LE_Q3_Filipino-7_Lesson-3_Week-3 PDF

Summary

This document is a Filipino lesson plan for Grade 7, covering Quarter 3, Lesson 3, Week 3. It outlines curriculum content, learning objectives, and materials for Filipino language instruction.

Full Transcript

7 Kuwarter Lesson 1 3 Lingguhang Aralin sa Aralin Filipino 3 Modelong Banghay Aralin sa Filipino Baitang 7 Kuwarter 3: Aralin 3 (para sa Ikatlong Linggo) SY 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit...

7 Kuwarter Lesson 1 3 Lingguhang Aralin sa Aralin Filipino 3 Modelong Banghay Aralin sa Filipino Baitang 7 Kuwarter 3: Aralin 3 (para sa Ikatlong Linggo) SY 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa pilot implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum sa School Year 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan. Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon. Mga Tagapagbuo Manunulat: Joel C. Malabanan, Ph.D (Philippine Normal University - Manila) Tagasuri: Voltaire M. Villanueva, Ph.D (Philippine Normal University - Manila) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMMER National Research Centre Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa [email protected]. FILIPINO/ BAITANG 7/ IKATLONG KUWARTER (ARALIN 3 - para sa Ikatlong Linggo) I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, malikhain, at kritikal na pag-unawa at Pangnilalaman pagsusuri ng mga tekstong pampanitikan sa Panahon ng mga Kastila (Tuluyan at Patula) at tekstong impormasyonal (eskpositori) para sa paghubog ng kaakuhan at pagpapahalagang Pilipino, at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens. B. Mga Pamantayan sa Nakabubuo ng brochure para sa bayograpikal na sanaysay ng isang tauhan sa binasang akda na Pagganap isinasaalang-alang ang elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at etikal na kasanayan at pananagutan. C. Mga Kasanayan at Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa panahon ng pananakop ng Espanya kaugnay ng mga Layuning tekstong pampanitikan. Pampagkatuto - Natatalakay ang mahahalagang pangyayari sa panitikan sa panahon ng pananakop ng Espanyol. - Nasusuri ang mga tema at paksa na ginamit sa panitikan. - Napahahalagahan ang kasaysayan ng panitikan sa panahon ng pananakop. Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa. - Natutukoy ang mahahalagang elemento at detalye sa mga akda. - Naipaliliwanag ang mensahe o pahiwatig at kaisipang nakapaloob sa mga akda. - Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng akda batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng tao. - Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tuluyan) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda. Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika at gamit ng wika sa akda. - Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon. D. Nilalaman Mga Pangunahing Panitikan sa Panahon ng Pananakop ng Espanya Dula, Senakulo, Moro-moro, Sarsuwela, Tibag, Flores de Mayo, Santacruzan, Awit at Korido Mga awit ng rebolusyon laban sa mga Kastila at iba pa Mga Aral ng Katipunan at ang Kabuluhan nito sa Kasalukuyan E. Integrasyon Multikultural na Edukasyon Gamit at Kahalagahan ng Panitikan sa Panahon ng Mga Kastila Pantayong Pananaw ni Dr. Zeus Salazar 1 II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Cabardo, R., Dy, J. L., Ipaz, J. P., & Bejison, R. M. (2022). Tuon-Dunong: Batayang Aklat at Modyul sa Filipino 7. (V. M Villanueva, Ed.) [Filipino]. Johnny and Hansel Publications. Cabardo, R., Dy, J. L., Ipaz, J. P., & Bejison, R. M. (2022). Tuon-Dunong: Batayang Aklat at Modyul sa Filipino 8. (V. M Villanueva, Ed.) [Filipino]. Johnny and Hansel Publications. Craig, A. (1927). Himagsikan ng mga Pilipino Laban sa mga Kastila. https://www.oocities.org/valkyrie47no/ricarte.htm Malabanan, Joel C. (2021). Awit sa Pantayong Pananaw. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=XfVhxOnW6NA Ortiz, A. (2017). Ang Kaligirang Kasaysayan ng Koridong Ibong Adarna. https://allanalmosaortiz.wixsite.com/myportfolio/single- post/2017/02/09/ang-kaligirang-kasaysayan-ng-koridong-ibong-adarna Panitikang Pilipino: Filipino Modyul para sa Mag-aaral 8 Philippine Center for Masonic Studies. (2022). Kartilya ng Katipunan. https://www.philippinemasonry.org/kartilya-ng-katipunan.html Santiago, L. (2007). Mga Panitikan ng Pilipinas. C & E Publishing Inc. Villanueva, V. M. (2018). #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat (Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino. VMV Publishing House. III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO A. Pagkuha ng Unang Araw Limang galleon ang unang Dating 1. Maikling Balik-aral pinamahalaan ni Ferdinand Kaalaman A. GALLEON NG KULTURA: Sa bawat layag ng galleon ay itala ang mga Magellan nang dumating sila halimbawa ng impluwensiya ng mga Kastila sa kulturang Pilipino sa ating lupain noong 1521. Mula 1565 hanggang 1898 ay naging kolonya ng Espanya ang Pilipinas at sa pamamagitan ng Kalakalang Galleon ay nakarating sa ating mga lupain ang impluwensiya sa ating kultura at pamumuhay Ang mga posibleng isagot ng mga mag-aaral ay sa Galleon ng Kultura ay : Fiesta, Moro-moro, Senakulo, 2 Flores de Mayo, Simbang Gabi, Pasyon, Abecedario, B. PAMANANG ESPANYOL Kristiyanismo, Apelyidong Nakatala sa Hanay B ang mga mahahalagang tao at bagay na may Kastila, at marami pang iba. kaugnayan sa naging pamana at impluwensiya ng mga Kastila sa kasaysayan ng pagkabuo ng sambayanang Pilipino. Sa hanay A ay makikita naman ang paglalarawan sa tinutukoy na ambag ng mga Kastila. Pagtapatin ang Hanay Mga Kasagutan: A at Hanay B sa pamamagitan ng pagsulat ng wastong titik sa patlang sa 1. K unahan ng bilang. 2. D (Tingnan ang pahina 4-5 ng Sagutang Papel) 3. O 4. H 5. M 6. C 7. J 8. G 9. F 10. I 11. A 12. E 13. O 14. L 15. N 2. Paglalahad ng Ikalawang Araw Layunin 1.Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, ay maliligaw sa paroroonan”. Mahalagang mabalikan ang nakaraan upang maunawaan ang kasalukuyan. At ang Panitikan ay nagsisilbing dokumentasyon ng mga naganap sa ating bansa sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Sa pag-unawa sa nakaraan ay nakikita natin ang kaugnayan ng nakaraan sa kasalukuyan at napaghahandaan ang hinaharap. Ang mga suliraning kinakaharap natin sa kasalukuyan ay may tuwirang kaugnayan sa mga naging suliranin ng mga ninuno natin. Halimbawa, ang mga magsasakang inagawan ng lupa ng mga prayle sa panahon ng mga Espanyol ay nag-aklas sa maraming pagkakataon hanggang sa pagkabuo ng Katipunan noong Hulyo 7, 1892. Ang paglalantad ni Dr. Jose Rizal ng kanser sa lipunan partikular ang pagsasamantala ng mga prayle at ng gobyerno sa lipunan sa pamamagitan ng mga nobela niyang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay nagdulot ng kaniyang kamatayan at paglakas ng rebolusyon laban sa mga 3 Kastila. Sa kasalukuyan, anong halimbawa ng suliraning panlipunan ang nangangailangan ng solusyon? Paano isasagawa ang solusyon? Isulat sa patlang ang iyong sagot: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ 1. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin A. PAGBIBIGAY-LINAW: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod batay sa pagkakagamit sa sanaysay ni Emilio Jacinto: (Tingnan ang ika-IV sa pahina 6 ng Sagutang Papel) B. LAHAD-DIWA: Anong mahalagang paksa ang inilalahad ng akda at nagbibigay ng paglalarawan sa katangian ng panitikan sa Panahon ng Himagsikan? Ipaliwanag. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Ang Ningning at ang Liwanag Mahalagang matalakay ng ni: Emilio Jacinto guro kung papaanong ang relihiyon ay nagagamit bilang Ang ningning at liwanag ay nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan instrumento ng ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog pagsasamantala ng mga prayle kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Bilang Utak ng Katipunan, Ang ningning ay maraya. Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa papaano kaya ginampanan ni ningning. Sa katunayan ng masamang naugalian. Nagdaraan ang isang karwaheng Emilio Jacinto ang kanyang maningning na hinihila ng kabayong matulin? Tayo’y magpupugay at ang isasaloob 4 ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman isang magnanakaw; tungkulin? Ano ang marahil sa ilalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na ipinahihiwatig ng kaniyang tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban. akda tungkol sa kalagayan ng Pilipinas? Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghirap sa pinapasan? Tayo’y mapapangiti at isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating Malaya ang mga mag-aaral na magpahayag ng kanilang nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y halimbawa basta at may nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay. Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang basehan sa kasaysayan at sa nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. kasalukuyan ang kanilang sagot. Sa pamamagitan ng Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga nayon ay pagkukumpara ay nagagamit namumuhay sa hinagpis at dalita. Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga nila ng kritikal na pag-iisip loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na upang magsuri sa kasaysayan maningning, lalong-lalo na ang mga hari at mga Pinuno na pinagkakatiwalaan ng at kasalukuyan. sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihang sukdang ikanais at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang ito. Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng maningning. Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahinain ng puspos na galang ay ang maliwanag at magandang asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang magpapaningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas na katwiran. Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag magpamalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin, at maliwanag na napapatanaw sa paningin. Ang lumipas na pinapanginoon ng Tagalog ay labis na nagpapatunay ng katotohanan nito. Mapalad ang araw ng liwanag! Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuhang halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan? 5 C. PAGLALAGOM: Gumawa ng kongkretong paglalahad ng mga kaganapan sa bansa. Batay sa mga bahagi ng sanaysay ni Emilio Jacinto. Isulat sa kahon ang sagot. Pangyayari sa Pahayag Mula sa Pangyayari sa Panahon ng mga Sanaysay Kasalukuyan Kastila 1. Ang ningning ay maraya. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ 2. Tayo’y _______________________ _______________________ mapagsampalataya sa ningning. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ 3. Ang kaliluhan at ang _______________________ _______________________ katampalasan ay _______________________ _______________________ humahanap ng ningning upang huwag _______________________ _______________________ magpamalas ng mga _______________________ _______________________ matang tumatanghal _______________________ _______________________ ang kanilang kapangitan. 3. Paglinang at Ikatlong Araw Pagpapalalim Ang bahaging ito ay nakatuton sa paglinang ng pagpapalalim ng pag- unawa ng mga mag-aaral sa konseptong sakop ng aralin. Nakapaloob sa bahaging ito ang pagproseso ng pag-unawa sa aralin (lunsaran), 6 paglinang ng konsepto, at halimbawang pagsasanay o gawain. Ang mga hakbang ay pagtatangka upang maunawaan ang aralin sa pamamagitan ng pagkatuto ng mga konsepto at mga gawain sa mga pagsasanay. Ang prosesong ito ay maaaring magkaiba-iba depende sa ano ang natutuhan at nagawa ng mga mag-aaral. Maaari ring maglaman ang bahaging ito ng mga kaugnay na paksa batay sa nakalaang oras upang matiyak ang ugnayan at pag-unlad ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Iba Pang Anyo ng Panitikan sa Panahon ng mga Kastila Halos lahat ng panitikan sa panahon ng mga Kastila ay nakatuon sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. Ang mga dula tulad ng Senakulo at Moro-moro ay may kinalaman sa pananampalataya. Matutunghayan sa Senakulo ang buhay at kamatayan ni Kristo sa krus at kalimitang itinatanghal ito tuwing Mahal na Araw. Sa mga kapistahan naman kalimitang ipinapakita ang Moro-moro na nagtatampok ng tagumpay ng mga Kristiyano na lupigin ang mga Moro. Isa itong propaganda ng Simbahang Katoliko upang ipakita ang kapangyarihan at superyoridad ng pananampalatayang Kristiyano. Samantala, ang Flores de Mayo ay ginagawa upang dakilain ang Birheng Maria sa buong buwan ng Mayo sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak at prusisyon.. Ginagawa naman ang Santacruzan sa huling araw ng Mayo bilang paggunita sa pagkilala ni Constantine the Great sa Kristiyanismo bilang state religion ng Roman Empire noong ika-300 AD. Sa kasalukuyan ay nagiging animo beauty pageant ito na kinatatampukan ng pagparada ng mga naggagandahang dalaga at nagkikisigang binata. May isang dulang tinatawag na Tibag na ginagawa sa na sa Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, Rizal, at Bicol na ang paksa ay ang paghahanap ni Sta. Elena sa mahal na krus na pinagpakuan at kinamatayan ni Kristo. Bahagi rin ng sinaunang Teatro noong panahon ng mga Kastila ang Sarsuwela na kinatatampukan ng mga dulang may salitan ng pag-awit, drama, o katatawanan. Ikaapat na Araw Sa panulaan ay lumaganap noong ika-17 siglo ang Koridong Ibong Adarna Bagamat tatalakayin din sa na tumatalakay sa paghahanap ni Don Juan sa Ibong Adarna na ang awit ay klase ang Ibong Adarna sa 7 lunas sa karamdaman ng ama niyang si Haring Fernando. Ang estruktura ng Ikaapat na Markahan, Korido ay tulang may tigwawalong pantig bawat taludtod. Ang salitang Korido makatutulong na rin kung may ay galing sa salitang Mehikanong “corridor” na nangangahulugang panimulang pagtalakay na ang “kasalukuyang pangyayari”, ang Mehikanong salitang “corridor” ay mula guro tungkol dito sa Ikatlong naman sa Kastilang “occurido”. Ito’y isang anyo ng tulang romansa na Markahan pa lamang. naglalarawan ng pakikipagsapalaran sa buhay ng mga kababalaghan at Panukalang ipasuri sa mga pantasya, nagpapamalas ng kagitingan, kabayanihan, at pagkamaginoo (Ortiz, mag-aaral ang mensahe ng 2017). Narito ang ilang piling saknong ng Ibong Adarna: bawat saknong upang mapalutang ang kontekstong nais ipahayag ng bawat saknong. Ilan lamang ang mga nabanggit sa halimbawa ng mahahalagang saknong mula sa Ibong Adarna na sumasalamin sa paniniwalang umiiral sa Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Isa pang anyo ng panulaan ay ang Awit na binubuo naman ng tiglalabindalawang pantig bawat taludtod. Ang pinakasikat na awit na nalathala noong 1838 ay ang Florante at Laura na sinulat ni Francisco Balagtas, ang kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog. Kung tutuusin ay tulad ito ng Moro-moro na nagpapakita ng labanan ng Kristiyanong si Florante laban sa Muslim na si Aladin. Sa kabila ng pagkakaiba 8 ng pananampalataya ay magiging magkaibigan sina Florante at Aladin ganoon din ang mga kasintahan nilang sina Laura at Flerida. Ilan sa mga piling saknong ng Florante at Laura ay ang mga sumusunod: D. Paglalahat Mga Elementong Panlingguwistika at Gamit ng Wika sa akda 1. Pormal na Gamit ng Wika – sapagkat ang mga unang paksa ng panitikan noong panahon ng mga Kastila ay panrelihiyon, mapupuna na seryoso at pormal ang gamit ng wika sa mga Pasyon, Ibong Adarna at Florante at Laura. Didactic o waring palaging nangangaral ang estilo ng manunulat. 2. Simbolong Nakapaloob – nakatuon ang mga akda sa pagbibigay ng pagpapahalaga sa kabutihang loob at pananampalataya sa Diyos. Anoumang pagsubok nina Don Juan ay malalampasan at ang kasamaan ay di magtatagumpay at matatalo ng kabutihan. 3. Atake sa Wika – ang paggamit ng wika noong ika-17 at ika-18 siglo ay 9 lubhang iba sa kasalukuyan. Marami sa mga salitang Tagalog noon ang hindi na ginagamit o madalang nang marinig sa kasalukuyan. Ganun pa man, kaya pa ring unawain ng mga mambabasa sa ngayon ang mensahe ng akda sa pamamagitan ng pagsusuri sa konteksto. Ang Ebolusyon ng mga Paksa ng Panitikan sa Panahon ng Pananakop ng mga Kastila Mula sa paksang panrelihiyon na humubog sa kamalayan ng ating mga ninuno ay nalantad pa rin ang katotohanang ang Pilipinas bilang sakop ng Espanya ay hindi malaya. Ang mga ritwal at palabas tulad ng Senakulo, Flores de Mayo, Moro-moro at marami pang iba ay hindi sapat upang pagtakpan ang paghihirap ng mga