito. 6.Magpupunyagi at sikapin ang pag- unlad ng sarili sa gawain. Walang tao ang alam ang lahat na kailangang malaman sa kanyang gawain. Maganyak na sumali sa mga programa na SIKAPING ibinibigay ng samahan o trabaho na UMUNLAD magdaragdag ng kaalaman at kasanayan sa higit na produktibong pagganap ng tungkulin. 7.Panatilihing may mataas na integridad sa pagganap ng tungkulin. Ipagpatuloy ang mga pagpapahalaga sa mabuting paggawa sa pagsisilbi sa trabaho.Makikilaka ka na masipag, matiyaga, at maasahang bahagi ng samahan. Madalas na mga manggagawang may integridad sa gawain ang pinagkakatiwalaan na manguna sa mga puwesto at tungkulin para s organisasyon. B.Pagpupunyagi sa Paggawa. Sino ang taong may pagpupunyagi sa paggawa? Ayon kay Subin(2018),hindi makakamit ang tagumpay kung umaasam-asam lamang na mangyari ang mga ito. Ang paggamit ng kaalaman at mga kasanayan ay nag papabilis sa pagkamit ng mga inaasam sa buhay. Ang mga sumusunod na katangian ng taong may pagpupunyagi sa paggawa. 1. Hinaharap niya at sinusulusyunan ang mga balakid na pangyayari habang ginagampanan ang gawain. 2. Nagsasakripisyo at ipinagpapatuloy ang mga dapat gawin kahit na nakakaranas ng matinding pagod at hirap. 3. Ang mga maling nagawa ay nagsisilbing hamon sa kanya mga kakayahan na solusyunan ang mga balakid na nararanasan. Ipinaaalala ni Subin na walang mga shortcut o mabilisang pamamaraan sa pagkamit ng tagumpay sa mga nais makamit sa buhay. Ang pagiging mapagpunyagi na may matinding determinasyon ay magtatagumpay na harapin ang mga hamon sa pamamagitan ng mahusay na paggawa ito ang mabisang paraan upang magtagumpay. C.Pagtitipid sa Bunga mula sa Paggawa. Ipinahayag ni Hubbard(2018) na ang pagtitipid sa bunga mula sa paggawa ay isang kinakasanayang ugali o habit. Ang kasanayang ugali ng pagtitipid ay pagpapatunay ng kakayahan ng manggagawa na gamitin ang kanyang matalinong pag-iisip na magtipid sa bunga mula sa paggawa. C.Pagtitipid sa Bunga mula sa Paggawa. Itinuring ni Hubbard na masaya ang tao na matipid sa bunga ng kanyang pinaghirapang gawain. Ginagasta ng matipid na mangagawa ang kanyang kita sa mga bagay na mahahalaga at kailangan lamang. D.Wastong Pamamahala ng Naimpok. Tinutukoy ni Green(2018) na ang pag-iimpok para sa hinaharap ay isa sa mga kasanayang ugali ng mga matatagumpay na tao. Ang pagiimpok ng pera ay mabisang paraan upang magamit sa pangangailangan at di-inaasahang panahon. Inilahad niya ang mga sumusunod na dahilan kung bakit kailangan mag impok ng tao: 1.Para sa proteksiyon sa buhay May mga di-inaasahang pangyayari sa buhay na kailangang gastusan.Magiging maayos ang paggawa ng mga solusyon sa mga pangyayari kung may perang naimpok. 2.Para maiwasan ang buhay na may mga utang Ang pag-iwas sa paggasta ng mga naimpok at pangungutang upang matustusan ang mga di- kinakailangang luho at bisyo ay makatuulong sa pagkakaroon ng tahimik at payapang buhay. Maiiwasan rin ang stress dulot ng pag iisip kung paano mababayaran ang mga utang. 3.Para makamit ang hangarin sa buhay Ang makatapos ng gustong kurso, ang tumira sa naipundar na bahay,ang makapasyal sa magagandang lugar sa sariling bansa at sa ibang bansa ay ilan lamang sa mga hangarin ng bawat tao. Mahalaga na may maimpok na pera para sa pag-aaaral ng mga anak ng mga manggagawa. Paano nakatutulong ang kasipagan,pagpupunyagi, pagtitipid, at wastong pamamahala sa naimpok sa pagbubuo ng pansariling pagkatao? Ang palagiang pagsasabuhay ng tao sa kasipagan at disiplina sa paggawa ay bubuo ng malakas na Etika sa paggawa at mabuting pagpapakatao Masasalamin sa etika ng paggawa ang uri ng pagkatao batay sa paraan at kalidad ng pagganap sa gawain. Ang taong may mahinang etika sa paggawa ay karaniwang tamad,nag-aaksaya ng mga gamit, manbibitin ng itinakdang iskedyul o hinid mahusay ang kalidad ng gawain. Sa artikulo How to Develop A Good Work Ethic (2018),tinutukoy ang apat na etika sa mabuting paggawa. 1.Etika ng Pagpupunyagi sa Paggawa Mahalaga na maging seryoso sa paggawa at gawin ang pinakamahusay na trabaho sa pagtupad ng gawain. Ang pagpaplano sa simula ng gawain ay magbibigay ng dereksiyon at mga paraan sa pagpapatupad at pagbuo ng inaasahang bunga. 2.Etika ng Tuon o Pokus sa Paggawa Bumuo ng mas mahabang oras sa paggawa.Maglaan din ng oras para magpahinga,kailangan may sapat na tulog bago simulan ang isang gawain. Kumuha ng break upang gawin ang nakasisiyang gawain tulad ng pamamasyal kasama ang pamilya o kaibigan upang maging balanse ang oras para sa paggawa at paglilibang. 3.Etika ng Kaagad na Paggawa at Hindi Ipagpaliban Ang pag-iisip o pagsabi sa sarili ng “Agad gawin,huwag nang ipagpaliban”ay maaring magsilbing pantulong na gabay para simulan kagad ang gawain. Magreresulta ang etikang ito sa pagpapalakas ng mabubuting pagkatao lalo na sa mga pagpapahala sa gawain. 4.Etika ng Tama at Mahusay na Paggawa Hindi layon ng etikang ito na maging perpekto ang paggawa,inaasahan lang na gawin ang pinakamahusay upang makuha ang itinakdang kalidad sa paggawa. Mahalaga ang etikang ito lalo na kung wala nang panahon para balikan ang mga maling hindi na itama. Produktibong Paggawa para sa Pag-unlad ng Kapwa Bukod sa layuning mabuo ang mabuting pagkatao, layunin din ng paggawa na maglingkod para sa kabutihan ng kapwa. Sa ganitong paraan,mababawasan ang napakaraming problema sa lipunan tunong sa pagsulong ng kabutihang panlahat. Karaniwang paggawa ng isang tao ay kaugnay sa mga kinakailangan ng kanyang kapwa. Halimbawa,tulad ng wastong pagtapon ng basura ito ay hindi magiging dahilan ng pagdami ng salot na dala ng langaw,daga,ipis,at mga hayop na sanhi ng malawakang sakit sa pamayanan. Ang paglilingkod sa kapwa ay magaganap kahit sa mga pangkaraniwang uri ng paggawa. Ikaw bilang isang mag-aaral sa iyong paaralan marami kang maaring magawa na magtataas sa kalagayan ng kapwa na nakakasalamuha. Narito ang ilang paalala upang maging makabuluhan ang iyong paglilingkod sa kapwa sa pamamagitan ng paggawa Makabuluhang paglilingkod sa kapwa sa pamamagitan ng paggawa: 1.Tukuyin ang iyong mga talento o gawan na maaaring ibahagi sapagkat kailangan ng iyong kapwa. Halimbawa:Ikaw ay palasimba,madasalin,at mapagkumbaba.Mahusay ka ring makisama sa kapwa kaya madali kang makipagkaibigan. 2.Kinakailangan ang pakikipag-ugnayan upang makuha ang pagsang-ayon ng mga awtoridad at mga lider ng samahan ng simbahan. Magagabayan ka nang maayos ng mga awtoridad at mga kasamahan.Makukuha mo rin ang kanilang suporta sa bawat hakbang ng pagpaplano ng paggawa para sa mga kabataang nais tulungna. 3.Maging tapat at masaya sa paggawa ng mabuting layunin sa kapwa.Laging isaisp na ang gawain para sa kapwa ay paraan ng pasasalamat sa Diyos sa mga biyaya at kabutihan na patuloy mong tinatamasa. Ang paglilingkod at paggawa ay isang banal na paraan ng pasasalamat sa kabutihan sa iyo ng Diyos. 4. Maging mapagkumbaba sa paggawa at paglilingkod sa kapwa.Iwasan na gawin ang pagtulong sa kapwa para lang mapansin o mapuri.Makikita o mararamdaman ng kapwa kung tapat ang iyong pagtulong at walang bahid ng pagyayabang o paghingi ng kapalit. 5. Iwasang isumbat ang kabutihang ginawa sa kapwa. Maaaring hindi nila ipinapahayag ang kanilang pasasalamat ngunit sa kanilang puso ay nauunawaan nila na may taong tulad mo na nagmamalasakit sa kanilang kabutihan. Paraan ng paggawa na maaring makaganyak sa iyo sa paggawa ng kabutihan sa kapwa 1.Pagkuha ng mga gawain na hindi nagagampanan ng kapamilya dahil sa may higit na mahalagang iskedyul na kailangan nilang gawin. 2.Pag-iipon ng mga napagliitang damit o sapatos upang maibigay sa mga biktima ng mga kalamidad. 3.Pag-iipon ng mga kinasawaan na mga gamit tulad ng school bag,pencil case,payong,laruan na maaaring ibigay sa mga karaniwang nangongolekta sa panahon ng pasko. 4.Pagpresinta sa guro na tumulong sa mga karaniwang gawain sa klase tulad ng paglilinis ng pisara,pagtatago ng mga aklat o gamit sa kabinet,pag buo ng display sa bulletin board,at iba pa. 5.Pagtanggap ng hamon na maging lider o opisyal ng isang samahan sa paaralan o barangay dahil sa angkin mong talino,kakayahan,at talento. 6.Paghingi ng suporta mula sa iyong kapamilya na tulungan ang mga matatanda at batang pulubi na lagi ninyong nadaraanan. Huwag palampasin ang pagkakataong makagawa ng kabutihan sa kapwang nangangailangan. Biniyayaan ka ng talino,kakayahan, at talento sa paggawa ng gawaing makapagpapabuti ng sitwasyon ng iyong kapwa.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser