PAG-USBONG NG LIBERAL NA IDEYA PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang talakayan tungkol sa PAG-USBONG NG LIBERAL NA IDEYA sa Pilipinas. Tinalakay ang mga salik na naging dahilan ng pagsulong ng liberal na ideya tulad ng pagpasok ng mga liberal na kaisipan, pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, pagbubukas ng Suez Canal, at ang pagbabago sa mga antas ng lipunan. Nabanggit din ang papel ng mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa at ang Dekreto sa Edukasyon 1863.

Full Transcript

. Mother Goose Special School System, Inc. HEKASI 6 PAG-USBONG NG LIBERAL NA IDEYA 1st Trimester REFERENCE # 3 PAG-USBONG NG LIBERAL NA IDEYA Ang liberalismo ay panlipunang etika na sinusulong ang k...

. Mother Goose Special School System, Inc. HEKASI 6 PAG-USBONG NG LIBERAL NA IDEYA 1st Trimester REFERENCE # 3 PAG-USBONG NG LIBERAL NA IDEYA Ang liberalismo ay panlipunang etika na sinusulong ang kalayaan, at pagkapantay-pantay sa pangkalahatan. Ang Liberal na Ideya ay nagsasabi na sa bawat karapatan ay may obligasyon tayong huwag abusuhin at maminsala ng karapatan ng iba. Tinatawag na Panahon ng Kaliwanagan o Enlightenment Naging mulat ang mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga Espanyol Pagtuligsa ng mga nakapag-aral sa kawalan ng katarungan SALIK SA PAG-USBONG NG LIBERAL NA IDEYA 1. ANG PAGPASOK NG MGA LIBERAL NA KAISIPAN Ang kaisipang liberal na ito ay nadama sa naganap na Himagsikang Pranses. Ang mga simulain ng mga Pranses, “Pagkakapantay-pantay, kalayaan at pakakapatiran ay umabot at nakarating sa Pilipinas. 2. ANG PAGBUBUKAS NG PILIPINAS SA KALAKALANG PANDAIGDIGAN Pagbubukas ng daungan ng Maynila (1834) Umunlad ang ekonomiya Marami ang yumaman Lumaki ang pagnanasa ng mga Pilipino na makalaya ang bansa Nakapag-aral ang mga anak Nakapasok ang mas maunlad na kaisipan 3. ANG PAGBUBUKAS NG SUEZ KANAL (1869) Ang paglalakbay ay umaabot sa 32 araw na lamang na dati’y tumatagal ng 3 buwan. Dumami ang mga Espanyol sa bansa. Napadali ang komunikasyon mula sa Maynila patungong Espanya. 4. PAGBABAGO NG ANTAS SA LIPUNAN * PENINSULARES- pinakamataas na antas - mga Espanyol na nakatira sa Pilipinas ngunit ipinanganak sa Espanya. * INSULARES- mga ipinanganak sa Pilipinas na may dugong purong Kastila ang mga magulang. * MESTISO- anak ng mga Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o Tsino. * PRINCIPALIA/ILUSTRADO- mga Pilipinong nabibilang sa mataas na uri ng lipunan, mga Pilipinong nakapag-aral. * INDIO - Pinakamababang uri sa lipunan. Mga katutubong Pilipino na di nakapag-aral. MGSSSI: School Year 2022-2023. Mother Goose Special School System, Inc. 5. ANG PAGLITAW NG GITNANG URI NG MGA PILIPINO Kabilang sa mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa ay sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Antonio Luna, Felix Hidalgo at marami pang iba. 6. DEKRETONG EDUKASYON 1863 - Pag-aaral sa primary na sapilitan at walang bayad. - Mga itinuturo: Paggamit ng wikang Espanyol, wastong pag-uugali, moralidad, Heograpiya, kasaysayan ng Espanya, Aritmetika, pagsasaka at pag-awit”. - Pagbuburda, paggagantsilyo at pagluluto naman para sa kababaihan. 7. IBANG SALIK NA GUMISING SA DIWANG MAKABAYAN NG MGA PILIPINO - Pagpapalaganap ng isang relihiyon ang Kristiyanismo. - Pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Espanyol. - GOBERNADOR CARLOS MARIA DELA TORRE- 1869-1871 - Ipinakita ni Dela Torre ang demokratikong pananaw sa buhay at nagpakita ng kabutihan sa mg Pilipino. - Pagbitay sa tatlong paring martir ang GOMBURZA Inihanda ng mga guro sa HEKASI MGSSSI: School Year 2022-2023. Mother Goose Special School System, Inc. MGSSSI: School Year 2022-2023

Use Quizgecko on...
Browser
Browser