Pilipinong nakakaranas ng pagsasamantala mula sa mga prayle at mga tagapagpatupad ng batas. Lumilitaw na ang Florante at Laura ay ang may malaking impluwensiya kina Dr. Jose Rizal na dalawang ulit ginamit ang mga saknong ni Balagtas sa nobela niyang Noli Me Tangere at kay Andres Bonifacio na ang estilo ng pagtula ay di nalalayo sa estilo ni Balagtas. Sa panahong umuusbong ang paghahangad ng Kalayaan, ang Albanya sa Florante at Laura ay naging paglalarawan ng Pilipinas at ang mga makabuluhang saknong ni Balagtas ay nagsilbing basehan kung papaano dapat palakihin ang anak (saknong 197-203) at kung bakit ang isang bansang alipin ay dapat ipaglaban (saknong 14-19). Nakapag-ambag ang Florante at Laura sa paghubog ng pananaw ng mga Pilipinong dapat maghangad ng mas mahusay na pamamalakad mula sa gobyernong Kastila at nang di makamit ay nagluwal ng himagsikang 1896. 10 IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA sa GURO A. Pagtataya Ikaapat na Araw Ang bahaging ito ay pagtataya sa pag-unawa sa nilalaman at Mga Kasagutan: naipamalas na kasanayan ng mga mag-aaral. Nakapaloob dito ang mga 1. G gawain para sukatin at tasahin ang nakapaloob sa proseso sa aralin. 2. I Ang iba’t ibang panukat sa anyo ng pagsusulit o pagtatayang 3. N pangklasrum ay posibleng gamitin. Maaaring maging opsiyonal ang 4. K 5. A pagbibigay ng gawaing pantahanan o takdang aralin. 6. O 7. L 1. Pagsusulit 8. B A. Pagtatambal: Suriin kung papaano ginamit ang mga sumusunod na 9. P salita sa mga piling saknong ng Ibong Adarna at Florante at Laura. 10. D Pagkatapos ay hanapin sa Hanay B ang pinakamalapit na 11. M kasingkahulugan. Isulat ang titik ng sagot sa patlang. 12. E (Tingnan ang ang ika-IV sa pahina 9 ng Sagutang Papel) 13. F 14. J 15. H B. Pagbibigay-Linaw: Liwanagin sa pamamagitan ng sariling mga salita ang kahulugan ng mga sumusunod na piling saknong ng Ibong Adarna at Florante at Laura. Sagutin sa pamamagitan nang hindi bababa sa tatlong (3 pangungusap). Masususkat ang kritikal na pag- (Tingnan ang ang ika-IV sa pahina 10-11 ng Sagutang Papel) unawa ng mga mag-aaral sa paksang natalakay kung 2. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin magagawa nilang ikumpara sa Magsaliksik tungkol sa Sarsuwela sa panahon ng mga Kastila. Ikumpara kasalukuyang panahon ang ang mga paksa at paraan ng pagtatanghal ng mga noontime shows at kalagayan ng Panitikan noong teleserye sa kasalukuyan sa panitikang itinatanghal noong Panahon ng Panahon ng Pananakop ng mga mga Kastila. Sumulat ng isang makabuluhang sanaysay na hindi bababa Kastila. sa sampung pangungusap. (Tingnan ang ang ika-IV sa pahina 12 ng Sagutang Papel) Ang lalim at lawak ng malilikhang sanaysay ng mga mag-aaral ang magtatakda ng lalim at pag-unawa nila sa paksa. 11 B. Pagbuo ng Anotasyon Itala ang naobserhan sa Ang bahaging ito ay Epektibong Problemang Naranasan pagtuturo sa alinmang oportunidad ng Pamamaraan at Iba pang Usapin sumusunod na bahagi. guro na maitala ang mga Estratehiya mahalagang obserbasyon kaugnay ng naging pagtuturo. Dito idodokumento ang naging karanasan Kagamitan mula sa namasdang ginamit na estratehiya, kagamitang panturo, pakikisangkot ng Pakikilahok ng mga mga mag-aaral, at Mag-aaral iba pa. maaaring tala rin ang bahaging ito sa dapat maisagawa o At iba pa maipagpatuloy sa susunod na pagtuturo. C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: Ang bahaging ito ay patnubay sa guro ▪ Prinsipyo sa pagtuturo para sa pagninilay. Ang mga maitatala Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa sa bahaging ito ay aralin? Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? input para sa gawain sa LAC na ▪ Mag-aaral maaaring maging sentro ang Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? Ano at paano natuto 12 pagbabahagi ng ang mga mag-aaral? mga magagandang gawain, pagtalakay ▪ Pagtanaw sa Inaasahan sa mga naging isyu at problema sa Ano ang aking nagawang kakaiba? pagtuturo, at ang inaasahang mga Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? hamon. Ang mga gabay na tanong ay maaring mailagay sa bahaging ito. 13

Use Quizgecko on...
Browser
Browser