Modyul 2.1 Tekstong Impormatibo (PDF)

Summary

This document appears to be a module on informative texts for secondary school students in the Filipino language, focusing on understanding and creating text that conveys information objectively and accurately.

Full Transcript

TEKSTONG IMPORMATIBO MO DYUL 2.1 LAYUNIN: 1. NAI B AB AHAGI ANG KATANG I AN AT KALIKASAN NG IBA’T IBANG TEKSTONG BINASA ANO ANG TEKSTONG IMPORMATIBO? TEKSTONG IMPORMATIBO U RI NG T EK STO N A AN G PAN G UN AHING LAYU NIN AY MAG B IGAY NG M G A DAT O S AT IMPORMASYON...

TEKSTONG IMPORMATIBO MO DYUL 2.1 LAYUNIN: 1. NAI B AB AHAGI ANG KATANG I AN AT KALIKASAN NG IBA’T IBANG TEKSTONG BINASA ANO ANG TEKSTONG IMPORMATIBO? TEKSTONG IMPORMATIBO U RI NG T EK STO N A AN G PAN G UN AHING LAYU NIN AY MAG B IGAY NG M G A DAT O S AT IMPORMASYON SA M GA MAMBABASA PARA SA KARAGDARAGANG K AALAMAN TEKSTONG IMPORMATIBO UR I NG TE K STONG NAGAGAMIT BIL ANG P ANGU NAHING SANGGU NIAN NG ISANG MANANALIKSIK TEKSTONG IMPORMATIBO ITO AY INAASAHANG TU MP AK , WASTO, NAP AP ANAHON, AT MAK ATOTOHANAN ANG NIL ALAMAN O IMPORMASYON BATAY SA TUNAY NA DATOS AT IP INAHAYAG SA MAL INAW NA P AMAMARAAN. TEKSTONG IMPORMATIBO 1 N AGLALAH A D N G PUNTOS O KAALAM AN TUNGKOL SA ISANG PAKSA 2 KARANIWANG NAGSASAAD NG MGA BAGONG PANGYAYARI, DATOS AT IBA PANG KAALAMANG MAKATUTULONG SA ISANG MANANALIKSIK 3 LAYUNIN NG TEKSTONG ITO NA PATAASIN ANG KAALAMAN NG MAMBABASA TUNGKOL SA ISANG PAKSA O KONSEPTO ANG TEKSTONG IMPORMATIBO AY TEKSTONG DI-PIKSYON O HINDI KATHANG-ISIP LAMANG ANG NILALAMAN GUMAGAMIT ITO KALIMITANG NITO AY MULA NG WIKANG NAGLALAMAN NG SA AKTUWAL NA PORMAL PA GPAPAKAHULUGAN DATOS, AT PAGPAPALIWANAG KATOTOHANAN, O PANGYAYARI MGA BAHAGI NG TEKSTONG IMPORMATIBO PANIM ULA PAM UNGAD NA PAGTALAK AY SA P AK SA GR APHIC AL R EPR ESENTATION AK TUWAL NA PAGTALAK AY SA P AK SA M AHAHALAGANG DATOS PAGBANGGIT SA M GA SANGGUNIANG GINAMIT PAGLALAGOM PAGSULAT NG SANGGUNIAN PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG IMPORMASYON SA TEKSTONG IMPORMATIBO KAHULUGAN PAG -IISA-ISA PAGSUSURI PAGHAHAMBING SANHI AT BUNGA SULIRANIN AT SOLUSYON HULWARAN NG ORGANISASYON NG TEKSTONG IMPORMATIBO P A G BIBIGAY -DEP INISYON NG M GA S A LITANG BA G O S A M A MBABASA PA GBIBIGAY -DIIN S A I S ANG S A LITA UP A NG MA KITA ITO NG M A BILI S P A G LALAGAY NG TA LAAN NG NILA LAMAN, G LO SARI , A T INDEKS P A GGAMIT NG M GA GRAP IKONG P A NTULONG, I LUS TR ASYON, TS A RT, A T LA RAWAN TEKSTONG IMPORMATIBO GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG IMPORMATIBO Layunin ng May-akda Mga pangunahin at suportang ideya Hulwarang organisasyon Talasalitaan Kredibilidad ng mga impormasyong nakasaad sa teksto BASAHIN ANG TEKSTO. TUKLASIN ANG MAHAHALAGANG KONSEPTO AT IMPORMASYON NA NAKAPALOOB DITO PAGHAHANDA NG KASUOTAN PARA SA ISANG PANAYAM SA PAG-AAPLY SA TRABAHO Alam mo ba na 55% ng nabubuong impresyon tungkol sa isang tao ay batay sa kaniyang pananamit? Iyan ang sinabi ni Kim Zoller ng Image Dynamics. Kaya naman mahalagang pag- isipang mabuti ang isusuot tuwing haharap sa mga tao lalo na kung ito ay isang panayam sa pag- aaplay ng trabaho. Kinagabihan bago ang araw ng panayam, ihanda mo na ang iyong isusuot bago matulog. Isaalang-alang kung komportable ba o hindi ang damit na isusuot. Tandaang mas mahalagang maging komportable sa kasuotan kaysa maging maporma. Maaaring isukat muna ang damit at pakiramdaman kung makaaapekto ito sa iyong pagkilos kasama na ang paghakbang. Itaas ang mga kamay upang maramdaman kung komportable sa bandang kilikili at braso. Ipihit ang baywang ng palda o pantalon upang malaman kung sapat lang ang sikip o luwag nito. Sunod na isaalang-alang ang kulay ng iyong isusuot. Para sa kababaihan, mainam ang mga kulay na hindi matingkad sa paningin. Maaaring ang kulay itim sapagkat naghahatid ito ng pakiramdam ng pagiging pormal, samantalang malamig sa paningin ang mga kulay na berde, asul, at puti. Kung magsusuot ng bestida, iwasan ang may mga komplikadong disenyo at masyadong makulay. Maaaring may isa hanggang tatlong kulay lamang ang isang kaaya-ayang damit. Kapag ang kasuotan naman ay blusa at palda o pantalon at blusa, pagparisin ang mga ito ayon sa magkakatambal na kulay mula sa mga pangunahin at sekundaryang kulay. Maaari ding magsuot ng blazer para magmukhang mas pormal ang bihis. Para sa kalalakihan, umiikot lamang ang maayos na kasuotan sa pantalon o slacks, polo na may mahaba o maikling manggas, kurbata, at blazer. Dapat ding isaalang-alang ang tamang pagtatambal ng mga kulay ng isusuot. Ang mga nabanggit na kulay na malamig sa paningin ay maaari ding gamitin ng kalalakihan. Iwasan ang pagsusuot ng masyadong maraming palamuti o aksesorya sa katawan. Para sa kababaihan, sapat na ang pagsusuot ng hikaw. Maaari ding magsuot ng relo. Malaking tulong ang relo upang malaman ang oras at hindi mahuli sa oras ng panayam. Hindi kompleto ang kasuotan kung walang sapatos. Sa pagpili ng isusuot na sapatos, sapat na para sa kababaihan ang isa hanggang tatlong pulgadang taas ng takong. Siguruhing hindi ito masyadong mataas, masikip, o maluwag, at kayang ipanlakad nang maayos. Itim ang karaniwang kulay ng sapatos. Kung hindi man itim na sapatos ang isusuot, maaaring itambal ang kulay nito sa kulay ng iyong gagamiting bag. Para sa kalalakihan, pormal na sapatos ang dapat isuot. Iwasan ang pagsusuot ng sapatos na goma. Dapat din itong malinis at komportable sa mga paa. Matapos magbihis, tumingin sa salamin at tingnan kung maayos ang sarili sa suot na damit. Tingnan din ang buhok at ayusin ito. Nakadaragdag ang pag-aayos ng buhok sa pagmumukhang propesyonal. Para sa kababaihan, maaari ding maglagay ng make-up. Bilang panghuli, huwag kalimutang magdala ng bag upang paglagyan ng iyong mga gamit kasama na ang iyong resume at/o portfolio. 1. ANO ANG LAYUNIN NG TEKSTO? 2. ANO-ANONG MAHALAGANG IMPORMASYON ANG NAKUHA MO MULA SA TEKSTO? 3. BATAY SA MAHAHALAGANG IMPORMASYONG NAKUHA MULA SA TESKTO, MASASABI BANG MATAGUMPAY ANG TEKSTO SA LAYUNIN NITO? 4. GAANO KAHALAGA PARA SA IYO ANG MGA IMPORMASYONG NAKUHA MULA SA TEKSTO? 5. MATAPOS BASAHIN ANG TEKSTO, MAY MAITUTURING KA BANG PAGBABAGO SA IYONG PANANAW? ANO-ANO ITO? IPALIWANAG. MGA SANGGUNIAN: Atanacio, H.C., Lingat, Y.S., Morales, Rita D. (2020). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. C&E Publishing, Inc. Quezon City. Pacay III. W.L. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. JFS Publishing Services, Inc. Makati City. Reyes. A.R. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. DIWA Learning System, Inc. Makati City

Use Quizgecko on...
Browser
Browser