CEDAW: Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (PDF)

Summary

This document discusses the Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW). It outlines CEDAW's goals, objectives, and the steps the Philippines has taken to comply with the convention. The document details CEDAW's aim of promoting gender equality and ending discrimination against women.

Full Transcript

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) CEDAW Nilalarawan bilang International Bill for Women Kilala din bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women kauna-unahan at tanging inter...

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) CEDAW Nilalarawan bilang International Bill for Women Kilala din bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya CEDAW Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 noong UN Decade for Women Hulyo 15, 1980 - pumirma ang Pilipinas sa CEDAW na niratipika ito noong Agosto 5, 1981 Convention of the Rights of the Child kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State parties noong Marso 2005 ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006 Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan? 1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan. 2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailan ma’y hindi nito maaring bawiin. 3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito. 4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo. 5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon nito ang State parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae. Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW? 1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina 2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilan karapatan 3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kondisyon at karampatang aksiyon 4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser