Paglakas Ng Europa PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses the factors behind the strengthening of Europe, including the rise of the bourgeoisie, the Reformation, and the Renaissance. It also examines the impact of these events on European society and politics.
Full Transcript
Ang terminong Bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng bayan ng Medieval France na binubuo ng mga artisans at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang. Malaki ang pagkakaiba ng...
Ang terminong Bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng bayan ng Medieval France na binubuo ng mga artisans at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka o mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapi nito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga artisan, halimbawa ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakadepende sa sistemang pyudal at binabayaran sila sa kanilang paggawa. Sa bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker, mga shipowner, mga pangunahing mamumuhunan at mga negosyante. Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisanna sa panahong ito ay maiuuri na sa manggagawa. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang. Maiuugat ang English Revolution, American Revolution at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan at sa karapatan sa kalakalan at pagmamay-ari. Nagkaroon lamang ng political na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 siglo. Nagkamit sila ng karapatang political, panrelihiyon at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo. Hango ito sa ideya ng Spain na yumayaman at nagiging makapangyarihan dahil sa mahahalagang metal na nanggagaling sa mga kolonya nito. (Bullionism) Ang isang bansang walang kakayahang makakuha ng ginto at pilak nang madalian ay dapat na mas paunlarin ang kalakalan nito sa ibang bansa. mas maraming ginto mas magiging at pilak ang makukuha mayaman at ng isang bansa, mas maraming pera ang makapangyarihan malilikom nito bilang ang naturang buwis bansa. Magkaroon ng Magkaroon ng malaking kitang Mapondohan ang pamahalaang magbibigay daan kaniyang Hukbo; katatakutan at upang ang hari ay rerespetuhin ng buong makapagpagawa ng daigdig mga barko. Nasyonalismong Ekonomiko – ang sitwasyon kung saan kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal ng isang bansa. Noong panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan Noong panahon ng piyudalismo, mahina ang kapangyarihan ng hari Noong panahon ng piyudalismo, ang naghahari ay mga noble na sila ring mga panginoong maylupa (landlord) Sa tulong ng mga bourgeoisie, ang mga hari ay unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pagbubuo ng matatatag na sentralisadong pamahalaan. Humirang siya ng mamamayang magpapatupad ng batas at nagsasagawa ng paglilitis at pagparusa sa korte ng palasyo. Resulta: lumipat ang katapatan ng tao mula sa landlord tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito. Dahil sa buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad ng mga sundalo. Nakalaya ang hari mula sa proteksyon na dating ibinibigay ng mga knight at ng mga landlord Ang katapatan ng mga sundalo ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight at landlord kung kinakailangan Maaari nang humirang ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom, sekretarya at administrador. Nation – state: isang estado na pinananahanan ng mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon at kasaysayan ang mamamayan ay isang nagkakaisang lahi nasa isang tiyak na teritoryo at pamahalaan silang may soberanidad (soberanya) o kasarinlan nagkakaisang lahi na may katapatan sa kanilang bansa. 1. Nabuo ang ibayong lakas pampolitika, panlipunan at pang – ekonomiya. 2. Pagpapalawak ng impluwensiya: nanghimasok at pananakop ng mga Europeong nation – state sa Asya, America at nang kinalaunan, sa Africa. Kaganapang yumanig sa kakristiyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 na dantaon na humantong sa pagkakahati ng Simbahang Katoliko. Dito nagsimula ang paghihiwalay ng mga Protestante sa Simbahang Katoliko. Ipinanganak noong Nobyembre 10, 1483 sa Eisleben, Germany. Ang kanyang ama, si Hans Luther ay isang magsasaka na naging minero ng tanso, samantalang ang ina niyang si Margareth Linderman ay mula sa isang pamilyang kabilang sa gitnang uri. Isang mongheng Agustinian at naging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg. Siya ay nabagabag at nagduda nang mabasa niya ang kaibahan ng katuruan ng Simbahan sa katuruan ng bibliya tungkol sa kaligtasan. “Ang pagpapawalang sala ng Diyos ay nagsisimula sa pananampalataya, at naging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya”- Romans 1:17 Ang nagpasiklab ng galit ni Luther ay ang kasuklam- suklam na gawain ng mga simbahan, ang pagbebenta ng indulhensiya. Ito ay kapirasong papel na nagsasaad at nagpapalabas na ang grasya ng Diyos ay maaaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao. Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng Simbahan tungkol dito ang nagtulak sa kaniya upang ipaskil sa pintuan ng simbahan ang kanyang Siyamnapu`t limang Proposisyon (Ninety-five Theses) noong Oktubre 31, 1517 Malawakang kinikilala bílang mitsa ng Repormang Protestante. Ang protestang ito ay laban sa pang- aabuso ng mga klerigo, lalo na ang nepotismo, simonya, usury, pluralismo, at pagbebenta ng indulhensiya. Ipinaskil ni Luther ang Ninety-five Theses, na sinulat niya sa Wikang Latin, sa pinto ng simbahan ng All Saints' Church sa Wittenberg. Kumalat sa iba-ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther. Noong taong 1529, nagbigay ang mga sumusuportang estado at bayang Aleman ng isang protestasyon- na siyang pinagmulan ng salitang Protestante. Sila ang mga sumasalungat sa mamamayang Katoliko at emperador ng Banal na Imperyong Romano. Humantong ang alitang ito sa digmaan at ito ay tinapos ni Charles V sa pamamagitan ng paglagda ng Kapayapaang Augsburg noong 1555. Nakasaad sa kasunduan na kikilalanin ng mga hari o namumuno ang malayang pagpili ng relihiyon ang kanilang nasasakupan. Bago nagsimula ang Repormasyong Protestante, nagsikap ang mga pinunong Katoliko na maituwid ang mga maling pamamaraan ng Simbahan. Si Papa Gregory VII ang nagpasimuno ng tatlong pagbabago ng simbahan. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang mailaan ang buong sarili sa paglilingkod sa Diyos. Pag-aalis ng Simony. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno. Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang malakas na kilusan ang sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko. Tinawag itong Catholic Reformation o Counter Reformation. Isinagawa ito ng Konseho ng Trent, Inquisition, at ng Society of Jesus. Nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay naging Protestante samantalang ang timog ay nanatiling Katoliko. Marami ang humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba pa. Canon Laws nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa nasabing sibilisasyon. Panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon. Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay magandang Italy ang pinagmulan ng lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng kadakilaan ng pagkakataon ang mga lungsod dito na sinaunang Rome at higit makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at na may kaugnayan ang Europe. Italyano sa mga Romano kaysa, o alinmang bansa sa Europe. Mahalagang papel ang ginampan ng mga unibersidad sa Italy, Pagtataguyod ng mga naitaguyod at napanatiling maharlikang angkan sa buhay ang kulturang klasikal at mga taong mahusay sa ang mga teolohiya at sining at masigasig sa pag- pilosopiyang kaalaman ng aaral. kabihasnang Griyego at Romano. Anu-ano ang mga salik sa paglakas ng Europe? Sino-sino ang mga bumubuo sa pangkat ng tao sa lipunan ng Europe na tinatawag na Bourgeoisie? Ano ang batayan ng kayamanan sa sistemang Merkantilismo? Anu-ano ang apat na elemento ng estado? Sino ang tinaguriang “Ama ng Repormasyon?” Saan umusbong ang Renaissance?