Modyul 2: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa (SY 2023-2024) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This module covers political science concepts, focusing on the principles of subsidiarity and unity in Filipino society. It includes questions, activities, and a section on the responsibilities of leaders and citizens in a Filipino political context.
Full Transcript
MODYUL 2 Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa Mahalagang Tanong: 1. Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan? 2. Bakit mahalaga ang pag-iral ng...
MODYUL 2 Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa Mahalagang Tanong: 1. Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan? 2. Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa? #SKL (Share Ko Lang) Lipunang Politikal 1. Alin sa mga salita sa mga bilog na may kaugnayan sa lipunang politikal ang hindi malinaw ang kahulugan sa iyo? Bakit? 2. Bakit mahalagang maunawaan ang kahulugan ng mga salita na iniuugnay mo sa lipunang politikal? #RelateKaBa? Suriin ang mga larawan sa ibaba at tukuyin kung ang mga ito ay naglalarawan sa pagtulong ng pamahalaan sa mga mamamayan o kung ito ay tumutukoy sa mga pagtutulungan ng mga mamamayan sa kapuwa mamamayan bilang katuwang ng pamahalaan. 1. 2. 3. 4. 5. a. Mahalaga bang tulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan? b. Sa palagay mo, anong bilang o aytem ng mga larawan ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity? Alin naman ang ayon sa Prinsipyo ng Pagkakaisa? Bakit? c. Para sa iyo, ano ang kahulugan ng Prinsipyo ng Subsidiarity? Ano naman ang kahulugan ng Prinsipyo ng Pagkakaisa? MODYUL 2 Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa Ang Pamayanan: Isang Malaking Barkada Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon, nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasiya, at mga hangarin na kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng panahon. Lipunang Politikal Pampolitika ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat. Tungkulin ng Pamahalaan: 1. Isatitik sa batas ang mga pagpapahalaga at adhikain ng mga mamamayan. 2. Magtatatag ang pamahalaan ng mga estruktura na maninigurong nakakamit ng mga tao ang kanilang batayang pangangailangan. 3. Mag-iipon, mag-iingat at magbabahagi ng yaman ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbubuwis at pagbibigay serbisyo. Tungkulin ng Pamahalaan: 4. Sa ugnayang pang-mundo, ang pamahalaan ang mukha ng estado sa internasyunal na larangan. 5. Ang pamahalaan ang magpapatupad ng batas upang matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan sa pagiging produktibo ng lipunan. Isang Kaloob ang Tiwala Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala. Ito ay ang pagkakaloob ng tao sa kapuwa nila tao ng tiwala na mamuno sa kanila dahil sa nakikita nilang husay at galing ng mga ito sa pamumuno at pangangasiwa. Totoo ito ngunit kailangang idiin at ulit-ulitin na ang pamamahala ay kaloob ng mga tao sa kapuwa nila tao dahil sa nakikita nilang husay at galing ng mga ito sa pamumuno at pangangasiwa. Kailangan ang pakikipaglaban ng nasa itaas at ng mga nasa ibaba. Kaya’t hindi sa “itaas” patungo sa “baba” ang prinsipyo ng mahusay na pamamahala (good governance). Kailangan ang pakikipagtalaban ng nasa “itaas” sa mga nasa “ibaba.” Ang gagawin ng pinuno ay gusto ng mga pinamumunuan at ang pinamumunuan naman ay sumusunod din sa giya ng kanilang pinuno. Gabay sa ugnayang ito ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity) na pangunahing kondisyon upang maging maayos ang lipunan at makamit ang kabutihang panlahat. Prinsipyo ng Subsidiarity Tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado estado ng buwis, lakas at talino. Prinsipyo ng Subsidiarity Hindi panghihimasukan ng mga lider ng pamahalaan kung paano mapauunlad ng mga mamamayan ang kanilang sarili. Prinsipyo ng Solidarity (Pagkakaisa) Tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan. Pananagutan ng Pinuno at Mamamayan Ang lipunang politikal ay ugnayang nakaangkla sa pananagutan – ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Kasama nito ang pananagutan ng mga kasapi ng lipunan na maging mabuting kasapi nito. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan. Pananagutan ng mga Pinuno Kailangan pa ring magsalita kahit isang mumunting tinig lamang ang sa iyo. Hindi mabubuo ang marami kung wala ang iilan. Sa kabila ng dunong ng pinuno at/o ng mayorya, kung minsan, mula sa isang salungat na opinyon isinisilang ang pinakamahusay na karunungan. Pananagutan ng mga Pinuno Ang pagtitiwala ay ipinagkakaloob at maaari ring bawiin. Hindi utang na loob ng taumbayan sa mga pinuno ang pamahalaan ang kanilang paglilingkod. Baliktad ito: ang kapangyarihan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Pananagutan ng mga Pinuno Ang bayan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang na hiwalay sa kasaysayan ng tao at ng bayan. Nangunguna lamang sila sa grupo, hindi nasa itaas ng iba. Bahagi pa rin sila sa kuwento at kinabukasan ng bayan. Utang na loob nila sa taumbayan na ipinaubaya sa kanila ang pangunguna sa mga hangarin ng bayan. Lipunang Politikal – Proseso ng Paghahanap sa Kabutihang Panlahat Letters are cool! Mercury is the closest planet to the Speaking of craters, many of them Sun and the smallest one in the entire were named after artists or authors Solar System. This planet's name has who made significant contributions to nothing to do with the liquid metal, their respective fields. Mercury takes since Mercury was named after the a little more than 58 days to complete Roman messenger god. Despite being its rotation, so try to imagine how closer to the Sun than Venus, its long days must be there! Since the temperatures aren't as terribly hot as temperatures are so extreme, albeit that planet's. Its surface is quite not as extreme as in Venus, and the similar to that of Earth's Moon, which solar radiation is so high, Mercury has means there are a lot of craters and been deemed to be non-habitable for plains humans Phonological issues Do you know what helps you make your point crystal clear? Lists like this one: ✦ They’re simple ✦ You can organize your ideas clearly ✦ You’ll never forget to buy milk! And the most important thing: the audience won’t miss the point of your presentation Letters classification Consonants Vowels Mercury is the closest planet to Venus has a beautiful name and the Sun and the smallest one in is the second planet from the the Solar System—it’s only a bit Sun. It’s hot and has a larger than the Moon poisonous atmosphere Letters classification Consonants Vowels Mercury is the closest planet to Venus has a beautiful name and the Sun and the smallest one in is the second planet from the the Solar System—it’s only a bit Sun. It’s hot and has a larger than the Moon poisonous atmosphere PAUNANG PAGTATAYA: MODYUL 2, pp. 22-23 (Wastuhan ang inyong sinagutang Paunang Pagtataya) 1. B 6. C/D 2. D 7. B/A 3. A/D 8. D/A 4. B 9. C/A 5. B 10. B Written Output 2 Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagka-unawa at Ano-anong hakbang ang aking kaalamang pumukaw sa reyalisasyon sa bawat konsepto gagawin upang mailapat ang akin? at kaalamang ito? mga pang-unawa at reyalisasyong ito sa aking buhay? 1. 2. 3. Performance Output 2 Panuto: 1. Manuod ng balita sa TV o Online. 2. Itala ang mga kapansin-pansin na eksena sa bawat balita na nagpapakita ng pag-iral o paglabag sa Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa sa loob ng pamilya, paaralan, lipunan sa panahong ito. Sundin ang pormat sa ibaba. PAG-IRAL PAGLABAG EKSENA Subsidiarity Pagkakaisa Subsidiarity Pagkakaisa 1. 2. 3.