Modyul 1 Aralin 1 - Central Luzon State University PDF
Document Details
Uploaded by KidFriendlyConnemara4052
Central Luzon State University
Tags
Summary
This module is about Philippine cinema and society, and the course aims to improve critical viewing and comparative analysis skills. The document explains the roles of Filipino film within society, and delves into the topic of independent films and analyzes the history of Philippine cinema.
Full Transcript
Central Luzon State University Lungsod Agham ng Muñoz 3120 Nueva Ecija, Pilipinas Kagamitang Pampagtuturo sa Kursong FILSOS 1115 – SINESOSYEDAD/ PELIKULANG PANLIPUNAN Mo...
Central Luzon State University Lungsod Agham ng Muñoz 3120 Nueva Ecija, Pilipinas Kagamitang Pampagtuturo sa Kursong FILSOS 1115 – SINESOSYEDAD/ PELIKULANG PANLIPUNAN Modyul 1 Aralin 1: Ang Pelikula at Lipunan Paunang Salita (Overview) Ang SINESOSYEDAD ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa kritikal na panonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng dulog na tematiko ay inaasahang masasaklaw ng kurso ang mga paksang makabuluhan sa pag-unawa ng kontemporaryong lipunang lokal, nasyonal at internasyonal, alinsunod sa pagtanaw sa panitikan bilang transpormatibong pwersa. I. Paglalahad ng mga Layunin ( Objectives ) Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Nabibigyang-kahulugan ang Pelikula at Lipunan. 2. Natutukoy ang gampanin ng Filipino, pelikula sa lipunan. 3. Naiisa-isa ang kasaysayan ng Pelikulang Pilipino. 4. Napahahalagahan ang Filipino at Pelikulang Pilipino. Pagtalakay sa Aralin (Discussion ) Ano ang pelikula at lipunan? Narito ang iba’t ibang depinisyon nito mula sa mga lokal at banyagang aklat at awtor: PELIKULA Kilala rin bilang SINE at PINILAKANG TABING. Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Tinatawag ding Dulang Pampelikula, Motion Picture, Theatrical Film, o Photoplay. Ito ay sining na may ilusyong optikal para sa mga manonood. LIPUNAN Ang lipunan ay binubuo ng pangkat ng mga tao na may magkakahawig na kultura at gawain. Ayon kay Emile Durkheim, ang lipunan ay “isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain” (Mooney, 2011). Sapagkat ito ay buhay, patuloy itong nagbabago sa paglipas ng panahon. Sa pakikisalamuha ng isang tao sa iba pang mga tao sa lipunan, mas nakikilala niya ang kanyang sarili (Charles Cooley sa akda ni Mooney, 2011). Samantala, ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay “kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan” sapagkat mayroong agawan ng limitatadong pinagkukunan yaman. Ang agawang ito ay sanhi ng kagustuhan ng tao na matugunan ang kanilang pangangailangan. Bukod pa rito, ang lipunan ay nabubuo dahil sa sumusunod: a. Isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na ibinabahagi ang iba’t ibang kultura at mga institusyon. b. Ito ay kinapapalooban ng pamilya, mga institusyon at iba’t ibang istruktura sa paligid. c. Pagkakaisa ang pangunahing katangian ng lipunan. d. Tinatawag na malaking pangkat ng tao na may karaniwang nabubuong pag-uugali, ideya, at mga saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing na isang pamayanan o yunit. e. Ito rin ay kinapapalooban ng iba’t ibang relihiyon at mga sekta. f. Kinapapalooban din ito ng kultura na nabuo dahil sa wika. g. Dahil sa pagdami