Mga Kaharian ng Timog-Silangang Asya (PDF)

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng isang pag-aaral ng mga kaharian ng Timog-Silangang Asya, kabilang ang kanilang mga pinagmulan, impluwensya, at pagbagsak. Kasama sa mga kahariang tinalakay ang Vietnam, Champa, Funan, Angkor, Pagan, Ayutthaya, at Toungoo. Ang lahat ng mga kaharian ay may natatanging mga katangian at gumanap ng mahalagang papel sa rehiyon.

Full Transcript

MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA Vietnam, Champa, Funan, Angkor/Khmer, Pagan, Ayutthaya, Toungoo\ \ **Kaharian ng Vietnam**\ Napasailalim sa China ang kaharian ng Tongking na matatagpuan sa Hilagang Vietnam noong 111 B.C.E.\ \ Lumaya ang mga Vietnamese mula sa kapangyarihang Tsi...

MGA KAHARIANG PANGKONTINENTENG TIMOG-SILANGANG ASYA Vietnam, Champa, Funan, Angkor/Khmer, Pagan, Ayutthaya, Toungoo\ \ **Kaharian ng Vietnam**\ Napasailalim sa China ang kaharian ng Tongking na matatagpuan sa Hilagang Vietnam noong 111 B.C.E.\ \ Lumaya ang mga Vietnamese mula sa kapangyarihang Tsino noong 939 C.E.\ Bandang ika-15 siglo, nasakop ng mga Vietnamese ang Kaharian ng Champa na nasa timog at gitnang bahagi ng Vietnam.\ \ **Kaharian ng Champa\ **Namayagpag ang Champa sa Timog at Gitnang bahagi ng Vietnam. Nakipagkalakalan ang mga Champa sa mga Indian at kumalat ang impluwensyang Indian. Makikita ito sa pagkalat ng wikang Sanskrit at relihiyong Hindu at Buddhist. Bumagsak ito noong ika-15 siglo matapos masakop ng mga Vietnamese. **\ Dinastiyang Le\ **Ang Cham -- Dai Viet War noong 1471 o ang pananakop ng mga Vietnamese sa Champa ay isang military expedition na inilunsad ni Lê Thánh Tông ng Dai Viet sa ilalim ng Le Dynasty na itinuturing na dahilan ng pagbagsak ng Champa. **\ **Po Nagar Cham Towers\ The name of Po Nagar Cham Temples means "the mother of the country"\ Bagamat nasakop lamang ng China ang Hilagang Vietnam sa pamamagitan ![](media/image3.jpg) ng pwersa, tumanggap at nag-angkop ang mga Vietnamese ng kulturang Tsino. Ang sistema ng pagsusulat, paggamit ng apelyido, pag-uugaling batay sa etikang Confucian, Mahayana Buddhism, at ang iba pang kaugalian at pamamaraan ay impluwensya ng China. **Kaharian ng Funan\ **Mula sa pagiging isang pamayanan sa dulong bahagi ng Timog Vietnam ay naging malakas ang kapangyarihan ng Funan dahil sa tulong at impluwensya ng kulturang Indian at China. Ibinigay sa mga pinuno nito ang katayuang banal (divine status) bilang "Hari ng Kabundukan" (phnom, Funan).\ \ Sa pagsapit ng ikaanim na siglo, ang pagiging makapangyarihan ng Funan sa Cambodia ay naagaw ng mga Khmer, na tinatawag ding Chenla ng mga Tsino. Ang pagbagsak ng Funan ay sinasabing simula ng pamamayagpag ng kabihasnang Khmer. **\ Imperyong Angkor o Khmer\ **Sa lahat ng kahariang tumanggap at nag-angkop ng impluwensyang Indian, ang Imperyong Angkor o Khmer ang maituturing na pinakatanyag.\ \ Namayagpag ito mula 800 hanggang 1400 C.E. Sa panahon ng pamamayani ng Khmer, ang naging sentro nito ay Cambodia. Sakop nito ang bahagi ng Thailand, Laos, at Timog Vietnam. Ipinatayo ng unang haring Angkor na si Jayavarman II ang unang kabisera ng imperyo noong unang bahagi ng ikasiyam na siglo. Tinawag itong Angkor Thom.