M1_KalikasanAtSimulainNgRetorika-1.ppt PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
De La Salle Lipa
Tags
Related
- What Do Students Need to Know About Rhetoric PDF
- Retorika (Tagalog) PDF
- YUNIT 1-RETORIKA- Depinisyon at Kahalagahan PDF
- MIDTERM REVIEWER (Fil 103) PDF
- COMM 10 - Critical Perspectives in Communication: Module 2 Rhetoric and the Logic of Persuasion PDF
- Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino (Kabanata 3, Modyul 2) PDF
Summary
This presentation discusses rhetoric, focusing on its nature and importance in communication. It highlights the various aspects of rhetoric, including its role in creating impactful messages and its evolution over time.
Full Transcript
Kalikasan at Simulain ng Retorika MODULE 1 - MASIPAG De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Ano ang Retorika? Ito ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinukoy kung maganda o kaakit-ak...
Kalikasan at Simulain ng Retorika MODULE 1 - MASIPAG De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Ano ang Retorika? Ito ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinukoy kung maganda o kaakit-akit ang pagsususlat at pagsasalita. (Sebastian, 1967) Maaari rin itong tawagin bilang pag - aaral o kahusayan ng isang indibidwal sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagsulat o pagsasalita. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Ano ang Retorika? Nagmula sa salitang Griyego – Rhetor, na ang ibig sabihin ay guro o nanganghulugang magaling na orador o mananalumpati. Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Ano ang Retorika? Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin. Isang aspeto o kasanayang napag-aaralan o natututunan at nalilinang. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Saklaw ng Retorika: De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Gampanin ng Retorika: 1. Nagbibigay daan sa komunikasyon Ano man ang ating naiisip, nadarama ay maari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na mauunawan ng ibang tao. 2. Nagdidistrak Dahil sa ating pakikining o pagbabasa ng mga akda tayo ay nadidistrak at nadadala sa ibang dimesyon na kung saan nakakalimutan natin ang tunay na suliranin ng ating buhay. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Gampanin ng Retorika: 3. Nagpapalawak ng pananaw Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan tayong bagong kaalaman na mahalaga. Gaya ng nabanggit, ang retorika ay nagsusupling dahilan upang lumawak ang pananaw natin 4. Nagbibigay ngalan, Ang mga bagay sa paligid natin ay dumating ng walang leybel. Dahil sa retorika, halimbawa, ang kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagging colgate. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Gampanin ng Retorika: 5. Nagbigay-kapangyarihan Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagging prominente at makapangyarihan. Isa sa mga mahuhusay na na pulitiko o mananumpalati. Si Ninoy Aquino ay isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig. Ang matatalinong ideya, malalalim na pananampalataya at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at kalakasan. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Mga Aytem ng Mabisang Pagpapahayag: De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Tulad ng awit ang retorika ay may roon ding sining o iba’t ibang paraan o estilo na nalinawan sa ating isipan, damadamin at mambabasa. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Retorika Bilang Isang Sining : 1. Isang Kooperativong sining Hindi maaring gawin ng nag - iisa. Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at tagapakinig sa iisang ideya. 2. Isang pantaong sining Dahil sa ang wika ay midyum ng retorika, pasalita man o pasulat. Dahil dito, ito ay pag - aari ng tao ang retorika ay isa ring sining at pantao De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Retorika Bilang Isang Sining : 3. Isang Temporal na sining Ito ay nababatay sa panahon.Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwhae ngayon at hindi bukas o kahapon. 4. Isang limitadong sining Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong sukdulan o hangganan. Dahil maaring imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Retorika Bilang Isang Sining : 5. Isang may kabiguang sining Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na komplikado dahil sa mga tuntunin na pababago - bago. Sa iba ito ay nagiging frustrating na karanasan. 6. Isang nagsusupling na sining Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. At patuloy- tuloy na napapasa ang kaalaman sa kaniyang kaisipan. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Dalawang Anyo ng Pagpapahayag: 1. Pagsulat Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys ng tayprayter o ng keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng writing output kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o print - out na. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Dalawang Anyo ng Pagpapahayag: Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area “Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.” (William Strunk, E.B White) “Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.” (Kellogg) De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Proseso ng Pagsulat: Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba’t ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay ang mga sumusunod: 1.Pre-writing 2.Writing 3.Revising 4.Editing De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Dalawang Anyo ng Pagpapahayag: 2. Pagsasalita “Ang isang taong epektib na magsalita saharap ng pangkat ng mga tao ay higit namadaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao.” “Ang pagsasalita sa harap ng publiko ay hindi naiiba sa pakikipag-usap nang pribado sa isang tao”. “Ang paglinang sa kasanayang ito ay malamang na magbunga ng mga positibong pagbabago hindi lamang sa iyong personalidad kundi maging sa iyong buhay”. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area “Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partisipant nito. Kung gayon, malaki ang impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon”. “Upang maging isang epektib na tagapagsalita, kailangang may sapat kang kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay.” De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Mga Aytem sa Mabisang Pagsasalita: 1. Tinig 2. Pagbigkas 3. Tindig 4. Kumpas 5. Kilos De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Gramatika: Isang agham sa paggamit ng salita at ang kanilang pag kakaugnay-ugnay. Isinasaalang alang nito ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa isang pangungusap De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area BALARILA: Ay tumutukoy sa pag-aaral ng anyo, uri ng mga salita, tamang gamit ng mga salita, at tamang pagkakaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Tatlong Saklaw ng Pag-aaral ng Wika: 1. Pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita 2. Tamang paggamit ng mga salita 3. Tamang pagkakaugnay ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o ideya. De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area Mga Sanggunian: Bernales, R.A., Carcia L.C., Salvador, J.C., et’al. Mabisang retorika sa wikang Filipino. (pp.3-6) Eugenio, G.,et al.,(2007) Retorika. Masinng na Pagpapahayag (Filipino 3):Manila, Libro Filipino Enterprises Ang ppt na ito ay naretrieved mula sa https://www.scribd.com/presentation/357958401/Module- 1-Kalikasan-at-Simulain-Ng-Retorika De La Salle – Lipa College of Education Arts and Sciences LLA Area