ng kultura ng mga tao ay nabuo ang isang lipunan. Sa mga depinisyon ng Pelikula at Lipunan, ating makikita ang ugnayan nito sa isa’t isa. May malaking gampanin ang pelikula sa lipunan na hindi ito isang katuwaan lamang na kapag ikaw ay walang magawa ay manonood ka sa Youtube, Netflix, Iflix, iWant o kaya naman ay magda-download ka sa Torrent o makihihingi ng kopya sa kakilala ng mga bagong labas na pelikula. Sa halip, maliban sa pagiging isang libangan, ang pelikula ay sumasalamin sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan. Anong pelikula ang iyong madalas panoorin? Karamihan sa mga kabataan sa panahon ngayon, gusto ang mga Ingles na pelikula, K-Drama, Thai BL Series, o mga pelikulang mula sa ibang bansa. Bakit? Marahil ito ang interes nila o kaya naman ay uso o dahil maganda ang editing hindi katulad ng ibang pelikulang Pilipino na “boring” dahil sa panget na tagpuan, hindi marunong ang mga tauhan, jeje ang editing o kaya naman ay palasak na banghay. Nakapanood ka na ba ng Indie Film? Oo o Hindi lamang ang pamimilian. Kapag narinig na Indie Film ang panonorin, maaring ang ilan ay sasabihing “pass muna” o kaya naman ay pina-fast forward doon sa may mga nakakapanabik na eksena (bed scene?). Isa sa maaaring dahilan nito ay dahil nakatatak na sa isipan ng iba na kapag pelikulang Pilipino ang pinag-uusapan ay puro hindi maganda ang nilalaman. Ngunit nasubukan mo na bang manuod ng isang Indie Film? Hindi mo ba nakikita ang halaga ng mga mensaheng nais iparating nito sa ating mga kapwa Pilipino? Kadalasan, ang mga tagpo sa mga pelikulang Pilipino ay nagpapakita ng tunay na buhay ng mga mamamayang Pilipino sa bansa kaya hindi nawawala ang mga ibang Rated SPG. Bilang salamin ng lipunan, ipinapakita ng pelikula ang mga kaganapan sa lipunan na maaaring hindi alam o hindi inuunawa ng mga nakakakita. Sa pamamagitan ng pelikula, nabubuksan ang isip ng manunuod sa iba’t ibang isyung panlipunang maaaring hindi napagtutuunan ng pansin ng madla. Dahil sa mga ito, hindi kaya minumulat lamang tayo ng pelikula sa kung ano nga ba ang lipunang Pilipino at binibigyan tayo ng pagkakataon bilang isang mamamayan ng bansa na tuklasin kung ano ang ating magagawa? FRAMEWORK NG SINESOSYEDAD/ PELIKULANG PANLIPUNAN Filipino bilang midyum ng adbokasing panlipunan. Filipino bilang wika ng midyang popular at mga kilusang panlipunan. Pelikula bilang interesanteng materyal na panturo at daluyan ng kulturang popular. Pelikula bilang paraan ng pag-unawa sa iba’t ibang perspektiba, kultura at lipunan. May gampanin ang wikang Filipino upang magising ang Pilipino sa pagiging dugong makabayan. Maaari nating gamitin ang midya o pelikula bilang instrumento para maipaunawa natin sa mga Pilipino ang kultura at ang lipunang kanilang ginagagalawan. Adbokasing panlipunan (social advocacy): anumang positibong pagbabago na itinataguyod ng mga mamamayan para sa kapakanan ng nakararami sa lipunan. Kilusang panlipunan (social movement): (mga) pangkat ng mga mamamayan na nagtataguyod ng positibong pagbabago para sa kapakanan ng nakararami sa lipunan. Filipino: Wika ng Midyang Popular Ginagamit na ng buong bayan. Pangunahing wika na rin sa midya. Mga maiipluwensiyang palabas sa telebisyon na nagpapakita ng gampanin ng wikang Filipino sa mamamayan. Ginagamit ito upang makapagbigay