\ \ Ang **Angkor Thom** ay isang maringal na lungsod na sa gitna ay matatagpuan ang Bayon na isang marangyang templong punung-puno ng mga larawang nililok. Ang tema ng mga larawan ay mga eksena sa buhay-Khmer at mga kwentong hango sa mitolohiya at Alamat na Hindu.![](media/image10.jpg) Itinuturing namang pinakadakilang templo ng kabihasnang Angkor ang Angkor Wat. Ito ang nagsilbing pangalawang kabisera ng imperyo. Itinuturing itong pinakamalaking templo sa buong mundo. ![](media/image8.jpg) Ipinatayo ni Suryavarman II ang Angkor Wat noong unang bahagi ng ika-12 siglo. Halos kahawig ng Angkor Thom ang pagkakaayos at istruktura ng Angkor Wat sapagkat parehong hango sa kosmolohiyang Hindu ang konsepto ng mga nasabing templo, subalit ang arkitektura ay Khmer.\ \ Mahalaga ang papel ng mga hari ng Angkor. Maliban sa pagtatayo ng mga templo, katungkulan nila na magtayo rin ng mga irigasyon upang masiguro ang masaganang ani. Kailangan ng mga deposito ng tubig o reservoir na tinatawag ding baray upang tustusan ang pangangailangan ng tubig sa pananim kahit sa panahon ng tag-init.![](media/image19.jpg) Ang Angkor Thom at Angkor Wat ay mga dakilang templo ng mga haring Khmer. Nagsisilbi itong libingan ng mga hari pagkamatay nila.\ Halimbawa, si Suryavarman II ay inilibing sa Angkor Wat at sinamba bilang si Vishnu pagkamatay niya. Bumagsak ang Imperyong Angkor bandang kalagitnaan ng ika-15 siglo bunga ng patuloy na pakikidigma sa mga Thai na nang lumaon ay nagtatag ng isa ring makapangyarihang imperyo, ang Ayutthaya.\ \ **\ Kaharian ng Pagan\ **Bandang ika-11 siglo ay umusbong sa Hilagang Burma ang isang kaharian na tinawag na Pagan. May tatlong pagkakahawig ang Kaharian ng Pagan sa Kaharian ng Khmer.\ \ Una, ang pagiging pamayanang agrikultural nito na kayang tumustos sa pangangailangan ng malaking populasyon. Ikalawa, ang pagkakaroon ng kahanga-hangang arkitekturang makikita sa mga itinayong monumento. Ikatlo, ang pagbagsak ng kaharian dahil sa paglakas ng mga Tai (Thai sa modernong panahon).![](media/image11.png)![](media/image16.jpg) Ang mga hari ng Pagan ay may kanya-kanyang ambag sa kagalingan ng kaharian. Ang unang hari ng Pagan na si Anawrahta (1044-1077) ang pinaniniwalaang nagpalawak ng teritoryo.\ Isa sa mahahalagang hari ng Pagan si Kyanzittha (1084-1112). Itinayo niya ang Shwezigon Stupa at Nanda Temple. Humina at bumagsak ang Pagan sa pagpasok at pamamayagpag ng mga Tai. **\ Kaharian ng Ayutthaya\ **Sa pagtatapos ng Pagan, nakilala ang isang malakas na imperyo sa bahagi ng kasalukuyang Thailand. ![](media/image12.png) Ito ay ang kaharian ng Ayutthaya na itinatag ni U Thong. Mula sa mangangalakal na pamilyang Tsino, ginamit niya ang pangalang Ramathibodi upang pamunuan ang Ayutthaya.\ \ Pinalaganap ni Ramathibodi ang Theravada Buddhism. Binuo niya ang dharmasastra, isang kodigong legal batay sa tradisyong Hindu at Tai.\ \ Ito ang batayan ng batas sa Thailand hanggang sa ika-19 na siglo. Sa panahon din niya, napasaialalim pansamantala ang Angkor sa Ayutthaya.\ \ Ang kaharian ng Ayutthaya ay mayroon pa ring pamana hanggang sa kasalukuyang panahon. Ito ay makikita sa\ Sa patuloy na pakikidigma sa Burma ang dahilan ng ![](media/image4.jpg) **Dinastiyang Toungoo\ **Ang Dinastiyang Toungoo ang naghaharing dinastiya sa Burma (Myanmar) mula kalagitnaan ng ika-16 na siglo hanggang 1752.\ \ Ang mga unang haring nito na sina Tabinshwehti at Bayinnaung ay matagumpay na napagsama-sama ang Kaharian ng Pagan noong 1287.\ \ Sa rurok ng pamamayagpag ng Dinastiyang Toungoo, tinagurian itong pinakamalaki at pinakamalakas na imperyo sa kasaysayan ng Timog-Silangang Asya. ![](media/image14.png)![](media/image2.png) Ngunit ito ay bumagsak, 18 taon pagkatapos ng kamatayan ni Bayinnaung.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser