Aralin 8 Val PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document is a Tagalog lesson plan or notes about values education, particularly focusing on the elements of human actions: purpose, means, and circumstances. It encourages critical thinking about the morality of choices and the impact of actions on others. The document is likely for use within a secondary school setting.
Full Transcript
Aralin: Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at sirkumstansiya ng makataong kilos Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansiya nito. Ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahala...
Aralin: Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at sirkumstansiya ng makataong kilos Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansiya nito. Ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos loob sa paggawa ng moral na pasiya at kilos. Nangangahulugan ito ng pagsaalang-alang kung makakatulong ang hakbang na gagawin upang makamit ang mithiin.Kailangan ang dagdag inpormasyon, paghahanap ng paraan at kahandaang magtiis o maghintay muna upang makamit ang nais.Nagaganap ang ang deliberasyon sa isip at sa puso sa gabay na angking talino at kaalaman ng sitwasyon. Gayundin kailangan ang pagtitimbang-timbang ng mga posibling mangyari kung sakaling gawin ang isa o ang iba pa. Bilang tao na marunong magpakatao, kailangang maging responsable ang bawat pagkilos, pagsasalita at pagsasabuhay ng binibitawang salita. Anuman ang layunin, paraan o sirkumstansiya na maganap sa ating buhay, iiral lang ang makataong pagkilos kung nahubog ito simula pa lang pagkabata. Paulit-ulit na ginagawa ang mabuti. Isinaalang-alang ang mga moral na batas at higit sa lahat may malalim na relasyon sa Maykapal. Ito ang susi upang kumilos nang makatao. Magagawa ito kung pagbabatayan ang halaga ng layunin,intension o paraan- Saan patungo at ano ang nagiging bunga? Isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong: Ito ba ay may pagmamalasakit para sa kabutihan ng nakakarami? Mayroon bang pagbibigay halaga at pagmamahal sa kapwa? Nakapaloob ba rito ang katarungan at paggalang sa karapatang pantao? Magdudulot kaya ito ng pagmamahal, kabutihan, kapayapaan at katarungan? Ano sa iyong palagay ang ibig sabihin ng kasabihan ng mga Pilipino na, “ Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim; ang lumalakad nang dahan-dahan, matinik man ay mababaw.” Sumulat ng latala ukol dito. Reference: freeteaakojessa.wordpress.com Isipin ang dalawang tao na hindi mo malilimutan dahil sa kanilang ginawa sa iyo na naisasaalang- alang ang layunin, paraan at sirkumstansiya sa makataong kilos. Isulat kung paano mo mapalalago ang aspektong itro sa iyong buhay. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao 10,Nenita L. De Vega, Punzalan, Quimbao, Vibal Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Geoffrey Suelo Ogote, SDPH Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Carmelita E. De Guzman, Vicarish Publication