PANUKALA-GROUP-2 PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

LCC Silvercrest School

2024

Bb. Mary Rose F. Cuenca

Tags

animal shelters animal welfare community project Filipino

Summary

This document is a proposal for a project to build animal shelters in Barangay Marawoy, Lipa City, Batangas. The project is a community initiative focused on animal welfare. The proposal details the project's scope, costs, and timeline.

Full Transcript

LCC SILVERCREST SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT PANUKALA SA PAGSASAGAWA NG MASISILUNGAN NG MGA HAYOP NA NASA LANSANGAN SA BARANGAY MARAWOY, LIPA CITY, BATANGAS Isang Panuka...

LCC SILVERCREST SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT PANUKALA SA PAGSASAGAWA NG MASISILUNGAN NG MGA HAYOP NA NASA LANSANGAN SA BARANGAY MARAWOY, LIPA CITY, BATANGAS Isang Panukalang Proyekto na Ihaharap sa Faculty ng Senior High School Department LCC Silvercrest Senior High School Para sa Asignaturang Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Inihanda nina: Delarmente, John Emmanuel A. De Ocampo, Ayessa Mae C. Fiscal, Daven Rei A. Garcia, Vergel S. Icaro, Jeczelle Charisse P. Luna, Tracy Sharainne V. Robles, Janine Raica A. Ipinahanda ni: Bb. Mary Rose F. Cuenca SETYEMBRE 2024 Lipa City Colleges G.A. Solis St., Lipa City Batangas Telephone Number: 756-1943 Fax Number: 756-3768 local 300 LCC SILVERCREST SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT I. Pangalan ng Proyekto Panukala sa Pagsasagawa ng Masisilungan ng mga hayop na Nasa Lansangan Sa Barangay Marawoy, Lipa City, Batangas II. Proponent ng Proyekto  Delarmente, John Emmanuel A. Tangob, Padre Garcia, Batangas 0981 225 2134 [email protected] Kalendaryo ng Gawain  De Ocampo, Ayessa Mae C. Villa San Jose, Marawoy, Lipa City, Batangas 0935 937 9143 [email protected] Nag-rebisa at sa Klasipikasyon ng Proyekto  Fiscal, Daven Rei A. Balintawak, Lipa City, Batangas 0956 264 3798 [email protected] Kapakinabangang dulot  Garcia, Vergel S. Antipolo Del Norte, Lipa City, Batangas 0991 913 5088 [email protected] Kabuuang pondong kailangan  Icaro, Jeczelle Charisse P. Bolbok, Lipa City, Batangas 0966 072 3123 [email protected] Layunin Lipa City Colleges G.A. Solis St., Lipa City Batangas Telephone Number: 756-1943 Fax Number: 756-3768 local 300 LCC SILVERCREST SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT  Luna, Tracy Sharainne V. San Lucas, Lipa City, Batangas 0944 843 2930 [email protected] Deskripsyon  Robles, Janine Raica A. Malagonlong, Lipa City, Batangas 0993 646 7709 [email protected] Rasyonale III. Klasipikasyon ng Proyekto Ang panukalang maglagay ng animal shelters sa lugar ng Marawoy, Lipa City ay nasa kategoryang pang-komunidad at pangkalusugan ng mga hayop dahil ang pagbibigay ng silungan para sa mga hayop ay isang marangal at responsableng hakbang. Ito ay paglikha ng isang ligtas na espasyo ng mga hayop para sa kanilang kaligtasan at komportableng lugar kung saan sila maaaring manatili. Maaaring kailanganin ng mga hayop ang suporta mula sa mga grupo na nangangalaga ng kapakanan ng hayop. Ang mga silungan ay naglalaman ng daan-daang hayop na nangangailangan ng bagong tahanan. IV. Kabuuang pondong kailangan MGA BILANG NG PRESYO NG KABUUANG KAILANGAN KAILANGAN KAILANGAN PRESYO Bakal 30 pcs. PHP 255 PHP 7650 Trapal 5 pcs. PHP 198 PHP 990 Pet Cage Mat 10 pcs. PHP 99 PHP 990 Pet Food Bowl 10 pcs. PHP 27 PHP 270 Door Hinge 20 pcs. PHP 35 PHP 350 Screw 125 pcs. (PHP 60 per 50 PHP 150 pieces) Kabuuan: PHP 10, 400 Kabuuang Presyo: PHP 10, 400 Lipa City Colleges G.A. Solis St., Lipa City Batangas Telephone Number: 756-1943 Fax Number: 756-3768 local 300 LCC SILVERCREST SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT V. Rasyonale Sa kasalukuyan, ang Barangay Marawoy, Lipa City, Batangas ay nahaharap sa lumalaking suliranin ng pagdami ng mga hayop sa lansangan, partikular na mga aso at pusa. Araw-araw, maraming pagala-galang hayop ang makikita sa iba't ibang bahagi ng barangay. Ang mga hayop na ito ay karaniwang payat, marurumi, at labis na nangangailangan ng wastong pangangalaga. Wala silang sapat na pagkain, malinis na tubig, at angkop na tirahan. Dahil dito, ang kanilang kalusugan ay patuloy na naaapektuhan. Hindi lamang ito isyung moral at etikal tungkol sa kapakanan ng mga hayop, kundi isa ring mahalagang usapin na may direktang epekto sa kaligtasan at kalusugan ng komunidad. Ang mga hayop na nasa lansangan ay nagiging biktima ng iba't ibang mga panganib tulad ng malnutrisyon, dehydration, at pagkakasakit dahil sa madumi at hindi angkop na kapaligiran. Marami sa kanila ang natutulog o namamalagi sa mga kalsada, sa ilalim ng mga sasakyan, o sa mga pampublikong lugar, at madalas ay walang silungan laban sa matitinding kondisyon ng panahon tulad ng ulan at matinding init. Ang kawalan ng maayos na tirahan para sa mga hayop ay nagpapalala sa kanilang kalagayan, nagiging sanhi ng mabilis na pagkalat ng mga sakit gaya ng scabies, leptospirosis, at iba pang mga impeksyon na maaaring maging banta rin sa kalusugan ng mga tao. Bukod dito, may mga hayop na nagiging agresibo dahil sa kanilang gutom at stress, na nagiging sanhi ng kagat at iba pang aksidente. Ang pangunahing sanhi ng suliraning ito ay ang kakulangan ng tamang impormasyon at edukasyon ukol sa responsableng pag-aalaga ng mga hayop. Karamihan sa mga residente ng Barangay Marawoy ay walang sapat na kaalaman tungkol sa tamang paraan ng pag-aalaga at pagkontrol sa pagdami ng mga alagang hayop. Dahil dito, marami ang napipilitang abandonahin ang kanilang mga alagang hayop, o di kaya’y hindi kayang alagaan nang maayos, kaya’t sila ay napupunta sa lansangan. Ang kawalan ng mga batas at polisiyang mahigpit na nagpapatupad ng responsableng pag-aalaga, kasama na ang pagkontrol sa populasyon ng mga hayop, ay nagpapalubha rin sa sitwasyong ito. Dagdag pa rito, ang kawalan ng mga pasilidad tulad ng animal shelters o veterinary clinics sa barangay ay nagiging hadlang sa pagbibigay ng tamang pangangalaga sa mga hayop. Sa Barangay Marawoy, tila kulang ang mga ganitong pasilidad, kaya’t ang mga hayop ay patuloy na nagiging bahagi ng lansangan, walang proteksyon at atensyon mula sa mga kinauukulan. Upang masolusyunan ang patuloy na problema ng mga pagala-galang hayop sa Barangay Marawoy, isang epektibong hakbang ang pagtatatag ng isang maayos at ligtas na silungan para sa mga hayop na walang tahanan o inabandona sa lansangan. Ang ganitong uri ng pasilidad ay hindi lamang magsisilbing pansamantalang tahanan para sa mga hayop, kundi magiging mahalagang bahagi ng pangmatagalang solusyon sa pagdami ng mga hayop na Lipa City Colleges G.A. Solis St., Lipa City Batangas Telephone Number: 756-1943 Fax Number: 756-3768 local 300 LCC SILVERCREST SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT nasa lansangan. Ang silungan ay magsisilbing lugar kung saan ang mga hayop ay mabibigyan ng nararapat na pangangalaga, kasama na ang sapat na pagkain at malinis na tubig. Makakatulong ito upang mapabuti ang kanilang kalusugan at kondisyon, na kadalasan ay labis na naaapektuhan dahil sa matagal na pamamalagi sa mga kalsada. Bukod dito, ang mga hayop ay magkakaroon ng ligtas na lugar na kanilang masisilungan mula sa masamang panahon, at hindi na magiging sanhi ng mga aksidente sa kalsada o panganib sa kalusugan ng mga tao. VI. Deskripsyon Ang proyektong ito ay naglalayong magtayo ng mga masisilungan para sa mga hayop na nasa lansangan upang mabigyan sila ng tamang pangangalaga, pagkain, at tirahan. Ang proyekto ay inaasahang matatapos sa loob ng dalawang buwan. Ang mga gawain para sa proyekto ay magmumula sa mga estudyante ng LCC Silvercrest Senior High School, at ang badyet ay kukunin mula sa mga donasyon at pondong makakalap. Layunin nitong mabigyan ang mga hayop ng tamang pangangalaga, pagkain. Sa pamamagitan ng mga masisilungan, maiiwasan ang pagkalat ng sakit, mapapanatili ang kalinisan ng mga lansangan, at mababawasan ang mga panganib na dulot ng mga hayop sa kaligtasan ng mga tao. Kasama rin sa panukala ang pagsasagawa ng mga programa sa edukasyon para sa publiko ukol sa responsableng pag-aalaga ng hayop at mga inisyatibo sa pagpapaampon upang mabigyan ng permanenteng tahanan ang mga hayop. Ang pagtatayo ng masisilungan ay makakabuti hindi lamang sa mga hayop kundi pati na rin sa komunidad na magdudulot ng mas malinis at ligtas na kapaligiran para sa lahat. VII. Layunin Ang mga layunin sa panukala na magsagawa ng masisilungan ang mga hayop na nasa lansangan sa Barangay Marawoy, Lipa City, Batangas ay ang mga sumusunod: a. Maiwasan ang mga sakuna na maaaring makapag dulot ng sakit sa bawat hayop na nasa lansangan. b. Magkaroon ng pansamantalang matutuluyan o matutulugan ang mga ito. c. Matalakay ang kahalagahan ng masisilungan para sa mga hayop na nasa lansangan. d. Maisagawa upang dagdag nadin proteksyon sa kung anumang mga kalamidad ang maranasan ng mga ito. Lipa City Colleges G.A. Solis St., Lipa City Batangas Telephone Number: 756-1943 Fax Number: 756-3768 local 300 LCC SILVERCREST SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT VIII. Mga kapakinabangang dulot Ang panukalang pagtatalaga ng silungan para sa mga hayop sa Barangay Marawoy ay isang mahalagang hakbang upang masolusyunan ang lumalaking problema ng mga hayop sa lansangan. Sa pamamagitan ng maayos na plano, edukasyon, at pakikipagtulungan, magkakaroon tayo ng ligtas at maayos na silungan para sa mga hayop na walang tahanan o inabandona. Ang mga hayop sa silungan ay hindi na magiging sanhi ng kalat at aksidente sa lansangan, maging tagadala ng mga kumalakat na sakit na maaring makahawa sa mga alaga nating hayop, kaya't magdudulot ito ng mas maayos at ligtas na kapaligiran para sa mga residente. Ang mga benepisyong ito ay magdadala ng positibong pagbabago sa kalagayan ng mga hayop at sa kalidad ng buhay ng buong komunidad ng Barangay Marawoy. IX. Kalendaryo ng Gawain Petsa Mga Gawain Lugar Setyembre 5, 2024 Pag-aanunsyo ng guro sa Senior High gagawing panukalang proyekto. School Building Setyembre 10, 2024 Pagpapa-aproba ng mga Senior High posibleng titulo ng panukalang School Building proyekto. Setyembre 12-14, Pagpupulong at pagpaplano sa Senior High 2024 kung sino ang aatasang School Building maghahanap ng mga kagamitan sa pagbuo ng proyekto. Setyembre 18-20, Pagkakambas ng mga Mga Hardware 2024 materyales na gagamitin sa panukalang proyekto. Setyembre 21, 2024 Pangongolekta ng mga Senior High donasyon/pondong gagamitin. School Building Setyembre 26-28, Pamimili ng mga kagamitan na Mga Hardware 2024 gagamitin sa pagbuo ng mga silungan. Lipa City Colleges G.A. Solis St., Lipa City Batangas Telephone Number: 756-1943 Fax Number: 756-3768 local 300 LCC SILVERCREST SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT Oktubre 4, 2024 Pagsisimula ng proyekto sa Marawoy, Lipa paglalagay ng mga silungan sa City lansangan. Oktubre 6-7, 2024 Pagsasaayos ng mga ginawang Marawoy, Lipa silungan. City Oktubre 10, 2024 Pagtatapos ng ginawang Marawoy, Lipa proyekto. City X. Lagda Inihanda nina: Delarmente, John Emmanuel A. Mag-aaral ng LCC Silvercrest De Ocampo, Ayessa Mae C. Mag-aaral ng LCC Silvercrest Fiscal, Daven Rei A. Mag-aaral ng LCC Silvercrest Garcia, Vergel S. Mag-aaral ng LCC Silvercrest Lipa City Colleges G.A. Solis St., Lipa City Batangas Telephone Number: 756-1943 Fax Number: 756-3768 local 300 LCC SILVERCREST SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT Icaro, Jeczelle Charisse P. Mag-aaral ng LCC Silvercrest Luna, Tracy Sharainne V. Mag-aaral ng LCC Silvercrest Robles, Janine Raica A. Mag-aaral ng LCC Silvercrest Lipa City Colleges G.A. Solis St., Lipa City Batangas Telephone Number: 756-1943 Fax Number: 756-3768 local 300

Use Quizgecko on...
Browser
Browser