ng mga impormasyon at kawilihan sa sambayanan. Filipino: Mabisang Midyum ng Adbokasing Panlipunan Wikang Filipino ang ginagamit ng mamamayang Filipino upang iparating sa mga nakataas at sambayanang Pilipino ang kanilang mga saloobin. Mga Sandigan ng Filipino at Adbokasing Panlipunan Mga awit ng/sa protesta Tulansangan; tulagalag Posisyong papel, resolusyon, manipesto, praymer ng mga kilusang panlipunan Teatrong panlansangan Mga pelikulang may kabuluhang panlipunan (social relevance) at nagpapataas sa kamalayang panlipunan (social consciousness) Milenyal: Henerasyong Mas Biswal Maikli ang attention span lalo na sa lektura Ipinanganak sa panahong napapaligiran na sila ng gadget atbp. (digital natives sila) (Medyo) tamad magbasa ng teksto KAYA, mabisang materyal na panturo sa kanila ang mga pelikula. Naunawaan na ninyo kung ano ang gampanin ng wikang Filipino at pelikulang Pilipino sa ating lipunan. Tunay na mahalaga ang bawat isa upang magkaroon tayo ng mas malawak na pang-unawa sa ating lipunang ginagalawan. Narito ang kasaysayan ng Pelikulang Pilipino upang inyong makita kung paano ito umunlad sa paglipas ng mga panahon. Kasayasayan ng Pelikulang Pilipino 5. Huling Bahagi ng Panahong Kastila 1897 Ang pagdating ng pelikula sa Pilipinas. Un Hommo Au Chapeau (Kalalakihang may Sumbrero) Une Scene de danse Japonaise (Isang Eksena sa Sayawang Hapones) La Place l' Opera (Ang mga Boxingero) 1898 (Mga kuha ni Antonio Ramos) Panorama de Manila (Tanawin sa Manila) Fiesta de Quiapo (Pista ng Quiapo) Puente de Espania (Ang Tulay ng Espanya) La Ecsenas de la Callejeras (Ang Sayawan sa Kalye) 1899 - Battle of Baliwag, Banaue Rice Terraces 1900 - Cock Fight 6. Panahon ng Amerikano 1900 Walgrah -ang nag palabas ng ilang mga Pelikula sa Pilipinas, nagbukas siya ng sinehan na nagngangalang Cine Walgrah (unang sinehan) sa No.60.Calle Santa Rosa sa Intramuros. Gran Cinematografo Parisen - ikalawang sinehan tinayo ng isang Kastilang negosyante na nagngangalang Samuel Rebarber. 1903 Gran Cinematograpo Rizal - isang Pilipinong nagngangalang Jose Jimenez ang nagtayo ng isang sinehan. 1905 - The Manila Fire Department, Celebration of Rizal day, Escolta Manila 1910 - ang unang pelikula na may tunog ay nakarating sa Manila sa kagamitan na Chronophone; ang mga Briton na kumukuha ng pelikula ay pumunta sa Pilipinas. 1912 – Lumabas ang unang ‘silent picture’’, ang “Vida de Rizal” nina E M. Gross at A. W. Yearsley 1914 Ang US Colonial Goverment ay gumagamit na ng pelikula sa paghahatid sa Edukasyon at Propaganda. Nag-aangkat din sila ng Pelikula mula sa Europa, ngunit ng sumapit ang Unang Digmaang Panaigdig, ay pansamantalang itinigil ito. 7. Unang Pelikulang Pilipino 1919 - Opisyal na Simula ng Pelikulang Pilipino Dalagang Bukid Kauna-unahang pelikula na gawa ng Pilipinas ipinalabas sa diresiyon ni Jose Nepomuceno (Ama ng Pelikulang Pilipino), sa produksiyon ng Malayan Movies isa sa mga pinakapopular na sarsuela na sinulat ni Hermogenes E. Ilagan (Ama ng Zarzuelang Tagalog) 1929 Syncopation - isang kaunaunahang pelikulang may tunog ay ipinalabas sa Radio Theater sa Maynila sa Plaza Sta.Cruz 1930 taong pagtuklas na ang pelikula ay maaaring bagong anyo ng sining Collegian Love (nilapatan ng tunog sa pamamagitan ng dubbing o Talkie) 8. Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ng Pananakop ng Hapones 1940's Nasira ang maraming kagamitan sa panahon ng digmaan; bumuhos ang Hollywood films na free of tax Lumitaw ang war films o Digmaan ang nagdala sa pelikulang pilipino ng kamalayan sa realidad na kung saan hindi nailahad sa mga naunang pelikula. Nagbenepisyo ang industriya ng teatro. o Dugo ng Bayan, Guerilyera, Walang Kamatayan (1946) 1950's Tinaguriang Gintong Panahon ng Pelikulang Pilipino Taong nag-mature at mas naging malikhain ang mga pelikula Ginawang monopolyo ang industriya ng pelikula na pumigil sa pagbuo ng mga indie film. Ipinangan ang production companies na Sampaguita, LVN Pictures, Premiere Productions at Lebran International. Anak Dalita (1956) Nabuo ang award giving bodies: Maria Clara Awards (1950) FAMAS (Filipino Academy for Movie Arts & Sciences) Awards 1960's Tanyag ang mga pelikulang aksyon. Nakilala ang bagong genre na bomba. Nagsara ang Lebran, Premiere Productions at LVN. Umusbong ang Regal Films. Sarhento Salcedo (1960), Trudis Liit (1963), Mansanas sa Paraiso (1965) 1970's – early 1980's Ginamit ang mga pelikula bilang propaganda laban sa Martial Law. Nauso ang “movie idols” Mga nakilalang bagong direktor dahil sa paksang nagapapakita ng katotohanan ng buhay (Lino Brocka, Behn Cervantes, Ishmael Bernal) Tinimbang Ka Ngunit Kulang(1974) ni Lino Brocka Nagpapakita ng magkakaibang mukha ng pang-aalipin sa lipunan; piyudal na kaayusang nabubulok na at papatay sa mga pwersang mag-aalis dito Ipinagbawal ang mga pelikulang bomba at tungkol sa pulitika. “Wet look” Nausong konsepto sa panahong ito. Mga sumikat na pelikula: Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa (1974), Nympha (1971), Burlesk Queen. Late 1980's to 1990's Naisaalang-alang ang kalidad ng mga pelikula. Teen-oriented at komedya ang mga nausong genre. Lumabas ang Star Cinema at GMA Films. Jose Rizal at Sa Pusod ng Dagat (1998), Muro Ami at Esperanza: The Movie (1999) 9. 2000s o Digital at experimental cinema o Rebirth of Philippine cinema. Muling nakapukaw ng pansin ang indie films. Nauso ang romantic comedy. Digital at cinematic cinema 2006 Nagsimulang gumamit ng digital media Anak (2000), Magnifico (2003), One More Chance (2007), Caregiver (2008), RPG Metanoia (2010). Sa paglipas ng mga panahon mas lalong nagiging maunlad ang pelikulang Pilipino sa ating bansa. Sanggunian (References) Ang modyul na ito ay orihinal na akda/gawa ni Bb. Baby Jean VC. Jose mula sa Departamento ng Filipino. Ito ay dinagadagan/nirebisa lamang para sa klaseng ito. Arrogante, Jose A. 1991. Mapanuring pag-aaral ng panitikang Filipino. Quezon City: National Book Store, Inc. Batnag, Aurora E. 1988. Panunuring pampanitikan II. Maynila: Linangan ng mga wika sa Pilipinas Villafuerte, Patrocinio V., et.al. 2006. Literatura ng mga rehiyon sa Pilipinas. Valenzuely City: Mutya Publishing House, Inc. www.facebook.com/TANGGOLWIKA http://rosiefilipino10.weebly.com/teorya-ng-pampanitikan.html#/ https://www.slideshare.net/JohnJarremPasol/mga-pananaw-at-teoryang- pampanitikan https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003 https://melodymular.wordpress.com/2011/06/12/mga-teoryang-pampanitikan-at- mga-uri-nito/ https://www.slideshare.net/delcriz/pelikula https://cupdf.com/document/kasaysayan-ng-pelikulang-pilipino.htm